Chapter 27

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

2:00pm Kim's Rest House

 

Maaga kaming nagpunta sa rest house dahil nagsabi si Lucila na gusto daw niya ng "swimmy". Dito kami matutulog dahil Sabado naman at walang magawa sa mansyon.

 

 

Nagpapahinga lang kami ngayon dito sa lanai katapat ng kwarto namin, nakahiga ako dito sa duyan habang nagbabasa naman si Catalina sa sofa. Para din akong lifeguard on duty dahil kanina ko pa binabantayan yung baby namin na nagsswimming sa pool. Kung ano ano yung ginagawa niyang exhibition sa pag dive kaya kanina pa kami naeentertain ni Catalina. Nakakatuwa si Lucila, kapag bigla siyang lumutang sa ere papalakpak dapat kami ng malakas dahil hindi siya babalik sa tubig at nakalutang lang sa ere hangga't hindi namin siya chncheer.

 

 

"Minjeon! Minjeon isa pa ulit?"naaninag ko si Lucila na nakatayo sa kabilang ledge at nakatungo."Ano yan ginagawa mo?"

 

 

"Swimmy!"

 

 

"Hahaha swimmy? tatalon ka nanaman?"

 

 

"Gusto ko po mag dive ng madaming madaming madami. Pwede po Minjeon?"

 

 

"Oo sige ang tagal mo nang nakatungo dyan. Sige, pakinggan mo ulit yung pito ko!" umayos na siya ng pwesto at nakaready na yung kamay niya. Yung tindig akala mo professional swimmer na kanina pa nakakailan laps.

 

 

"Ready Lucila!" napasmile ako kasi sobrang cute niya nung lalong tumungo at bumagsak yung kulot niyang buhok. "Baba tignan mo!" tawag ko kay Catalina. Natigil siya sa pagbabasa at sinilip si Lucila."Anong ginagawa niya?"

 

 

"Ang tagal naman!"sigaw nung bata na nakatungo at handa nang magdive.

 

 

"Ay sorry sorry okay, on your mark! get set..."

 

 

"PRRRRRRRRRRT"     "Bubu ano ba yan ang sakit sa tenga!"nakita ko na napatakip si Catalina."Sorry."

 

 

Nagdive si Lucila sa tubig at nagteleport naman ako kagad para panoorin siya. Nung makita ko na umaandar na sa ilalim, hindi ko mapigilan matawa sa ginagawa pati sa itsura niya. Para siyang batang de-motor kung lumangoy. Ang bilis bilis niya at napaka cute kasi baby pa pero ang liksi.

 

 

"Hahahahaha Baba dali tignan mo! Tignan mo si Lucila parang fish kung lumangoy!!"

 

 

"Asaan?" nagteleport si Catalina dito sa ledge kung saan ako nakatayo sabay tingin kay Lucila na nasa ilalim ng tubig. "Hahahahaha ano yan, bakit ganyan ang paglangoy niya? ang bilis. Hahahaha"

 

 

"Yan yung kanina niya pa sinusubukan dolphin swim daw. Ang galing niya hahaha. Ganyan ata pag kaluluwa, parang hangin nalang kasi sila kaya ang bilis nila kumilos. Kahit sa tubig para silang lumilipad."

 

 

"Oh, wow ang taas ng talon!"   *Clapping sounds*

 

 

"Hahahaha ang galing ah!" manghang mangha ako nung bigla siya tumalon mula sa tubig at umangat sa ere. Kumaway pa talaga siya samin sabay dive."Hahaha parang dolphin nga."komento ni Catalina. Nakatingin pa din kami sakanya habang lumalangoy na ulit sa ilalim.

 

 

"Ang galing talaga ng mga pinaggagawa ni Lucila." andun na ulit siya sa ilalim at lumalangoy nanaman ng napakabilis. "Hahaha ano ba yan, saan niya nalalaman kumilos ng ganyan?"

 

 

"Tinuruan natin last time dba kasi dati tumatakbo lang pala sa ilalim ngayon ayan lumalangoy na."sinilip ko ulit siya, para talaga siyang fish sa bilis.

 

 

"Baba tignan mo, hahahahahaha naging frog!"Dumaan ulit si Lucila kung saan kami nakatayo at umangat pa saglit sa ibabaw ng tubig para kawayan kami ni Catalina. Natawa kami kasi talagang nagsmile pa.

 

 

"Hahahaha grabe ang cute talaga nitong bata na to. Nakakagigil siya, ang cute cute."

 

 

"Hahaha mas lalo pang nagiging cute noh? Ang kulit pa ng itsura niya eh. Nakabestida tsaka nakasapatos pero ang galing lumangoy. Para siyang kerubin na naging mermaid."

 

 

"Bubu nakakaapat na oras na pala siya, ipaahon mo na siya dyan at kailangan din niyang magpahinga. Makakatulog nanaman yan."

 

 

"Siya lang ata yung multo na natutulog ng mahimbing."

 

 

"Nasanay na kasi siya kung pano tayo pati ang mga tao. Nagaya na niya."

 

 

"Hayaan muna natin siya mag swimming dito naman tayo matutulog eh, sulitin niya yang pool."

 

 

"Dinidisiplina nga natin siya Minjeong dahil si Nana Carmilla, masyado na nagiging spoiled sakanya si Lucila, magiging matigas lalo ang ulo."

 

 

"Oo nga pala, o sige, kukunin ko na siya. Sabihan ko na." nagteleport ako sa steps ng swimming pool para tawagin siya, Nung bumaba na ako sa tubig bigla siyang sumulpot na nakaupo dito sa ledge. "Bakit po?"tanong niya sakin at humawak sa kamay ko.

 

 

"Halika na Lucila ahon ka na muna, mamaya nalang ulit. Kailangan mo din magpahinga."

 

 

"Bakit po Minjeon, hindi pa ako tapos."

 

 

"Eh kasi higit apat na oras ka nang lumalangoy. Pahinga muna at mamaya nalang ulit, tawag ka na din ni mama mo."

 

 

"Mamaya po ulit papayagan mo ba ako?"

 

 

"Oo mamaya pwede din hanggang gabi. Papayagan kitang mag night swimming."

 

 

"Okay! Sige po Minjeon." pinalipad ko papunta sakin yung towel bago ko siya kinuha mula sa tubig. Ito yung namangha ako dati nung napansin ko. Kapag nasa tubig si Lucila basa siya pero pag ahon niya kahit isang patak o basa, wala talaga. Sabi ni Catalina dahil daw sa siya ay isang kaluluwa. Pag nagsswimming naman kami nakikita namin siya sa ilalim na sumisisid at nababasa. Kapag pinapadescribe ko sakanya kung ano yung pakiramdam kapag nasa tubig siya, kaparehas lang daw sa nararamdaman ng mga tao at wala daw pinagkaiba. Yun nga lang, tuyo kagad siya kapag umaahon dahil parang nasa hangin lang sila. Nagkataon lang kasi na vampira kami kaya nahahawakan namin si Lucila.

 

 

"Dun na tayo." binalot ko siya ng towel at binuhat ko bago kami naglakad papunta kay Catalina. Kahit pa alam ko na hindi naman siya nababasa at tuyo kagad siya pagkaahon sa pool, binabalot ko pa din siya ng towel para mafeel niya yung ginagawa sa mga normal na bata. Gusto ko na maramdaman ni Lucila na inaalagaan namin siya mabuti.

 

 

"Hello,nag enjoy ba ang Lucila, masaya ka ba?" tanong ni Catalina habang umuupo kami sa sofa katapat ng kanya. Para akong may bitbit na batang naging cocoon.

 

 

"Kinakausap ka ni Mama."banggit ko sakanya."Opo Mama, sabi ni Minjeon may swimmy ulit ako hanggang gabi!"

 

 

"Oo magpahinga ka muna, kasi kanina ka pa nagsswimming."

 

 

Hawak hawak ko pa din si Lucila. Pinatayo ko siya sa harap ko at inalis ko na yung towel. "Teka sandali." nagteleport ako saglit sa kwarto para kunin yung suklay tsaka yung cologne niya."Okay tingin sakin."nagsimula akong suklayin yung buhok niya na medyo kulot at inayos ko mabuti yung bangs. Gusto niya na pantay ang bangs kapag sinusuklay ko siya, akala mo sukat na sukat pero mamaya magugulo din naman kagad dahil ang likot niya. "Okay pikit baby."inisprayan ko siya ng cologne at inayos ko din yung damit niya.

 

 

"Saan mo gusto?matulog ka ngayon hapon."

 

 

"Pwede po ako maglaro sa kwarto ko?"

 

 

"Oo naman sige, wag lalabas Lucila ha dito ka lang sa lote bawal lumabas sa gate."

 

 

"Opo Minjeon. Bbye, bbye mama!"sumulpot siya bigla kay Catalina, kniss niya siya sa pisngi sabay naglaho na siya sa hangin."Matulog ka Lucila. Bubu."tinignan ko si Catalina na nakahiga sa katapat na couch. Napansin ko na nakapout siya habang tinatawag niya ako."O, bakit?"

 

 

"Anong bakit? Hug!"natawa ako dahil ang brat ng dating niya."Hahahaha ayos ka ha."naupo ako sa tabi ni Catalina, hinatak ko siya papunta sakin at niyakap ko."Anong problema mo, bakit may naffeel ako sayo."

 

 

"Hug sabi!"

 

 

"Ito na nga."hinatak ko pa siya lalo at niyakap ko ng mahigpit."Bakit ba?ang cute mo oh, nakapout ka pa."hinawakan ko yung muka niya iniharap ko sakin at kniss ko sa lips. "Anong gusto mo Baba?"

 

 

"Bubu bakit may kutob ako na magiging sila ulit? pano yun, hindi ko maiinom ang dugo mo ng isang buong taon?"

 

 

"Hahahaha nagsisisi ka na nakipag pustahan ka sakin noh? Wag mo na problemahin yung dugo ko."

 

 

"Bakit kasi yun ang gusto mong premyo?"

 

 

"Hahahaha pustahan ka pang nalalaman. Basta hindi yan, hindi na sila magkakabalikan maniwala ka. Ikaw ang mananalo sa pustahan natin. Dito ka nga, dito ka sakin."humiga ako sa sofa.Tumabi sakin si Catalina, magkaharap kami at niyakap ko siya."Pano mo nasabi?"

 

 

"Wala, mukang dun na papunta yung storya. May mga ibang tao na silang gusto, malayo na din ang loob nila sa isa't-isa. Hindi pala talaga totoo yung soulmates."

 

 

 

 

Wynona's POV

 

Saturday 8:00pm Quezon City 

 

Kinakausap ko si Gela, kinukumbinsi ko siya na maging witness para dun sa pirmahan na gagawin namin ni Cassandra sa Linggo. Si Gela ang kukunin ko na witness from my side para mas madali. Gusto ko na din kasi talagang matapos yung sa insurance para wala na akong iisipin. Na-prepare ko na yung documents na kailangan ko para bukas, complete na yung change request forms para dun sa dalawang insurance ko.

 

 

"Anong oras daw ba yun Wyn?"

 

 

"Lunch time daw pero hindi ko pa alam kung saan eh, tawagan ko na kaya?"

 

 

"Yeah para alam mo na kung saan. Baka mamaya kasi,"

 

 

"Hahahaha oh my gosh relax Gela. Bakit ba parang kabado ka sa lunch bukas, alam mo ngayon lang kita nakitang ganyan."

 

 

"Shut up. Bigla bigla ka kasi nagsasabi I didn't even get to condition myself."

 

 

"Why the would you need a conditioning anyway? pipirma lang ako ng forms Gela ano ba."

 

 

"Hahaha epal eh kasi naman ngayon mo lang sinabi tapos bukas na pala. First time ko mammeet yung ex mo. She accused me of being your girlfriend Wynona."

 

 

"Hahaha relax okay? wala yun alam niya na friend kita and who cares what she thinks, sure ka ba yun pnproblema mo? Mabilis lang yun I promise and after that I am finally free."

 

 

"Ask them na kung saan yung meet up place."

 

 

"Ask her, not them kasi si Cass yung nagdedecide. Ayan tayo eh, hindi mawala sa isip mo yung isa."

 

 

"Wynona isa nalang I won't agree to be your witness sige ka."

 

 

"Fine tatawagan ko na." I got my phone para tawagan si Cassie. Bukas kami magkikita para iaccomplish yung mga forms sa insurance namin. Nagsabi siya na Sunday daw, pero alas otso na ng gabi hindi niya pa din sinasabi sakin kung saan ba kami magkikita.

 

 

*ringing*

 

Cass: hello

 

Wyn:  hello

 

Cass: hi Wyn, buti tumawag ka

 

Wyn: oo, itatanong ko lang kung saan magkikita bukas 

 

Cass: immessage palang sana kita, let's have lunch at Lemuria

 

Wyn: Lemuria, as in yung Lemuria sa Greenhills?

 

Cass: yeah, let's have lunch there, okay lang ba sayo?

 

Wyn: bakit dun mo pa naisipan eh magpipirmahan lang naman tayo

 

Cass: uhm wala naisip ko lang na baka gusto mo try dun

 

Wyn: ayos lang. o sige okay lang naman sakin dun nalang tayo

 

Cass: okay, see you tomorrow Wyn

 

Wyn: okay see you, bye.

 

Cass: ahh Wyn wait lang uhm may ginagawa ka ba ngayon?

 

Wyn: wala naman, bakit?

 

Cass: nagdinner ka na ba?

 

Wyn: huh?

 

Cass: uhh nothing, uhm remind ko lang sana yung forms na kailangan mo dalin bukas

 

Wyn: yeah nakaayos na, pati yung sayo nacheck ko na din

 

Cass: okay that's good. Good night Wyn, I will see you tomorrow. Ingat ka.

 

Wyn: bye.

 

 

 

Pagkababa ng phone bumalik na ako sa massage chair ni Gela. Napansin ko na parang kanina pa ang weird niya makatingin sakin habang may kausap ako sa phone.

 

 

"What's up?"tanong ko habang sumasandal ako at nagsimula na yung massage.

 

 

"Wala nakakatawa ka, itatanong mo lang sa ex mo which restaurant we're going tomorrow pero parang ang haba pa ng usap niyo."

 

 

"Napaka observant mo naman talaga Gela."

 

 

"Hahaha totoo naman eh, and nakakatuwa ka actually, because with the way you talk to her napaka calm mo. I mean, that's your ex-girlfriend for five years."

 

 

"Okay lang naman na makausap ko siya eh, kahit nga makita ko siya okay na wala lang sakin. I just don't care at all."

 

 

"Hindi ka nakakafeel ng awkwardness, or kahit yung feeling mo na kailangan mo magpaimpress ka kasi ex mo yun. Walang ganun?"

 

 

"Tapos na kasi ako sa stage na yan, huling beses ko na nafeel yan last year pa ata. Dun sa birthday ni Yvonne, tapos nagaway kami ni Cassie. Ayaw ko na maalala yung feeling."

 

 

"Kinaya mo naman."

 

 

"Kasi wala naman akong choice. Grabe yun nung narinig ko na andun na daw siya sa party, umiikot yung tiyan ko sa kaba, tapos nung nakita ko na may kasama siyang guy, yung boyfriend niya ngayon. Hindi ko itatanggi sobrang ang sama sa loob. I was hurt nung nakita ko na may bago na siya. Pero after nung mga away namin tsaka kung pano niya ako itrato, parang kusa nalang nawala yung pain na naffeel ko. Parang nakamove on kagad ako sa break up namin."

 

 

"I understand. Ganyan naman talaga, minsan mas mabilis ka makakapag move on kapag hindi maganda yung break up."

 

 

"Yeah proven and tested."

 

 

"By the way, bakit parang wala ka sa mood kanina nung tinawagan kita?"

 

 

"Kailan? baka naman I was driving."

 

 

"Kanina nung pauwi ka galing sa pottery class mo, tsaka bakit pala ang aga mo umuwi, you didn't go out with your crush?"

 

 

"Maka crush naman to, ano ba tingin mo sakin grade three? Her name is Amy. Uhh yun nga, parang wala siya sa mood kanina kaya medyo masungit. I didn't have the guts to invite her again. Tsaka pano ba gagawin ko Gela, baka kasi magtaka siya kung aayain ko siya every Saturday after class."

 

 

"You have to be clear. You are at the stage na kinikilala mo palang siya. Naguusap ba kayo or kapag may class lang?"

 

 

"Sobrang bihira eh. You're right kapag may class lang. Hindi ko kasi talaga alam ano sasabihin ko sakanya. Hindi ko tuloy ma-message tangina. Ano ba kasi paguusapan namin, anong topic ba yung pwede?"

 

 

"Edi kung ano ano lang, alam mo naman mga interests niya dba. Ganun lang, message mo start ka ng conversation."

 

 

"But how?"

 

 

"Ganyan nga, like hi Amy what's up, kamustahin mo tanong mo ano ginagawa niya. Makikipagkwentuhan ka lang sakanya pero sa chat. Gets?"

 

 

"Nahihiya nga ako mag message."

 

 

"Oh god Wynona. Ang dali ng pnproblema mo. Ichat mo lang tapos mag open ka ng kahit anong topic, pag nagreply maggets mo naman kung ayaw o gusto niya makipagusap sayo."

 

 

"Eh pano pag ayaw?"

 

 

"Baka busy lang. How are you supposed to know kung hindi mo susubukan kaya sige lang. Don't waste the chance, friends na nga kayo and ilan beses mo na nakasama."

 

 

"Ang sungit niya kasi kanina eh. Tamang sagot pag kinakausap ko tsaka nung tapos na yung session nagmadali nang umuwi hindi manlang ako kinausap nag bye na kagad."

 

 

"After you went out with her last week, don't tell me wala nang follow up yun, wala manlang usap the next days?"

 

 

"Meron, nakachat ko pa siya same day, paguwi. But the following days, wala eh. Ako ba dapat mauuna?"

 

 

"Oo. Pero it doesn't matter kung sino mauuna, basta importante keep the conversation going and sustain the connection kung talaga nga na gusto mo siya makilala. What do you expect to happen after your pottery class goodbye nalang?"

 

 

"No. Gela aaminin ko na talaga sayo. I like her. I like her sobra."

 

 

"I know, kahit pa hindi mo aminin. But, what do you want to happen?"

 

 

"I want to date her."

 

 

"Wynona, almost two years ka nang wala sa relationship. If I were you, I'd go for it. Hindi ko sasayangin yung chance. Muka siyang mabait, maayos and she's pretty."

 

 

"Tingin mo?"

 

 

"Ano ba yan. Oo nga. Don't be a Wynona."

 

 

"Eh pano yun pag umalis na ako papunta sa States?"

 

 

"Wag mo muna isipin yan, kikilalanin mo palang naman siya tsaka ittry mo idate."

 

 

"Fine. Sige, gagalaw na ako. Oh my god I really like her Gela tangina. Ramdam ko umiikot yung bituka ko kapag nakikita ko siya."

 

 

"You are so weird hahahaha, but yeah, I can tell mukang tinamaan ka nga talaga."

 

 

 

 

11:30pm

 

Naggets ko naman yung point ni Gela nung naguusap kami kanina, I mean she's right walang kakahinatnan kung puro hiya and hesitations yung papairalin ko. Hindi naman na ibang tao si Amy, madami na din siyang nakwento sakin and she knows a lot about me kaya I think hindi naman weird or awkward kung mangiinitiate ako ng conversation at immessage ko siya. Masaya naman pag magkausap kami and like what she always tell me,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass