~Special Chapter~

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

 Third Person's Pov

 

(At Kang's Resident)

Nang matapos nang makapag usap ang mag-asawa, napagdesisyunan nilang pumasok sa kwarto ng mga anak nila at kausapin si Mina.

"Anu 'tong sulat na 'to?!" halata sa mukha ni Hyewon ang pagkainis at halos malukot na yung papel na hawak niya. "Bakit hindi mo sinasabi yung tungkol dito!!"

"Won, kumalma ka muna." hinagod ni Wonyoung yung likod ni Hyewon.

"Paano ako kakalma!!" hinagis ni Hyewon sa isang tabi yung papel na hawak niya. "Araw araw hatid sundo kita!! Dahil ayokong mangyari sayo yung nangyari sa mommy mo noon!! Tapos anu?!! Itong pambubully sayo hindi mo sinabi sa amin?!!" napabuntong hininga si Hyewon. "Mina anu?!!" nanatili lang nakayuko ang panganay na anak nang mag-asawa. "SUMAGOT KA!!" hinawakan na ni Wonyoung si Hyewon sa braso.

"Ako nalang ang kakausap sakaniya." mahinahong sambit ni Wonyoung.

"Kung makipag-usap siya sayo, anu bang nangyari sayo at nagkakaganiyan ka?!" napahawak nalang sa noo si Wonyoung nang hindi makinig sakaniya si Hyewon. "Anu hihintayin mo pang saktan ka nila physically bago ka magsabi samin?!! Kang Mina naman!!"

"Wala kasi kayong alam." mahinang sambit ni Mina.

"Pwes ipaalam mo samin!!" hinila na ni Wonyoung si Hyewon.

"Won anu ba? Ako nang kakausap sakaniya, please!!" inis na napahilamos si Hyewon sa mukha niya at padabog na lumabas, nakalimutan niya pang isara yung pintuan ng kwarto nila Mina. "Bakit ba ayaw mong magsabi samin?" mahinahong sambit ni Wonyoung.

"Hindi niyo nga kasi ako maiintindihan!" napaatras si Wonyoung sa biglang pagsigaw ni Mina. "Hindi niyo ako maiintindihan, kasi hindi naman kayo yung nasa posisyon ko!! Hindi niyo ako maiintindihan, kasi hindi niyo naman naranasan yung mga nararanasan ko!!" napasapo si Wonyoung sa mga narinig niya.

"Sabihin mo sakin anu ba yung nangyayari sa school mo, makikinig ako." nanatiling na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)