Chapter 10

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Note: Hello, happy seulrene day kahit na seuljoy chapter to kemerut UWHDJWJWJWHS btw napanood niyo na ba yung ep 1 ng blue birthday? Galing galing ng bebe Yerim natin 'no. If hindi pa, click niyo here. Salamat pala sa nagbibigay sa akin ng karma points kahit na hindi ko gets kung bakit huhu labyu all.

 

 

Chapter 10

 

"Seulgi! Rito!" Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Joy habang kumakaway pa, napangiti naman ako sa kaniya at lumapit sa kinaroroonan niya. Ang ganda ganda ng mga ngiti niya, as usual.

 

"Uy, ano? Kamusta? Aalis na ba?" Tanong ko sa kaniya, tinext niya kasi ako na magkita nalang daw kami sa coffee shop para sabay na kaming pumunta sa SM bowling center, kabado bente nga ako dahil hindi naman ako kagalingan tapos papa ano pa siya sa akin. Si Jennie talaga oo, binanggit pa kasi yun. Pero dahil nga humingi siya ng favor sa akin, hindi ko naman matanggihan. Tsaka kung makakatulong naman ako kahit papaano ay masaya na ako doon.

 

Isa pa, masyado rin siyang mabait sa akin kaya naman gusto ko rin iyon suklian. Tandang tanda ko na siya ang unang naging kaibigan ko sa kanilang apat.

 

"Yes," Ngumiti siya sa akin, para siyang nanalo sa lotto sa mga ngiti niya kaya naman nahahawa nalang din ako. "Sorry ah, hindi ko nadala yung kotse namin. Wala kasi yung driver, eh. May meeting kasi si dad." Hinging paumanhin niya dahil sinabi niyang mag commute nalang daw kami kanina text dahil nga wala siyang driver. Nagresign daw kasi yung original na driver niya dahil pupunta na ito sa ibang bansa.

 

"Wala yun, ano ka ba," Natatawang sabi ko habang kumakamot ng kilay. Iba talaga pag mayaman 'no? Ikinahihingi na nila ng tawad ang pagco-commute. Eh wala naman sa akin dahil ganon naman talaga ang gawain ko araw araw dahil wala naman akong kotse. "Sanay naman ako dahil ganon naman talaga ang transportasyon ko papasok ng school."

 

"Ganon ba? Akala ko kasi magiging uncomfortable ka, eh. Sige tara na." Aya niya sa akin kaya naman tumango ako at naglakad na kami palabas ng coffee shop. "Ay wait, gusto mo ba mag book ako ng grab? Mas okay pala yun, wait." Sabi niya at kinuha na ang cellphone sa bulsa niya at kinalikot na ito. Tututol pa sana ako dahil okay lang talaga sa akin kahit magjeep kaya lang tinikom ko nalang din yung bibig ko dahil baka mas comfortable rin siya maggrab, mayaman pa naman 'to at baka hindi sanay sa siksikan.

 

Syempre kailangan ko rin maging considerate sa mga tao sa paligid ko, hindi naman puro lagi tayo, diba?

 

"Wait nalang natin, ha?" Nakangiting sabi niya kaya naman napatango ako, wala namang problema sa akin. Isa pa, comfortable naman ako sa kaniya, eh. Kahit na tahimik lang kami siguro, eh ayos lang.

 

"Thank you nga pala ulit sa pagpayag na sumama sa akin," Nakita ko ang nahihiyang ngiti niya na ikinangiti ko rin. Ang cute niya naman mahiya. "Need ko lang kasi matuto, eh. Wala naman akong ibang malapitan." Sambit niya, gusto ko sana itanong kung ano ba ang gagawin niya at bakit gusto niyang gumaling sa pagbo-bowling pero I think that's not my business anymore kaya nanahimik nalang ako at tinawanan siya.

 

"It's okay, pero matagal na rin simula nung huli akong nakalaro. Hindi na rin ako kagalingan, kumbaga nangangalawang na ako." Pabirong sabi ko kahit na medyo true naman, hindi na talaga ako kagalingan for sure. Isa pa, hindi naman ako player talaga, naglalaro lang ako dahil sinasama ako ng kaibigan kong si Krystal dati sa t'wing naglalaro siya. Hindi ko nga alam bakit pinagmalaki pa ni Jennie ang bagay na 'to about sa akin, eh. "Kaya wag ka mag-expect masyado sa akin." Nahihiyang sabi ko rin.

 

She gave me a smile, a genuine one. "I'm sure you'll do great, it's you after all, The Great Montello." Natatawang sabi niya kaya naman napatawa nalang ako, inaasar niya kasi akong The Great Montello dahil nakwento na rin ni Jennie sa kaniya yung mga bagay na ginagawa ko, hindi ko alam sa isang yun, parang binubugaw ako kay Joy na hindi ko maintindihan. Nakakahiya na tuloy sa tao. Baka akalain eh inuutusan ko si Jennie na i-angat ako para magpa-impress. Nananahimik ako rito, eh. Parang gago lang.

 

Napatingin ako sa kaniya habang tumatawa siya, sa totoo lang, may something sa ngiti at tawa niya na mapapangiti ka nalang din. Siya yung tipo ng tao na mahahawa ka sa mga tawa, eh. Ang ganda rin ng eye smile niya. For sure marami nang nagsasabi sa kaniya na maganda siya lalo na pag nakangiti siya dahil mukha siyang isang refreshing na prutas. Kung paano siya tumawa, paano mawala ang mata niya sa tuwing ngumingiti siya, kumikinang siya.

 

Pero plain lang. Walang kahit na anong kumikiliti sa tyan ko, walang malakas na pagkabog ng dibdib, mabilis na pagtibok ng puso, namamawis na noo, at namumulang tenga. Wala akong nararamdaman na kahit ano kahit na ang ganda ganda ng mga ngiti niya.

 

Kabaklaan lang ba talaga kaya ko nararamdaman kay Irene ang mga bagay na yun?

 

Kasi kung oo, bakit hindi ko maramdaman kay Joy?

 

Bakit wala?

 

Kahit na gaano pa man kaganda ang ngiti niya, kahit gaano pa man ito nakakahawa, iba pa rin ang tipid na ngiti ng Lariosa na yun.

 

Pero at the same time, Joy's smile makes me happy too. Pakiramdam ko kasi, magiging ayos lang ang lahat sa tuwing ngumingiti siya. She's that kind of person. Parang ang gaan gaan niya lang kasama.

 

"Uy, wag ka ngang ganyan makatingin sa akin!" Sabi niya habang winawagayway ang kamay sa harapan ko dahilan para mabalik ako sa ulirat, "Baka mainlove ka." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya dahil nakangiti siya, ngunit wala naman siyang pasunod na joke hindi katulad ni Irene na sa tuwing may sinasabing ganyan ay laging babawiin.

 

Bakit ba kanina ko pa binabanggit si Irene?

 

Si Joy ang kasama mo, Seulgi. Hindi si Irene. Kaya tigilan mo kakaisip sa kaniya dahil baka kanina pa niya nakakagat ang dila niya.

 

Kay Joy ka magfocus.

 

"Heh, hindi naman. May iniisip lang." Sabi ko sa kaniya, nakuha naman ng mga makulay na cotton candy ang atensyon ko. "Teka lang, Joy, bibili lang ako." Sabi ko sa kaniya, hindi niya naman alam ang tinutukoy ko kaya naman tumango nalang siya. Dali dali akong pumunta doon sa nagtitinda ng cotton candy at bumili ako ng dalawang supot, isang blue at isang pink. Paborito ko talaga 'to lalo na nung bata ako.

 

"Cute mo naman," Saad nito habang nakangiti nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto namin kanina. Wala pa rin yung grab, ah. "Naalala ko yung kapatid ko sa'yo. Mahilig din siya sa cotton candy, eh." Pagkekwento nito kaya naman napatango ako.

 

"Masarap kasi ang cotton candy, paborito ko rin 'to nung bata ako, kaya lang hindi na ako nakakakain dahil wala na rin nagtitinda sa amin. Kaya naman buti nalang nakakita ako ngayon." Parang bata na sabi ko. Naalala ko nung bata ako, umiiyak pa ako sa nanay ko para ibili ako ng cotton candy sa tuwing nagsisimba kami. So nostalgic.

 

"Hindi ako mahilig, pero totoo. May mga pagkain talaga tayo na namimiss natin 'no? Kasi hilig natin nung bata tayo pero ngayon bihira nalang natin makain." 

 

Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya dahil totoo, marami siguro tayong bagay na namimiss na naiwan natin sa pagkabata. Na sa tuwing makikita ulit natin, sobrang saya sa pakiramdam. Ang nostalgic sa pakiramdam.

 

"Nandito na yung grab, let's go!" Anunsyo niya nung may pumarada na kotse sa harapan naman, agad naman akong sumunod sa kanya habang kinakain pa rin yung cotton candy. Hm, sarap. 

 

Mga ilang minuto ang nakakalipas, tapos ko na rin kainin ang cotton candy na tinago ko ang plastic sa loob ng bag ko, ay naramdaman kong kinakalabit ako ni Joy dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

 

Mukha siyang kinakabahan kaya naman napakunot ang noo ko, anong meron? "Okay ka lang ba, Joy?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya, mukha kasi siyang ninenerbyos, eh.

 

"Oo naman!" She smiled a little bit, "Pwede ba tayong mag-picture?" Parang nahihiya pa niyang sinambit habang ang labi niya ay hindi mapakali at ginagalaw galaw niya na para bang nagkakalat siya ng lipstick kahit hindi naman.

 

Napaawang ang bibig ko nang sabihin nya yan, kaya ba siya kinakabahan dahil sa tatanungin niya ako kung pwede kami magpicture? Kaya ba ganyan ang itsura niya dahil lang don? Seryoso ba?

 

"Malamang, tangi!" Kumakamot ang ulo na sabi ko, hindi naman ako takot sa camera 'no. Kung tapatan mo man ako ng camera kahit na hindi ako handa ay ngingiti pa rin ako. Hindi naman ako gandang ganda sa sarili ko pero hindi rin naman ako nuknukan ng pangit. "Okay lang naman sa akin."

 

Napangiti siya at mahinang napa-yes kaya napatawa ako dahil ang cute niya, hindi ko alam bakit ganito ang inaakto niya pagdating sa akin pero masaya naman siya kausap, eh. Magaan talaga siyang kasama.

 

Tinapat niya sa akin ang camera kaya naman awtomatiko akong ngumiti sa harap non, naka ilang picture rin kami na iba ibang pose dahil mukhang mahilig ata sa picture ang isang 'to. Sabagay, maganda naman kasi siya, confident na confident kumbaga. Maganda rin na mahal niya ang sarili niya, pati ang kagandah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1149 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?