Heartbreak Playlist 4 Pambansang Tutor

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

"Wow, ano 'yan? Para sa akin? Ang bait mo naman, thank you!" Corner ni Irene sa pinsan nang nakita itong may hawak na sandwich at bubble tea.

 

 

Umirap si Yeri sa narinig, saka mapang-asar na tumawa. "Lolz, anong para sa'yo? May naiambag ka ba para sa ikauunlad ng section namin?"

 


Ginantihan niya ng irap ang kausap at defensive na pinagkrus ang mga braso. "Para kanino ba kasi 'yan?"

 


"Para 'to kay ate crushie na nagturo sa amin last week. Alam mo naman 'yon, 'di ba?"

 


Kumunot ang noo niya, inaalala ang tinutukoy ng pinsan. 

 


"Pumasa kasi buong class kaya ayon, nag-decide kami na mag-ambagan para makapagpa-deliver ng snacks for her. Pa-thank you man lang." Patuloy nito.

 


"Ahhh..." sabi na lang ni Irene kahit na hindi niya naman talaga masyadong maalala. To be honest? Wala naman kasi siyang pake. Oo, natutuwa siya dahil hindi nabokya si Yeri at ang mga kaklase nito sa tests nila— pero ayon, wala nga siyang pake. 

 


Stay unbothered, queen. Purr.

 


"Ahtdog." Pambabalasubas sa kanya ng demonyita. 

 


Handa na siyang manabunot ng bruha nang biglang may sumigaw. "Yeri, tara na, bilis! Free na raw sila ate ngayon!"

 


"OMG, teka!" Sigaw ng bubwit pabalik, pagkatapos ay nilingon ulit siya. "'Te Ren, wait lang, ha. Punta lang muna kami sa college building, mabilis lang 'to, pramis."

 


"Hay nako, Kim Yerim! Ang dami mo na namang palusot."

 


"Truly nga! Ibibigay lang namin 'tong puds kay ate crushie, ta's bounce na. Gusto mo sama ka pa sa'min."

 


Pumalatak siya, "Hindi na! Kagagaling ko lang talaga ro'n, nakakapagod kayang mag-akyat-baba na naman!"

 


"Oo nga pala, bawal na sa nakatatanda ang straining activities..."

 


Hindi siya kumibo at mapanghamon lang na tumitig kay Yeri.

 


Bumuntong-hininga ang nakababata sa dalawa. "'Wag ka mag-alala, 'di naman kita tatakasan. Masyadong kang trust issues dyan, eh. Wait mo na lang ako ro'n sa shed sa guardhouse para doon na kita puntahan."

 


Pinaningkitan ni Irene ng mata ang pinsan bago tumango na lang at hindi na umangal pa. Hindi niya na rin kwinestyon kung bakit parang magfi-field trip si Yeri at ang mga kaklase nito sa college building kung iisang bubble tea at sandwich lang naman ang dala nila. 

 


Bigat nyan, beh? Ang haharot nga naman talaga, oo. Napatawa siya sa sarili at nagsimula nang bumaba na naman ng hagdan para mauna na sa shed. 

 


It's Thursday afternoon already and uwian na naman.

 


Ang good mood ni Irene today, ano?

 


But the most important question is, sumama ba siya kahapon or nah?

 

 

 


Hindi siya sumama.

 


Well, sumama siya... pero nagpababa rin siya sa may sakayan ng jeep.

 


Honestly? Tempting 'yung offer, really. Pero mas type niya kasing magmukmok muna mag-isa at makinig ng malulungkot na music. With this, she can say na nagbunyi naman ang sad girl in her sa desisyon niyang magpaka-miserable at home, all alone.

 


[But from me to y'all? Please, please, please 'wag tutularan si Irene, if may choice lang din naman]

 


Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa'yo na aamining ika'y mahal pa rin

 


Humikbi siya.

 


For sure nakarating na ang mga kaibigan niya sa pupuntahan ng mga ito by now at nagpapakasaya na ang J&J pagtawanan si Seulgi na as expected, rattled na naman. Ang impaktang si Yeri nasa galaan din. Kahit ang mommy niya, umalis at may agenda.

 


Ang lungkot-lungkot. Parang lahat ng tao nagce-celebrate habang siya nagdadalamhati't nagluluksa.

 


Okay na rin siguro. Iniisip niya na lang na ang perks ng kanyang pag-iisa ay mabibigyan siya ng peace and quiet. Oo, gano'n na lang ang iisipin niya— at least walang iistorbo sa senti time niya para mambwisit o para magpatulong magpa-level up sa Candy Crush.

 


Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang
Ngunit sa'ting mga mata ito'y kalabisan lamang
Patuloy lang masasaktan ang mga puso
Oh, bakit kay sakit pa rin ng paglayo?

 


Continue lang sa pagkanta sa background si Jovit at hindi naman mapigilan ni Irene ang sarili na mapaisip.

 


Ano kayang ginagawa ng baby Herschel ko ngayon? Nakauwi na kaya siya? Kumakain kaya siya sa tamang oras?

 


All these questions, pero hindi man lang niya matanong in person sa kanyang minamahal. Kumuha siya ng bagong tissue, saka ipinamunas ito sa luha at tumutulong uhog.

 


Humingang malalim si Irene. Sa ngayon, wala siyang ibang magagawa kundi maki-sing along muna sa kanyang sad girl playlist.

 


After all, tomorrow is another day. 

 

 

 


And as it turned out, tama nga siya dahil mas okay na siya today compared kahapon. Paano ba naman, naibuhos niya na the day before ang lahat ng pent-up frustrations niya mula sa kanyang back-to-back disappointments from the past few days. Thus, she can proudly say na naging tama ang pasya niya.

 

 

 


.....

 

 

 


Nakapagdesisyon na si Irene.

 


Hindi niya na kaya.

 


Tama na.

 


Siya na mismo ang tatapos sa kalokohang 'to.

 


Matapang niyang nilakbay ang daan mula sa kanyang kwarto hanggang sa sala.

 


"Mommy, may sasabihin po ako sa inyo."

 


"Oh, Hyun! Aba, saktong-sakto ang dating mo! Halika nga muna at tingnan mo ito."

 


Dali-dali siyang lumapit sa kinaroroonan ng ina at kinuha ang inaabot nito.

 


Hallelujah! Let there be light, indeed!

 


Hindi niya napigilang maningkit ang mga mata nang sumalubong sa kanya ang brightness sa iPad ng mommy niya. Pambihira, mas maliwanag pa 'to sa kinabukasan niya at ng buong bansa. No joke, para ba namang bigla siyang nakarinig ang koro mga anghel na naghihintay papasok sa langit.

 


Lumipas ang ilang sandali bago nahirati ang kanyang mga mata, at saka niya lang nasuring mabuti ang nasa screen.

 


"Wow, bago na nilalaro mo?" Pansin niya.

 


"Ah, oo, naubos na kasi yung lives ko sa Candy Crush. Eh, nakakainip namang maghintay kaya dinownload ko na 'yan."

 


Wordscapes naman nilalaro ni Taeyeon ngayon.

 


"Check mo nga at baka alam mo ang sagot dyan. Yawa, kanina pa ako nagta-try, pero walang tumatama!"

 


Tinitigan niyang mabuti ang mga letters na given at nagsimulang mag-try ng iba't ibang 5-letter combinations para hanapin ang missing word. 

 


SIKER? No.

 


SHEIK? No.

 


SHIRK? Bingo.

 


Tumunog ang victory sound effect at may mga confetti na lumipad sa screen. Umismid siya sa sarili at matic na 'yon para kay Taeyeon.

 


"Nako, ang tali-talino talaga ng anak ko!" Puri nito, saka malambing na humalik sa noo ni Irene na natawa lang at ibinalik ang iPad sa ina.

 


"Oh, e ano nga pala 'yung sasabihin mo sa'kin kanina, 'nak?"

 


"Tungkol po kay Ye-" 

 


"Ayo! Magandang gabi, woot woot! Anong ulam natin, mga kakosa? Hehehe,"

 


"Adobong manok, as requested," sagot ni Taeyeon sa masamang elementong inimbitahan na naman ang sarili nito sa bahay nila.

 


"Wow, saraaaap..."

 


"Talaga! Kumain ka na, sabay na kayo ng Ate Hyun mo."

 


"Ay, chaka!" Bulalas ni Yeri bago dumiretso sa kusina.

 


Pumalatak si Irene. Speak of the devil and she doth appear nga naman talaga. 

 


Si Yeri lang naman ang dahilan kung bakit urat na urat siya simula nang pag-uwi nila mula sa school. Dumadagdag pa sa inis niya na simula nang nagsabay sila ng pinsan, never na ulit niyang nakasabay o nakita man lang si Herschel. Of course, si Yeri din ang dahilan kung bakit kailangan niyang makausap nang masinsinan ang ina.

 


"Kakausapin ko po sana kayo about do'n sa bubwit na pumunta sa kusina, My..." paglalahad niya. It's now or never, at hindi niya na 'to patatagalin pa.

 


Kanina ba naman kasi, hindi nga siya tinakasan ng pinsan pero mas nag-astang lil ito at pinahiya na naman siya nung nasa byahe sila. Putragis, kung sino-sino ba naman pinagtuturo ng tyanak— ang lakas pa ng boses mang-asar, ' ayon ba 'yung minamanyak mo? ' If hindi ganyan ang ganap, iinisin lang siya ni Yeri in general. Kung meron man siyang naiisip na talent ng pinsan, 'yun ay ang ability and creativeness nito sa pambabalasubas.

 


As much as she wants na pestehin si Yeri at pigilan ang paglalakwatsa nito para man lang makaganti, parang hindi na lang. Hindi worth it, siya pa ang lalong napepeste. Ultimately, ang resolve niya ay ayaw niya na talaga itong makasabay. Kung kinakailangan, siya na mismo ang magpapalusot para 'di na sila pagsabayin ng mommy niya. 

 


Nagtanggal ng salamin si Taeyeon at inilapag sa kandungan ang hawak. "Ano na namang pinag-awayan niyong dalawa?"

 


On cue ulit, biglang nag-appear si Yeri sa sala na may hawak na plato na gabundok ang kanin at ulam. Naupo ito sa sofa na kaharap lang nilang mag-ina at nagbukas ng TV bago nagsimulang kumain.

 


"Wala naman po. Pero My, please, 'wag niyo na po siyang ipasabay sa akin," halos pagmamakaawa niya. "Nakakahiya po kasi siyang kasama sa labas." Pagpapatuloy niya at sadyang naglakas ng boses para maulinigan ng pinariringgan.

 


"Luh, ako ba 'yan?" Intrigang sabat ni Yeri na nanguya-nguya pa.

 


Umirap si Irene, nagpamewang, at tuluyang hinarap ang nagsalita. "Oo! Sino pa ba? Ikaw lang naman dito ang nakakahiyang ilabas ng bahay!"

 


"Ako pa nga! Sino kaya rito 'yung parang naaaning at maya't mayang may sinisipat sa kung saan?!"

 


"At least ako, tahimik lang. Tsaka kung may sinisipat naman ako, discreet lang! Ikaw kasi ang lakas-lakas pa lagi ng boses mo, fake news ka pa— nakakahiya!"

 


"Children!" Sigaw ni Taeyeon na ikinatigil ng dalawa, pero kitang-kita pa rin ang laser eyes ng mga ito sa isa't isa. Humingang malalim ang pinakanakatatanda habang naghihilot ng sentido. "Ano ba kasing nangyari?"

 


"Si Yeri po kasi palagi akong iniinis, parang talagang nananadya para hindi ko na siya isabay sa commute!" Mabilisan niyang sabi para unahan ang nadidiin.

 


"Hoy! Kung gusto kita takasan edi sana matagal ko nang ginawa! Tamami, alam mo ba? 'Yan si Ate Ren palaging ang tagal pumili ng jeep, parang nag-oorasyon pa siya!"

 


"Hoy, hindi naman kaya!"

 


"Oo kaya! Muntik na nga akong sumideline muna as barker sa sobrang tagal ng tinatambay natin sa may sakayan!"

 


"Tss," asar-talo na naman ang madam. Muli siyang lumingon sa ina, "Mommy, alam niyo po ba sabi pa nyan ni Yeri sasapakin niya raw ako!"

 


"Sinungaling ka! Hindi naman talaga, nag-offer lang ako!"

 


"CHILDREN!" At muling natigilan ang dalawang dalaga.

 


Humingang malalim ulit si Taeyeon. Dios mio, hindi na lang talaga siya nabigyan ng kapayapaan sa bahay na 'to! Gusto niya lang naman sana maglaro ng Wordscapes in peace, mahirap ba 'yon mapagbigyan?

 


"Okay na! Tama na kayo dyan. Magsabay kayo kung gusto niyo, kung ayaw edi 'wag! Susmaryosep, kayo talagang mga bata kayo parang papatayin niyo ko nang maaga sa stress!"

 


"Sorry, Mommy..."

 


"Sorry, Tamami..."

 


Oh, tapos ngayon lungkot-lungkutan kayong dalawa? Pag-untugin ko na lang kaya kayong magpinsan.

 


Nagkumpas na lamang siya ng kamay dismissively at mapang-uyam na humuni. "Oo na. Sya, papanhik na ako. Kayong dalawa na ang bahala dyan. Kung magsasaksakan kayo, doon kayo sa labas ha— 'yung makikita ng mga kapitbahay. Gagawin kong pay-per-view para naman may mahita ako," pabiro niyang bilin na ikinabungisngis ni Irene at Yeri.

 

 

 


/////

 

 

 


Huminto ang jeep sa harap ni Irene at dali-dali siyang sumakay sa tabi ng drayber. 

 


Passenger princess muna siya ngayong umaga dahil wala siya sa mood makipagbalyahan para lang makasingit ng sakay sa likod. Halos punuan na kasi kahit na unang stop pa lang at hindi pa si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄