Chapter 5

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Note: Hello, thank you for all the upvotes, subscriptions, and reads. And for all the positive feedbacks. Very much appreciated. I can't reply to all of you right now but I'm really grateful. 

 

Chapter 5

 

"Saan ka nakatira?" Tanong niya sa akin pagkasakay namin sa mamahaling kotse niya, parang nahiya naman ako na dumikit o sumandal dahil baka madumihan o baka mabaho pala ako tapos mag-iwan ako ng amoy, jusko.

 

Alam ko naman na mayaman si Irene pero hindi ko naman alam na ganire kayaman, eto yung nakita ko sa magazine nung nakaraan na bagong labas na kotse. Meron agad sila? Tapos pang sundo lang sa kanya sa school at umuulan pa, ha!

 

Bigla tuloy akong nanliit lalo at naalala ko ang sinabi ni Jennie nung unang araw ng pasukan.

 

Mahirap daw abutin si Irene.

 

Now I know why.

 

Pakiramdam ko kasi ay abot na abot ko siya sa tuwing nasa school kami. Pero depende pa rin siguro sa sitwasyon. Kahit na may posisyon siya sa council, at sobrang dami niyang inaasikaso, atleast doon pag kinausap ko siya papansinin niya ako agad. Kahit susungitan, atleast doon kahit na mataas pa rin siya sa akin, pakiramdam ko medyo nagkakapantay kami dahil parehas palang kaming estudyante. Lamang siya sa akin sa lahat pero atleast sa school, pareho lang kaming napapasunod ng mga teachers namin, nagpapasa ng homeworks, sumasagot sa recitation at nagrereview para sa quiz.

 

Pero ngayon, parang ang layo niya sa akin. Nakita ko kung gaano pala talaga siya kayaman. Nakikita ko na ang agwat naming dalawa. 

 

Para bang nasampal ako ng katotohanan, na kahit anong pang-aasar ang gawin ng mga kaibigan ko, at kahit ano pang gawin nilang pagtulak sa akin kay Irene, sobrang impossible.

 

Pero bakit ko ba iniisip 'to?

 

Hindi ko naman para jowain siya dahil alam kong impossible rin ang isang yun.

 

Nakakahiya naman sabihin kung saan ako nakatira dahil medyo kaliitan pa naman ang tinutuluyan ko, pero bakit ba ako mahihiya? Hindi ko dapat ikinakahiya kung saan ako nagmula at kung ano ang estado ko sa buhay. Hindi ko naman kasalanan na iniwan kami ng tatay ko sa hirap, eh. Hindi ko kasalanan pinutok niya sa loob tapos hindi pala niya kami mapapanindigan.

 

"Sa may North, ibaba mo nalang ako sa may 7/11 doon malapit sa SEU." Sabi ko, binanggit ko pa ang dati kong school para mas malaman nila. Mas okay na siguro doon nalang ako bumaba, para naman hindi na rin maging issue sa mga kapitbahay namin na may naghatid sa aking kotse, parang tanga pa naman mga Aling Marites na kapitbahay namin baka isipin gold digger ako o naghanap na ng sugar daddy.

 

"Sure ka ba?" She asked me, napatingin naman ako sa kaniya at mukhang sinusure niya na okay lang akong ibaba doon at hindi sa mismong bahay namin.

 

"Oo naman." Ngumiti pa ako, nakakatuwa lang na hindi naman kami magkaibigan pero tinutulungan niya ako. Iyon palang ay pinagpapasalamat ko na. Of all people, hindi ko aakalain na siya pa pala ang makakasama ko sa mga ganitong sitwasyon.

 

"Ma'am, may naaksidente po kasi doon kani kanina lang doon nga ako nadaan kanina kaya ako natagalan, mukhang sinarado muna ang daan at baka mahirapan tayo makapasok dahil may mga pulis din na nag iimbestiga sa nangyari." Singit ni manong driver sa harapan dahil nasa likod kami ni Irene, magkatabi. Nahihiya pa nga ako kanina pero wala naman ako magagawa dahil sumabay na ako sa kaniya, ako pa ba magpapaka choosy. Kaya ayon, lumayo nalang ako kahit na magkatabi kami. Nakakahiya nga dahil ang bango bango niya. Umaalingasaw yung mamahalin niyang pabango sa loob ng kotse.

 

Napakunot naman ang noo ko. Sino naman kaya ang naaksidente doon? Kinabahan naman ako bigla, hindi ko naman siguro kakilala 'no? Sana nga. Kawawa naman, sobrang hirap maaksidente lalo na at mahal pa ang gagastusin mo sa hospital, dagdag pa ang physical pain na nararamdaman ngayon ng biktima pati yung trauma.

 

"Kamusta na raw po? Hindi naman po namatay?" Pakikibalita ni Irene sa driver. Bakas sa boses nito ang pag-aalala kahit na hindi naman niya kilala yung naaksidente.

 

"Hindi naman daw ma'am, isinugod daw agad sa hospital pero yung kotse nandoon pa rin kaya napilitan yung mga taga doon na humanap ng ibang daan kahit mapapalayo sila."

 

Grabe, nakakahiya naman pala kung mag eeffort pa si manong na humanap ng ibang way para lang maihatid ako. Eh hindi naman nila ako kaano ano, nakikisakay lang ako, huhu.

 

"A-ahm, Irene," Pagtawag ko sa atensyon niya kaya naman napatingin siya sa akin. Nagtataka ang mga mata nito. "Kahit ibaba niyo nalang ako sa pinaka malapit na sakayan at sasakay nalang ako ng taxi, para hindi na nakakahiya at naaabala pa kayo." Napapakamot ang kilay na sabi ko, nakakahiya naman kasi 'no. Hindi na nga kami close tapos nakikisabay lang ako at baka mahirapan din sila pag-uwi dahil sa akin, siguro gagastusin ko nalang ang ipon ko pang taxi dahil for sure mahal yon lalo na't iikot pa kami sa ibang daan.

 

Gusto ko nalang makapagpahinga.

 

Kumunot ang noo niya sa narinig, mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "No, hindi ba't sabi ko sumabay ka sa akin? Hindi kita iiwan ngayon." 

 

I forced myself not to melt sa sinabi niya, especially when I saw those eyes na para bang concern sa akin kahit na hindi naman dapat dahil hindi naman kami close talaga. At hindi ko maintindihan ang sarili ko na parang tangang nakatitig sa kaniya at binabasa ang mga mata niya. I don't want this kind of feeling, parang delikado ako nito, ah. Parang hindi maganda na nakakaramdam ako ng ganito at kay Irene pa. Gutom lang siguro ako.

 

"T-thank you, Irene. I appreciate it. Pero mahihirapan pa kayo kung ganun, eh. Baka mahirapan din kayo pauwi kung ihahatid niyo pa ako." Kahit na makapal ang mukha ko na inisin siya most of the time, sa mga pagkakataong ganito legit na nahihiya ako. Kasi wala naman akong karapatan na magdemand dahil hindi kami close at sumabay nalang ako sa kanya at malaking tulong na sa akin yun, pero hindi naman para maistorbo ko pa sila, for my benefit.

 

"Madilim na, Seulgi," Sagot nito sa akin pabalik, ramdam ko ang diin sa boses nito. Kaya napatingin ako sa labas ng bintana at tama nga siya, madilim na. Ang bilis ng oras talaga, parang kanina lang ay pagabi palang, ngayon gabi na. Hindi ko manlang namalayan kasi kausap ko siya. "Hindi ko hahayaan na umuwi ka mag-isa kung ganun." Kaya napatingin ako sa kaniya, at kagaya ng kalangitan, madilim din ang mata niya. Para bang sinasabi na kumontra pa ako at masasapok na niya ako.

 

Napakagat ako sa ibabang labi, "Hindi mo naman kailangang gawin 'to, Irene—"

 

"Hindi kailangan, pero gusto kong gawin, Seulgi. Hayaan mo nalang ako na ihatid ka, o kung gusto mo—" Natigilan pa siya sa sasabihin kaya naman napakunot ang noo ko. Ano raw?

 

"Kung gusto ko, ano?"

 

"Kung gusto mo sa condo ko nalang ikaw magpalipas ng gabi."

 

 

Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon kung saan para akong tanga na nakatayo sa loob ng malaking condo niya, at siya naman ay nasa loob ng kwarto niya at nagpapalit na ata.

 

After niyang sabihin 'yon, ang bruha mas ginusto pa ata ang idea na 'yun, hiyang hiya tuloy ako kay manong driver dahil mukha siyang jowa na hinihiling na matulog ako sa condo niya. Hindi ko alam bakit ganoon ang inaakto ni Irene pero sinabi niya sa akin na kung nahihiya raw ako sa kanila na mahirapan sila dahil sa akin kung ihahatid nila ako, sumama nalang daw ako sa kanya pauwi na para bang hindi nakakahiya yun.

 

Todo tanggi ako malamang, parang mas gusto ko nalang bigla magpahatid pero ang lola niyo, pinilit na ako. Mas safe na raw yun kesa mag-isa ako umuwi at marami pa raw lokong taxi driver ngayon. After ng mahabang diskusyon, nanalo rin siya. Bakit ba ako lumalaban pa sa kanya? Eh alam ko namang marami siyang pang rebutt dahil best in debate ata ang gaga dati.

 

Laking pasalamat ko nga na sa condo niya lang kami at siya lang ang tao rito dahil hindi ko ata kakayanin kung may meet the parents na magaganap, jusko. For Pete's sake, hindi kami close. Hindi kami magkaibigan. Tapos papatuluyin niya ako rito sa condo niya na parang wala lang? Ganon na ba kalaki ang tiwala niya sa akin? 

 

Somehow it made me happy kung totoong ganun nga dahil pinagkakatiwalaan niya ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1149 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?