The Reality

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Unbelievable.

 

 

Talaga nga namang hindi siya makapaniwala. Totoo ba 'tong nakikita niya o nananaginip lang siya? Wala na lang talaga siyang nagawa kundi mapatunganga sa malalaking numerong nakasulat sa pulang tinta sa upper right corner ng kanyang papel.

 

 

Siya, si Irene Bae— na mas madalas pasang-awa sa mga Math tests at kung hindi naman ay bagsak pa— isa sa mga estudyanteng may highest scores sa kanila? Totoo ba talagang 5 lang mali niya? Eh, kadalasan 5 lang score niya, minsan lower pa.

 

 

Nag-iling siya ng ulo, bahagyang nangingiti sa sarili. Tumingala ang dalaga at pabulong na nag-thank you sa kanyang guardian angel.

 

 

.....

 

 

Nang sa wakas nakarating si Irene sa klase ay hindi na siya nakapag-last minute review pa dahil sunod lang sa kanyang dumating ang prof nila. Sobrang traffic kasi, halos isa't kalahating oras din ang itinagal ng byahe niya.

 

 

Kaya laking pasalamat niya na lang talaga kay Herschel. Kung hindi siya nito ni-review on the way ay hindi niya alam kung ano na lang ang kalalagyan niya.

 

 

Oo, aaminin niyang may mga questions siyang na-encounter na para bang gusto niya na lang isuko ang laban— pero sobrang nakapagpalakas sa kanyang loob ang alaala ng maaliwalas na mukha ng minamahal at ang words of encouragement nito. Naisip niyang hindi niya sasayangin ang mga itinuro sa kanya ni Herschel.

 

 

Nakakadismaya naman kasi kung babagsak siya, 'di ba? Sayang naman 'yung laway ng baby niya. Edi sana nagmomol na lang sila kung gano'n lang din naman pala ang kahihinatnan niya, charot (diminish c, then raise to the highest power).

 

 

Anyway, nasa cafeteria na ngayon ang TMR feat. Seulgi. Nag-early lunch sila tutal free naman ang lahat after ng first class.

 

 

Busy ang apat sa paglantak sa kani-kanilang mga lunch. Pangalawang round ng rice na rin yata nila 'to, pero sino bang nagbibilang? Nakakagutom kayang mag-solve ng Math. Well, except kay Seulgi na gutom lang talaga, lagi naman.

 

 

"Huy, bakla ka!" Pumalo si Joy sa direksyon niya. "Congrats! Antaas mo sa test natin, ah?"

 

 

"Hoy, oo nga, Madam! Congrats!"

 

 

"Wow... Sa Math test niyo?" Manghang sabat ng oso. "Congrats, Madam, buti 'di ka nabokya!" Nag-thumbs up ito at ngumiti.

 

 

Nginitian ni Irene ang mga kaibigan bilang pasasalamat, pati na rin si Seulgi kahit na medyo nakakabastos. Alam niya namang she means well.

 

 

"Teka, scammas ka! Parang kagabi lang nagra-rant ka pa na 'di mo gets 'yung last topic, ah?" usisa ni Jennie.

 

 

Hindi siya sumagot at binigyan lang ng nakakalokong ngiti ang mga kaibigan, saka nagpatuloy sa pagkain. Feeling pa-mysterious ang madam natin for today.

 

 

May suminghap nang malakas, "OMG ka! Nangodigo ka ba?"

 

 

"Gaga!" Sigaw niya sabay bato ng nadampot na gamit na tissue sa oso. "Kahit mangodigo pa 'ko ro'n, babagsak pa rin ako at hindi ko naman alam kung pa'no ba gamitin 'yung mga formulas."

 

 

"Exactly! Eh, bakit ba sabi mo 'di mo getching?"

 

 

"Hindi nga! Kaya nga magpapaturo sana ako, 'di ba? Kaso nga lang late na nga ako nakarating." Depensa niya na hindi rin naman nakatulong para sagutin ang kalituhan ng mga kaibigan.

 

 

"Well?" Inip na nagtaas ng kilay si Joy.

 

 

Maharot siyang bumungisngis at pabebeng naghawi ng buhok. "Well..."

 

 

"I swear to God, Bae Joohyun— isang pabebe mo pa dyan, isasaksak ko na sa'yo 'tong tinidor na hawak ko." Nanggagalaiting banta ni Jennie.

 

 

At ikwinento niya sa mga kaibigan ang early morning adventure niya with Herschel. Maigi namang nakinig ang mga ito hanggang sa bandang kalagitnaan nang biglang may sumabat na masamang elemento.

 

 

"Julius Caesar!" Sigaw ni Sootanas. "Ano 'yon, Get You by Julius Caesar feat. Cleopatra??"

 

 

Humagalpak sina Jennie at Seulgi na mga mukhang kanina pa nagpipigil ng tawa. Wala na lang din siyang nagawa kundi hintaying matapos ang pagsasaya ng mga ito. In her defense, nag-panic lang siya, okay!?

 

 

Nang humupa ang tawanan at pare-parehas nang nakahawak sa tyan ang tatlo ay saka siya nagsalitang muli. "Okay na? Tapos na kayo? Kasi kung hindi pa, sya, sige at mamaya ko na lang itutuloy 'yung kwento."

 

 

Nagpunas ng luha si Seulgi. "Oks na kami, Madam. Continue ka na," sabi nito na nanginginig-nginig pa ang boses mula sa pag-iyak-tawa.

 

 

Inirapan niya na lamang ang kaibigan. Magsasalita na sana siya nang nagpakawala pa ulit ng pahuling halakhak ang tikbalang sa harap niya. Sinamaan niya ito ng tingin bilang warning at nagpatuloy na.

 

 

"Moving on! Turns out, familiar din pala siya kay Daniel Caesar, and she likes his music. Ayun... after no'n, nagkatitigan kami, ehe."

 

 

"Ang landi talagaa!" Hinampas siya ni Jennie sa balikat.

 

 

Masakit. Pero kasi kapag nasa kalagitnaan ka ng kakiligan mo, hindi mo na 'yon masyadong mapapansin.

 

 

Lusot si Jennie.

 

 

"Medyo nakakahiya nga kasi pina-explain ko pa ulit sa kanya, since 'di naman talaga ako nakinig the first time at busy akong magpantasya..."

 

 

"'Yan, maharot ka kase!"

 

 

Nagkibit-balikat siya at humalinghing.

 

 

"Anong sabi niya?"

 

 

Walang ano-ano siyang humarap sa katabi, saka biglang ini-reenact ang nangyari.

 

 

"Oh, sorry. Were there parts na I didn't explain that well?" Pag-quote niya kay Herschel.

 

 

Bahagyang nagulat ang tatlo, lalo na si Jennie na nadamay pa para impromptu na gumanap bilang ang katauhan ni Irene Bae at that moment.

 

 

'Yung original na Irene Bae? Hindi niya na naman pa binigyang-pansin ang hayag na bafflement ng mga kaibigan at nagpatuloy lang.

 

 

"Sabi ko naman agad, 'Hindi! It's not you, it's me! I'm so sorry...'" arte niyang parang nalungkot. "Tapos nginitian niya ako nang pagkatamis sabay sabi na, 'It's okay, don't worry about it. I understand naman, since these things really can get a bit confusing..." mapangaraping kwento ni Irene na ngayon ay nakapangalumbaba na at nakatitig sa kawalan, nire-reminisce ang mga pangyayari.

 

 

Lumipas ang ilang saglit at hindi na nagsalita pa si Irene. Wala rin namang ni isang umimik kina Jennie, Joy, at Seulgi. Malamang ay tini-take in pa nila 'yung mga kalandian niya at nakaka-cringe na pinagsasabi sa most probably, walang kamalayang si Herschel. Honest thoughts nila? Kawawa naman 'yung tao, malas niya at siya ang natipuhan at nakabaliwan ng madam.

 

 

Dumaan ang ilan pang sandali at sabay-sabay na humingang malalim ang tatlo— collectively na naisip na, 'sabagay, ano bang bago?'.

 

 

Ngumisi si Jennie. "Pak! Kabog sa love story. Stalker, ni-remedial classes ng sini-stalk niya!"

 

 

Tumawa rito ang magjowang JoyGi at napangiwi na lang siya.

 

 

"Naol na lang talaga magaling sa Math..." bulong ni Joy, saka nag-side eye kay Seulgi na tinugunan lang ito ng 'huh?'. As usual, 'di na naman na-gets ng oso ang pinupunto ng jowa nito. Umirap na lang ang impakta at nag-change topic. "Pero 'di talaga ako maka-move on, teka. Julius Caesar, amputa!" Bulalas ng gaga at nagpakawala ng nakaiinsultong tawa.

 

 

"Hoy, Ligaya, grabe ka kay Madam! 'Wag mo siyang i-judge... Syempre, galing pa sa kapanahunan nina Imelda Papin at Donna Cruz ang mga tugtugan nyan."

 

 

Pucha. Bakit nga ba nag-expect pa si Irene na genuinely siyang ide-defend ni Jennie? Kahit na deep inside, alam niya namang basura lang din ang lalabas sa bibig nito?

 

 

Mapanuya niyang nginitian ang dalaga. "Mabilaukan ka sanang tyanak ka."

 

 

Bumungisngis lang ito, "Kidding aside... 'Yan, Rene, may assignment ka na."

 

 

"Anong assignment?"

 

 

"Duh~ Si Daniel Caesar! We both know na you like his music din naman and listen to him a lot, pero pakinggan mo na rin pati 'yung ibang artists of the same genre for good measure. Para naman may iba kayong mapag-usapan ni Herschel, aside sa traffic and academic concerns mo. Who knows, she might even give you a playlist if you get lucky."

 

 

"OMG ka, tama! Ang galing mo dyan, Ruby Jane!" Sang-ayon ni Joy na napahampas pa sa table sa sobrang excitement.

 

 

"Damn, I know..." ismid nito at nag-hairflip.

 

 

"Luh, teka nga!" Kunot-noong awat ni Irene sa dalawa. Unfortunately, things are still not clicking for her. Fortunately, hindi siya nag-iisa dahil mukhang just as confused si Winnie the Pooh, if not more. "Pinagsasabi mo dyan, Ruby Jane? Parang 'di nga ako no'n hinanap sa socmed, bigyan pa kaya ako ng playlist?"

 

 

"Shh!" Pumalatak si Joy, parang nanay na na-disappoint dahil hindi kayang i-recite ng anak niya ang multiplication table. "You dare question the guidance and words of enlightenment of this woman, eh batikan na 'yan sa pakikipagharutan?" Turo nito kay Jennie na mayabang lang na nagkibit-balikat. "Basta gawin mo na lang, aarte ka pa, eh. Malay mo, dun pa kayo maging friends... or more than friends. Alam mo bang marami ring namumuong love story from sharing Spotify playlists?"

 

 

.....

 

 

"Jen, nag-text na si bebe ko— free daw 'yung fren niya latur. G ka ba?"

 

 

"Of course, ako pa!" Excited na tugon ni Jennie kay Joy. Lumingon ito kay Irene, "Hoy, ikaw, g ka?"

 

 

Nagsalubong ang kilay niya. "Sa'n?"

 

 

"Sandok."

 

 

Tumawa nang malakas ang J&J at nag-apir. Umirap na lang siya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄