Highway to Heaven

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Kung tama ang pagkakaalala ni Irene, binasa niyang mabuti kanina ang mga signboard na nakasabit sa harap ng jeep. Pero bakit gano'n? Bakit parang iba ang byaheng nasakyan niya? Sa Soo Man dapat ang baba niya pero bakit parang sa ibang destinasyon ang punta nila? 

 

 

 

Pasakay pa lang si Irene nang biglang umarangkada nang takbo ang jeep. Masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. Hindi niya na alam kung na-out of balance ba siya, nahulog sa kalsada, nabagok ang ulo o kung ano pa man. Pero isa lang ang nasisigurado ni Irene, sa harap ng kanyang mga mata ay may isang napakagandang anghel na nakahawak nang mahigpit sa mga braso niya. 

 

 

 

Dedz na nga yata siya. 

 

 

 

Nasa langit na ba ako...?

 

 

 

Or on the way pa lang kami?

 

 

 

Ang bilis naman? Lord, ganto po ba talaga 'yung sundo kapag paborito mo, speed lang?

 

 

 

Natigil ang mga katanungan at mabilis na pag-ikot ng mga turnilyo sa ulo ni Irene nang may marinig siyang magsalita. 

 

 

 

"Kuya, saglit lang po! May sumasakay pa," sabi ng anghel sa harap niya. Hindi maikakaila ang pag-aalala sa boses nito kahit na magalang at kalmado ang pagpapaalala nito sa tsuper. 

 

 

 

Ang heavenly ng boses. Literal na nakarinig si Irene ng koro ng mga anghel na kumakanta. 

 

 

 

Hallelujah!

 

 

 

Saglit nga.

 

 

 

May mga kaskaserong jeepney driver din pala sa langit?

 

 

 

May lisensya rin kaya sila?

 

 

 

Eh, mga nangongotong na traffic enforcer, meron kaya?

 

 

 

Lahat na yata ng mga walang kakwenta-kwentang tanong ay sumagi na sa isip ni Irene sa pagkakataong 'yon. Sa awa ng Diyos, naudlot ang pagmumuni-muni niya nang muli siyang makarinig ng boses. 

 

 

 

"Ay! Pasensya na, 'di ko napansin!" paghingi ng paumanhin ng drayber. Mula sa pagkatitig sa anghel sa kanyang harap ay inilipat ni Irene ang kanyang tingin sa unahan ng jeep kung saan nagmula ang boses ngunit iba ang pumukaw sa kanyang atensyon. Napakunot ang noo ng dalaga sa kanyang nakita.

 

 

 

Pati rin pala mga jeep byaheng langit may sticker ng Sogo at El Rancho... Pwede pala 'yon?

 

 

 

"Miss, okay ka lang?" Ang anghel naman ngayon ang nagsalita, nakahawak pa rin ito sa kanyang mga braso nang mahigpit. Doon lamang napagtanto ni Irene na naestatwa siyang nakatayo sa estribo ng jeep habang umaandar ito. Nabatid niya ring nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat ng nakasakay. Alam niyang maganda siya pero sa pagkakataong 'yon, alam niya ring hindi 'yon ang dahilan kung bakit siya pinagtitinginan.

 

 

 

"O-okay l-lang a-ako," pabulong niyang tugon. Ang daming utal, 'di ba? Nakakahiya.

 

 

 

"Uh, 'di ka pa ba uupo?" tanong ulit ng anghel. 

 

 

 

Shet. Oo nga pala.

 

 

 

Hindi napigilan ni Irene ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa hiya. Inilibot niya ang kanyang mata sa loob ng jeep at nakitang tumabi na ang mga pasahero sa bandang dulo ng kanang panig para bigyan siya ng espasyong mauupuan. Inilipat niya ang kanyang tingin sa kabilang panig kung saan nakaupo ang anghel. Puno na, shet. Sayang, dapat pala 'di siya nagpahuling sumakay. Napabuntong-hininga na lamang si Irene.

 

 

 

Tama nga ang sabi-sabi, nasa huli talaga ang pagsisi. 

 

 

 

Malamya siyang tumungo sa bakanteng upuan habang patuloy na inaalalayan ng anghel. Matapos makaayos si Irene ng upo ay muli niyang nilingon ang mala-anghel na dalaga. Napansin niyang 'di naman gano'n kalayo ang kinauupuan nito mula sa kanyang pwesto, halos magkaharapan pa nga sila kung 'di lang dahil sa aleng katabi nito. 

 

 

 

Sandaling tumingin si Irene sa labas at nakitang pamilyar na daan ng byaheng patungo sa Soo Man ang tinatahak nila. Inikot niya rin ang kanyang paningin sa loob jeep at inobserbahan ang mga kasakay. Karamihan ay nagamit ng cellphone, ang iba ay nakikipag-usap o natutulog at meron din namang tahimik lang na nakaupo habang naghihintay sa pagsapit sa kani-kanilang destinasyon. 

 

 

 

Napabuntong-hininga ulit si Irene, wala pa nga yata siya sa langit. Kebs na, ayaw niya rin namang mamatay nang isang dakilang birhen, noh. 

 

 

 

Pero parang may gustong patunayan ang tsuper na nagmamaheno na 'di imposibleng sa langit ang diretso nilang lahat. Sobrang bilis kasi ng pagpapatakbo nito, para silang hinahabol ni Satanas. Mapapakapikit ka na lang talaga nang mahigpit kung ayaw mong tumilapon sa kalsada. 

 

 

 

Kahit na para bang rollercoaster sa bilis ang jeep at tila maiiwan ang kaluluwa ni Irene ay itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa dalagang nasa kanyang harapan. Sinimulan niyang pansinin ang buhok at maputla nitong kutis na halos maging kasingkulay ng nyebe. Ibinaba niya ang kanyang paningin sa mapupungay at tila nangungusap na mga mata ng babae. Bahagyang nakadukwang ang ulo nito habang nakatingin sa labas at paminsan-minsa'y nasisikatan ng araw ang mukha na lalong nagbibigay kinang sa mausisa nitong tingin.

 

 

 

Ang cute, parang batang first time nakasakay sa jeep. 

 

 

 

Sunod niyang pinagmasdan ang mga pisngi nitong namimintog at napangiti si Irene. Ang fluffy, huhu. Pwede pakagat? 

 

 

 

Kapansin-pansin din ang ilong nitong angat na angat mula sa matatambok na mga pisngi, para bang inukit sa sobrang tangos. Muling ibinaba ni Irene ang kanyang mata sa huling pagkakataon at napasinghap sa nakita. Mapupulang labi na tila ba nanunukso at nang-aakit ang sumalubong sa kanyang paningin. Hindi na napigilan ni Irene ang sariling mapalunok at mapakagat-labi, Shet, ang kissable nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄