Presyong ₱375

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

7:45

 

 

 

'Yan ang mga numerong bumungad sa kanya nang muli niyang i-check ang oras sa kanyang cellphone.

 

 

 

Sa pangalawang pagkakataon sa umagang 'yon, nananakbo na naman si Irene na para bang hinahabol siya ni Kamatayan na nakasakay sa unicorn.

 

 

 

Kung tutuusin, hindi niya naman kailangang magmadali dahil 15 minutes early pa siya...

 

 

 

Para sa next subject. At 45 minutes late para sa kasalukuyang dapat ay tine-take niya ngayong oras na 'yon.

 

 

 

'Pag minamalas ka nga naman talaga, oo. Saka pa natupad ang wish niya na bumagal ang takbo ng jeep—dahil sa traffic—kung kailan nakababa na 'yung crush niya. Para sa'n pa, 'di ba? Edi, wala rin. Katulad lang 'yan ng isang sikat na kasabihang, "Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo." O sa kaso ni Irene, "Aanhin ko pa ang pa-traffic niyo kung kanina pa nakababa ang baby ko."

 

 

 

Aminado rin naman siyang may pagkukulang siya dahil hindi niya klinaro ang mga bagay-bagay sa kanyang hiling. Wala lang, nasasayangan at nafu-frustrate lang talaga siya. Tulad ng panghihinayang at frustraShon ng napakagaling at napaka-cute na si otor na nagbayad ng 375 pesos para ma-retrieve ang draft ng chapter na ito. Amazing!

 

 

 

Matapos niyang manakbo at umakyat sa napagkaraming baitang ng hagdan, sa wakas ay (nakatakas na siya mula kay Kamatayan na nakasakay sa unicorn) narating na niya ang assigned room sa kanilang section batay sa schedule.

 

 

 

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga siya nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili mula sa pagkahingal. 

 

 

 

Eto na, bubuksan na niya ang pinto. Bahala na si Superman at ang buong Justice League kung may prof ba o wala. Inaasa niya na rin sa buong Avengers ang magiging kapalaran niya kung maabutan niya ngang may prof sila ngayon sa loob na may pinagagawang requirement na kung ano.

 

 

 

Dahan-dahan niyang binukas ang pinto at sumilip sa maliit na awang nito. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong room at inobserbahan ang paligid. 

 

 

 

Nakaupo na ang mga classmates niya at abala sa kanya-kanyang mga ginagawa. May natutulog, kumakain, nagce-cellphone, nagse-senti at kung ano pa mang kababalaghang pinaggagagawa nila. 

 

 

 

'Di na naman 'yon mahalaga para kay Irene. Ang importante ay based on her observations as a tardy student, she, therefore, concludes that there are no professors around the vicinity area of the classroom. 

 

 

 

Nuks, researcher talaga. Sabi na sa inyo, eh, "nag-oobserve" lang siya kanina for research purposes. 

 

 

Hatdog.

 

 

 

Nagpakawala ng malalim na hininga si Irene kasabay ng pagbagsak ng kanyang nakaigting na balikat. Ipinikit niya ang mga mata at muling nagpasalamat kay Lord.

 

 

 

Kakatapos lang ni Irene sabihin ang "amen" nang may umalingawngaw na halakhak galing sa loob ng room na nagpapanting sa kanyang pandinig. 

 

 

 

Imposible. 

 

 

 

Halakhak 'yon ng isang demonyo. 

 

 

 

Hindi siya pwedeng magkamali.

 

 

 

Hindi alam ni Irene kung anong mararamdam niya sa kanyang narinig. Tuwa ba dahil base sa ingay sa loob, pihado nang wala pa talaga silang prof (sino ba namang estudyanteng nasa katinuan ang tatawa nang napagkalakas kung may prof sa harap? Wala. At hindi. Hindi counted si Park Sooyoung, lagi naman 'yong wala sa katinuan) o galit dahil naunahan pa siyang makapasok ni Joy—na kanina lang ay shini-talk niya tungkol sa pagiging late nito.

 

 

 

Pambihira! Nauna pa si Sootanas sa'kin?! Guguho na ba ang mundo??

 

 

 

'Di na nagsayang pa ng oras si Irene at nagsimula na siyang maglakad papunta sa kinauupuan ni Joy. Malayo pa lamang siya ngunit rinig na rinig niya na ang hagikhik ng kaibigang aliw na aliw sa sinabi ng katabi nitong si Jennie. 

 

 

 

Ano na naman kaya pinagtsi-tsismisan ng mga impaktang 'yon?

 

 

 

Kung ano man ang hot gossip na pinagsasabi ni Jennie ay hindi niya na nalaman. Huminto kasi ang dalawa sa pag-uusap nang makita nilang papalapit siya sa kanila.

 

 

 

"Ang aga mo naman para sa second subject, Lola!" Sigaw ni Joy kay Irene nang makalapit siya sa kinauupuan ng mga ito. 

 

 

 

Gandang bungad sa umaga, 'di ba? 

 

 

 

Mag-aalas-otso pa lang at parang gusto na niyang manakit. Pero dahil si Irene ang bigger person (metaphorically, malamang) sa pagitan nilang dalawa, huminga na lamang siya nang malalim at umupo sa bakanteng upuang napagigitnaan ng kanyang mga kaibigan. 

 

 

 

"Anyare sa'yo?" Tanong ni Jennie na natatawa-tawa pa habang tinitingnan ang itsurahan niya. "Ba't parang sumali ka sa Amazing Race? Tagal nang walang gano'n, ah?"

 

 

 

Nasa dulo na ng dila ni Irene ang pambabara niya nang biglang sumabat si Joy, "Jen, baka naman sa Survivor Philippines sumali 'tong si Lola. Mukhang sa kagubatan nakipagbakbakan, eh!" Humagalpak naman ng tawa si Jennie at nakipag-apir pa sa demonyitang si Joy. 

 

 

 

Nanggigigil na si Irene. Unang araw ng klase, late siya at halata namang hinahapo pa mula sa ginawa niyang pananakbo kanina. Tapos 'tong mga impaktang 'to tawang-tawa pa? Aba'y 'di naman yata tama 'yon.

 

 

 

"Tangina niyo! Mukha niyo bakbakin ko, eh!" Gigil na sabi niya.

 

 

 

"Oh, Lola, nako! Hinay-hinay lang po, first day pa lang baka atakihin na agad kayo," hinimas-himas pa ni Joy ang likod niya.

 

 

 

Umirap si Irene at nagpapalatak, "Tigilan niyo nga ako! Kayo atakihin ko dyan, eh!" 

 

 

 

"Taray, mang-a-attack. Rawr. Nagbakasyon lang feisty ka na. I love it!" Asar pa ni Jennie na sinamaan niya na lang ng tingin.

 

 

 

"Eh, ano ba kasing nangyari at na-late ka?" Tanong ni Joy matapos nitong kumalma sa pagtawa mula sa panunukso ni Jennie. "Kumana ka kagabi, noh?" Kantyaw pa nito habang sinisiko ang braso niya.

 

 

 

"Gaga, sa'n naman kakana 'yang si Irene, eh, wala namang kakanain 'yan?" Pagsingit ni Jennie na ngayon ay busy na sa pagpo-phone, may ka-chat na naman siguro. "Dry as , mas tuyot pa ata 'yan sa Sahara." Pa-additional comment nito.

 

 

 

"Tapos na kayo?" Panunuya ng naaalipusta, "Alam niyo kayo, tangina niyo talaga. Kung makapagsalita kayo dyan akala niyo naman may mga kinana at kakanain kayo, eh, ano?" 

 

 

 

Umismid si Joy at sumandal sa upuan para humalukipkip, "Tss, not me. Ako may kinana at kakanain talaga," pagmamalaki ng demonyita. "Buong summer nga kami nagkanaan, eh. Gusto niyo ng tips?" 

 

 

 

Napangiwi ang dalawa sa huling sinabi ng kaibigan nila. Alam naman nilang wildt talaga si Joy at 'di malayong totoo ang sinabi nito pero hindi na naman nila kailangan pang marinig 'yon. 

 

 

 

Inilapag ni Jennie ang cellphone sa table upang tingnan si Joy, "No, thanks. Pero, weh? Kayo pa ni Oso?" Gulat nitong tanong.

 

 

 

Lintik lang ang walang ganti at sa ngayon, ito ang open opportunity ni Irene para naman makabawi siya kay Sootanas kahit konti lang. 

 

 

 

Pinihit niya ang kanyang ulo pakanan at seryosong tumingin kay Joy, "Luh, legit? 'Kala ko break na kayo?" Usisa niya with matching nanlalaking mata pa. "Kawawa naman si Seul..." 

 

 

 

"Tanginang mga 'to! Porket wala kayong mga jowa, ang papait niyo! Ampalaya lang, ghorl?" Gigil na sabi ni Joy na tinawanan lang ni Irene at Jennie.

 

 

 

"Ikaw ba, Jen, musta 'yang pag-o-Omegle mo? Baka mamaya may asukal de papa ka na pala, 'di mo lang sinasabi sa'min," pagtatangka ni Joy sa paglilihis ng atensyon sa kaibigan nila.

 

 

 

Sa awa ni Satanas sa anak niya, gumana naman ito nang nakita nilang napasimangot at buntong-hininga si Jennie bago nagsalita, "Wala nga, eh. Sayang. Saka na lang ulit ako maghahanap 'pag gipit na gipit na." 

 

 

 

"Sige, ha. 'Wag mo kaming kalimutang paulanan ng grasya 'pag nakahanap ka," loko ni Joy.

 

 

 

"Will do, hehe," matamis namang sagot ni Jennie na ikinatawa ng dalawa.

 

 

 

"Nag-o-Omegle ka pala?" Tanong ni Irene na may pagtataka sa mga mata.

 

 

 

"Luh, 'di mo alam? Parang buong summer nga 'yon lang ginawa ni Jen." Maalam na sabi ni Joy na 'di rin naman itinanggi ng kaibigan nilang tahimik lang na nakangiti sa kinauupuan nito. 

 

 

 

"Ayan, 'di ka kasi nagch-check ng GC natin, Lola Bae!" Pag-aakusa pa ni Ligaya sa kanya. Hindi naman ito nagkakamali dahil 'di talaga siya nag-effort na basahin at mag-reply sa mga chat sa GC nila. Bakit ba? Prima siya, eh. Tsaka, masyado siyang naging busy sa paggagala nung bakasyon.

 

 

 

"Hoy, excuse me. 'Di kasi ako katulad mo na tuwing bakasyon puro cellphone lang inaatupag, lumalabas kasi ako ng bahay namin. Try mo rin kayang lumabas tuwing summer para naman maging masaya ka!" 

 

 

 

"Eh! Ang init-init kaya!"

 

 

 

Napaikot na lang ang mata ni Irene sa kanyang narinig na dahilan mula sa kausap. "Aba'y malamang, summer."

 

 

 

Pumalatak si Joy, "Ba't ka ba nangingielam?! Choice ko naman 'yon! Grabe, masaya rin naman summer ko. Mas masaya nga 'pag nasa bahay lang ako, eh," depensa pa nito. "Tsaka, 'di lang naman puro cellphone inatupag ko. Inatupag ko rin naman si Seul..." dahan-dahang pagtapos nito habang itinataas-baba ang kilay.

 

 

 

"What the ??" Bulalas ni Jennie na kanina'y tahimik lang na ini-enjoy ang pagbabangayan ng dalawang kaibigan. Pero sa sandaling ito, kailangan na nitong magsalita at tumutol bago pa man kung anong lumabas sa walang-prenong bibig ni Joy.

 

 

 

Wala namang masama sa sinabi ni Joy. Ang masama, eh, 'yung pagtaas-baba ng kilay ng demonyita. Isama na natin ang double meaning sa salitang "inatupag" at pagkabanggit ng pangalan ng jowa nitong si Seulgi. Mas delikado pa't magkasama ito sa iisang pangungusap.

 

 

 

"Ligaya, anubayan!" Reklamo ni Jennie. "You know you can tell Rene and me anything, right? It's just... not now, please? Masyado pang maaga para magkalat ka." 

 

 

 

"Grabe, is normal naman, ah!" Pakikipag-talo pa ni Joy na nagpataas sa kanang kilay ng kaibigan.

 

 

 

"Yes, it is. Wala naman akong sinabing hindi, 'di ba? What I'm saying is, it's too early and I'm not interested about your capades with Seulgi," paglilinaw ni Jennie. "At least, not now." Kibit-balikat nitong pahabol. 

 

 

 

Ahh, interesado rin naman pala... pabebe lang. Pero may point nga naman, masyado pang maaga para maghasik ng lagim si Sootanas. 

 

 

 

Ang kaninang nanlalaban na si Joy ay ngayo'y matamis nang nakangiti kay Jennie, "Sige, mamayang lunch na lang, hehe." Halinghing nito.

 

 

Ngumuso si Jennie sa direksyon ni Irene, "'Yan si Madam, tanong mo, baka interesado sa summer lovin' niyo ni Oso." Nakangising mungkahi ni Jennie. 

 

 

 

Bago pa man makaangal si Irene ay inunahan na siyang magsalita ang anak ni Satanas na hinabol siya kanina lang, "'Wag na, not for the faint-hearted 'tong chika ko, eh. Baka himatayin pa 'tong si Lola." Ismid ni Joy sa kanya.

 

 

 

'Tong mga gagang 'to, siya na naman ang punterya.

 

 

 

"Tangina niyo talaga! Ba't ako na nam—?!"

 

 

 

Sa pang-ilang pagkakataon na sa umagang 'yon, muli na namang 'di nakapalag si Irene sa pambabargas at pambu-bwisit ng mga kaibigan niya. 

 

 

 

"Pero legit, wala ka ngang nahanap sa Omegle?" Tanong ni Joy na ipinagwalang-bahala lang ang reklamo ni Irene.

 

 

 

Bumuntong-hininga si Jennie at inangat ang mga kamay upang titigan ang bagong apply niyang nail polish.

 

 

 

Ang drama talaga. 

 

 

 

Oh well, pare-parehas lang naman silang tatlo na mahilig mag-inarte. Kaya nga sila magkakaibigan, 'di ba? Tsaka, bakit ba? Maganda sila, eh.

 

 

 

"Ayon, same-same lang," bored na tugon ni Jennie matapos nitong pagkatitigan ang black colored niyang nail polish.

 

 

 

"Luh, kahit isa walang tumatak?" Patuloy na usyoso nito.

 

 

 

"Tatak, amp. T-shirt lang ang peg?" Pa-side comment ni Irene na umani ng sitsit mula kay Joy.

 

 

 

"'Wag ka maingay, Lola. Nagkukwento si Jen, ih." Saway sa kanya nito. 

 

 

 

Tangina lang talaga? How dare this girl mak— Tagalog na lang pala. Lakas ng loob ng Sootanas na 'to na sitsitan siya.

 

 

 

Sumandal na lang si Irene sa kanyang upuan upang humalukipkip at walang kibong nakinig sa usapan ng dalawa.

 

 

 

"Well, merong isa. Hehe." Mabagal na pagkasabi ni Jennie

 

 

 

"Pabebeng 'to! Kanina pa ako nagtatanong, 'di mo man lang sinabi. Meron naman pala!" Sabi ng demonyitang rinig na rinig ang gigil sa boses. 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄