Finding x & y

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Malalim na ang gabi at tahimik na ang paligid. Sa bahay ng mga Bae, mamamataan ang isang ginang na napipikit-pikit na at malapit nang makatulugan ang pinapanood nitong teleserye. Tuluyan na sana siyang mahimbing na makakatulog nang may biglang umalingawngaw na sigaw mula sa kusina.

 

 

 

"AHHH, aray ko! Bakit ka ba nangungurot? Porket asar talo ka lang, eh!"

 

 

 

"Puro kasi basura 'yang nalabas sa bibig mo! Ambaho tuloy ng hininga mo!"

 

 

 

"Wow! Makapagsalita ka naman ng ganyan, sino ba sa'tin dito 'yung saka lang nagto-toothbrush 'pag napagtrip-an lang?"

 

 

 

"Hoy, 'wag mo 'kong itulad sa'yo! Mga gawain mo talaga 'yan! Parang mag-iisang taon na nga 'yung toothbrush mo pero 'di mo pa rin pinapalitan, palibhasa 'di mo naman nagagamit!"

 

 

 

Agad na nagbukas ang mga mata ni Taeyeon. Nang napagtanto ang dahilan ng komosyon ay humingang malalim na lamang siya at napahawak sa sentido. Lumipas ang ilang sandali na hindi pa rin humihinto ang ingay at napagdesisyunan niya nang tumayo mula sa komportableng pagkakapwesto sa sofa saka lumapit sa mga salarin sa may kusina.

 

 

 

"Hoy, ano ba naman kayo dyan? Alas-nwebe na ng gabi nagbabangayan pa rin kayo!" Sita niya sa anak at pamangkin na nanlilisik ang mga mata sa isa't isa. May nakakalat na tubig at tissue sa taas ng table at sa paligid nila. Kapansin-pansin din na mamasa-masa ang mukha at damit ng anak niya. Kung bakit? Pipiliin niya na lang na hindi na mag-usisa pa. Ignorance is bliss, ika nga nila.

 

 

 

"Mommy, si Yeri kasi ang hilig mang-asar! Hindi na ako nito ginalang!"

 

 

 

"TaMami, si Ate Renren kase nananakit! 'Di niya na ako nirespeto bilang isang taong may nararamdaman!"

 

 

 

Napapikit at buntong-hininga ulit si Taeyeon sa kunsumisyon. "Ay, nako, ewan ko ba sa inyo! Ilang taon na akong nagsasabi na nandito lang ang kutsilyo sa kusina. Kung gusto niyo magpatayan— ay sya, hala, sige at magsasaksakan kayo."

 

 

 

Natahimik ang magpinsan pero masama pa rin ang tinginan ng mga ito. Kitang-kita niya rin mula sa kanyang kinatatayuan ang marahas na pagsisipaan ang mga ito sa ilalim ng dining table.

 

 

 

Umirap na lang siya. "Basta sa labas kayo, ha. 'Wag kayong magkalat ng dugo rito sa tiles ko at mahirap maglinis." Nang hindi na nagsalita pa ang dalawa ay tumalikod na siya at bumalik sa sala para patayin ang naiwang nakabukas na TV. Hindi niya na muna tatapusin ang episode ng isa sa mga paborito niyang drama, sa YouTube niya na lang panonoorin bukas. Tama na 'yung dramang nasaksihan niya ngayon-ngayon lang.

 

 

 

"Sya, matutulog na ako. Kung sino man sa inyo ang masaksak, siya ang maglilinis ng ebidensya. Kalat ng dugo mo, linis mo," huli nitong bilin saka umakyat sa kwarto para magpahinga na mula sa mga ka-stress-an sa buhay.

 

 

 

"Good night, Mommy..."

 

 

 

"Good night, TaMami!"

 

 

 

Nang nakarinig si Irene ang pagsara ng pinto ay saka siya nagpakawala ng iritang buntong-hininga habang si Yeri naman ay natatawa-tawa. Sinamaan niya ito ng tingin pero lalo lang itong bumungisngis. Tatanungin niya na sana ang impakta kung ano bang nakakatawa sa pinagalitan na naman sila ng Mommy Taeng niya nang bigla itong lumapit sa kanya at naunahan nitong magsalita.

 

 

 

"Pst, Ate Renren... Tara, saksakan tayo."

 

 

 

/////

 

 

 

"Renebaby!"

 

 

 

Hindi napigilan ng madam na mapairap sa kanyang narinig. Kahapon lang sobrang kinikilg pa siya sa pangalan na 'yon. Ngayon, parang matinding gigil at poot na lang ang nararamdaman niya.

 

 

 

"Nang-aasar na lang talaga kayo, noh?" Bulyaw niya sa bagong dating. Nang bahagya itong napaatras sa gulat at takot, 'di niya rin pinalampas na pandilatan ng mata ang mga ka-table.

 

 

 

"Oh, ba't nadamay kami? Si Oso na lang naman 'yon!" Depensa ni Jennie pero mapanuksong ngumisi kasama si Joy.

 

 

 

Bwisit talaga! Simula nung dumating siya kaninang umaga, walang ibang ginawa ang J&J kundi pestehin siya. Kahapon pa lang kasi ay naikwento niya na sa mga ito ang nangyari. Kasalanan niya ba naman kung para siyang biglang sinaniban ng bomb Girls at hindi niya na napigilan ang kaligayahan na kanyang nadarama? Hindi naman, 'di ba? Tapos ngayon, pati si Seulgi nakikisali na rin sa pang-aalipusta.

 

 

 

"Renebaby, amp! Ang tita!" Bulalas ni Seulgi habang may laman pang kanin sa bibig saka nagpakawala pa ng nakaiinsultong tawa.

 

 

 

Napangiwi si Irene. Ilang beses ba nila kailangan sabihan ang kaibigan nila ng 'don't talk with your mouth full'?  "Hay nako, 'wag mo na ulitin pa. 'Yan din sinabi sa'kin ni Yeri kagabi."

 

 

 

Humagalpak ng tawa ang oso. "Talaga ba? Great minds think alike nga nam—"

 

 

 

"Nakurot ko nga siya nang wala sa oras, eh." sabat niya saka nagbigay ng makahulugang tingin sa kausap. "Ayon, tuklap balat..."

 

 

 

Agad na natigilan si Seulgi sa sasabihin pa sana nito. Nang nahimasmasan ay nanlaki ang mga mata ng dalaga saka napalunok at tahimik na lang na kumain ulit.

 

 

 

"Oop— labas kami dyan ha. Si Oso lang 'yun, Madam." Gatong ni Jennie na sinang-ayunan din ni Joy.

 

 

 

Edi ayon, feeling betrayed 'yung isa. Ngayon na nga lang siya makiki-join the fun sa pang-aasar sa madam, ilalaglag pa siya.

 

 

 

At dahil nagkabanggitan na rin naman, hindi naiwasan ni Irene na maalala ang naging pag-uusap nila ng pinsan kagabi. Lalong kumulo ang dugo niya, instantly. 'Di niya rin kasi napigilan ang sarili na ikwento kay Yeri ang naging ganap nung hapon na 'yon dahil sa sobrang kilig niya. Aamin siyang may part sa kanya na umasang susuportahan siya ng bubwit pero syempre, walang gano'ng nangyari.

 

 

 

 

 

 

"Pffft!"

 

 

 

Wrong timing 'yung pinili niyang pagkakataon para magkwento, dahil maliban sa borderline mocking remark ni Yeri ay nakatanggap din siya ng body fluid fused with a moderate amount of H2O (dramatic spit-take).

 

 

 

To the face.

 

 

 

And everywhere in between.

 

 

 

Ipinikit na muna ni Irene ang kanyang mga mata. Nagtitimpi. Bibigyan niya ng chance ang nakababatang pinsan. Hihintayin niya na muna ang reaksyon nito sa kanyang naging kwento bago siya magdedesisyon kung deserving pa ba itong huminga for the night o dapat niya na itong kitilan ng buhay sa lalong madaling panahon.

 

 

 

Napaigtad si Yeri. "Ay, shuta! Sorry, Ate Renren, 'di ko sinasadya!" Alalang sabi nito saka hinablot ang rolyo ng paper towel sa gilid. Agad nitong pinunasan ang paligid na naambunan ng disgrasya at inabutan na rin siya ng iilang piraso.

 

 

 

Okay, naging responsible at nag-sorry naman kaya palalampasin niya na lang muna this time—

 

 

 

"Pero shutangina?" Bulalas ni Yeri, para bang aliw na aliw sa kwento niya, pero not in a good way. "rEnEbaBy ba tALAGA???" 

 

 

 

Nagbuka ang pinsan niya ng bibig nang napagkalaki at wala siyang ibang inaasahan kundi ang makarinig ng malakas nitong halakhak. Ngunit sinalubong lamang siya ng katahimikan— kahit anong tunog, wala. Pero bakit gano'n? Rinig na rinig niya pa rin 'yung pangungutya?

 

 

 

At hindi pa nga tapos si Yeri sa mga panlilibak nito dahil muli itong nagsalita matapos suminghap mula sa pangangapos ng hininga. "Baka naman kasi 'di ka niya nakikita as jowa material. Siguro more like tita material gano'n."

 

 

 

And the rest was history.

 

 

 

.....

 

 

 

"Bakit, Ate?"

 

 

 

Nagsalubong ang kilay ni Irene. "Anong bakit? Uuwi na ako, tara na."

 

 

 

Nag-angat si Yeri ng tingin mula sa pagkakayuko, puno ng pagtataka ang mukha. "Hala, Ate! 'Di ko ba nasabi sa'yo kanina na hindi ako sasabay?"

 

 

 

Irene was unimpressed. Ano 'to, bagong pakulo ng impakta para makatakas sa kanya? "Hindi," matigas niyang pahayag. "At bakit naman hindi ka na naman sasabay, huh?"

 

 

 

Hindi nabigyan ng pagkakataon na sumagot si Yeri nang may grupo ng mga kaklase nito ay biglang nagsitilian at nagtatatakbo sa hallway papasok sa classroom nila.

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄