RBB Moves©

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Sa wakas. 

 

 

 

Sumapit na ang paborito at pinakahihintay na oras ni Irene; 

 

 

 

Ang uwian.

 

 

 

Ang daming arte, pwede namang sabihin lang na nag-uwian na... Anubanamanyan, otor? Bakit ka ganyan? 

 

 

 

Anyways, 'wag na nating pansinin ang easily distracted na otor, mga kaibigan.

 

 

 

Going back, naging mabilis lang ang paglipas ng oras ng araw na 'yon. Bilang ni Irene sa kanyang maliliit na daliri ang mga prof nilang umattend para magpa-assessment at magbigay ng requirements at kung ano pa mang ginagawa ng masisipag na prof tuwing first day. Wala rin namang importanteng nangyari, tamang tambay at kwentuhan lang.

 

 

 

Eh, otor, ano po 'yung inaarte-arte ni Ayren last chapter na sasalangit na raw siya?? Tsaka yung sinasabi ni Jennie na namiss niya raw...?

 

 

 

Ah, oo nga pala. Good question. Isa sa mga naging highlight ng araw na 'yon nang kamuntikan lagnatin si Irene dahil sa pagkataranta at kaba. 

 

 

 

Pa'no ba naman, niloko siya ng dalawa niyang kaibigan na na-miss niya ang mga importanteng requirements at reminders para first subject nila. Edi ayon, taranta si Madam. Isa pa naman ang subject na 'yon sa majors nila, idagdag pa natin sa kamalasan ni Irene na kilala sa pagiging strikto at terror 'yung prof nila dun na walang iba kundi si Miss Jung. 

 

 

 

Eto, oh, flashback.

 

 

 

 

 

 

 

"Bakla, gigil talaga si Ma'am nung nalaman niyang 'di kami complete attendance."

 

 

 

"Sabi naman namin baka may emergency lang kaya ka male-late."

 

 

 

Lumunok si Irene bago nagtanong, "Eh, anong sabi niya?"

 

 

 

"Galit pa rin, ayaw niya maniwala. First day na first day, late ka. Tsaka gasgas na raw 'yung palusot na 'emergency', lalo na kapag first day of classes."

 

 

 

'Di maipinta ang mukha ni Irene at 'di na rin naman ito nakapagsalita kung kaya't nagpatuloy sa pagkukwento si Jennie, "Sabi niya pa, pakisabi raw sa'yo na you just missed 'one of the most important' requirements para sa subject niya." Marahang paglalahad ni Jennie na para bang maingat na naghahatid ng masamang balita sa kanyang kaibigan at masusing pinapanood ang reaksyon nito. 

 

 

 

"And..." 

 

 

 

Lalong nalukot ang mukha ni Irene, May isa pa???? WTF

 

 

 

Nakita ito ni Jennie at napalunok na lang siya bago nagpatuloy, "...isa pa naman sa mga naging reminders niya na 'di siya natanggap ng mga late requirements or schoolworks. Tapos ayon, after niya magpa-pre-assessment at discuss, umalis na siya."

 

 

 

Ang kaninang kabado 20 na si Irene ay ngayo'y kabado 100 na. 

 

 

 

"Wait, shet. Anong requirements ba 'yon?" Mausisa niyang tanong. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkataranta dahil sa palipat-lipat nitong tingin sa pagitan ni Jennie at Joy.

 

 

 

Parehas kumunot ang noo ng dalawa niyang kaibigan habang bahagyang nakabuka ang mga labi mula sa pagkalito at gulat. Nagkatinginan muna sila bago muling nagsalita si Jennie, "Nagpapadala ng 1x1 pic, ah, 'di mo alam?"

 

 

 

"Hindi. Sino at kelan ba nagsabi?" Seryoso niyang tanong. 

 

 

 

Wala naman kasi talaga siyang nabalitaan na kailangan pala magdala ng 1x1 pic para sa klase nila kay Miss Jung. Kung alam niya lang, edi sana nakapagdala pa siya ng sampung kopya na may iba't ibang posings. 

 

 

 

Kaso hindi, eh. 

 

 

 

Belat na lang sa'yo, Ayren.

 

 

 

Pumalatak si Joy, "Pa'no mo naman kasi malalaman, Madam? Eh, 'di ka nga nag-oopen ng chats, 'di ba?" Makatwirang pagpo-point out pa nito, "Pinasabi ni Ma'am kay presi last week na i-announce raw sa GC natin sa Messenger..." 

 

 

 

Napatitig na lang si Irene sa kawalan matapos magpaliwanag ang dalawa. Mahirap din pala minsan  'pag masyado kang nagmamaganda.

 

 

 

"Nako, ano naman kayang gagawin natin?" Alalang tanong ni Jennie

 

 

 

"Kaya nga, eh. 'Yun pa naman daw yung gagamitin for recitation, so 'pag alaws kang index, alaws ka ring recitation kasi 'di ka matatawag."

 

 

 

"Anlaki pa naman ng points no'n sa grading..." Pahabol na bulong ni Joy na ngayon ay bakas na rin ang pag-aalala sa mukha. 

 

 

 

Shet, ganon kalala?

 

 

 

 

 

 

 

Tanginang mga hinayupak 'yon, ang gagaling umarte.

 

 

 

Napakaripas tuloy siya ng takbo papunta sa tindahan para bumili ng sandamakmak na wanhap index card at magpa-print ng homemade— o sa kaso ni Irene, "schoolmade"— 1x1 pictures na kinuhaan ni Joy at in-edit ni Jennie sa kani-kanilang mga cellphone.

 

 

 

Kaya pala takang-taka 'yung mga kaklase niya kung ba't sila may pa-mini pictorial dun sa bandang likod ng classroom. 

 

 

 

Tangina.

 

 

 

 

 

 

Pikit-matang nilunok ni Irene ang kanyang hiya para lang makapagpa-calligraphy siya ng pangalan niya dun sa kaklase nilang tahimik na calligrapherist. Naghanda rin siya ng tatlong magkakaibang version ng index card in case na 'di tanggapin ni Miss Jung 'yung ibang font styles.

 

 

 

 

 

 

Tangina talaga.

 

 

 

 

 

 

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Irene habang mahigpit siyang nakahawak sa index card. Handa na siyang lumuhod sa harap ni Miss Jung, kahit pa sa harap ng buong faculty, tanggapin lang nito ang behind time niyang index card.

 

 

 

"Girl, sige na. Pumasok ka na, bago pa lalong mahuli ang lahat."

 

 

 

"Tatanggapin 'yan ni Ma'am, manalig ka lang..."

 

 

 

"Ipagdadasal ka namin, Rene! Hwaiting!!" 

 

 

 

"Go, Madam! Kaya mo 'yan!"

 

 

 

'Yan ang words of encouragement galing sa kanyang matatalik nakaibigang sina Jennie at Joy bago siya kumatok at pumasok sa faculty room.

 

 

 

Maliban sa kaba, pagkagalak at kilig (islayt lang) ang kanyang naramdaman sa buong pagkakataon dahil sa suporta ng dalawa para sa kanya. Kahit naman lagi siyang pinagtutulungang alispustahin ng mga 'yon ay 'di sila pumapalyang magbigay ng tulong kay Irene sa oras ng kanyang matitinding pangangailangan.

 

 

 

 

 

 

Pero 'wag kayong mag-alala, 'di sappy kind ang friendship ng tatlong 'to aka TMR (short for "Tropang Men Repellant"). Sila kasi 'yung tipong prangka sa kahit anong bagay at nandidiri kapag sweet sila sa isa't isa. 

 

 

 

Ah, basta. Hahayaan ko na lang kayong humusga at magdesisyon para sa inyong mga sarili kung ano ba talaga...

 

 

 

 

 

 

!!! Ang mga susunod na pangyayari ang magsisilbing patunay sa naging pahayag ng otor !!!

 

 

 

 

 

 

"Uhm, excuse me," pagtawag pansin ni Irene sa SA na may nakapasak na earphones sa parehas na tenga habang may pinapanood sa phone. 

 

 

 

Idinukwang niya ang kanyang ulo upang silipin kung ano bang pinapanood nito at ito'y tutok na tutok. 

 

 

 

Natapos na ang summer at lahat-lahat, 'di pa rin tapos ni ate 'tong kdarama binge-watching niya?? Isip ni Irene nang napansin niyang CLOY ang nagpe-play sa screen.

 

 

 

Kanina pa siya nagpipigil ng paghinga dahil sa kaba, 'di rin nakatulong na sobrang lamig sa loob ng silid dahil sa aircon, pero dahil makatao si Irene ay naghintay muna siya nang ilang mga segundo upang tingnan kung lilingunin ba siya nito. 

 

 

 

...

 

 

 

Sige, mga ilang seconds pa.

 

 

 

...

 

 

 

Sige pa.

 

 

 

...

 

 

 

Aba, tama na. namumutla na si Ayren.

 

 

 

'Di yata siya narinig nito dahil busing-busy pa rin ang bruha sa panonood.

 

 

 

Tumikhim si Irene nang napagkalakas, 'yung tikhim na para kang natinik sa bangus o 'di kaya naman tikhim na china-channel ang pagiging inner aso mo. 

 

 

 

...eureureong eureureong eureureo—

 

 

 

Ah, basta malakas. Kaya naman sa pagkakataong 'yon, inangat na ng SA ang ulo nito mula sa pagkakadukwang sa pinapanood upang tingnan si Irene. Magkahalong pagtataka at inis ang ipinapahayag ng mukha nito kaya 'di na nagpaligoy-ligoy pa si Irene.

 

 

 

"Ah, hi, good morning. May ipapasa lang sana ako kay Miss Jung. Andyan ba siya?"

 

 

 

Napataas ang kilay ng SA, "Ipapasa? Wala pa naman si Ma'am, ah?"

 

 

 

Huh?

 

 

 

"Ay, ganon ba? Sige, hintayin ko na lang muna siya." Saad ni Irene saka tumalikod patungo sa hilera ng mga upuan nang tinawag siya ng ateng SA. 

 

 

 

"Ate," nagmamadaling tawag sa kanya nito, "Absent si Miss Jung ngayong araw."

 

 

 

Nagsalubong ang kilay ni Irene sa kanyang narinig. Nang nakita ng kausap na 'di siya iimik ay nagpatuloy ito.

 

 

 

"Nasa California pa raw si Ma'am kaya hanggang Wednesday pa siya absent."

 

 

 

Ang lahat ng emosyong nararamdaman ni Irene ay agad napalitan. Medyo nakahinga na siya nang maluwag dahil sa paunti-unting pagkawala ng kanyang kaba ngunit ang kaninang kagalakan niya para kay Jennie at Joy ay napalitan ng galit—hindi, 'di sapat ang salitang "galit"—poot. Poot na ngayon ang emosyong dumadaloy sa buong sistema niya at lalo itong nagpapakulo sa kanyang dugo.

 

 

 

'Di nakatakas sa ateng SA ang pagbabago ng aura ni Irene, ganon na rin ang pag-iiba ng hangin sa loob ng kwartong tila ba lalong nagpalamig dito. Takot ang bumalot sa kawawang SA sa hindi nito malamang dahilan at wala naman itong ibang nagawa kundi mapalunok na lamang. 

 

 

 

Huminga nang malalim si Irene, "Oh. Okay, thank you." 

 

 

 

 

 

 

Tangin—At this point, bubula na ang bibig ni Irene sa kakamura niya. 

 

 

 

Sabihin na lang nating 'di naging maganda ang nangyari sa dalawang bruha, lalo pa't paglabas ni Irene sa faculty room ay wala na sila. Mas napasama pa ang mga 'to nang nadatnan sila ng madam sa kanilang room na naka-sitting pretty at tawang-tawa.

 

 

 

Edi 'yon, may mga nasabunutan tuloy nang wala sa oras...

 

 

 

Pero 'di na rin naman 'yon ininda ni Jennie at Joy.

 

 

 

Kung hindi niyo pa napapansin, isang malaking pikon si Irene pagdating sa kahit anong bagay ("Madam" = Madam-damin), kaya naman aliw na aliw palagi ang J&J na pagtulungan siya't pagtrip-an. 

 

 

 

Laking pasalamat na lang ng dalawa na naudlot ang panenermon ni Irene dahil biglang dumating ang isa sa kanilang mga prof. 

 

 

 

.....

 

 

 

Nang sumapit ang lunchtime ay parang walang nangyaring habulan at sabunutan noong umaga lang. Tila ba nalimutan na ni Irene ang mga naging kaganapan at ang kanyang "sama ng loob". 

 

 

 

'Di naman sa nagrereklamo ang J&J, medyo nawiweirdo-han lang. Pero sino bang niloloko nila? Ganon naman talaga sila simula ng naging magkakaibigan sila. Hindi nila nakaugaliang i-take it to heart ang mga panunukso at panti-trip nila sa isa't isa.

 

 

 

Sana ol.

 

 

 

Tsaka isa pa sa mga nagpalamig sa ulo ng dragon— este, Madam ay ang palibreng lunch ni Mayora Ligaya. 'Yun ang unang pagkakataong naging thankful at bukal sa kalooban ni Joy na pagkagastusan at ilibre ng lunch si Irene at Jennie.

 

 

 

Napuno ng huntahan at tawanan ang lunch break nila; karamihan ay kwento mula sa mga naging kaganapan sa lumipas na bakasyon.

 

 

 

 

 

 

"Sabi sa'kin ni Lisa baka raw mag-apply siya sa isang café as a part-timer,"

 

 

 

"Ayon! 'Di naman pala asukal de papa ang hanap nito ni Jen sa Omegle, asukal de sanggol naman pala..." 

 

 

 

"Gago?? Para ka talagang engot, Ligaya. Hindi ako naghahanap ng tutustusan, noh!"

 

 

 

 

 

 

Paglalahad ni Jennie sa isa sa mga napag-usapan nila ng naka-chat niya sa Omegle. At as promised, walang hiya-hiyang ikwinento rin ni Joy ang capades nila ng jowa niyang si Seulgi.

 

 

 

 

 

 

"Babe, kailangan pa bang sabihin 'yan?"

 

 

 

"Oo naman, noh! Eto na 'yung , eh." 

 

 

 

"Babe, nakakahiya..." Kasingpula na ng ketchup sa table nila ang mukha ni Seulgi sa pagkakataong 'yon.

 

 

 

Sumimangot si Joy, "Ba't ka nahihiya?" Takang sabi nito. "Ngayon ka pa nahiya, eh, 'di ka nga nahiya nung ki— mmphf!" 

 

 

 

 

 

 

Kung anumang hindi kaaya-ayang bagay ang sasabihin pa sana ni Joy ay napigilan ni Seulgi na halos malaglag ang mga mata dahil sa sobrang panlalaki nito. 

 

 

 

'Di rin naman nagpahuli si Irene na ibinida ang kanyang newfound crush kaninang umaga lang.

 

 

 

 

 

 

"Para talaga siyang angel, pramis. Tapos ang ganda na ang pogi niya pa..."

 

 

 

"Luh? Pwede ba 'yun?"

 

 

 

"Oo, pwede 'yon! Kaninang umaga ko lang din na-discover," 

 

 

 

"Tss! Picturan mo nga para malaman naman namin kung maganda talaga. Baka kasi nagdedelushon ka lang dahil sa pagkatuyot at dehydrashon..."

 

 

 

"Oo nga, Rene, baka kulang ka lang sa dilig."

 

 

 

"Tanginang mga 'to, nagduda pa... Ayoko ngang picturan, mamaya baka agawin niyo pa siya 'pag nakita niyo."

 

 

 

"Ay, nambabakod agad, 'di mo pa nga kilala? Iba ka na talaga, Madam!"

 

 

 

 

 

 

Eto, isang try pa ulit sa magjowang JoyGi. Baka meron silang kwentong hindi .

 

 

 

 

 

 

Pumalatak si Jennie, "Teka nga! Maliban sa pagkakanaan at harutan, ano pang ginawa niyong dalawa? 'Yung makabuluhan, ha, please lang." 

 

 

 

Umismid si Joy, "Ako, wala. Kinana at hinarot ko lang talaga baby bear ko buong summer," pagmamalaki ng impakta, nakasandal pa ang ulo nito sa balikat ni Seulgi. 

 

 

 

Lakas talagang mang-asar porket alam niyang walang jowa si Irene at Jennie.

 

 

 

"Edi itikom mo 'yang bibig mo't manahimik ka dyan." Gigil na tugon ni Irene. "Bonak na 'to, 'wag mong hintaying ako magpatahimik sa'yo."

 

 

 

Napatawa nang malakas si Sootanas bago ito bumanat, "Ooh, ..." at nakuha pa talagang kumindat ni gaga. "Oo na, mananahimik na." 

 

 

 

Sinamaan lang ng tingin ng dalawa ang kaibigan nila. Typical Park Sooyoung. Nalilito na rin sila minsan kung bakit hanggang ngayon ay magkakaibigan sila. 

 

 

 

Umirap at humalukipkip muna si Jennie bago nito itinuon ang nanlilisik na titig kay Seulgi. "Oh, ikaw? Anong ginawa mo? Tangina, kung kana lang din 'yang sasabihin mo, magbibigti na talaga ako," halos pagmamakaawa nito.

 

 

 

Kapansin-pansin ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ni Seulgi. Malamang sa malamang ay dahil sa takot nitong makatay siya ni Irene at Jennie. Kawawang oso, laging nadadawit sa mga kagagahan ng jowa niya.

 

 

 

Lumunok muna si Seulgi bago (sinubukan) magsalita, "Uhh... Ahh... Nahh..."

 

 

 

Wala. 

 

 

 

Wala ni isang coherent word ang lumabas sa bibig ni Seulgi. 'Di nila sigurado kung may invisible man bang sumasakal sa kaibigan nilang oso o nagre-recite lang talaga 'to ng jumbled version ng abakada. 

 

 

 

Nahabag din naman siguro si Jennie sa kalagayan ng tropa nila kaya muli itong nagsalita. Mas kalmado na ngayon pero matigas pa rin ang tono, "Seulgi, hinga, huminga ka."

 

 

 

At huminga nang malalim si Seulgi. Inulit niya ito nang ilang beses saka tumikhim at sinubukang magsalita.

 

 

 

"A-ano," utal nito. "Nag a-ano... nag-w-workshop a-ako." Tumikhim ulit ito, "Oo, nag-drawing workshop ako..."

 

 

 

Binalot ng katahimikan ang table nila. Tatlong pares ng mata ang nakatitig kay Seulgi kaya naman yumuko na lang ito. Makalipas ang ilang sandali ay bungisngis ni Joy ang bumasag sa walang imik na paligid. 

 

 

 

"Ang cute cute mo talaga, babe..." humalik pa si Joy sa pisngi ng jowa niya na sinitsitan lang siya at sinamaan ng tingin.

 

 

 

Bumuntong-hininga si Irene at Jennie. "Mabuti naman. Mukhang 'di mo pa araw ngayon, Jen." 

 

 

 

 

 

 

Matapos ang katakot-takot na pangyayaring 'yon nung lunch ay naging mabilis na lang ang pagsapit ng uwian. 

 

 

 

.....

 

 

 

Pumalatak si Jennie.

 

 

 

"Ano ba 'yang jowa mo, Oso? Kanina pa kami vacant pero ngayon niya pa talaga naisipang magpaganda?" Iritang sabi ni Jennie na umani ng yamot na buntong-hininga mula kay Irene bilang pagsang-ayon.

 

 

 

15 minutes na ang nakalipas simula nang mag-uwian at tulad ng ibang mga estudyante, atat na ang dalawa makauwi dahil sa kani-kanilang rason—

 

 

 

"Ano ba 'yan, magc-call pa kami ni Lisa, eh..."

 

 

 

"Tsk! Nakakainis naman, baka 'di ko maabutan si baby,"

 

 

 

—pero imbis na kanina pa sila nakaalis ay nandito sila sa labas ng cr, naghihintay para kay Joy dahil nag-reretouch pa ito.  

 

 

 

Napakaarte talaga! Retouch retouch pa, 'kala mo naman...

 

 

 

Inangat ni Seulgi ang kanyang tingin mula sa hawak nitong cellphone at saka ngumiti sa direksyon ni Irene at Jennie. "Parang 'di pa kayo nasanay, alam niyo namang ganun na 'yon ever since," marahang pagpapaliwanag ni Seulgi sa dalawa. 

 

 

 

Natural na katangian ng kaibigan nilang oso ang pagiging masayahin at smiley nito. And that's what makes Seulgi... Seulgi. Pero sa tuwing nababanggit sa usapan ang pangalan ng girlfriend nito ay may kakaibang kinang sa mga mata ng dalaga. Vovong vata na lang ang hindi makapansin sa nag-uu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄