Chapter 3

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 3

 

"Ang sungit sungit talaga ng teacher natin sa philo!" Reklamo ni Jisoo habang nag-uunat pa, kakatapos lang ng subject namin sa philosophy. At napag-alaman namin sa chismosa naming kaklase na si Nayeon na hindi raw makakapasok ang teacher namin sa oral com kaya naman ayun, nagliliwaliw na ang mga kaklase namin.

 

Wala yung cake girls, mga busy person talaga, eh. Si Joy nga isang linggo na ang nakakalipas simula nung kinuha ang number ko, hindi pa rin ako tinetext about doon sa favor niya. Hindi naman sa atat ako, okay. Pero ayun, nag-hi naman siya sa akin at sinabing i-save ko raw ang number niya which I already did naman nung tinext niya ako at nagpakilala siya.

 

After that, hindi na siya nag-text at inisip ko nalang na busy siguro talaga sila. Ikaw ba naman ang may i-manage na clubs, tapos officer pa at may sports pa kamo sila bukod ata kay Wendy. Kaya ayon, iniisip ko palang ang daily routine nila parang ako na yung napapagod, eh.

 

"Sinabi mo pa, matandang binata, eh." Natatawang sabi naman ni Jennie kaya naman natawa na rin si Jisoo habang napapailing nalang ako.

 

Itong dalawang ito talaga, hilig pagtrip-an mga teacher namin. Lalo na pag hindi sila natutuwa, grabe pangbabackstab, mga lukaret talaga. Si Byul naman, kulang nalang pumasok sa cellphone niya, 1 week na siyang ganyan, simula nung ibigay ni Yongsun ang number niya, mukhang textmate na sila, eh. Ngiting ngiti pala si Byul kaya naman naaasar din siya nila Jisoo pero mukha namang wala siyang pake na ngumingiti nalang, mukhang masaya talaga siya. Ganoon ba talaga pag inlove?

 

Napabuntong hininga nalang ako, narealize ko na hindi pa nga pala ako naiinlove. Bata pa naman ako at hindi naman siguro required na mainlove agad agad, diba? Hindi ko alam siguro hindi ko pa talaga namemeet yung tao na makakapagparamdam sa akin ng kung ano ano. Kagaya ng mga nababasa ko, or napapanood ko sa mga romantic movies.

 

Napaisip ako, masarap ba mainlove? Siguro depende sa sitwasyon 'no? At sa taong mamahalin natin. Yun ang sabi nila, eh. Masaya raw mainlove pag mahal na mahal ka rin ng taong mahal mo. Pero that's not the case everytime eh. Kaya nga may one sided love.

 

Napatingin ako sa pinto nang makita na pumasok ang pawisan at hinihingal na si Yeri, naka jersey pa ito, tsaka ko naalala na volleyball player nga rin pala ito kasama si Joy. Mukhang may training sila, ah. Pero isang buwan palang sila nung mag start ang klase, grabe naman. Kailan kaya ang laban nila?

 

Nagulat ako nang tapunan niya ako ng tingin, hindi naman kami close talaga, unlike Joy at Wendy na comfortable akong kausapin. Siya kasi, medyo may pagka Irene pero mas malala talaga ang isang yun. Si Yeri, sabi nga nila may pagka brat daw, at bully, medyo harsh din daw magsalita pero hindi naman niya ako pinapakitaan ng ganun kaya hindi ko alam. Nakakapag usap naman kami, hindi nga lang super dalas at hindi rin naman siya madalas mag approach.

 

Never ko sila inapproach na ako yung mauuna dahil medyo nahihiya pa rin talaha ako at baka isipin ng ibang estudyante trying hard ako na maka close sila at masabihan pang sipsip.

 

Bukod kay Irene, siya kasi nakakausap ko siya madalas na ako ang nag-iinsist pero hindi naman madalas. Hindi mo kasi talaga siya makakausap unless mag first move ka. 

 

Nginitian ako nito kaya naman lalo akong nagulat at napakurap pa, ako ba nginingitian nitong si Yeri? At bakit naman siya ngumiti sa akin? Nag-iwas na rin siya ng tingin at mukhang kinuha niya lang ang hydro flask sa bag niya, sabay dire diretsong lumabas.

 

Inaamin ko naman na maganda siya, wala namang panget sa kanilang apat sa totoo lang. Mukha siyang masungit pero pansin ko na siya ang pinaka baby sa kanilang apat. Pakiramdam ko kahit si Irene may soft spot sa kaniya, eh. Napapansin ko yun dahil madalas niyang ayusan si Yeri, lagi pa niya sinusundan ng tingin na para bang binabantayan. Kahit sila Joy at Wendy, mukhang alagang alaga nila si Yeri kaya naman nakakatuwa ang bond nila. 

 

"Pst, may gusto rin ba sa'yo si Yeri?" At ang bruhang si Jisoo, hindi nga ako nagkamali, inissue na naman ang pag-ngiti sa akin ng dalaga. Grabe talaga mga mata nito, matanglawin, eh. Biruin mo nagdadaldalan sila ni Jennie pero nakita pa pala yun, hinayupak.

 

"Tigilan mo na nga ako, Chu. Nung nakaraan si Joy tapos si Yeri naman ngayon, gusto mo bang masugod talaga ako ng mga nagkakacrush sa kanila?" Pa-irap na sabi ko at nangalumbaba pa. Grabe, ang boring naman. Hindi ko pa nacharge ang cellphone ko at kamalas malasan, hindi ko rin nadala ang powerbank kaya naman wala akong mapagkalibangan. Etong si Jisoo puro pang-iinis pa ang lumalabas sa bibig. Akala ata niya lahat magkakagusto sa akin, parang gago.

"Pwede na rin," Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siraulong 'to talaga, oo. Sa totoo lang, hindi ko iniisip na may something sa mga ginagawa ni Joy dahil ayoko naman umasa at hindi ako pinalaking ganon, isa pa anong alam ko sa mga love love na iyan eh hindi pa nga ako naiinlove? Sobrang impossible rin naman kasi na magkagusto sa akin kahit sino sa apat na yan dahil lahat sila masyadong mataas para sa akin, alam niyo yun? Hindi ko ma reach.

 

"Ang weird lang kasi na parang kakaiba sila umakto pagdating sa'yo." Sabi pa niya na ikinatango naman ni Jennie sa gitna namin. Sa tabi naman ni Jisoo nakaupo si Byul kaya kahilera ko talaga tong tatlong bugok na 'to.

 

"Kung ano ano lang kamo ang nakikita niyo, mga Aling Marites kasi kayo." Natatawang sambit ko kaya hinampas nila akong dalawa. Aray, ha! Tignan mo 'to, pag sila ang nang-aasar parang dimunyu kung makatawa tapos pag sila ang inaano, grabe ang pagka sadista. Hmp.

 

"Naiihi ako, bababa lang ako." Paalam ko sa kanila sabay tayo, inayos ko pa ang bag ko at sinara lahat. Alam ko namang hindi makukuha dahil nandito naman sila. Nagkaroon lang talaga ako trust issues sa school ko dati, lahat ng tarantado nandoon na, eh. 

 

"Samahan na kita?" Tanong ni Jennie kaya naman napangiti ako, hindi niya talaga ako nakakalimutan kahit saan.

 

Ngunit umiling ako, kaya ko naman na. Hindi niya kailangang samahan ako sa lahat dahil ayoko ring dumepende sa kaniya palagi miski sa pag-ihi, jusko. "Hindi na, iihi lang naman. Kwentuhan lang kayo dyan." Sabi ko kaya naman napatango nalang siya at bumalik sa pakikipagdaldalan kay Jisoo.

 

Lumabas agad ako ng classroom at dumiretso sa CR ng building namin na kinabog talaga mga CR sa mall sa ganda. Agad naman akong pumasok sa isang cubicle dahil parang sasabog na talaga ang pantog ko.

 

Naluha luha pa ako nang lumabas na ang ihi ko dahil ganon talaga pag ihing ihi ka na tapos nakaihi ka na 'no? Ang saya sa feeling, parang gumaan pakiramdam mo. Sobrang TMI man pero totoo.

 

Inayos ko na ang sarili at lumabas na sa cubicle after umihi nang magulat ako dahil nakita ko si Irene na nag-aayos ng make up niya. Napalunok pa ako dahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1150 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?