JINJOO II (Chapter 1)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Nakatingin ako sa bintana naririnig ko yung sinasabi ni Teacher Yu pero hindi ko yun naiintindihan, at wala rin ako sa mood na intindihin yung mga sinasabi niya.

"Mr. Ahn? Are you with us?"

"Ne?" tumango siya.

"Can you answer my question now?" tumayo ako.

"Economic disaster." bulong nung  babae sa unahan ko.

"E-economic disaster." ngumiti siya at  tumango.

"You may take your seat now." tumango ako at sinunod si Teacher Yu.

Nang matapos ang klase niya, kinalabit ko yung babae sa harapan ko. 

"Hmm?" kunot noo siyang nakatingin sakin.

"Thank you."

"Wala yun, kulang ka ba sa tulog? Lagi kang tulala."

"Hindi naman, may iniisip lang." tumango siya at bumalik na sa ginagawa niya, napatingin ako kay Minjoo. *Nakatingin ba siya sakin o kay Yuri?* *Ayoko lang kasing umasa na ako yung tinitignan niya.*

"Good morning class." *Ito nanaman ang dragon.* "Stand and shake your hands." napa-irap ako sa kawalan, sa tatlong buwan na pagkaklase namin sakaniya lagi niyang pinapagawa 'to sa amin. *Dinaig pa yung P.E. class namin!* *Sa P.E. nga halos wala kaming ginagawa dahil laging busy yung teacher namin para sa school tournaments, tapos siya may paexercise tuwing umaga.* "Take your seats." walang gana akong umupo.

Kung si Teacher Yu hindi halatang bakla ito hayag na hayag, hindi sa galit ako sa bakla. Pero kasi itong si Teacher Shin kapag nagalit daig pa ang menopause na babae, ang dahilan lang naman nang pagkagalit niya ay tinulugan siya ng boyfriend niya kagabi *Sinong matutuwa nun.* *Tapos kapag hindi ka nag-english sa klase niya, sa labas ka magkaklase.* *Kaya gustong gusto niya si Hyewon, spokening dollars yun eh.*

"Mr. Ahn, would you like to share what you're thinking?" umiling ako. "Stand." hinampas niya pa yung patpat niya sa lamesa niya. "Are you interested to my lesson?" *Pag-umiling ako lagot ako.* *Kapag tumango naman ako, paniguradong magtatanong siya.*

"I'm interested but my brain didn't want to process what you're saying Teacher Shin." napakagat ako sa labi ko.

"What do you want me to do?" napangiti ako.

"I'm not asking you to do something Teacher Shin."

"Aba at sumasagot ka pa talaga?!" lahat nang estudyante sa klase namin napatingin sakaniya.

"Paano ba yan Teacher Shin, What happened to your english only rule." si Yena-hyung.

"Galit kasi ako."

"Not just today Teacher Shin." napa-irap nalang siya at binitbit lahat nang gamit niya palabas nang classroom namin. *Rule niya yan, na kapag may narinig siyang ibang lenguwahe sa klase niya ay dapat lumabas. Kahit siya pa yung nagsalita.*

"Ahn Yujin, iba talaga tabas ng dila mo." binatukan ako ni Yena-hyung. "Pero nagustuhan ko yung ginawa mo." umupo siya sa upuan ko.

"Pathetic." bulong nung babae sa harap ko. 

"Sino ako?" tanong ni Yena-hyung, tumayo si Yuri at hinarap kaning dalawa ni hyung.

"Pareho kayo." sagot niya bago maglakad palabas ng classroom.

"Hyung girlfriend mo galit." natawa si Yena-hyung.

"Baka nga girlfriend ko." tumayo na siya at lumabas nang classroom, sinilip ko siya sa bintana umupo lang siya sa railing at tumingin sa mga dumadaan.

"Choi Yena!!" napangiti nalang ako *Pinagtripan nanaman si Yuri-noona.*

Lumabas ako at sinalubong si Yuri-noona.

"Anong nangyari sayo?" natatawang tanong ko.

"Oh sali kita." pinunas niya sa braso ko yung kulay itim na likido na nasa kamay niya

"Anu yan?!!" iritableng sigaw ko.

"Grasa." pumasok na siya sa classroom namin.

Napatingin ako kay Yena-hyung galit na galit siya, paano ba naman kasi meron siyang kulay itim sa magkabilang pisnge niya.

"Anu ba kasing ginawa mo, pati ako nadamay."

"Hinagisan ko lang naman siya nang pekeng daga, ewan ko kung saan siya nakakuha nang grasa." inis siyang naglakad.

"Saan ka pupunta?"

"Banyo." sumunod nalang ako sakaniya.

Mabilis ko lang natanggal yung nasa braso ko dahil hindi naman yun ganun kadami, pero yung kay Yena-hyung lalo pa atang kumalat.

"Hyung kailangan na ata natin nang tulong." natatawang sabi ko.

"Buti na-isipan mo, bilisan mo hihintayin kita dito." pumunta naman ako sa klase nila Hyewon, mukhang wala din silang Teacher.

"Napadpad ka dito?" tanong ni Kkura sakin.

"Kailangan kasi namin ni Yena-hyung nang tulong." hindi ko mapigilang matawa habang sinasabi yun, agad namang sumama yung dalawa sakin.

"Yujin sabi ko tulong hindi pandagdag sa init ng ulo ko!!" sinipa pa ako ni Yena-hyung sa hita.

"Hahahahahahahaha, sino gusto mong hingian ko nang tulong? Sila Wonyoung?" tawa na kami nang tawa nila Hyewon habang si Yena-hyung kulang nalang suntukin kami isa isa.

"Tawagin mo yung gumawa nito sakin!!" napatigil ako sa pagtawa, galit na talaga siya.

"Sa-sandali." tumakbo ako papunta sa classroom namin, *May teacher na anu ba yan.*

Naghintay nalang akong matapos yung klase ni Teacher Kim, mahirap na isa pang dragon yun. Siya yung tipo nang teacher na kayang makipagsabayan sa mga estudyante niya, pero pag isa sa inyo hindi nakasagot sa tanong niya? Lahat kayo magmamakaawang bigyan nang pagkakataon yung kaklase niyong hindi nakasagot, dahil magwawala siya at sasabihing bakit hindi kayo nagtutulungan *May issue ata siya nung estudyante palang siya, haysss.* Nang magbell na para sa lunch break naghanap muna ako nang pwedeng pagtaguan hindi ako pwedeng makita ni Teacher Kim.

"Yuri-noona." habol ko sakanilang dalawa ni Minjoo. *Nakakahiya anu ba yan!!* "Yuri-noona sige na, tulungan mo nang matanggal sa mukha ni hyung yung grasa." hinawakan ko siya sa pulsuhan niya.

"Bitawan mo ako." agad naman akong sumunod. "Nasaan ba siya?" 

"Nasa restroom." may inabot siya sakin.

"Mas madaling makatanggal yan, isuli mo sakin pagkatapos." tumango nalang ako at bumalik sa kinaroroonan ni Yena-hyung.

"Bakit ang tagal mo?" salubong nilang tatlo sakin.

"Nandun na kasi si Teacher Kim pagdating ko, kaya hindi ko na naka-usap si Yuri-noona." inabot ko Yena-hyung yung binigay sakin ni Yuri-noona kanina.

"Siya pala gumawa sayo niyan." natatawang sabi ni Kkura.

"Pumapalag na sa mga ginagawa mo sakaniya."  gatong ni Hyewon.

"Umamin ka nalang kasi na gusto mo siya, tutulungan ka namin." inakbayan pa ni Kkura si Yena-hyung.

"Hindi ko nga siya gusto." tinapon na ni hyung yung mga wet tissue na nagamit niya at inis na lumabas nang restroom, sumunod nalang kaming tatlo.

Pagpasok namin sa cafeteria, nagulat ako sa ginawa ni Yena-hyung.

"Sira ulo talaga 'tong si Yena." tinabig ako ni Kkura at lumapit kay Yena, pumunta nalang ako sa pwesto namin.

"Anu trip ni Yena? Medyo bastos na yung ginawa niya ah." inis na tanong ni Wonyoung, napabuntong hininga ako at kinuwento yung nangyari.

"Siya naman pala may kasalanan, bakit nagagalit siya nang ganiyan? Tsaka wala ba siyang balak tigilan si Yuri? Nakakaawa narin yung tao, kahit papaano babae parin yan." inis na sabi ni Chaewon, *Kahit minsan trip nilang magpinsan yung apat, concern parin sila sa  mga yun.* *Lalo na dahil sa mga trip ni Yena-hyung, kinakabahan narin silang dalawa para dun sa apat.*

"Bakit mo naman binato sa ulo si Yuri? Kita mong kumakain yung tao." inis na sambit ni Wonyoung nang makalapit na samin si Yena-hyung.

"Wala kasi kayong alam."

"Na pinagtripan mo nanaman siya, tapos binawian ka niya?" napabuntong hininga nalang si Yena-hyung sa sinabi ni Chaewon.

Napatingin ako sa pwesto nung apat, nakatingin din si Minjoo sa pwesto namin na may pagkadismaya sa mga ngiti niya. *Why I didn't choose to be with them.* napabuntong hininga nalang ako. 

"Pustahan pagsisisihan mo rin 'yang mga ginagawa mo sakaniya." pang-aasar ni Hyewon sakaniya.

"Kahit papaano hyung, nasasaktan parin siya. Hindi sa hindi ako natutuwa sa ginagawa mo ah, minsan nakikitawa ako pero tao parin si Yuri-noona babae siya hyung-babae kung sakaling nakakalimutan mo." tumayo ako para bumili nang makakain ko. *Bakit kasi kailangan pa naming maghiwahiwalay.* tumingin ako sa isang sulok nang cafeteria. *Bakit kailangan mong humiwalay at mapag-isa?* nang makuha ko na yung pagkain lumapit ako sakaniya.

"Pinaupo ba kita?" napabuntong hininga ako.

"Pwede kahit ngayon lang? Magpanggap ka nalang na hindi mo ako kilala." natawa siya.

"Ginagawa ko na yan sa loob nang ilang taon, hindi ko nga kayo tinitignan kapag nagkakasalubong tayo diba. Kasi nga hindi ko na kayo kilala, pero l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?