Basta Blue

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

"Smurfette."

 

 

 

Humingang malalim si Jennie, "Ano na naman, Irene?" 

 

 

 

"Smurfette."

 

 

 

Umirap si Joy, "Context, please. Baka masabihan na naman kaming bonak mamaya." Mataray na sabi nito nang hindi inaalis ang atensyon mula sa hawak na cellphone.

 

 

 

Si Irene naman ang bumuntong-hininga, "Smurfette yata totoong pangalan ni baby..."

 

 

 

Mabilis na napalingon ang dalawang kaibigan niya sa kanya, "Ano kamo??"

 

 

 

"Anak naman ng tupa, oh. Ang sabi ko Smurfette yata totoong pangalan ni Herschel!"

 

 

 

"Weh? Talaga ba??" Hindi makapaniwalang tanong ni Jennie. "Weird... Hindi ba ibang animation na 'yon? Last time I checked, 'yung kulay blue na troll pa 'yung baby mo...?" Bulong nito sa kawalan na hindi naman nakatakas sa pandinig niya.

 

 

 

"Ano?" 

 

 

 

Ngumiti ng pagkatamis si Jennie, "Wala, nevermind." 

 

 

 

Nanliit ang mga mata ni Irene. Kinukutuban na siya, feeling niya talaga nag-uusap si Jennie at ang otor. Huminga siyang malalim. Malilintikan na talaga sa kanya 'yang otor na 'yan.

 

 

 

(a/n: luh, ba't ako? tagasulat lang naman ako rito??)

 

 

 

Bago pa man makapagplano si Irene kung paano niya tatapusin ang buhay ng otor ay nagsalitang muli si Joy, "Sa'n mo naman nasagap 'yan, Madam?" 

 

 

 

"Sa jeep,"

 

 

 

"Kailan?"

 

 

 

"Kanina..."

 

 

 

"Kaninang umaga?"

 

 

 

"Oo,"

 

 

 

"Nung papasok ka pa lang?"

 

 

 

"Oo." 

 

 

 

Nabubwisit na si Joy sa mga paisa-isang sagot ni Irene. Ano 'to, quiz bee? Recitation?? Enumeration??? Umirap na lamang ang dalaga at muling nagtanong, "Jusko, ano ba kasing nangyari?" 

 

 

 

Lalong lumalim ang simangot sa labi ni Irene nang maalala niya ang nangyari sa jeep kanina. "Eh, kasi naman si Herschel pasakay na sana kanina—sabay na sana kami kaso may biglang nagsisisigaw na lalaki sa labas ng 'Smurfette' ta's siya pala 'yon. Edi ayon, hindi kami nagkasabay." Kwento niya sa dalawa na maigi rin namang nakikinig.

 

 

 

Humuni si Jennie. "Sure ka bang Smurfette talaga 'yon? Baka naman nagkamali ka lang ng rinig?"

 

 

 

Mabilis siyang nag-iling ng ulo, "Hindi, Jen, Smurfette talaga 'yung sinisigaw nung kuya. Tsaka bakit naman ako mamamali ng rinig, alam mo namang attentive ako pagdating kay baby?"

 

 

 

Taray, sana pati sa klase attentive. 

 

 

 

"Luh? Harot, pota." Comment ni Joy. "Pero weh? Sure ka ba na tama ka ng rinig? Kasi 'di ba kapag matanda na humihina na ang pandinig?"

 

 

 

May nasabunutan.

 

 

 

"Ah! Shuta, why naman nananabunot ka, sis!??"

 

 

 

"Eh, tangina mo kasi! Alam mong nagdadalamhati 'yung tao, puro ka pa kagagahan!" Singhal niya.

 

 

 

"Nagdadalamhati..." mapang-asar na gaya ni Sootanas. "Taray, ang lalim, ocean deep."

 

 

 

Lalong uminit ang ulo ng madam, "Pakyu!"

 

 

 

"Si Seulgi ka ba?" Natatawang panunuya ni Joy na sinabayan din ng halakhak ni Jennie.

 

 

 

Hinayaan na lang ni Irene ang dalawang tumawa nang tumawa. Wish niya lang ay sana kabagin sila mamaya, tutal mabilis naman ang karma.

 

 

 

"Smurfette, amputa! Kawawa naman siya kung 'yon talaga pangalan niya!" Bulalas pa ni Joy.

 

 

 

Tangina lang talaga. Ano ba kasing problema nito ni Joy sa mga pangalan? Mas nakakasama pa ng loob dahil may posibilidad na 'yun talaga ang tunay na pangalan ng baby niya.

 

 

 

Magsasalita na siya para manlaban nang inunahan siya ni Jennie.

 

 

 

"Teka nga!" Hingal na pagpigil nito mula sa katatawa. "Baka naman 'di talaga 'yun mismo 'yung pangalan niya? Baka naman nickname lang?"

 

 

 

Napatango-tango siya. Reasonable naman... Pwede.

 

 

 

Buti pa 'to si Jennie, kahit na may pagkakampon ng kadiliman, may sense kausap.

 

 

 

"Orrrr..." pagsabat ni Joy.

 

 

 

Napakapit na lang si Irene sa table niya at pumikit.

 

 

 

Lord, pigilan niyo po sana ang kung anong basurang lalabas dito sa bibig ng kaibigan k—

 

 

 

"Baka naman jowa niya 'yun ng baby mo ta's 'yun 'yung endearment sa kanya?"

 

 

 

May lumipad na binder. Kulay purple. Parang kulay ng magiging pasa ni Joy sa noo mamaya. Headshot kasi.

 

 

 

"ARAY! Pota ka! Ba't ka ba nananaket? Nagsasabi lang naman ako ng possibility." Gigil na reklamo ni Joy, hinahaplos-haplos ang kawawang noo.

 

 

 

"Eh, kasi!" At wala nang iba pang nasabi ni Irene. Kung iisiping maigi ay tama si Joy at minsan lang mangyari 'yon. Pero tangina, oo nga, noh? All this time na nagpapanstasya siya ay hindi niya man lang naisip kung pusa rin ba ang preferred ng baby niya. Depungal naman, shuta.

 

 

 

Pumalatak si Joy, "Oh, ano? Napaisip ka rin, 'di ba?" 

 

 

 

Umirap na lamang siya at bumelat.

 

 

 

Napangisi ang kausap. "Oks lang 'yan, Madam. Anong petsa na rin naman, everyone's a little bit gay these days..." tinapik-tapik siya ni Joy sa balikat.

 

 

 

Bumuntong-hininga siya, "Pa'no kung straight talaga siya?" 

 

 

 

"And so is spaghetti until it gets wet," singit ni Jennie. "Kung ang spaghetti nga nabe-bend after pakuluan, siya pa kaya? Manalig ka, Rene. Konting kulo lang ang kailangan no'n."

 

 

 

At nanalig si Irene. 

 

 

 

"Na-check mo ba 'yung brand ng bag niya?"

 

 

 

"Ah, oo! Jansport nga talaga 'yung bag niya! Masyado kayong tamang hinala dyan!"

 

 

 

Ngumisi si Sootanas, "'Yun nga! Baka nga Herschel talaga pangalan niya ta's tawagan lang nila ng jowa niya 'yung 'Smurfette'."

 

 

 

Nasapok ulit si Joy.

 

 

 

/////

 

 

 

Nagkamali si Jennie.

 

 

 

Hindi na pala kailangan ng baby niya ng kulo. Kulong-kulo na kasi, nasobrahan pa nga yata.

 

 

 

Kinabukasan na at eto na naman si Irene na lulan ng jeep na byaheng Soo Man. Hindi sila nagkasabay kahapon pauwi ng minamahal niya kaya naman umaasa siyang magkakasakay na sila ngayong umaga. Pero base sa kanyang nakikita ay malabo itong mangyari dahil eto siya ngayon, pirming nakaupo sa kanyang pwesto habang nakatitig sa lantarang pagtataksil sa kanya ni baby/Herschel/Smurfette (pili na lang kayo, jusko. 'di ko na rin alam).

 

 

 

Patawid pa lang ito galing sa LCN at may umaaligid ditong magandang babaeng kulay pink ang buhok at may mahabang legs. Okay lang naman 'yung magkatabi silang nakatayo kaso lang naghaharutan pa sila. Napasimangot siya. Mukhang bagay naman silang dalawa kahit na mas matangkad 'yung karibal niyang kulay pink ang buhok kaysa kay Herschel...

 

 

 

Suminghal si Irene at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄