Chapter 7

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

5 Days Before March 31, 2023

 

5:30pm

 

Huwebes na ngayon. Bilang na bilang na talaga ang mga araw kaya pinipilit kong makauwi ng maaga galing sa office. Madami pa kasi ako kailangan ayusin lalo dito sa bahay. Na-deposit ko na kahapon sa account ni Cassie yung kalahati ng kinuha ko at na-transfer ko na din lahat ng pera ko mula sa passbook. Inilipat ko lahat sa atm account para madadalian yung mga magulang ko na iwithdraw yung pera. Hindi ko na kailangan pang ayusin yung insurance dahil given na ma-vvoid yung policy dahil sa gagawin ko. Mag iiwan nalang ako ng note para sa magulang ko at ipapadala ko sakanila yung card through kay ate Seulgi. Walang kahit sino ang may idea sa mangyayari kaya ngayon palang inaayos ko na lahat at sinisigurado ko na covered yung parents ko kahit pa wala na ako.

 

 

Nagsimula na din akong mag impake. Huli ko nang aalisin yung mga damit at yung mga bagay na madalas ko pang ginagamit. Nagpalit na din ako ng password sa phone pati sa ibang gadgets para walang kung sino ang pwedeng makialam. Balak ko na din bumili ng damit na pangburol bukas o kaya naman sa Sabado. Pero naisip ko, parang nakakahiya naman kay Hyewon kung magkikita at magddinner kami tapos may dala dala akong damit na pangburol. Parang nakakabad vibes naman yun kaya sige wag nalang, baka sa Sabado nalang ako pupunta sa mall para dun.

 

 

Nagkakausap na kami ni Hyewon. Masasabi ko na sobrang galing ng pr ni Yuna kaya naging smooth yung daloy ng conversation namin at nakikilala ko na siya ngayon. Hindi din ako nahirapan na ayain siya dahil si Yuna din ang may pakana nun. Kaya ayun, may lakad ako bukas after work. Hindi ko sure kung matatawag ba na date yun pero, gusto ko lang kasing subukan for the last time tsaka gusto ko din mag explain sakanya na hindi ako yung nagmessage sakanya nun, the first time na nagkita kami. Sobrang okay kausap si Hyewon, hindi siya tamang sagot at interested din siya na makilala ako. Hindi siya snob at maarte, kahit minsan hindi ako nainip. Alam ko na magcclick yung personality namin at magkakasundo kami. Sayang nga lang dahil wala nang kahit sino ang makakapagpabago ng desisyon ko. Manhid na manhid na ako ngayon basta ang gusto ko nalang ay sulitin yung natitirang oras at ieexperience ko na lahat ng pwede.

 

 

*Ringing*

*Ringing*

*Ringing*

 

Hinugot ko yung phone sa pagkakacharge para tignan kung sino yung tumatawag, nung makita ko, sino pa nga ba, si Cassie. Hindi ko alam kung malakas lang ba talaga siya makakakutob o ganun katindi yung radar niya. Kasi tuwing maiisip ko yung alis namin ni Hyewon or kung sasagi sa isip ko si Hyewon o kaya naman magrreply palang ako sakanya, bigla biglang tumatawag o nagttext sakin si Cassie. Napaka weird dahil lagi nalang nasasakto at madaming beses na nangyari.

 

*Ringing*

*Ringing*

 

Wyn: hello

 

Cass: hi,

 

Wyn: O? napatawag ka, may kailangan ka ba?

 

Cass: nothing. I just got back from the seminar andito na ako sa hotel, tinawagan lang kita

 

Wyn: okay

 

Cass: what are you doing, sa bahay ka na?

 

Wyn: oo

 

Cass: mamaya pa yung dinner namin nagpapahinga lang ako dito sa room, how about you kumain ka na?

 

Wyn: hindi pa kasi mag ssix palang naman

 

Cass: are you going to cook or nag take out ka? dinamihan ko yung grocery last time para hindi ka mag take out and you can prepare your food

 

Wyn: oo sige. thank you

 

Cass: we can talk through video call habang nagpprepare ka or kapag nagddinner ka, mamaya pa naman ako bababa ulit kasama ko sila Nina

 

Wyn: hindi na. okay lang ako 

 

Cass: bakit ayaw mo?

 

Wyn: hindi pa naman ako gutom

 

Cass: wala ka nanaman bang gana?

 

Wyn: hindi sa ganun

 

Cass: are you sure okay ka lang, Mamo parang ang tamlay mo nanaman. Halata sa voice mo na wala kang gana

 

Wyn:  okay lang ako

 

Cass: okay, by the way I miss you

 

Wyn: Cass tigilan mo na mga paganyan mo

 

Cass: sinasabi ko lang and I notice kasi na ang tamlay mo

 

Wyn: hindi naman, may ginagawa lang kasi ako dito

 

Cass: ano ba ginagawa mo ngayon?

 

Wyn: nagaayos ako dito sa bahay, yung mga gamit ko

 

Cass: okay pero hindi naman laundry day ngayon ah, naglinis ka ba ng room mo? galing ka sa office you are probably tired kaya dapat tomorrow na yan

 

Wyn: kailangan ko ayusin mga gamit ko

 

Cass: okay

 

Wyn: okay

 

Cass: so how was your day?

 

Wyn: ayos lang

 

Cass: tell me about it

 

Wyn: bakit? 

 

Cass: wala lang. kinakamusta lang kita, gusto ko lang malaman mga ginawa mo today kung naging busy ka ba sa office

 

Wyn: weirdo mo. sige na may mga kailangan pa akong tapusin

 

Cass: bakit ba ang aloof mo pa din sakin? kaya naman kita tinatawagan because I want to know how you are and what you are up to. Lagi ko naman ginagawa to

 

Wyn: we are not together anymore. you can stop doing that now kasi wala naman saysay

 

Cass: kinakamusta lang kita kaya wag mo masamain

 

Wyn: do you really expect me na maging comfortable at wag magtaka sa mga inaasta mo? paiba-iba ka eh. tigilan mo na dahil pinapaasa mo ako

 

Cass: bakit ka ba nagagalit sakin nagtatanong lang naman ako

 

Wyn: eh wala naman pupuntahan to eh. kahit magtanong ka ng isang daang tanong o sabihin ko sayo lahat ng pinaggagawa ko hindi na tayo babalik sa dati. kapag sinagot ba kita babalik ka? 

 

Cass: ito nanaman tayo Wynona

 

Wyn: see? kaya wag ka na din gumanyan

 

Wyn: puro ka arte tsaka paasa pinapahirapan mo lang ako

 

Cass: napaka gago mo kinakamusta ka lang naman kung ayaw mo edi wag! 

 

Wyn: oo na sige na, bye! 

 

 

Nakakairita napaka weird niya talaga. Kung nung mga nakaraan buwan galit na galit siya sakin ngayon naman she's doing the opposite. Hindi ko talaga maintindihan si Cassandra, halata naman na mahal niya pa din ako at gusto niya sakin pero hindi na kami babalik sa dati dahil ayaw naman niya makipagrelasyon. Hindi ko na masundan yung mga trip niya kaya paulit ulit nalang kami at parang walang katapusan. Nakakasawa at sobrang nakakapagod na. 

 

 

Binato ko yung phone ko sa kama at nagpatuloy na akong alisin yung mga gamit ko sa pinakataas na shelves. Ikakahon ko na lahat para mas madali nang isegregate at ilabas dito sa bahay. Issecure ko din yung iba lalo yung mga gamit sa sala yung mga appliances, iddouble check ko din kung naka-lock ba yung kwarto niya dahil for sure, magtatagal dito yung mga police sa Tuesday ng gabi at baka umabot pa ng madaling araw ng Wednesday. Handa na ako at alam ko na yung pagkakasunod sunod ng proseso. Kailangan ko din palang sirain yung cctv sa garahe para walang makakakita sakin.

 

 

 

 

8:30pm

 

Na-assemble tsaka naka-tape na yung mga boxes at lalagyan ko nalang ngayon ng label. Sa isang maliit na box ko ilalagay yung mga personal documents, pinaka importante dun yung mga memorial plan, orcr, registration ng kotse, yung mga sa finances pati na din yung health card. I'm sure naman na uuwi from the States yung parents ko kaya sila din naman ang tatanggap nitong mga to.

 

 

"Saan na ba yun?" inalis ko yung ibang gamit na nakapatong sa kama para hanapin yung marker na pinangsusulat ko. Nung inangat ko yung unan, napansin ko yung phone ko na may message notification, kinuha ko kagad para tignan kung sino. Akala ko si Cassie pero si Hyewon pala, sinabi lang niya na nakauwi na siya sa condo at kakarating lang daw niya. Mamaya ko nalang siya kakausapin bago matulog tsaka pag natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin dito.

 

 

*Dial*

*Ringing*

 

Wyn: Hello

 

Cass: what?

 

Wyn: wala

 

Cass: mangaaway ka nanaman ba kaya ka tumawag?

 

Wyn: hindi, yung kanina, gusto ko lang..

 

Wyn: I'm sorry

 

Wyn: sorry sa inasta at nasabi ko

 

Cass: okay,

 

Wyn: sorry kung nagtaas nanaman ako ng boses

 

Cass: I'm sorry too

 

Wyn: I'm sorry din na nagsnap nanaman ako 

 

Cass:  naiintindihan ko naman it's partly my fault

 

Wyn: hayaan mo na nga. Anyways, asaan ka ngayon nag dinner ka na ba?

 

Cass: now palang, we're here at the restaurant na. Kasama ko si Nina pati yung ibang co-teachers

 

Wyn: ah okay sige mag dinner ka na muna, mamaya nalang ulit. Send me a message kapag pwede na kitang tawagan

 

Cass: sure?

 

Wyn: yeah

 

Cass: Okay, or I will be the one to call you pagbalik ko sa hotel room, magddinner lang kami ngayon mabilis lang

 

Wyn: oo sige wag ka magmadali. Kumain ka mabuti, take your time.

 

Cass: okay hintayin mo ako

 

Wyn:  yeah oo sig- hello? 

 

Natigilan ako nung may narinig akong nagsalita na boses lalaki na parang inaaya siya. 

 

Wyn: Cass sino yan? 

 

Cass: alin?

 

Wyn:  yung nagsalita, yung tumawag sayo

 

Cass: where?

 

Wyn: dyan, narinig ko tinatawag ka. May kasama ba kayong iba?

 

Cass: huh?

 

Wyn: I heard someone said let's go and it's a guy

 

Cass: ah yung moderator dito he's also a teacher but from a different school

 

Wyn: bakit tinatawag ka? kilala ko ba yan?

 

Cass: lahat kami tinawag niya, kasi sabay sabay magddinner ngayon. Sige we'll start na, I will call you pag balik ko sa hotel

 

Wyn: okay sige

 

Cass: bye

 

Wyn: bye

 

 

 

 

March 27, 2023 Friday

 

4:30 Quezon City

 

Tahimik akong nakaupo dito sa station ko at naghihintay na mag uwian. Napaka dami namin meetings today pero okay lang. Because of those meetings hindi ganun ka-hectic ang schedule namin ngayon araw. Hindi ko kailangan mag overtime at makakaalis ako kaagad. Kami ulit yung magkakasamang umattend kanina, yung tatlong assigned engineers dito sa site at yung mga head ng marketing. Medyo ang awkward nanaman ng interaction namin ni Gela at nabulol bulol ako nung nagtthank you ako sakanya kanina para dun sa muffin. Balak kong magpasalamat nung monday pa, nag prepare pa ako ng sasabihin ko kaso nung pagpunta ko sa cubicle niya, nakauwi na daw dahil nag early out pala siya. Kaya kanina nalang ako nag thank you sa binigay niya at nakausap ko siya kaya nalaman ko din na mahilig pala siyang mag bake.

 

 

"Aray ko naman." nagulat ako nung may pumitik ng malakas sa likod ng ulo ko. "Ikaw yun Beomgyu? ang gago mo." natatawa siya sabay turo kay Yuna na nagmamaang maangan at nakaharap ngayon sa monitor. Pumwesto ako at tumayo na sa likod niya, babawian ko siya hanggang sa maalog ko yung bungo niya. "Lagot ka sakin. Isa, dalawa.." "Hi Wyn!"

 

 

"Oh."

 

 

"Busy ka?"

 

 

"Oh, hi. Gela. Hindi, hindi ako busy." bumalik ako sa upuan ko para harapin si Gela of marketing na nakadantay nanaman sa cubicle katapat ng computer ko. "May kailangan ka?" tanong ko sakanya.

 

 

"Itatanong ko lang if may notes ka ba from the meeting this morning. Yung sa technical and the schedule of turnover, we need it for the minutes. Idadagdag lang baka kasi may na-miss out kami."

 

 

"Notes? ah oo sige. Ngayon mo na ba kailangan?" 

 

 

"Oo sana. We plan to compile them now, before the weekend."

 

 

"Ah okay sige, ayusin ko lang saglit yung mga notes ko tapos ihahatid ko nalang dun sa table mo."

 

 

"Yes please. Thank you so much again Wyn. It will be a big help."

 

 

"Welcome." tumayo ako ng pasimple at pinanood ko siya na naglalakad. Hinintay ko lang makalayo ng konti si Gela at sinigurado ko na malayo na siya sa cubicle namin bago ko kinalabit ng sunod sunod si Beomgyu. "Oy! Ano ba yun?"

 

 

"Akin na yung notes mo. Yuna akin na din yung sayo."

 

 

"Huh? Why?"

 

 

"Yung mga notes niyo sa meeting kaninang umaga bilis akin na. Saan yung sayo?"

 

 

"O bakit pati sakin?" nagtatakang tanong ni Beomgyu. Ang hina makagets nitong dalawang kasama ko at kailangan ko pa atang ipaliwanag. "Ano ba gagawin mo?"

 

 

"Basta sige na akin na. Papahiram ko lang kay Gela."

 

 

"She asked for yours bakit hindi mo ibigay yung sayo?"

 

 

"Eh dali na. Yung sainyo nalang."

 

 

"Haha bakit ba?"

 

 

"Hindi nga ako nag notes, tumanga lang ako kanina dun sa conference room habang nagmmeeting tayo. Wala akong mapapahiram sakanya kaya yung sainyo nalang."

 

 

"Hahahahaha tangina. Sabi na eh, kaya pala nakatulala ka lang kanina dun hahaha."

 

 

"Sorry. Wala ako sa mood makinig kaya sige na yung sainyo nalang. Photocopy ko nalang tapos ibibigay ko na sa marketing. Bilis na para matapos na."

 

 

"Jusko ka talaga Wynona."

 

 

"Hayaan mo na Yuna bihira na nga magpasikat tong friend natin. Kaya suportahan na natin, para din exciting. Ngayon lang kita nakitang ganito Wyn. O ito sakin, ipa-photocopy mo nalang maiintindihan naman nila yung sulat ko."

 

 

"Haha thank you Beom. Yuna yung sayo?" inabot niya sakin yung sketchpad at inisa isa ko yung mga nakalagay sa notes niya. Nakita ko na ang ayos dahil tabulated at ang ganda pa ng pagkakasulat. "Okay. This will work." 

 

 

"Jusko ano ba nangyayari sayo Wyn para kang tanga. Pasalamat ka sinipag akong magsulat kanina."

 

 

"Kaya nga thank you so much. O sige ibabalik ko din naman to. Hintayin niyo ako dito." madalian akong nagpunta sa printing area at nagsimula nang iphotocopy yung notes na binigay nung dalawa. Hindi na ako nakinig sa meeting kanina kasi wala naman nang point, tsaka sobrang wala na akong gana magkikilos. Nakaset na din yung isip ko na hindi ko na kailangan problemahin pa yung mga bagay bagay pati na din yung mga work related. Gagawin ko lang to kasi naisip ko na ibigay yung request ni Gela, yung kailangan niya for the minutes of the meeting. Mababait at sobrang accommodating sa amin yung marketing department kaya this time kami naman ang tutulong sakanila.

 

 

 

 

After 15 Minutes....

 

*Knock knock*

 

"Oh hi there Wyn. Have a seat." pumasok ako sa cubicle at naupo sa upuan sa harap ng table niya. "Ito na yung notes na hinihingi mo." tinulak ko papunta sakanya yung photocopy nung mga hiniram ko kila Yuna.

 

 

"Thank you so much Wyn ang dami naman ata nito?"

 

 

"Ah hindi. Uhm baka nga hindi pa kumpleto yan eh." Tangina hindi ko alam kung bakit pero naiilang talaga ako dito sa tao na to. Hindi ko siya crush pero ang ganda tsaka sobrang cute

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass