Chapter 8

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Note:

Hello, thank you po for the 48 upvotes! I'll mention the upvoters isa isa since kaya naman, Alex_Larson, pulangbulb0l, seurrenetagalog, tyongz, putonijoohyun, spacecaramel, eunxiaoxlove, pastelvelvet, lgbtqjoy, rainbowaffles, sweetssluvrr, seulgirenes, sseulgay, kkurarene, peachdsnw, Adriane_d, ilymwah, YSSR_21222043, ireneology, astralhoe, galactea, gothicbjh, velvetified, beeyerm, aespaseul, aseulthetic, milley, streamrbb, cafehyun, artsyrv, tofuchan, ilyksg, incorrectrene, mamamorene, ashtrielles, streampisayko, seurrenity, alasrene, yamieburger, yuvlvt, yujiminjeongs, bleuhoshi, aes-velvet, luvieyerm, bearchi-, skeeballt, lowkeyseulrene and kang-rene! 

Thank you rin sa mga nag subscribe, I can't mention all of you pero salamat po sa inyong lahat! Pati na rin sa mga laging nagcocomment, hindi ako nakakareply pero nababasa ko po lahat I'm glad na natutuwa kayo sa story ko. Kahit po sa mga silent reader lang, thank you rin po! God bless y'all!

 

Chapter 8

 

Umaga palang ay gising na ako dahil 10am ang call time namin ni Irene, sabi niya kasi ay mag-meet nalang daw kami somewhere pero dahil mabait ako, sinabi ko nalang na ako nalang ang pupunta sa condo niya tutal ay doon din pala kami gagawa, para hindi na kami maghintayan pa.

 

Kahit naman pagabi na nung umuwi kami that night, natandaan ko pa rin kung saan siya nakatira at kilala naman ang tinutuluyan niya rito, kaya naman madali lang akong makakapunta. Isa pa, malapit lang iyon sa school namin.

 

Around 6am ay gising na ako dahil maaga rin ako natulog, hindi na ako naglaro ng codm at hindi na rin ako nagbasa para naman hindi na ako makapagpuyat dahil ayoko namang pati rito ay ma-late ako, nakakahiya naman.

 

Nakapaglaba na rin ako at nakapaglinis ng mga alikabok sa bintana. Wala kasi akong kasama dahil nabanggit ko naman na ang dalawang kapatid ko ay may tinutuluyan malapit sa school nila habang ang nanay naman namin ay may trabaho at umuuwi lang siya minsan pag weekends.

 

Kaya naman no choice talaga kundi ang matutong mabuhay mag-isa. 

 

Mga around 8 ay naligo na ako at nagbihis ng isang maayos na damit, hindi naman para mag-ayos pa ako ng bongga dahil si Irene lang naman ang kikitain ko, tsaka lahat ng damit ko ay simple lang talaga. Hindi naman ako mahilig sa mga sosyalin dahil unang una, walang pera. At pangalawa, hindi naman kami pinalaking ganon na maluho. Ang simpleng mga damit lang ay ayos na sa akin, maganda naman ako kahit saan. Ang kumontra, hindi maaabot yung makating part sa likod niya.

 

Nang matapos na ako sa pag-aayos and when I'm already satisfied with my looks na, agad akong lumabas dala ang cellphone at wallet ko para dumaan sa isang coffee shop dahil nakakahiya naman kung pupunta ako doon na walang dala na kahit ano, hindi ba?

 

Sabi pa naman sa akin ng lola ko dati, maging polite raw ako palagi. Huwag daw ako pupunta sa isang lugar na wala raw akong dala kahit na maliit na bagay lang, lalo na pag inimbita pa ako ng isang kaibigan. Sabi rin niya na huwag daw akong tatanggi sa kung anong iaalok sa akin sa bahay ng kaibigan na yun dahil baka raw maoffend ko sila pag parang ayokong kumain ng galing sa bahay nila. Which makes sense.

 

Buti nalang at affordable and student price ang tinda sa coffee shop malapit dito sa bahay namin kaya naman hindi masyadong sumakit ang bulsa ko, slight lang. 

 

Bumili akong isang coffee at isang hot choco. Bumili rin ako ng isang red velvet cake at isang mocha cake. Bahala nalang kung ano ang mas gusto niyang kainin basta ang gusto ko eh yung hot choco, excited ako medyo dahil matagal na rin akong hindi nakakainom ng hot choco. Natatandaan ko pa kung paano ako gawan ng lola ko rati ng ganon sa tuwing nagrereview ako dahil alam niyang gusto ko iyon. Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakakainom non dahil after niya mawala, parang naging ilap ako sa lahat ng bagay na nakakapagpaalala sa kaniya dahil nasasaktan lang ako. Kaya ayon, naging madalang ang pag-inom ko ng sinasabing inumin.

 

After kong bumili, nag book agad ako ng grab taxi, may kamahalan talaga pero wala naman magagawa, mahihirapan lang ako magjeep ngayon eh, dahil may sale sa SM malapit dito sa amin kaya baman ayon nagdagsaan ang mga tao. So para hindi hassle, mas pinili ko nalang mag grab, hindi pa ako masstress at mahaggard dahil hindi ako makikipagsiksikan.

 

Ayoko rin naman ma-late, nakakatakot pa naman si Irene dahil mukhang ayaw non palagi sa mga nale-late lalo na kung siya ang kikitain. President things, you know.

 

Nang makarating na ako sa tapat ng condo ni Irene, nakita ko siya na nakatayo sa harap ng building at mukhang hinihintay ako, medyo nakatalikod siya sa akin at mukhang hindi pa nakikita ang cute kong mukha. Kanina kasi nang makita kong malapit na kami ay agad ko siyang tinext at sinabing hintayin na ako sa baba. Hindi siya nagreply kaya akala ko ay hindi niya nabasa pero buti naman at nabasa niya pala.

 

Mukha siguro akong ewan dito if ever na wala siya dahil hindi naman ako maalam sa lugar na 'to, ayoko rin pumasok dahil hindi naman ako ang may slot sa building na 'to kundi si Irene. Baka sabihin intruder ako.

 

Lumapit naman agad ako sa kaniya at pinisil ang pisngi niya kaya naman nagulat siya at napatingin sa akin, "Nagulat ako!" Hinampas pa ako nito sa braso kaya naman natatawang napangiwi ako. Aray, ha. Umagang umaga, nananakit si gago. "Hindi kita napansin tapos bigla bigla kang mamimisil." Pairap na sabi nito kaya nag peace sign ako habang hinihimas yung part na hinampas niya. Ang liit liit pero ang lakas talaga mang hampas, eh.

 

"Sorry na, hindi ka kasi tumitingin sa gawi ko habang papalapit ako, eh." Natatawang sabi ko at sinabayan siya sa paglakad papasok. Ang sosyal talaga ng isang 'to, wala, ang yaman yaman niya siguro talaga. Imagine, siya lang naman ang mag-isa pero imbis na sa apartment nalang na kakasya siya dahil mag-isa naman siya, sa condo talaga tumira. Halatang mayaman, eh. Hindi sanay sa mga average lang. Dapat talaga the best sa kaniya, which is tama naman. Deserve niya naman.

 

Nahihiya naman ang kagaya kong hampas lupa. Buti nalang cute ako. 

 

"Ano yang dala mo?" Tanong niya pagkapasok namin sa unit niya. Napansin niya pala ang dala ko. Malamang, Seulgi, ang laki laki. Hindi katulad nung una kong pagpunta na para akong tanga na natatakot umupo, ngayon mas magaan ang pakiramdam ko. "Upo ka." Sabi niya kaya naman umpo talaga ako at nilapag ang binili ko sa center table. 

 

"Wala lang, bumili lang ako dahil ayoko namang pumunta rito nang walang dala," I shrugged at sumandal pa. Feel at home lang. "Ikaw nalang mamili kung anong gusto mong cake basta akin yung hot—" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil agad niyang kinuha ang hot choco at nanlaki ang mata ko nang higupan niya yun without hesitation. Aba't?!

 

"Uy, thanks, gusto ko nito." Nakangiting sabi niya at umupo sa tabi ko, hindi ba nya nararamdaman ang masama kong tingin sa kaniya? Nang-iinis ba 'to? Bakit naman walang habas niyang ininom ang hot choco ko.

 

"Bakit mo ininom yan? Akin yan eh!" Parang bata na sabi ko at ngumuso pa, kumakamot ako sa kilay at nagpaawa pa sa kaniya as if ibibigay niya sa akin yung hot choco pag ginawa ko 'to.

 

"Hindi ako umiinom ng kape, sorry ka nalang. Sana dalawang ganito nalang binili mo." Nagulat ako sa sinabi niya, hindi pala siya umiinom ng kape? Stupid mo naman, Seulgi. Kaya pala inassume niya agad na sa kaniya na yung hot choco. Hindi ko naman kasi alam na hindi siya umiinom ng kape, jusko?

 

Bakit ba wala akong alam? Bakit ba hindi ko iyon natanong sa kaniya nung gabi na nagkwentuhan kami about sa aming mga buhay? Pero sige nalang, tapos naman na, atleast ngayon alam ko na. Mas mabuti na ring sa ganito ko nalaman, baka mamaya bigla ko siyang painumin dahil wala akong alam na hindi niya pala gusto.

 

"Hindi ko naman alam na hindi ka pala umiinom ng kape kaya naman iyon ang binili ko para sayo." Kumakamot ang kilay na sabi ko, mabuti nalang talaga at bumili rin ako hot choco dahil kung dalawang kape ang binili ko, edi ang sad naman. Ngayon, wala namang problema sa akin na magparaya dahil gusto ko rin naman ang kape. Mabuti nalang talaga. Next time nalang ako bibili ng hot choco, alangan naman magpaka selfish ako, hindi ko naman keri yun.

 

"Anong klase kang stalker? Hindi mo pala alam yun." Sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko sabay tingin sa kaniya. Sinasabi nito? Nakahithit na naman ba 'to?

 

"Shabu reveal, Lariosa," Pang-iinis ko rito kaya naman tinapakan ako nito sa paa at napasigaw naman ako sa sakit dahil doon.

 

"Aray! Potangina!" Napahawak ako sa paa ko na tinapakan niya, aba buti nalang nakasapatos pa ako at naka tsinelas siya. Dahil kung naka heels siya baka lumuha nalang ako ng dugo. Sana sinaksak niyo nalang ako.

 

"Serves you right." Sabi niya sabay irap sa akin kaya naman napanguso ako, gusto kong komportable siya sa akin at sinasakyan niya ang mga pang-aasar ko pero grabe mamser, namimisikal na siya. Parang nakakatakot na asarin, baka mamaya bigla nalang pasabugin ang ulo ko. Magliparan nalang yung lamang loob ko, charot, ang brutal. Alexa plays brutal by Olivia Rodrigo.

 

"Ewan ko sayo," I gave her a death glare na ikinataas lang ng kilay nito. Tignan niyo, siya na nga ang nanakit, siya pa rin ang masungit. "Ano bang gagawin na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1149 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?