Chapter 14

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 14

 

"H-ha?" Kinakabahang sabi ko dahil mga mare, hindi naman ako prepared don. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya, alam niya ba? Nahahalata niya bang crush ko siya? Kita niya ba kung paano ako mamula sa mga ginagawa niya? Pinagtatawanan na niya ba ako sa loob loob niya?

 

"Halamang gamot." Parang ewan na sabi niya kaya naman hindi makapaniwalang tinignan ko siya, siraulong yan. Akala ko naman kung ano na ang mangyayari dahil sa sinabi niya, akala ko eto na ang time na babastedin niya ako kahit 'di naman ako nanliligaw o kaya naman paprangkahin niya ako na hindi kami pwede dahil tao siya at isa lamang akong hamak na patatas. "I'm just kidding, para kang ewan diyan." Umirap pa siya. Ang taray talaga, hindi na mawawala sa kaniya kahit na saang sitwasyon, makakakuha ng time para magtaray at umirap.

 

Kaka irap niya sa akin ay pati ako lubos lubos na rin umirap sa mga kaibigan ko, grabe ang virus ni Lariosa.

 

"Para ka naman kasing shungeks diyan." Tumawa pa ako pero kabado bente pa rin 'no, akala ko talaga moment of truth na kanina, shutakels naman kasi 'tong si Irene, eh. Napansin ko na dala dala na niya ang bag niya at mukhang gabi na rin sa labas dahil tanaw ko sa bintana. "U-uh, baka naman gusto mo na umuwi? I mean kaya ko naman—" Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi nang putulin niya ako.

 

"Kaya mo ba mag-isa umuwi?" Seryosong tanong nito sa akin kaya naman napalunok ako dahil sa lamig ng boses niya.

 

"H-hindi." Agad kong saad dahil hindi naman talaga, ang sakit ng katawan ko at hindi ko ata kakayanin lalo makipag siksikan sa jeep.

 

"Hindi pala, kaya manahimik ka diyan." Masungit na sabi niya kaya naman napanguso ako. Nagsusuggest lang naman, pakiramdam ko kasi ay nakakaabala ako, imbis na nakauwi na siya ngayon ay nandito siya, binabantayan ako kahit na hindi naman niya kailangan, hindi niya naman ako kaano ano, eh. Kasi naman sila Jennie, napagtrip-an na naman ako.

 

"Hindi ka abala sa akin." Biglaang sabi niya na para bang nababasa ang isip ko, gulat na napatingin ako sa kaniya dahil tangina, mind reader ba ang isang 'to? "Huwag mo ako tignan ng ganyan. Hindi ako mind reader o ano, nakikita ko lang sa ekspresyon ng mukha mo. Hindi ka nakakaabala sa akin at isa pa, wala naman akong pupuntahan." Pag-aassure niya sa akin kaya naman kumalma na ako kahit papaano sa pag-ooverthink.

 

Ang gara lang isipin na alam niya ang mga dapat niyang sabihin para mapakalma ako, alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at baka nga siguro madali akong basahin dahil alam niya agad ang iniisip ko.

 

"S-sorry, naisip ko lang na wala ka namang responsibilidad sa akin, tapos eto ka ngayon, ikaw pa ang nagbabantay sa akin." Tangina niyo kasi, Jennie at Jisoo. Sasabihin ko sana na kung nandito si Byul ay baka wala ako sa ganitong sitwasyon kaya lang naisip ko na kung nandito siya, baka nangunguna pa siyang umalis para itulak ako kay Irene. Magsama sama silang mga hayop.

 

"You're right, you're not my responsibility at all." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, totoo naman, eh. Hindi naman siya ang may gawa sa akin nito. "Pero I love doing this, I love. . . taking care of you," Napatingin ako sa mga mata niya nang sabihin niya yan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil sa sinabi niya. Masaya ako dahil sa pag-amin niya pero ayokong umasa dahil baka mamaya concern lang naman talaga siya as a friend. "So let me do this, hm?" Masuyong sabi niya and I swear, todo todo ang dasal ko na sana wag ako matunaw sa mga ngiti niyang iyon.

 

Ano bang ginagawa mo sa akin, Irene?

 

Pakiramdam ko ay under ako ng spell niya, na sa bawat gawin ko, na sa lahat ng iisipin ko, lagi ko siyang maaalala. Pakiramdam ko, isa akong bihag na hindi makawala sa kaniya. Sa bawat gagawin niya, sa mga ngiti niya. Pakiramdam ko nawawala ako.

 

"T-thank you," I said sincerely while blushing, probably. I really appreciate her, hindi ko rin makakalimutan kung paano niya ako inalo nung magbreakdown ako dahil sa lola ko. Pakiramdam ko ay concern talaga siya sa akin, at ramdam na ramdam ko yun.  "Thank you so much, Irene. . ."

 

"I'll make them pay for doing this to you," Mahina ngunit madiin na sabi niya. Kita ko na naman ang pagdaan ng galit sa mga mata niya. Para akong nanlambot nang makita ang itsura niya. Ganito ba siya ka-concern sa akin? "I'm sorry, I was a minute late. If mas maaga ako, baka hindi na lumala ang nangyari sa'yo—"

 

"You're just on time, Irene. Thank you." I cut her off and gave her a gentle smile, her reactions really touched me. Hindi pa naman kami sobrang tagal magkakilala at madalas pa nga kaming magbangayan pero sa kung paano siya nagalit dahil nasaktan ako kanina really means a lot to me.

 

"I— I'm not, Seulgi. Kasi hindi mangyayari sa'yo yan if, if nandoon ako. . . if nakalapit ako agad." Hindi ko alam kung bakit sobrang apektado siya sa nangyari sa akin pero ayokong magtanong, basta masaya ang puso ko na nakikita siyang ganito. Nakita ko na lumungkot ang mga mata niya, "I'm sorry, Seulgi. You don't deserve this." I heard her voice crack a little bit.

 

Hindi ko aakalain na makikita ko siyang ganito. Para tuloy nagtutubig ang mata ko nang makitang may mumunting luha na pumatak mula sa mga mata niya.

 

Is she crying?

 

Is she crying because of me?

 

Pakiramdam ko ay nadurog ako sa nakita ko, at narinig.

 

Umiiyak nga siya.

 

"I'm sorry. . . I can't stand seeing you in p-pain." Parang bata na sabi niya at first time ko siyang makita na ganito, at dahil pa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, bakit ba siya umiiyak? Naiiyak ba siya dahil sa awa sa akin at wala siyang nagawa? "You don't deserve your bruises, M-montello. You did nothing wrong, I don't get people these days. . . b-bakit ikaw?" Humihikbi na sabi niya at napasubsob nalang siya sa sariling palad. It hurts to see her cry, but it hurts even more to know that I'm the reason why she's crying. Para akong sinasaksak.

 

"Irene," Agad kong hinawakan ang balikat niya kaya naman napatingin siya sa akin at parang nadurog ang puso ko nang makita ang namumula niyang mukha dahil sa pag-iyak, basa rin ang pisngi niya. "Irene, it's not your fault." I gave her a warm smile, ayokong sinisisi niya ang sarili niya for being too late, hindi naman namin alam na ganon ang mangyayari. Kahit ako hindi ko alam, edi sana umiwas ako kung alam ko. "Stop crying, okay? Buhay pa ako." Natatawang biro ko sa kaniya kaya naman natanggap ako ng hampas sa braso kung saan wala akong pasa, at tangina nakakagulat na pati iyon alam niya? Hayop.

 

"Nakakainis ka naman, eh!" Sabi niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi, "Ang bigat lang sa pakiramdam na nasuntok ka niya at nasipa nang ganon ganon lang. Wala ka namang ginagawa sa kanila, kanina ko pa napapansin na pinag-iinitan ka nila kahit na hindi ikaw ang may hawak ng bola kaya kinausap ko si ma'am pero parang wala siyang naririnig," Rinig ko ang iritasyon sa bsoes niya. "Edi kung pinatigil na yun, edi sana walang ganyan. Edi sana hindi ka nasasaktan ngayon." Napabuntong hininga siya.

 

Stop being so nice, Irene. Ayokong umasa.

 

Ayokong umasa na pwede tayo, ayokong umasa na baka gusto mo rin ako, ayokong umasa na baka pwede mong ibalik yung nararamdaman ko para sa'yo.

 

Hindi ko alam kung alam ba niya kung paano ako pahulugin sa kaniya dahil bawat araw na dadaan, lagi akong nahuhulog sa mga ginagawa niya para sa akin. Without even trying, wala manlang siyang kaalam alam na ganon na ang epekto niya sa akin.

 

"Okay lang, natapos naman na, eh. Ang mahalaga, tapos na. Magiging ayos din naman ako." Paninigurado ko sa kaniya, malakas kaya 'to. Dahil sa nakita kong iniyakan niya ako, parang mas lalo ko tuloy gustong pabilisin ang recovery ko dahil ayokong nag-aalala siya sa akin. Ayoko sa thought na nakakasagabal ako sa pagfofocus niya dahil iniisip niya ang lagay ko, at ayokong sinisisi niya rin ang sarili sa mga bagay na hindi naman siya ang may sala.

 

"Talaga! Magpagaling ka talaga. Ang panget mo na nga tapos masama pa pakiramdam mo, kawawa ka naman kung ganon kaya magpagaling ka." Hindi ko alam kung matatouch ba ako dahil gusto niyang gumaling ako maiiyak dahil talagang hindi niya nakakalimutan isingit ang panlalait, eh. "Kinausap ko ang principal na i-kick out sila Lara at Sam," She confessed, gulat na napatingin ako sa kaniya dahil ano raw? Kick out? Kick out agad? "Pero sinabi niya na hindi raw sapat yun para makick out agad kaya naman sinuspend niya lang ng isang buwan." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya nang sabihin niya yan, "Na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
cordonbleu
#1
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#2
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#3
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #4
Chapter 16: 👍
Darnanays
#5
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #6
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1140 streak #7
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #8
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #9
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?
culaccinos
#10
UPDATE LODIII