Chapter 13

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 13

 

"Hoy, bakla! Ano yun, ha? Magjowa ba kayo tapos hindi mo lang sinasabi sa amin?" Kanina pa ako kinukulit nitong sila Jisoo dahil sa eksenang nangyari kanina. Hindi talaga ata sila matatahimik hangga't hindi sila nakakakuha ng sagot sa akin.

 

Kasalukuyan akong nakahiga rito sa clinic pagtapos gamutin ang dapat gamutin sa akin, tama nga ako, nagpapasa na ang tiyan ko, kahit ang braso ko dahil kanina pa talaga ako tinatamaan nung dalawang yun, nakakaasar. Ang pisngi ko naman ay namamaga pero hindi na nagdudugo pero syempre masakit pa rin, hindi naman mawawala agad agad.

 

Pakiramdam ko hindi ito gagaling agad agad pero kailangan kong kayanin dahil wala naman akong ibang maaasahan pag umuwi na ako. Si Yeji lang ang kasama ko, hindi naman pwedeng siya ang paggawain ko ng lahat.

 

Nandito sila Byul kanina pati ang mga ka teammates ko, sorry sila nang sorry sa akin dahil hindi raw nila ako naharangan agad at naka sipa pa ulit si Sam ngunit sinabi kong okay lang dahil pinagtanggol naman nila ako, kahit ako man ay nagulat dahil ang bilis talaga niyang kumilos, halatang sanay na sanay makipag bardagulan, eh.

 

Hindi ko talaga ineexpect na mapipikon siya dahil sa laro namin eh lahat naman kami ginagalingan para sa grades. Mukha bang may daya sa larong basketball? Sila nga 'tong nandudugas dahil talagang sinasadya nila akong tamaan, o bungguin. Akala ata nila hindi ko napapansin.

 

Inaasar ko pa nga si Byul na baka sa akin talaga siya may crush dahil galit na galit ang itsura niya kanina at inaway pa niya talaga sila Sam ngunit tinawanan lang ako nito at sinabi ba namang edi si Irene rin may crush sa akin dahil ganon din ang reaction niya dahilan para manahimik nalang ako.

 

Umalis din sila kaagad dahil pinalayas ko na sila, kanina pa kasi dapat uwian at baka mamaya may mga pupuntahan pa sila o baka hinahanap na ng mga magulang nila. Ayos lang naman ako, hindi ko naman kailangan ng sampung katao na magbabantay sa akin, jusko. Sinabi ko naman na ayos lang iyon dahil hindi naman sila ang sumuntok sa akin at nagpapasalamat ako dahil sa pagtatanggol nila sa akin kanina, I do appreciate it, a lot.

 

Nang makumbinsi ko silang ayos lang talaga ako ay umalis na nga sila at niloko ko pa si Byul na baka bastedin na siya ni Yongsun dahil pinaghihintay niya ito kaya naman agad itong nag pakyu sign sa akin at sinabihan akong sana raw wag maging kami ni Irene.

 

Tangina, ano naman sa akin?

 

Okay, sinong niloko ko?

 

Napasimangot talaga ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit, wala naman dapat kaso sa akin yun, hindi ba?

 

Sila Jennie at Jisoo naman ay nagsorry rin sa akin dahil hindi rin daw sila nakalapit agad dahil ang mga gaga, sa tuktok pa pala naupo dahil mas kita raw nila doon, hindi ko maintindihan sa mga yan. Kaya ayon, hindi raw sila nakalapit agad para lapitan kami. Sinabi kong okay lang dahil wala naman talaga silang kasalanan sa akin, isa pa, kahit ako naman ay hindi prepared.

 

Sino ba naman kasi ang mag aakala na magiging malaking gulo ang nangyari eh PE lang naman namin yun? Katuwaan lang, maayos namang natapos ang volleyball pero nung kami na ay may ungas na nanggulo. Hindi siya sporty, nakakairita talaga.

 

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalawang yun at mukhang inis na inis sila sa presensya ko at galit ata sila sa fact na transferee ako at natalo ko sila. Nandoon ba nakabase yun? Wala naman akong ginagawa para magalit sila sa akin unless talagang mainit ang dugo nila, o naiinggit sila sa akin. Pero hindi ko naman iniisip yun, dahil wala namang kainggit inggit sa akin.

 

Speaking of Irene, hindi pa siya bumabalik simula nung umalis siya kanina. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi ako naihahatid dito sa clinic at inalalayan niya talaga ako kasama ang mga kaibigan ko.

 

Sa totoo lang, hindi ko naman itatanggi na kinilig ako sa ginawa niya. Dahil talagang nag-aalala siya sa akin dahil kahit hindi niya sabihin, alam ko. Nakikita ko sa actions niya, at sa mga mata niya.

 

Galit na galit siya kanina at talagang pinagbantaan pa sila Sam at Lara ngunit sa t'wing titingin siya sa akin ay para bang nawawala ang galit at pagkairita sa mga mata niya. Napupuno ito ng pag-aalala. Namamalikmata lang ba ako, o ano?

 

Tiniyak niya lang na ayos ako, bago siya umalis dahil kakausapin niya raw yung dalawa. Ngunit bago siya makalabas, nagpasalamat ako sa kaniya, hindi naman siya sumagot pero alam kong narinig niya ako dahil ngumiti siya ng bahagya sa akin bago lumabas.

 

Kaya etong dalawang naiwan sa akin na sila Jennie at Jisoo ay kinukulit ako kanina pa dahil sa nangyari. Lahat talaga ay ginagawan nila ng malisya. Hindi ba pwedeng concern sa akin si Irene dahil magkaibigan naman na kami at may pinagsamahan kahit papaano? Isa pa, baka galit din siya sa fact na may estudyanteng ganon ang behavior dahil siya ang president ng student council kaya gusto niya itong parusahan para magtanda.

 

Hindi naman ako pwedeng mag-assume na gusto niya ako dahil lang don, diba? Dahil for sure kung ganon din ang mangyari sa ibang kaibigan ni Irene ay ganun din ang gagawin niya.

 

"Kanina niyo pa ako kinukulit tungkol dyan! At kahit ilang beses niyo pa ako tanungin, kahit na abutin pa tayo bukas dito, wala akong aaminin, okay? Dahil hindi naman talaga kami." How I wish. Sana nga kami nalang. Napailing naman ako dahil sa naiisip ko. Epekto lang ata 'to ng pagkakasapak sa akin, eh. Seulgi, tama na kakapantasya. At tandaan mo, sinasabi mo palagi na hindi mo gusto ang dalaga kaya panindigan mo.

 

Marami rin namang iba riyan na nacucute-an ako halimbawa nalang sila Joy, diba? Hindi naman siguro masyadong seryoso 'to. . .

 

Natutuwa lang ako, kinikilig dahil nag-aalala siya sa akin, bilang kaibigan. Ganun lang.

 

"Eh ano yung mga nangyari kanina? Namamalikmata lang ba kami sa mga tinginan niyo kanina ni Irene habang naglalaro kami?" Sagot na naman ni Jisoo habang si Jennie ay naghihiwa ng mansanas sa tabi ko. Bakit ba kasi sila pa ang iniwan sa akin? Sabi ko na nga ba gigisahin ako, eh.

 

"At hinding hindi ko makakalimutan ang pagtatraydor mo sa amin kanina! Mantakin mong harap harapan pang sinuportahan si Irene? Tama ba yun!" Segunda ni Jennie kaya naman I shot her an apologetic smile, aminado naman ako don. Pakiramdam ko nga kung hindi lang ako nasuntok at wala ako ngayon dito ay siya ang bumugbog sa akin, eh. Ang lakas pa naman ng topak nito madalas.

 

"Kaya nga, kung pwede lang mag teleport kanina para sabunutan ka, ginawa ko na!" Sabi ni Jisoo habang nakapamewang, talagang sinusuportahan niya ang sinasabi ng pinsan ko. "Alam mo bang after mo sigawan si Irene nun ay bigla siyang ginanahan at ginalingan niya?! Iyon ang dahilan bakit natalo kami. Nilampaso kami, pre! Dahil sa'yo!" Umakto pa siya na parang naiiyak kaya naman natawa ako sa itsura niya. Seryoso ba 'to? Dahil ba talaga sa pag-cheer ko kaya ginanahan si Irene? Pakiramdam ko naman hindi, siguro nagkataon lang. Pero may part sa akin na umaasa na baka totoo nga, baka nga ako ang dahilan bakit siya ginanahan.

 

Kasi kung totoo ang sinasabi nitong si Jisoo, parehas lang kami ni Irene. Siya rin ang naging dahilan bakit kami nanalo, dahil nashoot ko iyon dahil sa pagsigaw niya ng pangalan ko at nung makita ko ang mga mata niya, para bang sinasabi niya sa akin na nagtitiwala siyang makakapuntos ako kahit na wala na siyang sinabi na kahit ano, kung paano siya tumingin, alam kong naniniwala siyang kaya ko. And I did it. We won.

 

I hope she's proud of me.

 

"Bumawi nga, eh. Nung sila Montello naman ang naglalaro, aba sumigaw rin! Ano ba yan? Yan ba ang love language niyo?" Eksaheradang sabi ni Jennie kaya naman nagtawanan sila at nag-apir, hayop talaga 'tong mga 'to, maging sa hukay ko ata ay hindi ako tatantanan sa pang-aasar kay Irene, eh. "Infairness naman, ang lakas maka wattpad o 'di kaya'y maka Kdrama non! Imagine after isigaw ni Irene yon eh mukhang nabuhayan si Seulgi at shinoot niya talaga 3 points pa!" Dagdag pa niya, mukhang kinikilig pa kaya naman hindi ko maiwasang mapangiwi. Seryoso ba talaga 'tong pinsan ko na 'to? Nahihibang na ata talaga siya, parang hindi ako binalaan nung 1st day na wag si Irene, ah.

 

Nabagok ba 'to kaya biglang tinutulak ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
0 points #1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1144 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?