WONHYE IV (Chapter 6)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov 

 

[Four months later]

Nasa mini bus na kami ngayon para sunduin si Yujin pa-special eh, pero ayos narin yun nadala na kami sa ginawa ni Yena nung nakaraang dalawang buwan na hindi namin siya nakita bago man lang siya pumunta sa ibang bansa. Pinilit ni Yuri na maging masaya nun pero hindi niya talaga kaya, sobrang nanlumo siya at hindi namin makausap kasagsagan pa naman nang fan meetings namin nun.

"Ayos ka lang?" napatingin ako kay Chaewon, kami nalang yung nagtabi dahil nga maissue si Yujin.

"Ayos lang naman, bakit?" ngumiti siya.

"Sasabihin mo na sakaniya?" napayuko ako.

"Sa susunod na araw nalang siguro." hinawakan niya yung kamay ko.

"Hindi sa minamadali ko kayo, kaso lang kasi mahirap na kapag pinatagal pa." tumango ako. "Pag-isipan niyong mabuti." huminto na yung bus namin kaya isa isa na kaming bumaba.

"Daengdaeng!" nauna pa si Eunbi-unnie na yumakap kay Yujin kesa kay Minjoo.

"Noona, baka may makakita satin." natawa kami.

"Anu naman, ikaw parin naman yung daengdaeng ko ah." kinurot siya ni unnie sa magkabilang pisngi.

"Yujin." lumapit si Minjoo sakaniya at yumakap.

"Okay tama na yan, yung illegal wife naman." pabirong tinulak ni Chaewon si Minjoo bago yumakap kay Yujin. "Parang wala ka pang ligo ah." binatukan siya ni Yujin. "Aray naman."

"Kakaligo ko lang loko ka." tumingin siya sakin at marahang ngumiti. "Wonyoung?" lumapit ako sakaniya at agad na yumakap.

"Oppa?" umiyak na ako habang nakayakap sakaniya.

"Hoy, sinong nanloko dito?" natatawang sambit niya.

"Namiss ka lang." si Hitomi.

"Grabe naman makamiss." pang-aasar niya sakin. "Si Yena-hyung nga pala?" napahiwalay ako sakaniya.

"Pumunta siya sa ibang bansa nang hindi nagpapaalam samin." bulong ko.

"Bakit daw?" tumingin ako kay Yuri.

"Mag-aaral daw siya dun panandalian." sagot ni Yuri.

"Wala siyang nabanggit sakin ah, tara na dun daw tayo sa bahay." lumapit siya sa mga kaibigan naming lalaki, napatingin naman ako kay Hyewon nakangiti lang siya sakin.

Pagkarating namin sa bahay, iniwan na muna kami nila mom at namasyal para daw ma-enjoy namin yung welcoming party para kay Yujin.

Nasa kasagsagan kami nang pagkukwentuhan at syempre silang mga lalaki umiinom ng alak nang tumayo si Yujin at may inilapag sa center table nang sala namin, napatingin ako kay Hyewon nang mabasa ko yung pangalan niya sa folder na nilapag ni Yujin.

"Kamusta yung kaso mo?" nakatingin si Yujin kay Hyewon. "Nakalusot ka ba?" napatingin ako kay Kkura at Chaewon, nakayuko lang sila.

"Anong sinasabi mo?" si Hyewon.

"Bakit hindi mo pinaalam saming lahat? Kahit katiting lang, bakit ka hindi bumalik nang dalawang taon at bakit ayaw mong umuwi sa Japan?" si Yujin, nakatingin lang kami kay Hyewon.

"Case with , attempting murder, e  and ual assault." pagbasa ni Nako sa nakasulat sa mga papel na nasa loob nang folder.

"Hyewon?" si Hitomi. "Sabi mo samin, misunderstanding lang lahat? Bakit nakasuhan ka?" napayuko si Hyewon.

"Ngayon talaga bro?" tumingin siya kay Yujin. "Ngayon mo talaga naisipang tanungin ako nang tungkol dito?"

"Gusto ko lang malaman, dahil una sa lahat may mga kaibigan tayong babae, may kapatid ka ring babae bakit may ganito?!" tumayo na si Yujin.

"Love, kumalma ka." nakahawak sa braso niya si Minjoo.

"Tapos magtataka ka kung bakit ayaw sakaniya nila mom?!" napayuko ako nung tumingin sakin si Yujin. "Natatakot lang sila na mangyari ulit yung nangyari sayo dati, at si Hyewon nanaman yung may kasalanan."

"Yujin tama na." lumapit sakaniya si Chaewon.

"Bakit? Totoo naman diba?!! Si Hyewon yung may kasalanan kung bakit nakidnap si Wonyoung!!"

"Bro, kumalma ka." lumapit na sakaniya si Kkura.

"Kumalma? Paano ako kakalma?!!" natawa siya. "Siguro may alam ka?!" tinulak niya si Kkura. "Tapos hindi mo sinasabi samin?!!"

"Oo may alam kami!!" napatingin kami sa may pintuan. "Yung nangyari dati kay Wonyoung, siguro alam nga ni Hyewon yun pero hindi totoong siya yung may kasalanan!!" lumapit sakaniya si Minhyung-oppa. "Sinubukan siyang iligtas ni Hyewon pero anong laban niya sa mga yun?!!" napabuntong hininga siya. "At ito?" kinuha niya yung folder na nasa center table. "Kasinungalingan lahat nang 'to!!" hinagis niya sa ere yun. "Hindi ko kinakampihan si Hyewon, pero dahil may alam ako handa akong ipagtanggol siya hindi bilang kaibigan kundi bilang kapatid."

"Bro, hindi mo naman kailangang gawin 'to." awat sakaniya ni Hyewon.

"Sa dalawang taon na nandun siya sa Japan, kaming tatlo lang ni Kkura at Yena yung sumama sakaniya!! Kahit na halos magbalikan kami dito at sa Japan masamahan lang siya!! Kaming tatlo lang yung lumaban kasama siya, dahil nung mga panahon na yun kulang nalang itakwil na siya nang mga kamag-anak niya!! Pati na yung mga magulang niya." tumingin siya samin. "At maski isa sa mga magulang natin, walang naniwala sa katotohanan!! Kitang kita sa mga ebidensya na sinet-up lang siya, pero anu?!! Inako niya lahat!!" tinitigan niya si Yujin. "Hindi mo kailangang gawin 'to, dahil paniguradong sasabihin niya rin naman sa inyo." napakamot siya sa ulo niya. "Ang ingay ingay niyo natutulog kami ng anak ko." inis siyang lumabas nang bahay namin.

"I hope you understand, its a secret that I need to hide for awhile but I swear I'm planning to tell you everything. And about that case, the court declared that I'm not guilty not only once but thrice." tumingin muna siya samin bago marahang naglakad palabas nang bahay namin.

"Hindi kita masisisi kung naghangad ka kagad nang kasagutan, mali nga naman na nagtago siya pero para rin satin yun." ngumiti si Kkura bago bumalik sa pwesto niya.

"Can somebody enlighten me?" napatingin kami kay Yuri.

"Hintayin mo si Yena at siya yung pagkwentuhin mo, tutal alam naman niya yung mga nangyari." si Chaewon.

"Party nalang tayo ulit!" tumayo si Felix-oppa at nagpatugtog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

[KINABUKASAN]

Alas otso palang nang umaga nasa NWE building na kami para magpractice, sa susunod na buwan na kasi yung isa sa mga inaabangan na award show para sa mga idol kaya kailangan naming maghanda nang performances. Yung tungkol naman sa nangyari kahapon, hindi nalang namin pinag-usapan yun para iwas narin sa isipin. Sinubukan ko namang itext at tawagan si Hyewon, pero mukhang gusto niya munang mapag-isa kaya hinayaan ko nalang muna siya.

"Minjoo?" napahinto kami sa pagsasayaw nang tawagin siya ni Chaeyeon-unnie.

"Unnie?" para namang timang at natatakot si Minjoo.

"Kaliwang paa nga tayo." napakamot si Minjoo sa ulo niya, pinalitan kasi namin yung steps para magkaroon nang mas magandang formation yung sayaw namin kapag nasa stage na kami.

"Ne." balik na kami ulit sa pagpa-practice. 

"Minjoo." lumapit na si Chaeyeon-unnie sakaniya. "Kaliwang paa nga, sabay tayo."  nagulat naman si Minjoo nang magkamali nanaman siya nang paa na naitaas. "Ganito nalang, gawin mo yung technique ko para hindi ako malito sa steps." humarap kami sakanilang dalawa. "Hampasin mo nang paulit ulit yung hita mo hanggang sa mamula at maramdaman mo yung hapdi, hanggang matapos yung practice natin hindi mawawala yan." sinununod naman siya ni Minjoo. "From the top." bumalik na siya sa pwesto niya, pinatugtog naman ulit ni Manager Han yung kanta namin.

Pinigilan ko namang matawa sakanilang dalawa ni Manager Park, natatawa parin kasi sila sa pinagawa ni Chaeyeon-unnie kay Minjoo.

"Break muna tayo!" si Eunbi-unnie, tumingin ako sa orasan. *Apat na oras na pala kaming nagpa-practice.*

Kumain lang kami nang tinapay tapos nag-pahinga sandali, kwentuhan nang kung anu ano hanggang sa magtawag na ulit si Eunbi-unnie nang practice.

Habang nagpapractice kami biglang may pumasok na lalaki, huling beses na nakita namin siya nung pumirma kami nang kontrata. *Bigla namang humataw si Chaewo, akala mo nakikita siya nung lalaki hahahahahahaha.* Nakilala ko siya kagad dahil sa damit na suot niya na akala namin uniform, lumapit siya kela Manager Park at may pinag-usapan sila. Hindi naman namin magawang tumigil dahil wala namang nagkakamali samin, hanggang sa matapos namin yung pagpapractice nang tatlo pang ulit nandun parin yung lalaki.

"Anu kayang meron?" bulong ko kay Minjoo, nagpapahinga na kami sa isang sulok.

"Baka may nagawa tayong kasalanan." sagot niya.

"Sino ba kasi yung lalaking yan?" tanong ko.

"Asawa ko nga." sabat ni Chaewon samin.

"Hahahahahahahaha, ganun? Sige salamat." dirediretsyong lumabas yung lalaki.

"Uwian na?" si Manager Han, tumango naman kami.

"Manager Han, sino ba yung lalaking yun?" tanong ko.

"Akala ko ba asawa ni Chaewon?" nagulat naman si Chaewon nang sabihin ni Manager Han yun.

"Narinig niyo yung sinabi ko?" tumango lang yung dalawang manager namin. "Hala! Nakakahiya, teka sino ba yun?"

"Huwag niyo nang intindihin yun, ligaw lang yun dito sa building pagalagala kapag walang magawa." si Manager Park.

"Anu yun ligaw na kaluluwa?" si Nako.

"Parang ganun na nga." si Manager Han, nagtawanan naman kami nang biglang bumukas yung pintuan.

"I heard that." ngumiti siya bago lumabas ulit. *Nakakahiya naman.*

Nagpalit muna kami ng damit bago umuwi, pagkarating naman namin sa dorm humiga na ako sa sofa at dun na muna natulog.

"Kakain na!" inangat ko yung ulo ko, pero natulog nalang ulit ako. *Pagod talaga ako.*

Napabangon naman ako nang maalala kong may panunuorin pa pala akong palabas, pagtingin ko sa paligid ko patay na yung ilaw sa sala at tanging yung nasa kusina nalang yung bukas. *Parang kakasigaw lang ni unnie na kakain na.* pumunta ako sa kusina.

"Kumain ka na." tapos na si Eunbi-unnie sa paghuhugas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)