Chapter 34

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

9:00pm sa Isang Purok ng San Jorge 

 

Magkaholding hands kami ni Catalina habang naglalakad dito sa tabi ng kalsada. Simula sa mansyon, nagteleport kami papunta sa main road at nagsimula kaming maglakad para maghanap ng pinaka malapit na palengke. Dahil sa binabasa namin na Take me kemme story nag crave tuloy yung Baba ko sa balot kaya yun ang hahanapin namin. Sa four hundred years na nabubuhay si Catalina kahit minsan hindi pa pala siya nakakatikim ng penoy at balot. Akala ko nung una nagbibiro lang siya pero totoo pala talaga, never pa niyang nattry kumain. Nacucurious siya sa kung ano ang lasa kaya yun ang ipapasubok ko sakanya.

 

 

Ito ang unang beses na nilakad namin yung napakahabang kalsada ng mansyon na nasa gitna ng kakahuyan. Nung nasa dilim kami kanina ang daming nangbubuyo at nagpapapansin sa amin na mga engkanto at laman lupa. Nung una sumisitsit lang sila pero nung nasa kalagitnaan na kami, may bumato ng isang pirasong mangga mula sa itaas. Ako ang tinamaan, ayaw ko na sanang pansinin pero nakita pala ni Catalina nung saktong tumama sa balikat ko at napaatras ako. Kitang kita niya kaya ano pa nga ba. Kailangan kong awatin at kalmahin ng matindi yung Baba ko dahil nagwala siya kanina sa gitna ng kakahuyan. Sinugod at pinagsisigawan niya yung mga engkanto na nakatira dun sa malalagong puno. Hindi namin mahanap kung sino ang bumato kaya ang ginawa ni Catalina, nagtangka siyang bunutin yung puno ng Balete pero napigilan ko siya. Kinulong ko siya sa mga braso ko at inilipad ko nalang ng sapilitan bago pa magsilabasan yung mga kapre at baka pagtulungan pa nila kami. Grabe yung galit niya pero napakiusapan ko naman siya. Kaya ito na siya ngayon. Kaholding hands ko at niyayakap pa ako habang naglalakad kami papunta sa palengke. Ang cute niya dahil masaya na ulit siya. Kung makasmile akala mo hindi nagwala, nagbanta at nangbalibag ng mga engkanto.

 

 

"Bubu."tawag niya sakin. Napatigil ako sa pagsway ng mga kamay namin na magkahawak habang naglalakad kami. 

 

 

"Hmm, ano yun?"

 

 

"Umalis tayo sa mansyon ng hindi suot yung wedding ring natin." paalala niya sakin. Inangat ko yung kamay namin na magkahawak at tinignan ko."Oo nga, hindi pa naman tayo umaalis nang hindi suot yun."

 

 

"Nawala sa isip ko, gabi na kasi. Tsaka biglaan 'tong alis."

 

 

"Ayos lang yun sa palengke lang naman ang punta natin." patuloy lang kami sa paglalakad, parang higit pa sa isang kilometro ang layo ng lalakarin namin dahil nasa kabilang purok  yung palengke.

 

 

"Baba."

 

 

"Ano yun Bubu?"

 

 

"Naisip ko, two months nalang tapos mag ffirst wedding anniversary na tayo."

 

 

"Oo nga eh ang bilis ng oras."

 

 

"Grabe noh, nakaisang taon na kagad."

 

 

"Hanggang ngayon parang hindi pa din ako makapaniwala na mag asawa na tayo. Parang dati lang dinadalaw kita sa kwarto mo."

 

 

"At binabalibag mo ako."

 

 

"Wag mo nang ipaalala yan. Nagsisi na nga ako na sinasaktan kita dati."

 

 

"Ano ba ang bilis naman nun. Ang sakit sa tenga." lumingon ako nung may dumaan na nagiisang tricycle. Ang dilim dito sa lugar at bihira lang ang dumadaan. Halos lahat kasi ng tao takot dumaan dito sa main road patungo sa mansyon.

 

 

"Ano yung tinitignan mo Minjeong, may sumunod ba satin?"

 

 

"Hindi, wala naman. Chill ka lang Baba ang tagal na nga natin hindi nakikipag away eh."

 

 

"Ayaw ko kasi na may nananakit sayo."

 

 

"Okay lang naman ako. Ano na ba pinaguusapan natin?"

 

 

"Mag iisang taon na tayong kasal."

 

 

"Yun nga. Alam mo, lalo kapag nagigising ako ng madaling araw tapos makikita kita na nakayakap sakin habang nakahiga tayo sa ataul, hindi pa din talaga nag ssink in sakin na asawa na kita Catalina at gamit mo na yung apelido ko. Iba yung tuwa na nararamdaman ko tuwing maririnig ko yung Catalina Kim."

 

 

"Haha oo. Totoo yan."

 

 

"Napaka swerte ko at gustong gusto ko kung ano ang buhay na meron tayo, wala na akong ibang hahanapin pa. Sobra sobra na to. Kuntento na ako."

 

 

"Napaka totoo mo talaga sa mga sinasabi mo at napaka lambing mo."

 

 

"Yun naman kasi ang totoong naffeel ko para sayo."

 

 

"Natutuwa ako. Habang tumatagal nga mas minamahal pa kita lalo Minjeong. Naguumapaw at nadadagdagan pa."

 

 

"Tama na nga Catalina baka maiyak ako. Talagang dito pa tayo sa kalsada nag usap tungkol sa ganito."

 

 

"Hahaha yun kasi ang totoo. Basta dapat paghandaan natin yung first wedding anniversary natin. Ang tagal ko nang nabubuhay at ito ang unang beses na mararanasan ko to."

 

 

"Haha yun nga ang itatanong ko sana sayo kaya ko nabanggit. Ano ang gusto mong gawin natin sa December, may mga gusto ka bang subukan o puntahan na lugar?"

 

 

"Parehas tayo ng naiisip. Oo, may isang lugar na parang gusto kong puntahan. Naccurious kasi ako kung ano ang itsura dun."

 

 

"Parang alam ko, yan ba yung pinapanood mo sa phone mo nung isang gabi?"

 

 

"Haha hmmm pwede, pero hulaan mo kung saan."

 

 

"Yung pinapanood mo last time parang sa Paris yun eh. Gusto mo ba pumunta ng Europe?"

 

 

"Huh? hindi doon Bubu ang layo nun. Saka na yun."

 

 

"Eh saan?"

 

 

"Parang gusto kong makita sa personal at masubukan mag swimming dun sa beach kung saan nagpunta yung mga characters dun sa kwentong binabasa natin."

 

 

"Doon? seryoso ka?"

 

 

"Oo."

 

 

"Ba, ano ba yan. Bakit lahat ata nang mga ganap tsaka nababanggit dun sa kwento parang gusto mong masubukan?"

 

 

"Haha eh nacucurious nga kasi ako, parang gusto ko tuloy makita."

 

 

"Una yung balot tapos ngayon naman yung beach. Catalina baka naman pati yung hiwalayan nila gayahin mo ha. Hindi pwede yan, sa akin ka lang forever. Wala ka nang kawala. Magsasama tayo hanggang sa huling hininga mo."

 

 

"Hahaha bakit naman natin gagayahin yung hiwalayan? Imposible yun. Sa akin ka na habang buhay Minjeong, hanggang sa impiyerno magkasama tayong dalawa."napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Binanggit nanaman niya to.

 

 

"Kikiligin na dapat ako pero ang panira mo naman. Alam mo naman na yan yung isa sa pinaka kinakatakutan ko, pinaalala mo nanaman."

 

 

"Sorry. Sorry Bubu oo nga pala ito ang pinaka ayaw mong usapan."

 

 

"Kahit kailan wag mo nang babanggitin yan Catalina. Please lang."

 

 

"Oo. I'm sorry Bubu."

 

 

"Isabela ang gusto mong puntahan?"

 

 

"Oo dahil gusto ko talagang makita yung lugar."

 

 

"O sige, isearch muna natin baka naman mamaya hindi naman pala totoo yung lugar na yun kasi fiction lang. Bukas magtitingin ako ng mga hotel. Yun ba talaga ang gusto mo para sa wedding anniversary natin? Dagat yun, ibig sabihin magvviolate nanaman tayo ng rules ng mga vampira at baka mapagalitan tayo ni Nana."

 

 

"Gusto ko talagang mapuntahan yung lugar. Madali nalang yun, wag mo nang isipin yung mga rules na yan."

 

 

"Sure ka ha, ayaw ko kasi na mapagalitan tayo ni Nana Carmilla. Alam mo naman na kasundo ko na siya ngayon kahit palagi niya akong ginigisa."

 

 

"Haha oo kaya nga natutuwa ako na nakasundo mo na talaga ang pamilya ko."

 

 

"Pareparehas lang naman tayo na walang choice. Hahaha."

 

 

"Pero natutuwa talaga ako na gusto ka na talaga nila para sa akin. At maganda ang relasyon mo sakanila, lalo sa kapatid ko."

 

 

"Mabait kasi yung ate mo, masungit pero mabait tsaka grabe yung concern niya satin lahat. Parang lalakas talaga ang loob mo basta kasama mo si Imperia sa bahay."

 

 

"Haha oo, ganun nga talaga siya. Parehas kay Nana."

 

 

"So ano Baba, magttravel tayo sa December, sure ka?"

 

 

"Oo. Kung okay lang sayo."

 

 

"Siyempre naman, okay sakin kung gusto mo talagang makita yung lugar. Kahit saan naman tayo magpunta sigurado mageenjoy tayo."

 

 

"Napaka sweet mo talaga Minjeongie. Thank you na pumapayag ka."

 

 

"You're welcome. Ayusin na natin yan this month. Pero sasakay tayo dun sa plane."

 

 

"Dun sa plane na maliit?!"

 

 

"Oo. Ano gusto mo magteleport tayo?"

 

 

"Pero puro dagat ang dadaanan Minjeong. Masakit sa katawan at mahapdi."

 

 

"Eh wala, tiis tayo dun sa plane."

 

 

"Pero parang nakakatakot ata yun."

 

 

"Jusko naman Baba, nakakalipad at teleport ka nga natatakot ka pa? eh kayang kaya mo ngang buhatin yung eroplano na yun eh."

 

 

"O sige na nga, bahala na."

 

 

"Wag kang matakot, kasama mo naman ako eh. Gusto mo sumabit nalang ako sa labas nung eroplano para bubuhatin ko at sure na hindi magccrash?"

 

 

"Gagawin mo yun?"

 

 

"Oo naman noh. Para sayo. Sisiw yun."

 

 

 

 

 

Tuesday 9:30am

 

I am currently in a meeting. Kahit pa back to work na ako yung isip ko parang naiwan pa din dun sa magandang beach sa Palanan Isabela. Ang bilis ng oras at natapos na yung bakasyon namin. Although sulit naman dahil madami kaming nagawa at napuntahan.

 

 

Nung pauwi kami nung Sunday, mas struggle at nakakatakot yung boat ride namin papunta sa port kaysa dun sa flight namin pabalik ng Cauayan City. Ang lalaki ng alon tapos hindi pa kalakihan yung bangka. Medyo nahilo nanaman si Cass kaya nagamit nanaman namin yung liniment cream na pinapapaamoy ko sakanya. Ganun ulit ang ginawa namin, kung paano kami nung papunta, ako yung katabi niya para hindi siya matakot at nakasandal lang siya sakin the whole time. 

 

 

Alas singko ng madaling araw kami nagbiyahe from Bintacan at mag gagabi na nung nakarating kami sa QC. Nung una ako yung nagdrive, pero nung three hours nalang at malapit na kami ang pumalit sakin ay si Cassie. Siya din yung nakaupo sa passenger's seat at nagsilbing navigator ko nung nagddrive ako. I can say na sobrang naenjoy namin yung trip and masasabi ko na naging daan yun para magkaayos kaming dalawa. Nung gabi na nagusap kami sa shore, tinanong ko siya directly kung kamusta ba siya at kung ano ang naffeel niya, kasi hindi naman ako tanga. There are times na nagccontradict yung mga sinasabi ni Cass sa pinapakita niya. Ilan beses din niya inulit sakin nung gabing yun na mahal niya ako pero wala na daw talaga siyang gusto sakin, tapos biglang hihirit siya na sayang daw. Sinabi ko sakanya na kailangan na niyang magmove on kasi wala na talaga. Sobra daw yung regrets na naffeel niya kaya sorry siya ng sorry sakin. I told her na okay na, hindi na mababawi kaya kalimutan nalang. Nagkasundo kami that night na kakalimutan na namin ang lahat and we will remain friends.

 

 

Kailangan lang namin magheal at mag move on, lalo na sa part niya para hindi magkaron ng conflict in the long run. Napagusapan na namin lahat pati na din yung mga gusto kong sabihin sakanya. I became honest. Sinabi ko sakanya that I want her to be in a good place, gusto ko na maging successful siya sa career niya, contented and always safe. 

 

 

 

 

12:40pm

 

"Hoy Wyn." clnose ko kagad yung ginagawa ko sa computer nung tinapik ako ni Yuna. Hindi ako sumabay maglunch sakanila dahil may tinatapos ako na kailangan kong iprint mamaya bago maguwian.

 

 

"What is that? tinago mo pa nakita ko na."nagmaang maangan ako at pinatay ko nalang yung monitor ko. Nakita niya nga ata dahil mukang kanina pa siya nakabalik dito sa cubicle at hindi ko lang napansin.

 

 

"Why are you working on your resume Wynona?"I turned my chair around at nilapitan ko siya."Gumagawa ka na?"

 

 

"No. I'm not."

 

 

"Résumé mo yun kitang kita ko may picture mo pa. Parang latest photo. Don't tell me iiwan mo na kami and you're leaving for the states na?"

 

 

"Haha sira, wala pa nga hindi pa din naggrant yung petition."

 

 

"Eh ano yung ginagawa mo?"

 

 

"Wala nga binabasa ko lang."I felt my phone vibrating in my left pocket. "Excuse lang." Nung kinuha ko, I saw a message from Amy. She also sent me a photo of her inside her cubicle. I can't stop myself from smiling, lalo na ngayon. Nabibilang nalang yung oras na hindi ko pa siya girlfriend. I have been waiting for this day. This is the plan, after work she's gonna go straight to my apartment. We will have dinner at kakausapin ko siya. I have decided, wala nang atrasan to. Later tonight magiging kami na.

 

 

I still cannot believe that I will be in a relationship with the person I like so much and just my luck because she also feels the same way towards me. She is one of the main reasons why I am excited to wake up every morning and the reason why I have become so productive, gusto ko natatapos ko kagad lahat ng ginagawa ko so I can give her time and attention. Ang cheesy and corny man pakinggan but Amy is the source of my happiness at the moment and I hope it will last for years. I am very positive about this at alam ko naman na magiging okay yung relationship namin dahil yun ang nararamdaman ko.

 

 

Yung ginagawa ko kanina sa computer bago dumating si Yuna, it's for later, also part of the plan. May paguusapan kasi kami na importante ni Amy and I'm gonna use it.

 

 

 

 

"Oo nga pala Wyn, nakabili ka nung tinatanong mo sakin kagabi?"

 

 

"Oo okay na. Thanks sa pag refer Yuna grabe last minute yun pero inaccept pa din nila. Idedeliver na daw mamaya sa place ko, irreceive nalang ng guard. Sabi ko itago na muna."

 

 

"What design did you choose ba?" I gave her my phone para ipakita yung flowers na inorder ko."This is nice, ang ganda ng colors pati nung design."

 

 

"Yan yung mga colors na nabanggit niya sakin na gusto niya kaya yan, I got her a flower bucket containing tulips."

 

 

"Ang cute nung maliliit na flowers sa baba, what's that?"

 

 

"Cotton candy flowers yung tawag nila. Tapos yung iba tulips, ang cute noh ang ganda ng pagka mix ng mga kulay."

 

 

"I'm sure matutuwa si Amy dyan."

 

 

"Yeah feeling ko din. Excited na ako sobra."

 

 

"Grabe Wyn, papasok ka dito tomorrow may girlfriend ka na. Samantalang dati tangina sad girl ka."

 

 

"Hahaha shut up wag mo na nga paalala yan. Pero oo nga noh. Who would have thought, sa pottery class ko pala makikita."

 

 

"I hope you do well later and good luck on your new relationship. Mukang keeper si Amy kaya ayusin mo yan."

 

 

"Haha oo naman noh maayos naman ako. But thanks. Thank you Yuna. Pinakita ko din kay Gela yung flowers kanina, nagustuhan din niya yung itsura."

 

 

"Ang cute naman kasi talaga, halata na pinagisipan mo. I love the colors."

 

 

"I hope magustuhan din ni Amy and matuwa siya mamaya."

 

 

"Sigurado yan. Claim it now."

 

 

 

 

6:50pm Teacher's Village Quezon City

 

Naghihintay nalang ako dito sa apartment. I got a call from her, ilan blocks nalang at malapit na daw siya dito. Hinatid lang siya ng driver niya pero sinabi ko na hindi na niya kailangan magpahintay dahil ako ang maghahatid sakanya pauwi sa bahay nila mamaya.

 

 

Ayos na ang lahat, the dining table has already been set up and the living room kung saan kami magsstay after dinner.

 

 

Honestly kabado ako dahil ngayon ko palang siya makikita ulit. Pinaka huling beses na nakasama ko siya was six days ago pa, nung gabi before kami nagtravel sa province nila Yvonne.

 

 

Pinaghandaan ko 'tong dinner na to, pagkauwi ko kanina galing sa office, naglinis ako before I ready and prepared everything. Although nagpadeliver lang ako ng food from a restaurant because it's a weekday at wala akong oras. Ginandahan ko nalang yung set up para naman maging special at magustuhan niya.

 

 

 

 

"Oh, andyan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass