Malas?

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Sa gitna ng isang tahimik at mapayapang umaga, maririnig ang malakas na tunog ng alarm na pumutol sa mahimbing na tulog ni Irene.  

 

 

 

Tsk, ano ba 'yan, ang aga-aga pa, eh. Bakit ba ako nagpa-alarm ngayon? Hays, sayang tulog.

 

 

 

Kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa taas ng nightstand. Nang makuha niya na ito sa wakas ay bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata at pinindot ang 'Stop' sa screen. Bumungad sa kanya ang oras at ang label ng kanyang alarm na nagsasabing, 'HOY, BRUHA! GUMISING KA NA, ABA!!!'. Bumukas nang napagkalaki ang mga mata ni Irene, agad na nawala ang antok niya dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang mapagtanto ang ganap sa araw na 'yon.

 

 

 

AY DEPUT— MAY PASOK NA NGA PALA NGAYON!!!

 

 

 

Muli siyang tumingin sa oras para siguraduhin kung namamalikmata lang siya. Pero shet, hindi. Totoong-totoo talaga, 6:15 na at ayon sa schedule niya—na ilang beses niya pang chineck kagabi—ay 7 ang pasok niya. Hindi gano'n kagaling si Irene sa Math, pero hindi rin naman siya gano'n kabobo para hindi maisip na wala na sa isang oras ang panahon niya para maghanda ng kanyang sarili at bumyahe. Siguradong male-late siya kung 'di pa siya kikilos ngayon.

 

 

 

Agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga at mabilisang inayos ang kanyang kama. Oo, gano'n siya kabait. Kahit male-late na siya, nakuha niya pa ring imisin ang pinaghigaan niya. Tularan si Irene, mga kaibigan. Pagkatapos ay hinablot niya ang kanyang tuwalya sa pagkakasampay nito sa hanger—thank you, rold chisas at hindi po nabali 'yung hanger kundi mabebembang siya kay Mommy Taeng—at dali-daling bumaba ng hagdan. 

 

 

 

Nadatnan niyang nakaupo ang mommy niya sa sofa. Nakabukas ang TV pero hindi siya sigurado kung nanonood ba talaga ito dahil abalang-abala ito sa pagpindot sa kanyang iPad. Nagke-Candy Crush na naman yata, at nakumpirma niya ito nang nakarinig siya ng 'Tasty!', 'Sweet!' at 'Delicious!'. Hindi na naman nag-aksaya ng oras si Irene at tinawag niya na ang pansin ng ina sa pamamagitan ng mabibigat na yabag ng kanyang mga paa.

 

 

 

"Oh, Hyun. Gising ka na pala, good morning," nakangiting bati ng nakatatanda.

 

 

 

"Good morning," mahina niyang bati pabalik.

 

 

 

"Ang aga mo ngayon, ah." puna ng mommy niya at nagpatuloy na ito sa paglalaro. "'Di bale, kumain ka na sa kusina. Nauna na ako, akala ko kasi mamaya ka pa gigising," nakalimutan din ba ng Mommy Taeng niya na may pasok na siya ngayon?

 

 

 

Hays naman talaga, oo.

 

 

 

Pero masama pa rin ang loob ni Irene at wala siyang ibang masisi. Nangingilid na rin ang luha sa kanyang mga mata dahil sa pagka-frustrate kaya nagdesisyon siyang ilabas ang kanyang hinanakit.

 

 

 

"My! Ba't 'di niyo po ako ginising?" pag-aakusa niyang sabi habang nakakunot ang noo at nakasimangot.

 

 

 

"Bakit? Ano bang meron?" takang sagot naman ng mommy niya. 'Di nga yata talaga alam.

 

 

 

"First day ngayon, eh."

 

 

 

"Ng ano?" muli siyang nilingon ng mommy niya. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito.

 

 

 

"Ng school, My! Ng school!" madiin niyang sabi. Kanina niya pa naman n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄