Baklaaa

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Needless to say, masama ang loob ng madam throughout the whole weekend. 

 

 

Wala siyang ibang ginawa kundi humilata, tumunganga, at maghintay sa kung ano mang maisipang ipatulong sa kanya ng mommy niya at ng tyanak niyang pinsan. Wala naman kasi siyang pwedeng pagkaabalahan dahil wala na silang pending requirements at the moment. Sino nga bang hindi mababagot no'n? Mas masaklap lang dahil parang kahit na nagawa niya na yata lahat, nalulumbay pa rin siya.

 

 

Damn, maybe she really needs to get out there.

 

 

 

 

.....

 

 

 

 

"Beh, goods daw sa ZZB sabi ni Nayeon."

 

 

"Sus, baka naman sinasabi lang 'yan ni akla kasi ando'n si Jeongyeon."

 

 

"Hoy, bruha, naririnig talaga kita! Slander ka na naman, namoka!"

 

 

 

 

/////

 

 

 

 

"Anteh, early break daw tayo today!"

 

 

"Weh?! Hala! What if doon tayo mag-lunch sa ZZB!"

 

 

"Saan, teh?"

 

 

"Gaga ka, last week ko pa talaga 'yon binabanggit sa'yo! 'Yung bagong bukas na cafe malapit sa Town!"

 

 

"Okay, sorry, 'wag ka na magalit! Let's go, libre na kita!"

 

 

 

 

.....

 

 

 

 

“OMG, SUPER CUTIE NUNG CASHIER?!”

 

 

“ANTEH?! 'YUNG BARISTA?? ANG HOT??!”

 

 

Padabog na inilapag ni Irene ang iPad niya sa table.

 

 

Ano bang meron sa cafe na 'yon????

 

 

Irita siyang nagbuntong-hininga, pilit ikinakalma ang sarili. 

 

 

Gusto niya lang naman sana ng kapayapaan during her free periods, pero ayaw talagang magpatinag ng mga ZZB enjoyers. 

 

 

Sino bang hindi maiinis, simula kahapon puro ZZB na 'yan ang naririnig niya. And it's not like it's just her friends and classmates dahil gano'n din mostly ang usapan na nauulinigan niya kahit sa hallways, and basically almost everywhere. Nakakaumay na sa totoo lang. Akala niya naman sa J&J lang siya makakarinig ng mga pangungulit about do'n!

 

 

Also, hindi niya ma-gets kung ano bang big deal sa Zimzalabim na 'yan. Kesyo cute and unique daw 'yung overall concept, masarap 'yung drinks, masarap 'yung nagse-serve ng drinks— eme eme. Sus, she just knows na another overhyped and overpriced coffee shop lang ulit 'yon!

 

 

Paano niya nalaman? Did she actually try it out? 

 

 

Hindi! 

 

 

Kaya ba siya ganyan kasi bitter lang siya in general with her life? 

 

 

Maybe... But that's not the point!

 

 

Tsaka bakit siya pupunta ro'n? Wala naman siyang pakay at business do'n! Ando'n ba baby niya? Wala naman, 'di ba? Wala! WALA!

 

 

Update kay Herschel? Ayon, wala pa rin. Hindi na ulit nagpakita. Wala, wala, wala!!! 

 

 

Ewan na lang talaga ni Irene kung kailan ulit magkukrus ang mga landas nila.

 

 

 

 

.....

 

 

 

 

Kasalukuyang nag-iikot si Irene sa parking lot. Nagyaya kasi si Jennie sa Town at dahil nangako siya last week, required siyang sumama this time or masasabunutan siya nang bonggang-bongga. Bilang mabuting kaibigan, ihahatid na raw sila ni Oso. Pinauna niya lang ang mga kaibigan dahil may inabot pa siya kay Yeri na hinamungkal. Hence, hinahanap niya ngayon kung saang sulok ba nagsiksik ang T-Roc ni Seulgi.

 

 

"Hi, Irene."

 

 

Kapag minamalas ka nga naman talaga sa buhay. Irita, kailangan ba talaga na sumabay pa 'to ngayon?!

 

 

Mabait na tao si Irene, but not today. Please, not today.

 

 

Umikot siya sa kinatatayuan, ready nang bumanat sa mala-kabuteng presensya nang may umalingawngaw na boses.

 

 

"Madam! Kanina pa kami paikot-ikot dito, andyan ka lang palang pokpok ka!" Sigaw ni Joy mula sa front passenger seat ng kotse ni Seulgi na nakahinto sa gilid nila, nakadukwang ang ulo nito at nakapatong ang mga braso sa bintana.

 

 

"Hi, guys!" Kumaway ang insekto sa direksyon ng mga kaibigan niya.

 

 

"Bye, pare," balik ni Joy na magically ay biglang nasa tabi na ni Irene. "Sorry, pare, ngayon na lang ulit 'to sasama sa'min kaya mauna na muna kami." Mabilis nitong habol bago siya hinablot papunta sa kotse at dali-daling pinasakay.

 

 

Feeling kidnap-an ang eksena para kay Irene sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Muntik pa siyang sumubsob dahil sa pagkakatulak ni Ligaya, buti na lang nasalo siya ni Jennie kahit na tawang-tawa ito sa napapanood. Hindi na naman naghintay pa ng kung ano si Seulgi at nagsimula nang mag-drive nang makaayos na si Joy sa tabi nito. 

 

 

Nakahinga siya nang maluwag.

 

 

Eat my dust, hatdog!

 

 

"Grabe, thank you, guys! 'Di ko talaga alam paano ko iha-handle 'yon kung hindi kayo dumating..." galak niyang sabi.

 

 

"No biggie, loves." Kinindatan siya ni Jennie.

 

 

"Kami pa!" Proud naman na sigaw ni Seulgi.

 

 

Umismid si Ligaya. "Tsaka, ugok ba siya? Ngayon na nga lang ulit magbo-bonding ang TMR, eepal pa siya!"

 

 

"Oo nga!" Nanlalabang kantyaw ni Seulgi na ikinatawa ng tatlo.

 

 

"Sama ka, Seul?" Nakangiting tanong ng madam. Nakaka-miss nga naman talaga 'yung after class hang outs nila.

 

 

"Ah! Hinde, hehe~" madalian itong tumingin sa rear-

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄