Battle of the Brands

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

"Herschel." Ang unang salitang lumabas sa bibig ni Irene nang makaupo siya sa kanyang upuang napagigitnaan ng dalawang kaibigan. 

 

 

 

Friday pa rin ng umaga. Cinut lang ng otor last chapter para sa suspense effect. Sana na-suspense kayo.

 

 

 

"Sinasabi mo?" Litong tanong ni Jennie na nag-angat ng tingin mula sa phone nito.

 

 

 

"Herschel pangalan niya." Seryoso niyang saad.

 

 

 

"Nino ba?" Kunot-noong sabi ni Joy.

 

 

 

Umirap si Irene at pumalatak. "Ni baby! Herschel pangalan ng baby ko! Myghad, ambobonak niyo!"

 

 

 

"Wow, ha. Eh, wala ka naman kasing binigay na context!" Mataray na giit ni Jennie.

 

 

 

Umirap na lang muli ang madam. "So? What do you guys think?"

 

 

 

"Tss, I call bull." Mabilis na sabi ni Joy saka nagbalik ng tingin sa cellphone.

 

 

 

"Yup! Me too, a hundred percent." Gano'n din ang ginawa ni Jennie.

 

 

 

Sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan. "Bakit ba ang atribida niyo, ha?" 

 

 

 

Sabay na nagkibit-balikat ang J&J at muli siyang matamang tiningnan. "Just saying. Halata naman kasing made-up lang, 'di ko na lang talaga alam kung bakit ba naniwala ka." Paliwanag ni Jennie.

 

 

 

"Luh, anong made-up sa pangalang Herschel?" 

 

 

 

Nag-snort si Joy. "Ang weird naman no'n, kapangalan siya ng bag," natatawang sabi ng gaga.

 

 

 

Nag-init ang ulo ni Irene sa kanyang narinig. Wow. Coming from Joy pa talaga, anlakas ng loob. "Oh, baket? Ikaw nga kapangalan ng dishwashing liquid tsaka ng chicken na binibenta ni bubuyog, 'di naman kami nagreklamo!"

 

 

 

Natahimik si Joy at napahalakhak naman si Jennie.

 

 

 

 Irene - 1

Joy - 0

 

 

 

Manlalaban talaga siya. Ang dami niyang sinuong para lang malaman pangalan ni baby tapos iba-bash lang siya ni Joy? Aba, 'di naman yata pwede 'yon. Hmp.

 

 

 

"Irene," pagsisimula ni Jennie nang nahimasmasan ito mula sa pagtawa. "What we're saying is ang sketchy ng name niya. Ewan ko ha, pero it really sounds made-up to me or something like sinabi niya lang basta just for the sake na may maibigay siyang name sa'yo. Pustahan tayo Herschel bag niya or may nakita siyang gano'n within proximity kaya 'yon na-blurt out niya." 

 

 

 

Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan at nakitang seryoso ito. Kung iisiping mabuti, may point nga naman talaga ang sinasabi nito. Pinipili niya lang na hindi maniwala dahil ang saklap lang kung totoo 'yon. "Ba't naman siya magsisinungaling?" Kimi niyang tanong.

 

 

 

"I don't know. Maybe for safety purposes?" 

 

 

 

"Ba't naman? 'Di naman ako masamang tao?" 

 

 

 

"Ay, weh?" Gulat na tanong ni Jennie. Aangal na sana si Irene nang muli itong nagsalita. "Char. We know pero para kaya sa kanya? Syempre, hindi niya sure kasi 'di ka naman niya kilala. Tapos nahuli ka pa niyang namimicture, bad shot ka na agad. You're practically a stranger danger to her, sis."

 

 

 

Lalong nagsalubong ang kilay ni Irene, "Pero 'di naman siya na-bother? Nagpasulot pa nga ako, 'di ba?" Pag-papaalala niya sa kausap.

 

 

 

Umismid ang dalaga, "How sure are you na naniwala siya sa palusot mong 'di naman kalusot-lusot?"

 

 

 

"Hoy!"

 

 

 

"What? It's true." Pirming saad ni Jennie. 'Pag ikaw ba tinanong kung anong pangalan mo all of a sudden ta's hindi mo naman kakilala, sasabihin mo totoo?"

 

 

 

Humalukipkip siya at nag-isip . "Kung si Herschel lang naman magtatanong, aba'y oo. Full name pa, complete with address and phone number." Confident niyang lahad. 

 

 

 

Umirap si Jennie, nauubusan na ng pasensya. "Eh, kung hindi nga 'yung baby mo! Pa'no kung si Bogum in a setting na hindi mo siya kilala ang nagtanong? Dagdag pa nating nahuli mo siyang nag-stolen pic sa'yo?"

 

 

 

Natahimik si Irene.

 

 

 

Irene - 0

Jennie - 10

 

 

 

"See? Pero at least nagka-interaction na kayo. I'm proud of you." Nginitian siya ni Jennie at tinapik sa balikat. Kahit pa 'di siya sigurado sa mga bagay-bagay sa pagkakataong 'yon ay gumaan ang kanyang loob. "Haaaay. Finally! May maitatawag ka na rin sa kanya maliban sa 'baby'. Nahihirapan na rin kasi 'yung otor na bigyan ng pang-describe baby mo, eh. Ang weird pa naman minsan ng nagiging context in tagalog..." 

 

 

 

"Huh?" 

 

 

 

Ngumiti na lamang si Jennie. "Nothing. Ako lang 'to na sinisira ang fourth wall."

 

 

 

(a/n: fourth wall = ikaapat na pader. 'di ba, ang weird pakinggan? para tayong nagco-construction.)

 

 

 

"Anyway, proud din ako sa'yo, 'La," singit ni Joy na matagal-tagal ding natahimik. Sarap sa ears ng katahimikan, sa totoo lang. Umayos ito sa pagkakaupo at nagpatuloy, "Pero nasa pinto na si Miss Jung kaya mamaya na lang ulit tayo magchikahan." 

 

 

 

.....

 

 

 

"Babe, aalis nga pala kami ni bespren bukas," sabi ni Seulgi habang nanguya-nguya, akala mo naman kung sinong osong ginutuman. "Magpapasama raw siya bumili ng bag." 

 

 

 

Nilunok ni Joy ang pagkain sa bibig bago nagsalita. "Bag?" 

 

 

 

Tumango si Seulgi, "You know, bagpack," 

 

 

 

"Para kanino? Sa kapatid niya??" 

 

 

 

Umiling ang oso.

 

 

 

"Magpapalit siya ng bago?" Tanong ulit ni Joy. At oo, chismosa talaga si Joy.

 

 

 

Natigilan ang oso sa pagkain at napaisip. "Oo? Or 'di naman yata? She told me something pero 'di ko na masyadong naintindihan kasi I wasn't really paying attention..." guilty na sagot nito.

 

 

 

"Kang Seulgi!" Saway ni Joy sa jowa saka nagpapalatak.

 

 

 

"What? I was eating! Priorities first."

 

 

 

Suminghal si Joy, "Best friend mo na 'yon, ha. Pa'no pa kaya 'pag ako??"

 

 

 

"B-babe, iba naman k-kasi 'yon! K-kanina kasi nakain ako ng Pringles. Kasalanan niya 'yon kasi alam niya namang kahinaan ko 'yon ta's bigla niya akong bibigyan at kakausapin!" Pautal-utal na depensa ni Seulgi, nanisi pa nga.

 

 

 

"Ewan ko sa'yo!" Bulalas ni Joy saka tumalikod sa kausap.

 

 

 

Bago pa man matuloy ang dramarama sa tanghali brought to you by JoyGi kopol ay may sumabat.

 

 

 

"Nyare?" Takang tanong ng madam. Nag-cr lang siya saglit, may pa-LQ na agad 'yung dalawa.

 

 

 

Walang sumagot sa tanong ni Irene. Busy si Joy magpabebe habang sinusuyo ni Seulgi, si Jennie naman ay nagpo-phone at walang paki sa mundo. Umirap siya, "So anyare na nga?" 

 

 

 

Pumalatak si Jennie, "Ewan ko, 'di ko naman sila pinapakinggan sa mga inarte nila. Basta si Oso bukas may sasamahan atang bumili ng bag ta's ayon, agagalet si Ligaya." Bored na sagot nito, 'di pa rin tinatanggal ang atensyon sa hawak na cellphone.

 

 

 

"Bag?" Ulit niya sa tanong ni Joy kani-kanina lang. At oo, medyo may pagkachismosa rin pala si Irene.

 

 

 

"Oo, 'yung nilalagyan ng gamit ta's nilalagay sa likod? Kasama ata kabit niya o kung ano pa man? Ah, ewan, 'di ko talaga alam at hindi naman kasi ako interesado." Iritang paglalahad nito. Taray, ayaw paistorbo. Malamang ka-chat na naman ng gaga ang kalandian nito.

 

 

 

Umirap na lang ulit si Irene sa sinabi ng kaibigan. Sa tingin niya'y wala naman siyang makukuhang matinong sagot dito kaya napagdesisyunan niyang sa mismong magjowa na lang magtanong kung ano bang ganap.

 

 

 

"Hoy, ano ba kasing mer—"

 

 

 

Natigilan siya.

 

 

 

Tangina? Ambilis naman no'n?

 

 

 

Paglingon niya sa JoyGi ay muntik niya nang isuka ang tinanghalian niya. Naghaharutan na kasi ulit ang magjowa at parang hindi sila nag-away ilang minuto lang ang nakakaraan. 

 

 

 

Bumuntong-hininga na lang si Irene at humalukipkip, mukhang 'di niya na kailangang chumismis pa dahil nagkaayos na rin naman ang dalawa. Hayyyy, sana lahat may jowa...

 

 

 

Naudlot ang pagmumuni-muni niya nang malakas na nagsalita si Joy. "Uy, babe! 'Wag ka, alam na ni Irene pangalan ng minamanyak niya sa jeep!" Mayabang na sigaw nito at bumungisngis si Jennie sa tabi niya.

 

 

 

Depungal. Ipinangalandakan pa nga ng impakta sa buong student body sa loob ng cafeteria na may "minamanyak" siya. Hindi niya na lang talaga alam kung 'di nito sinasadya o ipinapahiya siya ng demonyita. 

 

 

 

Sasawayin niya na sana ang kaibigan nang sinapawan ng sigaw ni Seulgi ang boses niya. "WEH, talaga ba?! Anong pangalan ng minamanyak mo, Rene???" Excited na bulalas ng oso.

 

 

 

Nakatingin na ngayon sa kanilang direksyon ang mga estudyanteng malapit sa pwesto nila. Nagulat ang lahat sa kanilang narinig, may iba pang nagbulungan. Wala na. The damage has been done. Napahawak na lang si Irene sa sentido, nagtatakip ng mukha dahil sa hiya. Huminga siyang malalim saka sumagot, "Herschel." 

 

 

 

Naghintay siya ng ilang sandali para sa reaksyon ng kaibigan ngunit binalot lamang ng katahimikan ang table nila. Tinan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄