Chapter 11

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 11

 

"Ate, kaya nga papasama ako, wala naman kami gagawin na masama! Ngayon lang pumayag crush ko, please na."

 

Lalo namang kumunot ang noo ko sa narinig, ano bang iniisip ng batang 'to? Nakalimutan niya na ba na baby pa siya ng pamilya namin tapos ako pa talaga ang isasama niya sa date niya na para bang papayag agad ako dahil ako ang pinili niyang isama? Eh paano pag nakita pa kami nila mama, o nalaman nila na kinukunsinti ko siya, edi nadamay pa ako sa kagagahan niya? Malilintikan kami nito.

 

"Manahimik ka nga, Yeji." Inis na sabi ko sa kaniya, "Idadamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo? Baka mamaya malagot pa tayo kela mama niyan, eh!" Napahilot pa ako sa sentido dahil sa pagkastress sa batang 'to. Pakiramdam ko biglang tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko, oo sa ulo talaga kasi parang uminit bigla, eh.

 

Kailan pa siya nagkaroon ng crush? At anong ngayon lang pumayag ang crush niya? Naka-ilang kulit na ba siya doon na makipag-date sa kaniya? Sino ba yung crush na sinasabi niya at saan niya nakilala? Ang dami dami kong tanong dahil nagulantang talaga ang buong pagkatao ko. 

 

Alam ko naman na hindi na ganoon kabata si Yeji dahil ako nga may mga naging crush din kahit noon pa, pero hanggang crush lang ako at walang date dahil nga awkward at torpe ako. Grade 10 na si Yeji, pero kahit na, baby pa siya sa amin! Baby pa siya sa paningin ko. Hindi ko naimagine na maaga siyang haharot! Ako nga wala pang nagiging nobya.

 

"Kaya nga ikaw ang isasama ko, ate. Kasi alam kong mahal mo ako at ikaw ang pinaka paborito kong ate!" Pambobola niya pa kaya naman napakunot ang noo ko, kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay sure akong naka puppy eyes pa yun ngayon dahil alam niyang hindi ko siya matatanggihan kahit na mukha naman siyang literal na aso.

 

"Sira ka ba, malamang ako lang ang ate mo!" Singhal ko sa kaniya at narinig ko naman ang nakakalokong tawa niya kaya napairap ako. Lintek na bata talaga 'to, oo. Hobby niya na sigurong stress-in ako.

 

Napatingin ako sa gawi ni Joy at nakita kong nagpapractice pa siya kaya naman naaalala kong kasama ko nga pala siya at naglalaro kami. Taena kasi nitong kapatid ko, napaka wrong timing, eh. 

 

Mag-uusap talaga kami mamaya, hindi pwedeng hindi. Tutal nasa bahay namam siya dahil Sunday ngayon at umuwi siya kagabi.

 

"Alam mo, busy ako ngayon, mamaya na tayo mag-usap, hintayin mo ako." Sabi ko sa kaniya at hindi ko na hinayaan na makasagot pa siya dahil binaba ko na ang tawag. Naiiling nalang ako dahil sa batang yun dahil hindi ko alam paano siya matatanggihan pero at the same time ayoko naman sumama sa date nila nung crush niya na tinutukoy niya. Ano ako? Third wheel? Baby sitter?

 

Bumalik na ako sa pwesto namin ni Joy kaya naman napatingin siya sa akin, nginitian ko naman siya at kumuha ako ng bowling ball. "Laro na tayo."

 

"Pakiramdam ko gumaling na ako." Pagmamalaki niya habang taas noo pa kaya naman napatawa ako, ang cute niya kasi magyabang, para siyang bata na nakakuha ng star. Hay nako. Pakiramdam ko kung hindi talaga ako naengkanto ni Irene, rito ako magkakacrush, eh. Pero ang cute niya pa rin.

 

"Oh? Talaga?" Taas kilay kong tanong na para bang hindi naniniwala kaya naman napanguso siya.

 

"Totoo nga! Halika't mag deal pa tayo." Paghahamon nito sa akin habang nagsstretch pa ng braso, I let out a soft chuckle.

 

"Anong deal naman?"

 

"Pag nanalo ako, date tayo. Pag nanalo ka, ikaw ang bahala kahit ano."

 

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya, pakiramdam ko eh namali ako ng rinig pero base sa pagkakangiti niya sa akin ngayon ay mukhang hindi naman, teka, date?

 

 

"Yeji, bumaba ka rito!" Agad kong sigaw pagkapasok sa bahay, siya lang naman ang tao rito dahil wala pa rin ang kuya namin pati na rin si mama, kaya naman lakas din ng loob ko na sigawan siya dahil alam kong wala namang magtataka sa aming dalawa.

 

Agad akong kumuha ng baso at ng pitsel sa ref dahil nakakapagod ang byahe at nauhaw rin ako, kumakain kasi ako ng loaded kanina pauwi kaya naman nauhaw ako dahil sa tamis. Habang nagsasalin ng tubig ay narinig ko ang paglalakad niya pababa sa hagdanan kaya naman tumingin ako at nakita ko siya na parang bata na lumalapit sa akin at halatang naka actress mode on na, nagpapacute na naman.

 

Uminom muna ako dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko habang nakatingin sa kaniya at nang matapos na ay agad akong pumamewang at nilapag ang baso ng medyo malakas pero hindi naman para mabasag, napapitlag naman siya. 

 

"Ano yung sinasabi mo kanina, ha? May date ka?" Tanong ko sa kaniya kaya naman nakita ko siyang nilalaro laro ang mga daliri niya habang nakayuko, "Tumingin ka sa akin pag kinakausap kita." Sermon ko sa kaniya. Pangalawa ako sa aming magkakapatid at kung may napapagalitan man ako sa amin rito, si Yeji yun. 

 

Una sa lahat, inalagaan ko siya dati pa kahit na hindi naman ganon kalaki ang tanda ko sa kaniya pero kahit na, baby pa rin ang tingin ko sa kaniya. Pangalawa, siya ang pinaka close ko at mas matanda rin ako sa kaniya kaya sinesermonan ko siya pag kailangan at sa tingin kong need nya mapagsabihan dahil ayaw kong nasasanay siya sa mga gawain niyang hindi maganda.

 

Tumingin naman siya sa akin nang marinig na seryoso ako kaya naman tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ang sasabihin niya.

 

Close kami at nagbabangayan palagi, sa totoo lang sakit talaga siya sa ulo ko dahil napakatigas ng ulo niya kahit noon pa man, ang hilig pa niyang mang-asar, pero pag seryoso na ako at sinesermonan na siya, hindi naman niya ako binabastos at iyon ang gusto ko sa kaniya. Alam pa rin niya na ako ang mas matanda sa aming dalawa.

 

"Eh kasi ate, crush ko kasi yun, si Lia. . ." Banggit niya sa isang hindi pamilyar na pangalan, lumunok pa siya ulit dahil parang kinakabahan siya sa itsura ko. "Kaklase ko siya. Tapos uhm, lagi ako nagpapapansin sa kaniya ganon—"

 

Napa crossed arms naman ako dahil don, "Nagpapapansin ka?" Jusko, hindi ko alam na ganito pala ang kapatid ko. Baby ang tingin ko sa kaniya at hindi ko alam na siya pa ang naghahabol sa babae.

 

Akala ko pa nga ay dalagang pilipina siya pero my whole life is a lie pala, puta.

 

Bata palang kami ay inamin niya na sa akin na nagkakacrush siya sa mga babae at hindi siya katulad ng mga kaklase niyang babae na puro lalaki ang pinag-uusapan. Kaya naman doon palang, alam ko na kagaya ko siya. Sinabi ko rin sa kaniya na ganon din ako kaya naman nagkaroon kami ng ano sa isa't isa, dahil pareho kami at naiintindihan namin ang isa't isa, ganun. Homophobic kasi ang nanay namin, hindi man niya sabihin pero nahahalata naman namin yun. Ang awkward nga sa t'wing nanonood kami tapos may mga gay ganun, sa TV, ang dami niyang sinasabi na ang babae raw ay para sa lalaki lamang at sinisingit pa niya yung bible.

 

Mahal ko yung nanay namin at saludo ako sa pagpapalaki niya sa amin kahit na mag-isa nalang siya at alam kong mahal niya kami pero yung mga paniniwala niya, yung mindset niya minsan sa mga bagay bagay, hindi ko matagalan. It doesn't seat right with me, sa totoo lang.

 

Kahit nga yung mga depression at iba pang mental illness, lagi niyang sinasabi na kulang lang daw dasal, baka raw kasi nadidikit sa demonyo kaya ganun ang nangyayari. Hindi ba niya naaalala na BS psych ang kukunin ko at pag-aaralan namin yung ganun?

 

Sumasagot ako minsan sa kaniya pero nauuwi lang sa away at hindi naman niya ako kailanman maiintindihan kaya naman napagod nalang ako. Hinahayaan ko nalang siya sa gusto niyang isipin basta lagi kong sinasabi kay Yeji yung mga alam kong tama para hindi siya mahawa sa mindset ng nanay namin.

 

Kaya mas okay rin na mag-isa lang ako sa bahay, kesa naman kasama ko siya tapos ganon palagi ang naririnig ko.

 

Hindi ko lang talaga kayang makipagplastikan lalo na't magkaibang magkaiba kami ng paniniwala sa buhay, hindi kami pareho ng mindset, hindi ako ganon kakitid mag-isip. Sa panahon ngayon, marami nang mulat sa realidad kaya naman alam ko sa sarili ko na mali ang pinaggagawa niya. 

 

Mga boomer nga naman.

 

"O-oo, ate," Ngumiti pa siya ng alanganin at nag peace sign pa ang loka. "Ate, hindi mo naman ako masisisi, ang ganda niya kasi tapos ang talino pa. Nasa kaniya na ata ang lahat, kung hind

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1158 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?