Chapter 26

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

4:30pm Sa Bakuran Ng Mansión de los Condenar

 

Nakatayo ako dito sa tapat ng mansyon at handang handa na akong sumubok. Kumpleto at nasuot na din sakin ni Catalina yung helmet."Baba maluwag pa."tinawag ko ulit si Catalina nung matapos kong alugin yung ulo ko. Lumapit ulit siya para higpitan yung strap ng helmet ko pati na din yung pads sa siko at tuhod ko. "Tingin ka sakin." ginalaw galaw niya ulit para makita namin kung maaalis pa ba. Mahirap na dahil baka mabagok ako kapag natumba ako. Pero hindi na nga pala ako tinatablan, bakit nga ba niya ako pinagsusuot pa ng mga ganito.

 

 

"Baba bakit mo pa nga ako pinagsusuot ng mga ganito eh vampire na nga ako, hindi naman ako tinatablan."

 

 

"Hindi ka nga tatablan pero mararamdaman mo pa din yung sakit sa unang tama, kilala kita Bubu napaka iyakin mo pa naman. Mamaya mabukulan ka dyan iiyak iyak ka nanaman magsumbong ka pa sa ate mo."

 

 

"Hahahaha grabe ka naman."

 

 

"Totoo naman, pati nga hiwa na maliit inayakan mo dati."

 

 

"Eh dati yun."

 

 

"Kung kailan naging vampira dun ka naman naging duwag sa mga ganyan."

 

 

"Ang dami mo naman sinabi, dun ka na nga."

 

 

"Hahaha biro lang. Kiss na. Mag ingat ka."kniss niya ako sa pisngi at chneck nanaman niya yung helmet ko.

 

 

"Balot na balot na nga ako, mukang tanga may helmet pa. Baba kung itrato mo naman ako parang hindi ako vampire niyan eh. Hindi na kaya ako tinatablan."

 

 

"Napaka reklamador naman ng Minjeongie. Okay na ba to, hindi ba masyadong masikip?" ginalaw ko ulit yung helmet. Ngumiti at nag thumbs up ako sakanya bago niya iabot sakin yung skateboard."Okay na, thank you."

 

 

"Hahawakan ba kita?"

 

 

"Ano ba yan, Baba pinapahiya mo naman ako eh, nanonood pa naman yung lola tsaka kapatid mo."

 

 

"Hahahaha bakit ba nahihiya ka Minjeong? ayaw ko lang naman na masaktan ka."

 

 

"Sige na Baba, dun ka na!" Aalalayan niya dapat ako pero pinaalis ko na siya. "Sure ka ayaw mo na hawakan kita?"

 

 

"Salamat, pero kaya ko to."

 

 

"Okay uupo lang ako dun, tawagin mo kapag kailangan mo ng tulong ko." nung nagteleport na siya paalis. Sinubukan ko nang tumapak sa skateboard at nagbalanse ako, hindi naman gumigewang at hindi ako natutumba.

 

 

"Magaling si Minjeon!!!" napangiti ako ng marinig ko yung boses ni Lucila. Andun siya ngayon nakaupo sa kandungan ni Imperia at magkakatabi sila nila Teacher Seulgi. Nakaupo sila sa sofa habang pinapanood nila ako."Thank you Baby!" ang laki ng smile niya nung nag flying kiss pa ako sakanya.

 

 

"O sige nga timang umandar ka!!!" sigaw sakin ni Layu kaya napasimangot ako. "Dali na! Andar!!!"

 

 

"Sandali lang naman kinukuha ko pa nga yung balanse!"

 

 

"Balanse? hindi ka matutumba dyan tanga! Saan ka nakakita nag aaral mag skateboard sa damuhan?" nakita ko na nagtatawanan sila nila Gisele. "Mga epal. Sige dumaldal ka pa Ryujin!! Hindi ako makapag concentrate sabi kaya wag kang maingay dyan!"

 

 

"Kulang nalang magsuot ka ng damit pang astronaut, hindi ka magagalusan dyan!"

 

 

"Manahimik sabi!!"

 

 

Inalala ko yung tutorial na pinapanood ko sa youtube. Ang tagal ko nang pinagaaralan to. Mag iilan linggo na kaya imposible na hindi ko pa magawa to ngayon. Katulad ng palaging sinasabi sakin ni Catalina, walang hindi kayang gawin ang mga vampira, sisiw lang sakin to, kayang kaya ko nga magbuhat ng isang buong kotse.

 

 

Huminga ako ng malalim at itinapak ko na yung kanang paa ko. "Kaya mo to Minjeong." bulong ko sa sarili ko bago ako tumayo sa skateboard.

 

 

Bumaba ako saglit sabay tapak ng kanan paa sa deck at sinunod ko na yung kaliwa. Inislide ko muna pakaliwa at sinubukan kong itilt. "Ayan nagawa mo na Bubu!" "What? Hahahahahaha" 

 

 

"Tawang tawa Gisele ah. Ba wag ka muna mag react!" ang oa naman kasi ng Baba ko, wala pa naman nangyayari, tumapak lang ako sa skateboard pero kung makareact siya akala mo nakagawa ako ng trick. Pinagtatawanan tuloy ako.

 

 

Tinapak ko ulit yung kanang paa ko sabay tilt ng skateboard."Hahahaha italon mo na!"

 

 

"Wow Kiminjeong you move like a pro!!!"      "Hahahahahaha!"

 

 

 "Sige mang inis kayo!" banta ko sakanila, kanina pa ako pinagttripan nito ni Sorin pati ni Gisele. Pinagtatawanan nila ako nung nakita nila na kinakabitan ako ni Catalina ng knee pads tsaka helmet.

 

 

"Bawal magsalita!"

 

 

Tinapak ko na ulit yung kanang paa ko kasunod ng kaliwa.

 

 

"Talon na sabi!"

 

 

"Teka nga lang kasi Layu nag cconcentrate ako eh!"nakakairita susubukan ko na dapat tumalon pero napaka ingay nito ni Ryujin.

 

 

Bumaba ulit ako sa deck, tapak ng kanang paa, tapak sa kanan tapos tilt ng malakas, slide at talon.

 

 

Medyo nilakasan ko yung tapak sabay slide, tumalon ako ng malakas sabay pikit dahil mukang mapipilayan ako.

 

 

*Flip*

 

 

"Huh?" Hindi ko inaasahan yung sumunod na nangyari. Pagbagsak ko ramdam ko na nakaland ako ng maayos at nakatapak pa din ang mga paa ko sa deck.

 

 

"Bubu ayan nagawa mo!!!" hindi ako makapaniwala hanggang sa narinig ko na nagpalakpakan sila.

 

 

"Hahahahaha hayup nakapag ollie ka!!".

 

 

"Totoo? nakapikit ako hindi ko nakita!"

 

 

"Hahahaha oo nga tanga! ang taas pa hahaha." sinubukan ko ulit, tapak slide tapos flip. Nag ollie ako at nagagawa ko na nga. Kaya ko nang tumalon at mag ollie dun sa skateboard kahit napaka taas ng inaabot ko sa ere.

 

 

Sinubukan ko pa ng madaming beses, kahit pa taasan ko ng sobra yung pag flip nagagawa ko na nga ng walang kahirap hirap.

 

 

"Bubu wag masyadong mataas yung talon baka mabali naman yan o malubog ka dyan masisira yung damo."

 

 

"Ito last na."

 

 

Kinuha ko na yung board ko at nagpunta ako kung nasaan sila nakaupo. Lumapit ako kay Catalina at inalis na niya yung helmet ko. "Baba at least may nagawa na ako, yung pag andar na yung kasunod na susubukan ko."

 

 

"Hahaha sabi ko sayo kayang kaya mo yan."

 

 

"Minjeon ikaw ay napaka galing." biglang sumulpot si Lucila na nakapasan sa likod ko habang sinisilip niya yung muka ko. "Nakita mo yung ginawa ko?"

 

 

"Opo ang galing ng talon mo. Minjeon ako, kailan ako pwede?"

 

 

"Kapag marunong na akong umandar saka ko ituturo sayo. Kailangan maging expert muna ako Lucila bago ikaw para maturuan kita ng tama."

 

 

"Sige. Thank you po."nakakatuwa at ang cute niya nung bigla siyang yumakap sa leeg ko.

 

 

"Tignan mo, may pa-kiss and hug pa tong baby." banggit ko kay Catalina.

 

 

"Hahahaha oo nga napaka sweet at cute niya. Gustong gusto na kasi niyang matuto kaya dalian mo." nagpabuhat na siya kay Catalina at naupo kami sa sofa kung nasaan sila Imperia. Ewan ko ba dito sa mga to, kanina lang nakatayo sila dito sa labas, pag tingin ko nailabas na pala nila yung napaka laking sofa galing sa sala.

 

 

"Ba alam mo kung ano yung problema? ang liit ng drop off nitong mansyon tapos bricks pa yan oh, hindi pwede mag skateboard dyan, masisira yung gulong."

 

 

"Dun sa farm o sa rest house ka mag ganyan. Isama mo si Layu at si Sito."

 

 

"Sabi sayo eh, ang weird talaga natin saan ka naman nakakita ng nagaaral mag skateboard sa damuhan?"

 

 

"Hahahaha hayaan mo na at least may natutunan ka nang isa. Dun nalang sa rest house natin kapag wala kang pasok. O kaya naman sa kalye kasi sementado yun."

 

 

"Ahh oo pwede, sige sa kalye nalang tayo ng rest house. Layu, gusto mo subukan?" nagteleport ako kung nasaan si Ryujin at binibigay ko sakanya yung skateboard. "Puro grass dito Kiminjeong, dun nalang tayo sa farm. Malaki yung parking dun."

 

 

"Sige ba, dadalin ko sa Lunes."

 

 

Skateboard ang bagong hobby na gustong matutunan ni Lucila, kinausap pa kami ni Imperia tungkol dito. Si Lucila, dahil siya ang baby ng lahat at ang bagong pinaka paboritong apo ni Nana Carmilla, siya na din ngayon ang princessa ng Mansión de los Condenar. Nagsabi siya na gusto niyang mag skateboard at pinayagan siya nung tatlong mama niya na sumubok. Ang problema nga lang, walang marunong mag ganun sa amin at hindi namin siya mahahanapan ng instructor na mortal dahil siya ay isang kaluluwa. Lahat kami suportado ang mga hilig niya kaya ito ako ngayon, nag aaral ng skateboard para lang maturuan ko siya. Willing akong matuto para magkaron siya ng bagong pinagkakaabalahan at gusto ko din na maging masaya siya. 

 

 

"Apo, Catalina, ano ito?" napalingon ako nung makita ko yung hawak ni Nana Carmilla.

 

 

"Ah wala po yan Nana, yung istorya na binabasa namin ni Minjeong."

 

 

"Kiminjeong, andito yung pangalan ni Cheche, sakanya ba ito?"

 

 

"Opo Nana." binubuklat niya yung mga papel nung Take Me Wynona story.

 

 

"Kikita ng malaki itong palabas niya na to, at magiging matunog lalo ang pangalan niya. Mahusay talaga ang kakambal mo, napakabait pa. Kaya magaan ang loob ko sakanya."

 

 

"Eh ako Nana?"

 

 

"Maingay ka."

 

 

"Hindi halata yung difference ah. Hindi din halata kung sino samin ni Cheche yung mas gusto mo."

 

 

"Hahaha wag mong asarin si Nana. Bubu, nabasa na niya yung future ng bagong project ni Cheche."

 

 

"Hahahaha oo nga eh, ang galing mo talaga Nana."

 

 

"Hindi ka pa ba sanay sa akin Kiminjeong?"

 

 

"Sanay pero namamangha pa din po talaga ako sa mga kakayahan niyo. Ibang klase. Baba,"

 

 

"O?"

 

 

"Itanong kaya natin kay Nana kung ano yung ending?"

 

 

"Huwag! Wag mo sabihin. Wala nang kwenta yan kapag nalaman natin. Masspoil na,"

 

 

"Wow spoil hahahaha. May new term ka nanaman na natutunan."

 

 

"May gusto kayong malaman?"

 

 

"Ah wala po Nana."

 

 

 

 

Saturday 4th Session

 

11:30am Creative Kiln Atelier

 

Nagsshape ako ngayon ng mga plato. Lima yung ginagawa ko, balak ko kasing bigyan si Ate Seulgi, si Gela, si Yuna, sila Reese at sakin naman yung isa. Madali lang gawin ang plates dahil ittrace and shape lang naman yung clay. Saucers and plates ang mga pinapagawa samin today, hindi kailangan ng wheel kaya madali akong natapos. Next week we will be painting, then sa second to the last session we will be glazing and firing all the ceramics we have made although it will take two weeks daw bago namin pwedeng kunin dito sa studio.

 

 

"Bakit ang dami Wyn?" nakatayo si Yena dito sa tabi ko at pinapanood niya ako. "Ipapamigay ko to, sa friends and cousin ko."

 

 

"Thoughtful. Is that how you are? giving presents is your love language?"

 

 

"Hindi naman, sakto lang. Naisipan ko lang gawin kasi madali lang tong plate eh and I enjoy doing it."

 

 

"Yeah, nakagawa din ako ng tatlo I plan to give it to my mom." sabay pa kaming napatingin nung dumating si Amy. Galing siya sa likod at may dala siyang maliit na clay.

 

 

"Wynona." she called. Napansin ko na parang napaka busy niya. Kanina pa siya ganito, ang daming ginagawa at hindi makausap."Wynona, are you done?"

 

 

"Almost. Why?" 

 

 

"Can I a bother you for a minute? Please give me your hand."nilahad ko yung kamay ko at hinawakan niya. "Why?" may hawak siyang mga bilog na plastic at isa isa niyang sinuot sa daliri ko. "Para saan to?"

 

 

"You will find out." pinapanood ko siya na mukang sinusukat yung daliri ko. "This is it, I got it. Bye guys."

 

 

"Hoy Amy teka, teka lang, ano ba ginagawa mo dun sa likod? Are we even allowed to stay there?" Hinatak siya ni Yena nung paalis na siya. "Huh? I feel like being crafty today, I'll talk to you later guys I'm not yet done."umalis na siya at lumabas na pabalik dun sa likod. Pinapanood namin siya na naglalakad palabas, mukang busy nga dahil nagtatali pa talaga siya ng buhok.

 

 

"Hahahaha ano ba trip nun?" tanong ko.

 

 

"Ewan ko dun, ang bilis niya gumawa ng plates kanina pa siya tapos. She's probably up to something, she's been staying there at the back."

 

 

"Yena,"

 

 

"Yes Wyn?"

 

 

"Gano na kayo katagal mag friends ni Amy?"

 

 

"Since elementary days. Grade four."

 

 

"Sobrang close niyo noh?"

 

 

"Yes. We studied in the same school and live in the same subdivision. Masasabi ko na sabay na kaming lumaki that's why wala nang tago tago. I know everything about her, ganun din siya sakin."

 

 

"What a cute friendship."

 

 

"Ano pa gusto mo malaman?"

 

 

"Huh? Uhm wala naman, natanong ko lang kasi halata nga na close na close kayo."

 

 

"Wyn. Wag ka magagalit dito sa itatanong ko."

 

 

"Okay, about?"

 

 

"Do you happen to like Amy?"

 

 

"What? sira. Nagtanong lang ako."

 

 

"Hahaha. Wala naman masama."

 

 

"Hahahaha ano. Hindi naman. Nagtanong lang ako."

 

 

"Okay if you say so, ito nalang piece of advice kung bigla kang magka interest na kilalanin siya. Si Amy sobrang bait niyan at hindi maarte, even if she is the prim and proper type, she's the complete opposite of high maintenance. Madaling pakisamahan. She can get along with other people easily, she will never judge you. Pero ito, this is the advice I can give you. Just be yourself around her, be honest and vocal with how you feel. Ganun yung mga type niya, may substance, magaan kasama, chill, laidback. Ang pinaka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass