Baby Crush

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Pagbukas pa lang ni Irene sa pinto ng kanilang room, nakita niya na agad ang dalawa niyang kaibigan na mukhang inip na inip na naghihintay—malamang ay chika niya ang inaabangan ng mga ito. 

 

 

 

Medyo nagulat din si Irene dahil sa muling pagkakataon ay maaga na namang pumasok si Joy at naunahan pa nga siya ng bruha. 

 

 

 

Taray... Anuto, new school year, new you?

 

 

 

Malayo pa siya mula sa kinauupuan ng dalawa nang biglang nagsisisigaw si Joy na naging dahilan sa bahagyang pagkagulat ni Jennie na nakatutok sa kanyang phone.

 

 

 

"Anong balita?" Bulalas ng higanteng itago na lang natin sa kanyang alyas na "Sootanas".

 

 

 

Umirap si Irene, Magandang umaga rin sa'yo, Ligaya.

 

 

 

"Sa radyo at TV?" Pakantang tugon ni Irene. 

 

 

 

Shet, naisip ko pa 'yon? Ang funny ko talaga! Nangingiti niyang isip.

 

 

 

Ang galing galing niya talagang mag-joke. Sa sobrang galing ay 'di siya inimik ng J&J at patuloy lang ang mga itong seryosong tumitig sa kanya.

 

 

 

"Anong balita?" Pag-ulit ni Sootanas sa tanong nito kanina, mas seryoso na ito ngayon at mukhang sasabog na lang kung iisang joke pa si Irene.

 

 

 

Napahiya po ang ating madam.

 

 

 

"Ay, pwede saglit lang?" Pag-arte niyang gulat na may nanunuyang tono. "Hinga muna ako, ha? Medyo hiningal ako sa pag-akyat," dugtong niya na may pag-irap pa.

 

 

 

Mukhang naka-recover naman na si Jennie mula sa pagkagulat at pagkadismaya mula sa joke ni Irene dahil bumanat din ang dalaga. "Oo nga, Ligaya. Hayaan mo muna si Irene—alam mo naman, kapag may edad na, mabilis hapuin."

 

 

 

Bwisit talaga. Umagang-umaga pero eto na naman ang mga kaibigan niya sa mga "old jokes" nila na walang ibang pinatatamaan kundi siya. Edi, siya na nga matanda!

 

 

 

Hinayaan na lamang ni Irene ang dalawang ngumisi mula sa komento ni Jennie at inayos ang kanyang gamit bago umupo sa gitna ng J&J.

 

 

 

"Pweds na, 'La?" Inip na tanong ni Joy nang makaayos na siya ng upo sa kanyang pwesto.

 

 

 

Bumuntong-hininga lamang si Irene at pumikit, sa pagmulat ng kanyang mga mata ay saka siya nagpakawala ng malapad na ngiti. "Alam ko na kung sa'n siya nakatira."

 

 

 

Parehas naestatwa ang dalawa sa kanilang narinig at bahagyang nakaawang ang mga bibig habang nakatitig lang kay Irene, malamang ay dahil sa gulat.

 

 

 

Natapos ang ilang sandali na patuloy pa ring nakatanga ang J&J kay Irene at parehas 'di alam ang sasabihin. 

 

 

 

Sino ba naman kasing 'di magugulat sa biglang pasabog ni Madam? Akalain mo 'yon, isang araw pa lang niya nakikita, "alam" niya na raw agad 'yung bahay ng "baby" niya? Ano 'to, detergent? Speed lang?

 

 

 

"Whoaaaaaa..." Manghang sabi ni Jennie na siyang unang nakabawi mula sa panandaliang pagkatuliro  nito.

 

 

 

"What the ?" Sigaw naman ni Joy na nakakunot ang noo. Kitang-kita ang pagkalito sa mukha nito.

 

 

 

Magsasalita na sana si Irene—na sa buong pagkakataon ay nakaismid lang sa lahat ng kanyang nakikitang reaksyon mula sa mga kaibigan—nang iwinagayway ni Joy ang kanyang mga kamay sa hangin para pigilan siya.

 

 

 

"Wait, wait, wait," aligagang pagsasalita ng higante. Nagtaas naman ng kilay si Irene bilang pagsenyas na magpatuloy nito.

 

 

 

"Lemme just have a recap. So you're telling us na kahapon lang kayo nagkasabay, and that's when you decided to make her your crush—which makes it very very MUCH recent, by the way," walang hinga-hingang pagpapatuloy ni Joy na ikinamangha ni Irene at Jennie. Wish lang nila ay pati sana sa recitation ganito kadeterminado at invested ang kaibigan nila (char, not char). "Tapos ngayon alam mo na kung sa'n 'yung bahay niya?" Kapos sa hiningang pagtapos nito. Matapos mag-ala rap (god) devil ni Joy ay ibinaling na rin ni Jennie ang atensyon nito kay Irene habang natango-tango.

 

 

 

"Hmm," pag-iinarteng huni niya para sa suspense effect. "Well, not exactly 'yung bahay niya pero I might know kung sa'ng area." Mayabang niyang paliwanag. "Ano stalker lang?"

 

 

 

"Kinda..." Bulong ni Jennnie na nginisihan ni Joy at sinamaan niya ng tingin.

 

 

 

"Baket!? 'Di ko naman talaga siya sini-stalk, ah! It just so happens na nakakasabay ko siya sa jeep!" Depensa ng ating Madam(damin).

 

 

 

"Nuyy, pero defensive ka? 'Ge, Ayren, talon." 

 

 

 

"Luh? Kasalanan ko bang parehas kami ng byahe ng jeep na sinasakyan at pinagtatagpo talaga kami ng tadhana??"

 

 

 

"Yeah, yeah, whatever," ikinumpas na lamang ni Jennie ang kamay nito upang ipagsawalang-bahala ang mga palusot ni Irene.

 

 

 

"So, sa'n nga nakatira?" Singit ni Joy nang natapos ang bangayan ng dalawa.

 

 

 

"Actually, 'di talaga ako sure. Hehe," kumamot siya sa ulo bago nagpatuloy. "Pero sa may LCN siya bumaba so baka sa isa sa mga hotels or condo siya naka-stay," mabilis niyang dagdag. Mahirap na, baka mapulaan na naman siya ng mga impak—

 

 

 

"Akshwali, nyenyenyenye," panunuya ng anak ni Satanas. "Porket dun bumaba, dun na agad nakatira?" 

 

 

 

At ayan na nga ba ang sinasabi niya. 

 

 

 

Wala. 

 

 

 

Wala na talaga siyang takas sa mga panggigisang gagawin sa kanya ng dalawang 'to ngayong umaga.

 

 

 

"Rene, ang hena mo naman," dismayadong dagdag ni Jennie sa naging komento ni Joy.

 

 

 

Aangal pa sana siya para ipagtanggol ang kanyang sariling nadidiin sa mga paratang ng mga kaibigan nang biglang may pumasok sa room. Sabay-sabay nila itong nilingon at nakitang pumasok na pala ang prof para sa first subject nila sa araw na 'yon.

 

 

 

Napairap at buntong-hininga na lamang si Irene sa sobrang pagkapikon. 

 

 

 

BAKIT BA PALAGI NA LANG AKONG NAUUDLOT KAPAG IPAGTATANGGOL KO NA SARILI KO!??

 

 

 

.....

 

 

 

"Nako, feel ko talaga 'di taga rito 'yon," matigas na pahayag ni Joy with conviction na nagresulta sa walang pakundangan nitong pagnguya ng fried chicken, at may pa-bonus pa ngang natalsik na mga butil ng kanin mula sa bibig nito paminsan-minsan.

 

 

 

Wala na namang nagawa si Irene at Jennie kundi mapatitig na lang nang nakangiwi dahil alam nilang ganto ang nangyayari sa kaibigan nila tuwing may ipinaglalaban ito (sanay na rin naman sila, ang nasty lang talaga) habang si Seulgi naman ay naka-heart eyes na inoobserbahan ang jowa nito at may nakakalokong ngiti sa mga labi.

 

 

 

Love makes you blind talaga.

 

 

 

Umiling si Jennie bago nagsalita, sinusubukang burahin ang imahe ng paglipad ng mga butil ng kanin palabas sa bibig ni Joy. "Same thoughts. Baka nga namamasyal lang 'yon, eh."

 

 

 

Kumunot ang noo ni Irene. Bwisit 'tong mga hinayupak na 'to, wala man lang pagpapakita ng suporta sa buhay pag-ibig niya.

 

 

 

Nakaramdam si Seulgi ng paglamig sa simoy ng hangin sa paligid, 'di rin nakatakas rito ang lalong pagkalukot ng mukha ni Irene sa bawat negatibong komento ng J&J tungkol sa "baby" niya. 

 

 

 

'Di na alam ng oso kung siya lang ba ang kinikilabutan sa kanila mula sa maitim na aura na bumabalot kay Irene dahil na-immune na ang dalawa buhat sa tagal ng kanilang pagkakaibigan o nararamdaman din nila ito at sinasadya lang nilang badtrip-in ang (dragon) madam.

 

 

 

"Uhm," marahang pagsingit ng oso sa usapan, tinatantsa pa kung ano ang pwede niyang sabihin na hindi siya mapapasama at masasaktan. "Guys, ba't ganyan kayo mag-isip? Malay niyo naman taga roon talaga sa LCN 'yung crush ni Irene." Marahan niyang saad na umani ng malaking ngiti mula kay Irene at mapanuyang tingin mula sa dalawa.

 

 

 

"Oo nga! Tangnang mga 'to, mga walang suporta! Buti pa si Seul, support ako," nanunumbat na bulalas ni Irene.

 

 

 

Ngumuso muna si Jennie na para bang nag-iisip bago tumango-tango bilang pagsang-ayon sa pahayag ni Irene. "Lahat naman kasi yata support nyan ni Oso," prangka nitong sabi. "Naalala mo ba last year nung may presentation tayo? Pati 'yung kalaban nating team chini-cheer niya," pagpapaalala ni Jennie na ikinapula ng mukha ni Seulgi dahil sa hiya.

 

 

 

"H-Hoy, nalito lang ako! Akala ko kasi ka-team niyo 'yung mga 'yon," depensa ng oso.

 

 

 

Ngumisi si Jennie, "Pa'no namin sila magiging ka-team?? Eh, white 'yung color ng shirt nila ta's yung naka-assign sa team namin black???"

 

 

 

Kasalukuyang nakapwesto ang magkakaibigan sa kanilang usual seat sa cafeteria upang mananghalian. 

 

 

 

Nang naudlot ang pagchichikahan ng tatlo kaninang umaga, agad silang nag-usap sa pamamagitan ng The Language of EME (Eyes, Mouth, Eyebrows), exclusive to TMR only, na sa lunch o susunod na free time—kung magkakaroon—na lang nila ipagpatuloy ang (pang-aalipusta kay Irene) kanilang kwentuhan. 

 

 

 

Sa kasamaang palad, wala ni isang prof ang nagpatinag sa pag-attend sa klase nila kung kaya't wala silang choice kundi hintayin ang lunch. 

 

 

 

Mahigpit na nakatikom ang bibig ng tatlo kanina, halatang pigil na pigil sa pagchika kahit na umaga pa lang ay nangangati na ang mga dila nila—kailangan muna nilang makarating sa cafeteria at um-order ng pagkain bago ang lahat dahil alam nilang wala na naman silang mapapala sa muling pag-oopen ang topic dahil sa sobrang pagka-invested sa usapan.

 

 

 

Tulad na lang ng nangyayari ngayon, buti na lang talaga't nakapagpigil sila at dito na sila inabutan ng pagiging chizmackerz nila.

 

 

 

Hindi pa rin tapos sa pagbabangayan ang dalawa—si Seulgi na ipinagtatanggol ang sarili niya at si Jennie naman na lalo pang nang-aasar—na ikinatawa na lamang ni Irene at Joy. 

 

 

 

"Baby bear, mahal kita pero may point si Jen," malambing na sabi ni Joy na para bang nang-aamo ng oso.

 

 

 

Mabilis na nilingon ni Seulgi si Joy, 'di makapaniwalang hindi siya ang kinampihan ng jowa niya. Nagpakawala na lang si Seulgi ng malalim na hininga bago sumimangot, tama nga naman talaga si Jennie pero kasalanan niya bang nakalimutan niyang 'di nila ka-team 'yung mga naka-white shirt? Tsaka gusto niya lang naman makatulong kay Ayren na inaapi ng dalawa tapos ngayon pati siya nadamay. 

 

 

 

Kawawang oso.

 

 

 

Bumelat pa si Jennie kay Seulgi na ginantihan na lamang siya ng masamang tingin bago nito muling ibinalik ang main topic nila. "So nagkasabay kayo kahapon?"

 

 

 

Tumango si Irene, "Pero 'di ngayong umaga. Hinatid kasi ako ni Mommy ta's sinabay na rin namin si Yeri."

 

 

 

"Aww, edi malungkot ka?" Mapang-asar na tanong ni Joy.

 

 

 

Nagkibit-balikat balikat si Irene, "Slight pero kebs na," 

 

 

 

"Wow... 'di ka na manlalaban?" 

 

 

 

Sinamaan niya ng tingin si Jennie, "Manlalaban pa rin! Sayang naman 'yung tinakbo ko kahapon kung hindi, 'di ba?"

 

 

 

Tumawa nang malakas ang tatlo, alam na kasi nila ang nangyaring pananakbo ni Irene mula kay Bogum kahapon dahil sa unang sandaling nakasagap siya ng WiFi mula sa gate ng bahay nila ay agad na niyang pinamalita sa GC nilang magkakaibigan ang kamalasan niya.

 

 

 

"Ano nga pala nangyari sa encounter mo kay Bogum kahapon?" Interesadong tanong ni Seulgi.

 

 

 

Umirap at humingang malalim si Irene saka ibinuka ang kanyang bibig para ilahad ang mga pinagdaanan niyang hirap kahapon. Puno ng panunumbat, paninisi at pagrereklamo ang kwento ni Irene ngunit nagpapasalamat din siya dahil kung hindi siya humarap sa mga pagsubok at hindi nangyari ang lahat ng kamalasan sa kanya ay malamang 'di niya rin nakasabay si baby.

 

 

 

"Pina-chat ko na lang kay Yerms si Bogum na nagkita na kami. 'Di naman ako ganon kamaldita para hayaan lang siyang maghintay sa wala, 'di ba?" 

 

 

 

"Kahit?" Side comment ni Jennie na 'di na naman narinig ni Irene. Salamat sa Diyos, matitriggord na naman kasi ang madam kung sakali.

 

 

 

"Edi nagkautang ka na naman ng chika at lunch kay Yeri?" Pagkumpirmang tanong ni Seulgi. 

 

 

 

Aware na silang lahat na sa tuwing may ipakikisuyo si Irene sa pinsan nito ay laging may kapalit na palibre. Kadalasan ay pagkain pero kung tungkol sa potential hot issue ang hiningan ng pabor, chika ang bumubusog sa batang may pagkademonyo. 'Di na rin naman sila nagulat dito dahil matagal na rin silang aware na natakbo rin sa ugat ni Yeri ang dugo ni Irene na may pagkachizmackerz.

 

 

 

Tumango si Irene, "Ganon na nga. 'Yung chika bayad ko na, 'yung lunch niya kahit bukas na lang. Nagmamadali na kasi kaming tatlo kanina kaya 'di na namin dinaanan pa si Yerms, ang kupad pa naman no'n." 

 

 

 

"True."

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄