Rinbee

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

"Hi, Irene."

 

 

 

"Lord, have mercy." Bulong niya saka tumingala sa kalangitan. Gano'n ba talaga katanga 'tong mokong na 'to? Shuta, sinabi na ngang ayaw niya ng hatdog.

 

 

 

Saglit niyang nilingon ang lalaki at nang-uuyam na ngumiti sa direksyon nito.  "Bye, Bogum." Urat niyang sabi saka nagsimulang maglakad papalayo.

 

 

 

"Uy, teka lang, Irene!" Paghabol sa kanya ni Bogum na hinawakan pa siya sa siko.

 

 

 

Sabay sa panlalaki ng mga mata ni Irene ang pag-usok ng ilong niya. Mukhang merong gustong makatikim ng hagupit ng isang Irene Bae ngayong tanghali.

 

 

 

Dahan-dahan niyang inihilig ang ulo paharap sa lalaki pero bago pa man siya makapanampal ay may narinig siyang nagsisisigaw. Sigaw ng isang masamang elemento.

 

 

 

"Hoy, Lola! Andyan ka lang pala, shuta ka! Kanina ka pa namin hinahanap. Halika na at kumain na tayo!" Sunod-sunod na bira sa kanya ni Joy. Nang makalapit ito sa kanila ay agad siya nitong (sinakal) inakbayan at sapilitang hinila papalayo kay Bogum.

 

 

 

"Park, akin na muna 'tong kaibigan ko, ha. Gutom na kasi Bebebear ko, 'di naman kami makasimula nang wala siya." Ngiting pahayag ni Joy na mahigpit pa rin ang pagka-chokehold sa kanya.

 

 

 

Hindi alam ni Irene kung magiging thankful ba siya para sa ginagawa ng kaibigan o magngangalit. Nyeta naman kasi, kung makasakal sa kanya 'tong higanteng 'to parang 'di na siya aabutin ng tanghalian.

 

 

 

Marahas siyang nagpumiglas mula sa pagkakaakbay ni Joy. "Oh! Eh, bakit naman? Dala ko ba 'yung kaldero ng mga kanin niyo? Nasa palad ko ba 'yung cafeteria?" Panunuya niya habang inaayos ang bahagyang nagusot na damit.

 

 

 

Hindi nanlaban si Joy. Verbally. Siniko na lang siya basta ng bruha sa sikmura. Buti na lang pala't 'di pa siya nakakapagtanghalian.

 

 

 

"Aray! Putangina mo ka talaga, Park Sooyo—" Pinandilatan siya ng mata ng kaibigan at akmang iisa pa ito ng paniniko 'pag umangal pa siya.

 

 

 

Okay, tama nang inarte. May point talaga si Joy. Siya na nga tinutulungan, aarte pa ba?

 

 

 

"Ay! Oo, dala ko nga! Bye, alis na muna kami!"

 

 

 

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita ang binata. Kinaladkad niya na agad si Joy papuntang cafeteria.

 

 

 

.....

 

 

 

"Ang bobo mo sa part na 'yon kanina." Bungad sa kanya ni Joy nang makapwesto na sila sa table.

 

 

 

"Sorry na nga, okey!?" Defensive na bulalas niya. Guilty.

 

 

 

"Anyare na naman?" Usisa ni Jennie.

 

 

 

Suminghal muna si Joy bago nagsalita, "Kasi naman 'yang lolang 'yan nagpapalusot na nga ako ro'n sa manliligaw niyang bulok, inaaway pa ako!"

 

 

 

"Eh, kasi naman!" Sigaw niyang muli pero 'di niya na nadugtungan pa. May point nga naman kasi si Joy, shuta.

 

 

 

Nag-snort si Jennie, "'Yaan mo na 'yan, Ligaya. Alam mo namang moody talaga ang mga tanderz. Tsaka wala kasing silay 'yan mula last week kaya bugnutin."

 

 

 

Triggered na naman ang madam. "Ikaw, isa ka pa talagang mang-aasa—"

 

 

 

"Guys!" Biglang sabat ni Seulgi na tamang tunganga lang kanina. "'Wag na kayong magtalo-talo, please lang. Nasa harap tayo ng pagkain oh, kumain na lang tayo nang mapayapa, okay?"

 

 

 

Wala naman talagang intensyon si Seulgi na makisali sa TMR dahil baka madawit na naman ito nang wala sa oras. Kaso lang, gutom na gutom na kasi ang oso at gusto na talaga nitong kumain.

 

 

 

"Oo nga, kumain na kasi tayo!" Pahayag ni Jennie.

 

 

 

"Oo nga! Si Ruby Jane kasi eh, ang ingay!"

 

 

 

"Lul, ba't ako? Ikaw nga 'yung nagra-rant dyan?"

 

 

 

"Hinde, si Madam talaga ang may kasalanan!"

 

 

 

At dahil si Irene nga ang "bigger person" sa kanila, 'di na lang siya umangal. Nagsimula na silang kumain. As usual, napuno ng chikahan ang table nila. Hindi rin nakaligtas ang maiinit na chismis sa campus nila na nasagap pa ni Joy kung saan. Chismosang tunay nga naman talaga.

 

 

 

Hindi man nauubusan ng kwentong barbero ang usapan ng magkakaibigan, hindi pa rin mapigilan ni Irene na lumipad ang isipan niya at dumapo kay Herschel.

 

 

 

Isang linggo na ang nakalipas mula nung huli silang nagkasabay. Peste kasi si Yeri, may pasumpa-sumpa pang nalalaman. Tulad ng sinabi sa kanya ng pinsan niya, noong mismong araw ng Biyernes na 'yon ay hindi niya nga nakasabay si babes. Malas lang dahil mukhang malakas ang talab ng sumpa ng bubwit at hanggang ngayo'y nangungulila siya sa presensya ng kanyang minamahal.

 

 

 

Bumuntong-hininga siya.

 

 

 

Busy rin siguro ang baby niya sa sarili nitong buhay. Tsaka kailangan niyang isaisip na hindi naman sa lahat ng pagkakataon lagi niyang maaabutan at makakasabay 'yung tao sa jeep. Buti sana kung jeepney driver si Herschel, eh hindi naman.

 

 

 

Sana nga, jeepney driver na lang talaga siya...

 

 

 

Bumuntong-hininga ulit siya.

 

 

 

Sa ngayon ay hindi niya na muna masyadong pinagtutuunan ng pansin ang hindi nila pagkikita dahil may mas mahahalagang bagay siyang dapat problemahin.

 

 

 

...

 

 

 

Pero mas okay pa rin talaga 'pag nagkasabay kami... Ket isang beses man lang, oh. Sigi na, Lord, pang inspirasyon lang po sa puso at isip kong nahihirapan at napapagod—

 

 

 

"Huy, gaga ka! Sa burger steak nilalagay ang gravy, hindi sa damit!"

 

 

 

"Ay, depungal!"

 

 

 

Issa prank lang 'yung sinabi niya kaninang 'di niya na muna pagtutuunan ng pansin masyado si baby. Pa'no ba naman kasi, kaiisip niya 'di niya na namalayan na sa sarili niya na pala naisasabaw 'yung extra gravy na hiningi nila para sana sa burger steak na kinakain nilang magkakaibigan. Para tuloy siyang instant Wow, Ulam ngayon.

 

 

 

Natulala muna siya nang ilang mga segundo bago siya hinatak ni Jennie pabalik sa realidad nang sinigawan siya nito sa tenga at binato ng tissue sa mukha.

 

 

 

"Hoy, Bae Joohyun! Ano na??"

 

 

 

"Ay, shet, oo nga pala!" Dali-dali niyang kinuha ang tissue, bahagyang binasa ng tubig at aligagang pinunasan ang sarili. At dahil mabubuting kaibigan sina Jennie, Joy, at Seulgi ay tinawanan siya ng mga ito at hinusgahan.

 

 

 

"Madam, wala na 'yang pag-asa. 'Di na 'yan madadaan ng basang tissue method. Powers na ni TIta Taeyeon ang kailangan nyan." Natatawang payo ni Seulgi.

 

 

 

Binalewala niya ang sinabi ng oso at nagpatuloy lang sa ginagawa.

 

 

 

Walang nangyari, mas kumalat lang ang mantsa. At lalong napahagalpak ang tatlong bruha.

 

 

 

"Shet naman kasi!"

 

 

 

Malakas na nagpakawala ng hininga si Jennie. "Ano ba 'yan, Madam, nanlilimahid ka! Pa'no na lang natin mapaninindigan at maa-uphold ang reputasyon ng TMR bilang mga model students kung isa sa kanila ay gusgusin!" Pag-iinarte ng gaga na ikinatawa ng magjowa. 'Kala mo naman talaga may "reputasyon" silang dapat na pakaingatan. Ano 'to Mean Girls?

 

 

 

"Takte! Magpapalit na nga lang ako ng damit!" Pikon niyang bulalas.

 

 

 

"Pwede rin namang 'wag ka na lang magdamit. Topless gaming." Suhestiyon ni Joy na umani ng napagkalakas na halakhak mula kay Jennie at Seulgi.

 

 

 

"Peste ka talaga, Ligaya! Tulad mo pa ako sa sarili mo! Dyan na muna kayo, magbibihis lang ako."

 

 

 

"May pamalit ka bang dala?" Nakangising tanong ni Seulgi.

 

 

 

"Wala. Kukunin ko 'yung kay Ruby Jane." Walang habas niyang pahayag.

 

 

 

"Wow, ha. Thanks for letting me know. Dinala ko talaga 'yon para sa'yo, eh," natatawang panunuya ng may-ari. Hindi na rin naman ito umangal pa dahil sanay na itong naghihiraman sila ng gamit. Tsaka wala na rin namang siyang magagawa. "Sige na, magbihis ka na ro'n. Baka mamaya tapos na kami rito manginain, 'di ka pa pala nakakarating sa room."

 

 

 

"Oo, eto na nga, saglet!" Bulyaw niya saka tumayo mula sa pwesto. 

 

 

 

"Nako, bilisan mo lang at baka may ma-miss kang chika!"

 

 

 

"Ewan ko sa inyo, mga nuknukan kayo ng pagkachismosa!" Sigaw niya, naglalakad na papalayo sa table nila.

 

 

 

Akala mo naman 'di rin siya chismosa...

 

 

 

Anyway, nagpatuloy na ulit sa pagkain ang tatlo at nagsimula na rin ang pamamlastik nila sa madam...

 

 

 

"Lutang talaga 'yon si Madam," natatawa-tawang komento ni Seulgi na naiiling-iling pa.

 

 

 

"Tarayy. Kung makapagsalita siya, oh. Parang siya hindi," asar ni Jennie.

 

 

 

"Hoy!"

 

 

 

Tumawa ang dalawang magkaibigan dahil wala na rin naman mailalaban pa si Seulgi. Totoo naman kasi. 

 

 

 

"Ay, ano nga pala, babe." Lingon nito kay Joy.

 

 

 

Napaismid si Joy. Eto na naman si Seulgi sa pag-a-attempt nitong mag-change topic. "Ano?"

 

 

 

Hindi sumagot ang oso at pirmi lang natulala sa pagkatitig sa jowa nito.

 

 

 

"Ano, Kang Seulgi!" Inip na tanong ni Joy.

 

 

 

"Saglet, nalimutan ko!"

 

 

 

Bumungisngis si Jennie at mauulinigang bumulong ng "Oh, 'di ba? Lutang na naman nga siya, mga kaibigan."

 

 

 

Kung narinig man ni Seulgi ang side comment ni Jennie ay hindi niya na ito pinansin, bagkus ay bumulalas na lang ng: "Ayon!" Sigaw ng oso na bahagyang ikinagulat ng dalawa. "Pwede ko ba ulit samahan si espren bukas after ko kayong ihatid?"

 

 

 

Ngumiti si Joy, "Syempre naman. Tama 'yan, samahan mo para 'di maligaw." Natango-tangong sabi nito. "Teka nga, baka naman mamaya lalo kayong maligaw, ha!" Pag-aakusa nito sa jowa.

 

 

 

"Hoy, hindi naman kaya!"

 

 

 

Tumitig lang si Joy kay Seulgi, hindi kumbinsido sa depensa nito. "Saan ba ang lakad niyo?" Pag-iiba na lang ni Joy ng usapan.

 

 

 

Napahawak ang oso sa baba, nag-iisip. "'Di ko nga rin sure, eh. Nakalimutan ko. Ah, basta may aasikasuhin lang daw siya saglit ta's after no'n uwi na rin kami." 

 

 

 

"Hay nako, Kang Seulgi. Alam mo, kung 'di nakadikit sa'yo 'yang ano mo, matagal na 'yang nawala. Sinasabi ko talaga sa'yo," pananakot ni Joy habang itinuturo ang hawak na tinidor sa ano ni Seulgi na napatakip naman bigla. "Basta mag-iingat lang kayong dalawa," paalala na lang nito, sumuko na lang din sa kalutangan ng sarili nitong jowa.

 

 

 

"YEY! Thank you!" Bulalas ni Seulgi saka humalik sa pisngi ni Joy.

 

 

 

May tumikhim.

 

 

 

"Ehem. Pasintabi naman sa mga single, ano ho? Ang haharot niyo, eh. Dito pa kayo sa harap ko," reklamo ni Jennie.

 

 

 

"'Pag inggit, pikit!"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄