Chapter 1

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Note: This was written 3 years ago, inayos ko lang at dinagdagan pero pasensya na if too common yung plot. Pero I hope you'll still enjoy it. At pakibasa rin mula yung nasa foreword dahil hindi ko na uulitin dito kung ano man ang nilagay ko don. Also if you're not into flawed characters who make mistakes and wrong decisions in life, huwag niyo na ituloy, this story isn't perfect, pati na rin ang characters, because all of us have flaws and that's fine, we're still growing. Ang mga characters sa istoryang ito at ay magkaiba sa kung sino man ang nagpoportray sa kanila sa totoong buhay, keep that in mind.

 

Chapter 1

 

"BAKIT sila nakatingin sa akin?" Mahinang sabi ko habang napakapit na ako sa braso ni Jennie. Napatawa naman sya nang mahina at tumingin sa akin, hinawakan pa niya ang kamay ko para siguro pakalmahin ako dahil natatakot talaga ako, legit. Sa mga sinabi ni Jennie mas naintimidate ako sa kanila tapos ngayon tititigan nila ako nang ganyan? Ano 'to, joke?

 

"Chill there, Montello. Hindi ka naman nila bibitayin." Sabi nya ngunit hindi iyon nakapagpagaan ng loob ko lalo na nang makita ko ang apat na papalapit na sa amin. Pinangungunahan pa nung Irene ba 'yun? Yung pinakamaganda. At yung pinakamasungit daw. President ata 'to, eh, as far as I remember. Napalunok naman ako. Kalma, Seulgi.

 

At teka nga, sya yung nakabangga ko kanina na sobrang sungit ah?!

 

Kaya pala pamilyar ang mukha ng deputa na 'to. Pasalamat talaga sya at maganda sya. President pa pala sya dito kaya shut up nalang ako. Ano bang laban ko? Wala naman akong katayuan dito, isa lamang akong hamak na hampas lupa at nobody kaya naman ayoko na rin mapalapit sa kahit ano pa mang gulo.

 

Gusto ko ng peaceful na pag-aaral hanggang makagraduate at kuhanin ang course na gusto ko sa college and tada, makapagtapos. Ayoko na madikit sa mga taong kagaya nila. Nakakatakot.

 

"Miss." Napalunok ako nang makalapit na sila sa akin at magsalita yung Irene. Maganda ang boses niya, kahit na maririnig mo ang nakakatakot nito na tono. Seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya naman kinakabahang tumingin ako kay Jennie na parang nanghihingi ng tulong. Mukha namang naintindihan nya ako kaya naman tumikhim sya at inakbayan ako. 

 

"Miss President, ano pong problema?" Magalang na tanong ni Jennie dito habang hinimas-himas ang braso ko. Alam nya na kinakabahan ako at naiilang ako dahil bago palang ako at hindi pa ako sanay sa presensya ng cake girls na 'to. Oo cake girls nalang, para kasing ewan may pa name pa sila. Kpop group yarn? Pero syempre sa isip ko lang sinasabi, takot ko nalang ano. Medyo kumalma naman ako dahil alam kong hindi ako papabayaan nitong si Jennie.

 

"Uh, kasi ano. . . kailangan kasi kulay white ang medyas, hindi brown na may design na oso." Nagsalita naman si Wendy sa tabi ni Irene at nginuso pa ang medyas ko, nakangiti rin ito sa amin kaya naman medyo nawala ang kaba ko.

 

Nakakatakot lang naman dito si Irene, eh. Akala ko bubulyawan na nya ako kanina kung makatingin sya. Tapos yung boses nya, napakalamig pa. Hindi pa ako nakaka meet ng tao na kagaya niya. Marami akong kakilala na attitude pero hindi naman katulad niya na parang robot na ata. Hindi pa siya ngumingiti mula kanina. Silang dalawa nung Yeri ba yun?

 

Napatingin naman ako sa medyas ko at awtomatiko na namula ang pisngi ko dahil tama nga 'yung Wendy. Bakit ba kasi ganito ang pinasuot sa akin ng nanay ko? Nakakahiya. Yung medyas ko na kulay brown at may design pang bear. Jusko. Para akong elementary nito, ah. Kaya naman pala ang sama ng tingin sa akin ni Irene nang mabaling ang tingin niya sa gawi ko kanina. Mukhang hinead to toe ako ng ate mo, sabagay tungkulin niya yun at nakasanayan niya na siguro i check ang mga estudyante.

 

"S-sorry." Agad akong nag-bow dahil nahihiya na rin ako, nakita ko naman na nakangiti rin sa akin 'yung matangkad. Eto ata 'yung Joy? Bagay sa kaniya, mukha siyang nagbibigay ligaya sa mga sitwasyon na nakakakaba kagaya nito.

 

"Aww, you're so cute!" She giggled. Nagulat ako nang umusod sya papalapit sa akin at pisilin ang pisngi ko. Namula naman ang tenga ko kaya napangiti rin si Wendy sa tabi ni Joy. Nahihiya akong nag-bow ulit, nakakahiya na. Bakit ba ganito sila? Eto ba 'yung kinatatakutan kanina ng mga estudyante? Eh parang si Irene lang naman ang nakakatakot. Tahimik lang din 'yung Yeri pero hindi naman sobrang madilim ang aura nya hindi katulad ni Irene na halos pagsakluban ng langit at lupa.

 

"Teka transferee ka ba rito? Ngayon lang kita nakita?" Sabi naman ni Wendy, and gave me a warm smile. "At woah, kaklase ka pa namin. Good luck!" Oo nga 'no? Kapareho namin sila ng uniform. Malamang, dahil officer sila dito it means matalino rin sila at responsable kaya naman syempre top section din sila.

 

Kaklase namin sila.

 

Oh my gosh. Bakit kinabahan ako bigla?

 

Kahit na nabanggit na nga pala ito ni Jennie kanina, kinabahan pa rin ako. Paano naman kasi makakalimutin ako at masyadong occupied ang utak ko sa dami ng informations na sinabi sa akin ni Jennie, ngayon nag sink in lahat sa utak ko.

 

Hindi ko alam kung halata bang namumutla ako pero grabe ang kaba ko, parang lalabas na sa dibdib ko yung puso ko, eh.

 

"T-thank you, oo, transferee ako." Ngumiti ako nang kaunti. Iniiwasan ko ang tingin nila lalo na ni Irene. Naiilang ako, nahihiya ako.
May something kasi sa mga tingin niya na hindi ko ma explain, at pakiramdam ko siya yung tipo ng tao na mahirap i-please. BS psych kasi ang kukunin ko sa college at siguro nakasanayan ko na rin basahin yung mga taong first time ko makasalamuha? Pero parang ang hirap niyang basahin, eh. Siya siguro yung tipo na magaling magtago ng emosyon.

 

"So, paano ba 'yan? Iisa lang naman ang room na pupuntahan natin, sabay na kayo sa amin." Tama nga si Jennie, mukhang masayahin at madaling pakisamahan si Joy. Ganun din naman si Wendy, mukha ding mabait at hindi masungit. Pero 'yung Yeri at Irene? Si Yeri, yung itsura nya, mukhang masungit. Wala rin syang sinasabi kanina pa, wala syang imik. Oh well, may mga ganung tao naman, eh. Mukha lang masungit, pero mabait naman pala. Kaya ayoko muna magsalita about sa kaniya dahil tahimik naman siya kanina pa. Pero sabi ni Jennie kanina, may pagka brat at bully raw ito. Pero wala pa naman siyang pinapakita na ganun, basta tahimik lang siya kanina pa.

 

Tapos si Irene naman. . . kakaiba. Ang sungit, tapos 'yung aura nya, nakakatakot. Mukha talaga syang strikto. Hindi na ako magtataka kung bakit kinatatakutan nga sila dito. Lalo na siya. Ikaw ba naman titigan ng ganyan kaganda, tapos mukhang masungit pa. Sobrang intimidating niya sa totoo lang, kaya kahit siguro sino matatakot sa kaniya. 

 

"Pwede ba?" Tanong naman ni Jennie, nakangiti rin ito at inalis na ang pagkakaakbay sa akin. Marahil napansin niya na umokay naman na ako dahil sa mga ngiti na binibigay ni Wendy at Joy sa akin.

 

"Oo naman, why not?" Wendy chuckled, there's a hint of amusement in her eyes pero hindi ko na iyon masyadong tinignan dahil baka macreepy-han pa siya sa akin. "Tara na. Mahuhuli na tayo." Sabi nya at nauna nang maglakad, nginitian ako ni Jennie kaya ngumiti rin ako sa kanya. Kahit na hindi talaga kami nagsasalita, alam namin ang gustong iparating ng isa't isa, kahit na magkatinginan lang kami, gets na niyang nagpapasalamat ako sa pagsave sa akin kanina dahil sa nerbyos.

 

Sabagay, mula pagkabata palang eh magkasama na talaga kami at pinagtatanggol na namin ang isa't isa. Para ko na siyang kapatid at ganon din ang turing niya sa akin.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1147 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?