Chapter 12

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 12

 

Ate, bukas na yung date namin ah! Huwag kang magback out!

 

Napairap naman ako nang makita ang text ng kapatid ko habang nasa court kami, eto na naman siya, araw araw niya ata ako pinapaalalahanan. Excited na excited lang.

 

Mabilis na lumipas ang araw at Friday na ngayon, may PE kami na subject ngayon at iyon ang last subject namin. Mabuti talaga at last namin para kahit na pagpawisan kami ay hindi na kami matatakot dahil uwian naman na at pwedeng pwede na maligo pag-uwi. May CR naman dito pero madalas mga athlete lang ang pinapayagan nila, kaya ayun no choice ka kundi ang magpalit nalang at sa bahay maligo.

 

Itong kapatid ko, magmula Monday palang ay tinetext na ako para ipaalala ang date nila bukas nung sinasabi niyang crush niya dahil Saturday bukas at walang pasok, iyon ang naisip nilang araw kung kailan sila lalabas at wala naman akong say dahil wala namang problema sa akin. Kaya lang ang kulit kulit nitong kapatid ko.

 

Sana lang talaga ay hindi kami mahuli ng nanay namin o kahit ni kuya dahil patay talaga kami pag nagkataon. Una sa lahat, kinukunsinti ko siya sa pakikipagdate eh alagang alaga nila mama ang batang 'to at pangalawa, homophobic nga siya. Hindi niya magugustuhan pag nalaman na nakipagdate ang bunso niya sa isang babae.

 

"Attention, section HUMSS-A! I will divide you into two groups. Boys and girls. Who wants to play basketball will be on this side, and who wants to play volleyball will be on this side. Got it?" Anunsyo ng teacher namin habang tinuturo kung saan pupunta kaya napatango naman kami. Umayos na ako ng pwesto at nilagay muna ang phone sa bag ko, mamaya ko nalang sasagutin pangungulit ng kapatid ko.

 

Hinati kami ng teacher namin, babae at lalaki. Mga babaeng gustong maglaro ng basketball, mga babaeng gustong maglaro ng volleyball. Same lang din sa lalaki. Sabi niya na baka raw hindi lahat makalaro ngayon dahil isang oras nalang ang natitira sa time niya kaya babae raw muna ang uunahin niya at next time nalang ang mga lalaki. Nakarinig ako ng samu't saring mga reaksyon, may mga natuwa dahil wala raw sila sa mood magkikilos at may mga nagreklamo dahil mukhang g na g na maglaro tapos naudlot pa.

 

Kaya ayon, ang nangyari sa aming mga babae, may magkalaban sa sports na volleyball, at basketball. Hindi ko masyadong naalala yung mga pumunta sa volleyball pero ang alam ko lang sa volleyball pumunta yung apat na cake girls. Syempre, alam na alam na doon talaga pupunta sila Yeri at Joy dahil volleyball player sila. Si Irene at Wendy, wala naman akong narinig tungkol sa kanila na player sila ng volleyball kaya naman inaabangan ko kung paano sila maglaro.

 

Habang ako naman, basketball ang pinili ko dahil mas sanay ako doon. Naglalaro kasi kami ng kuya ko dati nung madalas pa siya sa bahay kaya naman nasanay ako, okay lang din naman ako sa volleyball pero hindi ako kagalingan. Kaya mas pinili ko na 'to, kasama ko si Moonbyul habang sila Jennie at Jisoo naman ay nasa volleyball din, kalaban pa ata sila Irene, jusko. Kawawa naman.

 

Mauuna raw ang volleyball kaya naman tumabi muna kami at naupo, sandali lang ang laban nila, isang set lang ata hindi katulad nung mga laro talaga dahil syempre pang PE lang naman 'to atsaka tig kalahating oras lang kami dahil nga sandali nalang ang time namin.

 

"Sila Jennie ang i-cheer natin, ah. Baka mamaya bebe mo ang cheer mo," Siko sa akin ni Byul kaya naman napakunot ang noo ko, sinong bebe ang sinasabi nito? Napatingin siya sa akin nang hindi ako makasagot at napatawa nung makita ang reaksyon ko. "Si Irene kako. Bebe mo." She giggled.

 

I rolled my eyes at her, "y mo. Hindi ko bebe yun manahimik ka nga, may makarinig pa sa'yo at maniwala eh." I looked at the players as if I'm look uninterested to hide my nervousness, tangina, gusto ko i-cheer si Irene pero pinsan ko si Jennie at kaibigan ko si Jisoo. Sasapakin nila ako pag pumanig ako sa kabila.

 

Inakbayan naman ako nito habang tinatapik tapik ang balikat ko na para bang pinapakalma ako, "Kalma ka lang, mananalo naman bebe mo, eh. Pero syempre doon tayo magchecheer kela Jennie, nako ka, ikaw rin." Nakakalokong sabi nito kaya naman naiinis na tinignan ko siya at sinuntok sa tiyan, hindi naman ganon kalakas pero natatawang binitawan niya ako habang hinihimas ang tyan niya. Ayan loko ka.

"

Nagiging sadista ka na rin!" Sabi niya sa akin habang hinihimas ang sikmura, "Sinasabi ko lang naman. I mean, pansin ko naman na may gusto ka kay Irene." Dagdag pa niya kaya naman hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

 

Buti pa siya alam niya, ako hindi eh.

 

"Umamin ka nga sa akin, ano bang nahithit mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya, "Wala akong gusto dun bakit ba pinipilit mo palagi." Umirap pa ako. Crush ko siya, oo. Pero gusto? Hindi naman siguro. At kung magustuhan ko man siya, papatayin ko agad 'tong nararamdaman na 'to dahil ayokong maging komplikado pa ang lahat. Isa pa, hindi naman niya ako gugustuhin pabalik kaya naman mas mabuti pang itigil na ang pantasya at ang pag-asa na pwede maging kami. That will never happen kahit siguro barilin pa ako now na.

 

"Aysus, ako pa ba niloko mo, Montello? Kitang kita ko kaya kung paano ka ngumiti sa tuwing makikita at makakausap mo siya, paano mo siya tignan sa tuwing hindi siya nakatingin at kung gaano ka kasaya sa tuwing may mga teachers na pumupuri sa kaniya. Proud girlfriend yarn?" Natatawang sabi niya kaya naman sinamaan ko ulit siya ng tingin. Hindi talaga matahimik ang isang 'to. Hindi ko alam ang sinasabi niya, mukhang hindi ko naman ginagawa ang mga yun, mema talaga 'to.

 

Nakita kong magsasalita pa sana siya nang biglang magsimula na ang game kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na manood na kami kaya naman natatawang umakto siya na zinip ang bunganga niya sabay tingin sa unahan.

 

Nakita ko na nagserve na si Joy ng bola, napag-alam ko na isa siyang setter at siya rin nga pala ang captain ng volleyball team kaya naman ipagdadasal ko nalang ang team nila Jennie. Kalaban ba naman nila si Joy at Yeri na volleyball player talaga, habang si Irene at Wendy naman, hindi ako sure kung magaling ba sila rito o ano. Kasama nila si Chaeyoung o mas kilalang Rosie sa team kaya naman sana hindi magpakabakla si Jisoo at magpatalo sa crush niya.

 

"Mine!" Rinig kong sigaw ni Momo na kakampi nila Jennie, grabe ang intense nung laban nila, volleyball player rin pala 'tong si Momo at Tzuyu kaya naman nakakalaban din ang team nila Jennie kahit papaano. Pero grabe, infairness naman kay Jennie, ginagalingan ng ate niyo!

 

Na-spike nang malakas ni Tzuyu ang bola at hindi iyon nablock ni Rosie kaya naman napasigaw kami dahil nakalamang na ang team nila Jennie. Shet, team ng pinsan ko 'yan!

 

Nakita kong napatingin sa amin sila Jisoo at Jennie dahil nga bigla bigla kaming sumigaw ni Byul kaya nag thumbs up kami sa kanila. Ginantihan nila kami ng isang ngiti bago magfocus ulit sa game.

 

Napatingin naman ako sa gawi nila Irene at nakita ko nakasimangot ang Lariosa. Dahil ba sa natatalo na sila? Hindi ko rin alam. Sa pagkakakilala ko, competitive ito masyado at ayaw niyang natatalo siya sa kahit saan kaya siguro kaya maasim ang mukha niya ay dahil nakalamang na ang team nila Jennie. Gusto ko man sila i-cheer kaya lang hindi ko naman kayang traydurin sila Jennie, tapos harap harapan pa? No way.

 

Pero kahit na hindi ko man maipakita, proud ako dahil kanina pa siya nakakapuntos. Ang galing niya pala. Ineexpect ko kasi ay hindi sila kagalingan dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kilalang player na sila Joy at Yeri. Pero nagulat ako na ang galing pala ni Irene sa defense at kahit sa pag-atake ay magaling siya, kanina pa siya nakaka spike.

 

Napatingin siya sa gawi ko nang mahalata siguro na may nakatingin sa kaniya at nagtama ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ng mga mata niya pero hindi pa siya nag-iiwas ng tingin kaya naman may nagtutulak sa akin na tumingin pa sa kaniya.

 

Maya maya lang din ay nginitian ko siya and I mouthed the word goodluck, hindi ko alam kung naintindihan ba niya yung sinabi ko kaya nag thumbs up din ako sa kaniya dahil siya lang naman ang nakatingin sa akin.

 

Hindi ko nga alam kung namamalikmata lang ba ako dahil nakita kong bahagya siyang namula at umiwas din ng tingin kaagad, huh?

 

Nagsimula ulit sila at nakita kong sinet ni Joy ang bola kaya naman napaawang ang bibig ko habang naramdam ko ang butil ng pawis na namumuo sa noo ko nang makita kong si Irene ang magsspike ng bola, agad siyang tumalon at para lang akong nanonood ng haikyuu nung makita ko siyang nag spike, at boom, hindi nablock nung team nila Jennie kaya naman naka score sila.

 

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin nung mga pagkakataon na yun pero bigla akong sumigaw ng, "Go, Lariosa!!! Ang galing mo!" Pagche-cheer ko rito kaya naman ramdam ko ang pagtingin nilang lahat sa akin at ang natatawang pagkurot ni Byul sa tagiliran ko.

 

Agad akong namula nang marealize ko ang ginawa ko ngunit huli na ang lahat dahil nakatin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
cordonbleu
#1
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#2
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#3
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #4
Chapter 16: 👍
Darnanays
#5
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #6
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1140 streak #7
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #8
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #9
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?
culaccinos
#10
UPDATE LODIII