One Week Trial

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Lunes.

 

 

 

Sakay si Irene ng jeep papuntang Soo Man. Dahil buong puso siyang nagtiwala nung Sabado at Linggo, ngayon ay nakatulala siyang nakatitig sa mukha ng kanyang minamahal. Simula nang makasakay ang dalaga, wala siyang ibang ginawa kundi panoorin ang bawat kilos nito. Sa ngayon ay nagbubuka ng bibig ang baby niya, may sinasabi yata.

 

 

 

"Miss," 

 

 

 

Oo, miss—miss na miss kita, gusto ko ng kiss...

 

 

 

"Miss?" Rinig niyang pag-ulit ng dalaga na nagbalik sa kanya sa realidad. Nagsasalita nga ang baby niya at nakaharap ito sa kanya. Teka nga, siya ba ang kinakausap nito? Luminga-linga si Irene sa paligid para tingnan kung may iba bang pupwedeng patungkulan ang kaharap. Wala, siya lang talaga. Nagbalik siya ng tingin sa kaharap at takang tinuro ang sarili just to be sure. Mahirap nang maging assumera, baka mapahiya na naman.

 

 

 

Tumango ang dalaga bilang pagsang-ayon, "Nahulog 'yung panyo mo," sabi nito saka ngumuso sa sahig ng jeep. 

 

 

 

Ay! Kunyari ka pa, gusto mo rin ata ng kiss...

 

 

 

Masyado siyang na-distract sa labi ng baby niyang nakanguso para tingnan ang tinuturo nito. Basta ang alam niya'y, oo, meron nga siyang dalang panyo at sa pagkaalala niya ay nakapatong 'yon sa kanyang hita kanina. 'Di niya nga lang napansin kung nalaglag na ito dahil busy siya sa pagtitig sa dalagang nasa harap niya.

 

 

 

Kung ganto lang din naman ang mangyayari ay parang gusto niya na lang ihulog ang panyo niya palagi. Gusto niya na lang ihulog lahat ng gamit niya. Parang hindi lang ang panyo at gamit niya—pati na rin ang niya. T'as after no'n, ihuhulog niya na rin sarili niya sa kalsada dahil sa sobrang kahihiyan...

 

 

 

(a/n: WATAFU—)

 

 

 

Masyado pang maaga—literal at figuratively. 

 

 

 

Muling nagsalita ang dalaga, "Uhhh, miss? Sa'yo 'to, 'di ba?" Nasa kamay na ni babes ang panyo niya. Ito na mismo ang pumulot at nag-offer iabot sa kanya sa sobrang tagal niyang sumagot. Nataranta si Irene.

 

 

 

"Oo! Yes, it's mine, akin 'yan!" Aligaga niyang sabi saka kinuha sa palad ng kausap ang panyo. "Salamat, thank you..." 

 

 

 

What the ? Anuyon, Duolingo???

 

 

 

Panandaliang kumunot ang noo ng mala-anghel na dalaga dahil sa word vomit niya ngunit agad din naman itong napawi nang ngumiti ito. "You're welcome," tugon nito.

 

 

 

Shet na malagket! Legit na 'to. Pati 'yung  niya nahulog na rin sa sahig. Pwede padampot na rin?

 

 

 

"You're welcome rin sa bahay namin. Halika, uwi na kita." Ang kamuntikan pang masabi ni Irene. Buti na lang talaga't napigilan niya dahil kung hindi ay tuluyan na lang siyang magpapakahulog sa kalsada dahil sa sobrang hiya. Masyado na siyang natameme at napahiya ngayong araw, sa susunod naman 'yung iba.

 

 

 

Ngumiti ulit ang dalaga sa kanya bago nito binalik ang atensyon sa labas. Napayuko na lamang si Irene dahil sa sobrang kilig. Tiklop siya, shuta. Bukas na lang ulit, try again.

 

 

 

Sa ngayon, 'di niya na muna susubukan pang ipilit na kuhaan ng stolen pic ang baby niya, tutal mukhang naniniwala na rin naman sa kanya ang J&J. Tsaka mahirap na't baka mahuli na naman siya, 'di na naman sila magkikita ng ilang araw. .

 

 

 

/////

 

 

 

Martes. 

 

 

 

Nasa cafeteria ang TMR ngayon para sa kanilang lunch break. Katatapos lang nila kumain at may ilang minuto pa sila para magchikahan. Si Seulgi naman ay nauna na sa kanila dahil may gagawin pa raw ito.

 

 

 

"Nga pala, Ruby Jane, musta 'yung jowakels mo sa Omegle?" Usisa ni Joy sa kaibigan.

 

 

 

Tumaas ang kilay ni Jennie sa narinig, "Tanginang 'to, Ruby Jane? Anuka, si Mama??"

 

 

 

"Arte nito! Tinawag na nga sa pangalan niya, nagagalit pa. Edi bhielat na lang itatawag ko sa'yo!" Bulalas ng dalaga. "Bhielat, musta 'yung jowakels mo sa Omegle?" Pag-ulit nito na ikinatawa ni Irene at Jennie. 

 

 

 

"Bhielat ampota," bulong ni Jennie bago sumagot sa tanong ni Joy. "Oks naman si Lisa. Nakapagpasa na raw siya ng application form dun sa magbubukas na bagong café malapit dito sa uni natin."

 

 

 

"Ayiiee~ Edi sisilay ka?"

 

 

 

Nagkibit-balikat si Jennie, "We'll see," 

 

 

 

Tumango si Joy saka naglipat ng tingin sa katabi ni Jennie, "Ikaw, Madam, musta baby mo?" Tanong nito kay Irene. 

 

 

 

Agad siyang nangiti nang maalala niya ang mga pangyayari kahapon. Lalong tumaas ang gilid ng kanyang mga labi nang muling sumagi sa kanyang isipan ang matamis na ngiti ng mala-anghel na dalaga.

 

 

 

"AY, NAPAKALANDE! BHIELAT, NAKIKITA MO BA 'TONG KAIBIGAN NATIN???? ANG KIRENG!! WHOOO, JUSKOO!!!"

 

 

 

Napatawa na lamang ang dalawa sa pinagsasabi ng kaibigan nila. Nagsitinginan din ang ibang mga estudyanteng malapit sa kanila pero wala namang nagreklamo. Nasanay na lang din ang mga ito sa mga paarangkada ng TMR. 

 

 

 

Lumingon si Jennie sa kanya, "Anyare na, Madam? Nag-kiss ba kayo o ano na?" 

 

 

 

Nanlaki ang mga mata ni Irene, "Kiss agad!!?" Sabi niya na para bang naeskandalo sa narinig. Akala mo naman talaga 'di niya naisip gawin 'yon kahapon.

 

 

 

"Wushu~ Gusto mo rin naman... So, ano nga?"

 

 

 

Tumikhim siya bago nagsalita saka inilahad ang lahat ng nangyari sa pagsasabay nila ng baby niya kahapon.

 

 

 

"Ayon, tameme na naman ako..." Pagtapos niya sa kanyang kwento na umani ng batikos mula sa J&J.

 

 

 

"Ang hina mo naman kasi, Rene." Inis na sabi ni Jennie.

 

 

 

Nagpanting ang tenga niya sa kanyang narinig. Hindi siya mahina, natameme lang talaga siya... Oo, magkaiba 'yon. "Ang yabang nito, ikaw nga kausapin mo!" 

 

 

 

"Sigurado ka na ba dyan? 'Pag 'yung si baby kinausap ko, akin na 'yon, ha!" Nanlalaban na hamon ni Jennie sa kanya.

 

 

 

"HOY, DIBS! AKO NAUNA, MANG-AAGAW KA PA DYAN! TSAKA 'DI BA MAY LISA KA NA?!" Gigil na gigil na ngayon si Madam at mukhang malapit na siyang manapak. Dito na yata magtatapos ang siyam na taong pagkakaibigan nila ni Jennie.

 

 

 

Nakipagtitigan sa kanya si Jennie nang ilang sandali pagkatapos ay nagpakawala ito nang napagkalakas na tawang sinabayan din ni Joy. "Charot lang, Madam. Lt sa'yo, parang ii-FO mo ako, ah. Grabe makabakod, 'di mo nga alam pangalan ng baby mo." 

 

 

 

Suminghal si Irene, "Alam mo, mayabang ka. Ikaw nga 'di mo pa rin nakikita 'yung Lisa mo, eh, pa'no kung serial killer pala 'yon?"

 

 

 

"Oks lang, edi ipapapatay kita. Tsaka wala naman sa mukha 'yon. Malay mo 'yung baby mo serial killer din pala, bleh."

 

 

 

Gaganti pa sana si Irene sa slander ni Jennie sa baby niya nang biglang pumalakpak si Joy, "Okay, children, settle down." Sabat nito na para bang isang teacher na nagpapakalma ng mga grade 1 students. Nang kumalma ang dalawa ay mula itong nagsalita, "So, ano nang plano mo, Madam? Aaraw-arawin mo na ba talaga ang pagc-commute?"

 

 

 

Bumuntong-hininga siya, "Hindi ko pa nga alam, eh... Ita-try ko na muna sigurong mag-commute papasok at pauwi this week para malaman ko kung anong sched ang swak sa pagkikita namin."

 

 

 

"Taray, stalker na stalker ang datingan. Desidido ka na talaga dyan sa pagmamahalan niyo ng baby mo, noh?"

 

 

 

"Pagmamahalang siya lang nakakaalam, kamo." Side comment ni Jennie na hindi niya maangalan dahil totoo naman. Tumango na lamang siya bilang pagsagot sa tanong ni Joy.

 

 

 

"Lakas ng fighting spirit mo, girl! Grabe, imagine ha, sa dinami-rami ng mga jeep at magkakaibang oras ng byahe, mas malaki talaga ang probability na 'di kayo magkasabay pero nagkakasabay pa rin talaga kayo..." Manghang paglalahad ng dalaga.

 

 

 

"'Di ba!" Excited niyang sang-ayon. Pa'nong 'di siya mae-excite kung sa wakas ay nakikita na rin ni Joy ang hiwaga sa pag-iibigan nila ng baby niya? Talaga nga naman kasing parang ang tadhana mismo ang nagawa ng paraan para magtagpo at magkasabay sila.

 

 

 

"Itinadhana ni Bathala naman pala ang peg." Mapang-asar na komento ni Jennie. "Oy, Rene, kasa mo na 'yan, ha. Bulong sa'kin ni Bathala baka kayo na raw ang para sa isa't isa, ayieee~" 

 

 

 

Hinampas niya ang dalaga sa braso, "Enebe! Pere keng tenge!" Naghawi siya ng buhok at humalinghing.

 

 

 

Bumagsak ang ngiti ni Jennie sa nakita nitong inasta niya, "Luh, tangina, nagpabebe na nga. Anyways, 'lam mo namang support ka namin sa mga kagagahan mo. Ingat ka lang talaga sa pagc-commute and all. Pati na rin sa baby mo, malay mo serial killer pala talaga 'yon," pagpapaalala nito na sinang-ayunan din ni Joy.

 

 

 

"Syemps, 'di naman ako gano'n kaharot par—"

 

 

 

"Nyenyenyenye. 'La, tanggapin mo na, maharot ka at may asim ka pa. Ang concern lang naman namin ni Bhielat a—"

 

 

 

"Bhielat na talaga tawag mo sa'kin?" Nakangising singit ni Jennie.

 

 

 

Lumingon si Joy sa sumabat at inirapan ito bago nagbalik ng tingin sa kanya, "Ayon nga, ang concern lang naman namin ni Bhielat ay ang kapakanan mo. Dami pa namang masasamang loob na pakalat-kalat. Mamaya nadudukutan ka na pala pero 'di mo pa pansin kasi busing-busy ka sa kakatitig sa baby mo."

 

 

 

"Hoy, mag-ingat ka rin sa mga manyak! Naalala mo ba last year nung nag-jeep tayo ta's may hatdog na nang-aano sa'tin? Buti na lang talaga nakasabay natin si Chanyeol."

 

 

 

Naalala ni Irene ang tinutukoy ni Jennie. Gabi na sila nakauwi no'n dahil may tinapos silang group project sa bahay ng kaklase nila. Hindi sila naihatid ni Seulgi, 'di kasi nakapasok nung araw na 'yon dahil nagkasakit, team commute tuloy ang TMR. Okay naman ang lahat kaso lang may creepy na lalaking naniniksik sa kanila. Swerte na lang talaga na nakasakay nila ang pinsan ni Joy na si Chanyeol at naagapan ang sitwasyon nila kundi baka umuwi 'yung impaktong 'yon nang may tatlong handprint sa mukha.

 

 

 

Halos manginig si Irene sa alaala. Ugh. Ayaw niya talaga sa hatdog.

 

 

 

Ngumiti siya, "Yes, naaalala ko at yes, mag-iingat ako." Paninigurado niya at mukhang nasiyahan naman ang dalawa. "Tsaka, ita-try ko pa lang naman for one week eh, 'di pa talaga sure na ka-career-in ko 'tong pagc-commute ko." 

 

 

 

"True." Sabay na pagsang-ayon ng J&J habang natango-tango. 

 

 

 

"Nagsabay ba kayo kanina?" Tanong ni Jennie na tinugunan niya ng iling. "Pero may pic ka na?" Muli siyang nag-iling ng ulo. 

 

 

 

"Hindi na muna ako mag-aatempt mang-stolen pic sa ngayon,"

 

 

 

"Tama 'yan. Ang malas mo pa naman sa mga pagtatangka mo, ang hena mo pa." Naudlot ang plano niyang rumebut nang nagpatuloy lang si Joy sa pagsasalita, "Oks lang, naniniwala naman kami sa'yo, sa baby mo, at sa wagas niyong pag-iibigan. Siguraduhin mo lang talaga na 'di multo o aparisyon 'yang babes mo, ha."

 

 

 

Nangiti siya sa sinabi ni Joy. Tumango na lamang si Irene at sandaling natahimik ang tatlo. Sumandal si Joy sa kinauupuan at bumuntong-hininga, para bang may mabigat na problemang kinakaharap.

 

 

 

"Oh, bakit? Ano na namang kaartehan 'yan?" Tanong niya sa kaibigan.

 

 

 

"Wala, naisip ko lang na ang lungkot ng mga love life niyo." Nagtuwid ng upo ang anak ni Satanas at tinuro si Jennie, "Eto, may kausap pero 'di naman sinesendan ng picture kaya 'di niya alam itsura." Umirap lamang ang pinatutungkulan. Inilipat ni Joy ang hintuturo nito sa direksyon niya bago nagpatuloy, "Ikaw naman alam mo nga itsura pero 'di mo naman makausap, kahit picture 'di mo pa makuhaan. Hay nako, ang aking mga kaibigang tuyot at kaawa-kaawang nilalang..."

 

 

 

Nasa dulo na ng dila ni Irene ang pag-angal niya nang sumigaw si Jennie, "Hoy! Mga gaga kayo, 12:58 na pala! Si Miss Jung next sub natin!"

 

 

 

Hindi na nagsayang pa ng panahon ang TMR at kumaripas na sila ng takbo para sa kanilang mga buhay.

 

 

 

/////

 

 

 

Miyerkules.

 

 

 

May sapi yata si Joy.

 

 

 

Umaga. Forty-five minutes pa bago magsimula ang unang klase nila para sa araw na 'to at mabibilang lang sa daliri ang mga kaklase nilang nandito na. 

 

 

 

As usual, kanya-kanyang trip ang mga estudyante sa pagpapalipas ng oras pero ibahin niyo ang TMR. Kasalukuyang may interrogation na nagaganap sa side ng kanilang upuan at ang kaibigan nilang si Joy ang nasa hot seat.

 

 

 

"Ligaya, eto ha, simula nung nagpasukan tayo 'di ka na nale-late. Dati kaming dalawa lang ni Rene nagtatalo sa pagka-early bird, ta's ngayon nanlalaban ka at mas early ka pa sa bird. Ano ba nakain mo't ang aga mo na pumasok?"

 

 

 

Nagkibit-balikat si Joy bago sumagot, "Si Seulgi." 

 

 

 

Oh lordt. Napairap si Irene at Jennie saka sabay na napahawak sa sentido. Wala talagang pinipiling oras si Sootanas para maghasik ng lagim.

 

 

 

"Tangenuh. Welcome to another episode of Umagang Kay Kalat." Sabi ni Irene na ikinatawa ng kaibigan.

 

 

 

"Ewan ko sa'yo, Ligaya. Puro basura na lang nalabas sa bibig mo at ang aga-aga mong magkalat." Pahabol ni Jennie na lalong nagpalakas sa halakhak ni Sootanas.

 

 

 

"Uy, 'La, nakita ko kayo ni Yeri kanina bago siya pumunta sa building nila. Nagsabay kayo?" Pag-iiba ni Jennie sa usapan dahil mukhang walang planong magbigay ng matinong sagot si Joy.

 

 

 

Umiling si Irene, "Sa gate lang kami nagkita no'n ta's nilapitan ako para lang mang-aasar. Tinanong kung nakasabay ko raw ba 'yung 'minamanyak' ko." Kwento niya na may kasamang air quotes.

 

 

 

Napatawa ang J&J. Kung wala man silang dalawa para sirain ang umaga ni Irene, siguradong maaasahan naman nila ang pinsan niyang si Yeri pagdating sa gantong mga bagay. 

 

 

 

"Nakasabay mo nga ba?" Hirit ni Joy.

 

 

 

Sumimangot siya at muling nag-iling ng ulo.

 

 

 

"Oks lang 'yan, Madam. May bukas pa," nakangiting saad ni Joy, sinusubukang pagaanin ang loob niya. "Pero oo nga, noh. Ba't 'di mo na lang sabayan si Bansot, sis?" 

 

 

 

Suminghal siya, "Jusko, hindi na! Aasarin lang ako ng batang 'yon. Tsaka gabi na 'yon nauwi, may sched akong sinusundan." Maalam niyang tugon. Sa totoo lang, nung nakaraan niya pa pinag-iisipang sabayan si Yeri kaso lang bigla niyang naalala ang mapang-asar nitong mukha. Thank you, next na lang. Baka maging hadlang pa ang tyanak niyang pinsan sa pagsilay niya.

 

 

 

Tumango si Jennie at Joy, "May point. Lalo ka lang ipapahiya no'n." Pagsang-ayon ni Jennie.

 

 

 

Nagkwentuhan pa ang magkakaibigan sa mga natitirang oras hanggang sa dumating ang kanilang prof. 

 

 

 

.....

 

 

 

"Oks lang 'yon, Madam. May bukas pa," Naalala niyang sabi sa kanya ni Joy kaninang umaga. Pero bakit kailangan niya pang maghintay ng bukas kung katabi niya na ngayon ang babes niya?

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄