Chapter 14

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

I suggest that you read Ang Mga Apo Ni Carmilla before Take Me Wynona para iwas spoilers :)

 

 

 

6:00 pm sa Mansión de los Condenar

 

*Mahinang paghikbi*

 

"Ba, akin na nga yung towel niya." inabot sakin ni Catalina yung bimpo ni Lucila. Inalis ko siya sa pagkakayakap sa leeg ko at kinalong ko na dito sa kandungan ko. "Tahan na baby, sorry na. Hindi naman ako galit sayo sinasabi ko lang na wag mo gayahin yun kasi hindi pangbata."

 

 

"Hayaan mo kasi siya Bubu para sayaw lang naman."sinamaan ko ng tingin itong nandito sa tabi ko na busy sa pagbabasa nung take me kemme na binabasa namin kanina pa. "Bata yan eh." dagdag niya kaya parang mas nairita ako lalo.

 

 

"Anong sinasabi mo? isa ka pa eh." iritang sagot ko kay Catalina. "Sinabi ko na nga dba, pwede naman niyang kantahin pero wag na wag niyang gagayahin yung sayaw dahil inappropriate yun. Kanina ko pa pinapaliwanag sakanya tapos ito ka naman knkontra mo pa ako."

 

 

"Hindi kita knkontra Minjeong sinasabi ko lang naman na sayaw lang yun, wag mong palakihin."

 

 

"Eh ayaw ko nga na magsayaw ng ganun itong baby natin ano ba. Baba imbes na suportahan mo ako parang napapawalang bisa pa tuloy yung pagalit ko sakanya."

 

 

"Nakita mo na Minjeon? galit ka nga! galit ka sa akin kaya mo ako sinigawan!"  *malakas na iyak*  "Huh? hindi hindi."

 

 

"Hindi mo na ba ako mahal?!" *malakas na iyak*

 

 

"Huh?! hindi anong hindi mahal? pwede ba yun?"

 

 

"Awat na Lucila kakausapin ko siya."

 

 

"Galit ka sa akin! Galit ka sa akin Minjeon at ayaw mo pa ako payagan sumayaw!"

 

 

"Kita mo na? Pinagalitan mo kasi siya Minjeong eh para sayaw lang. Tinaasan mo pa ng boses yung bata." 

 

 

"Ssssssssssssshhhh!!!! tahan na Lucila hindi ganun yun, hindi naman ako galit sayo, tsaka anong hindi mahal? pwede ba naman..."      "Kumembot lang naman yung anak natin wala naman kasing masama sa gina-"     "Ikaw mamaya ka na nga! Wag kang maingay salita ka ng salita!" tinapik ko sa hita itong nangbubuyo sa kaliwa ko. Nakakairita nakikisabay pa talaga siya at hindi manlang ako suportahan.

 

 

"Lucila, hindi ko lang nagustuhan yung ginagawa mo. Ayaw ko lang kasi na-"     "Para kembot lang hindi ka ba kumembot buong buhay mo?"

 

 

"Catalina isa nalang naiinis na talaga ako sayo, kanina ka pa. Sumasabay ka pa talaga."

 

 

"Oo na."

 

 

"Baby Lucila pakinggan mo ako, ayaw ko na sumayaw sayaw ka ng ganun dahil hindi pang bata yun. Pinagsabihan lang naman kita pero hindi ibig sabihin na hindi kita mahal."

 

 

"Para sayaw lang naman kasi." irita akong tumingin dito sa nasa kaliwa ko. "Hindi ka talaga titigil ha?" sumimangot siya at nagpatuloy na sa binabasa niya. Talagang kanina pa ako napipikon sa mga side comments nito ni Catalina. Imbes na suportahan niya ako sa mga sinasabi ko kay Lucila parang ako pa ngayon ang may mali.

 

 

"Hindi ako galit, napagsabihan lang kita kasi hindi pangbaby yung ganun klase ng sayaw. Saan mo nanaman ba nalaman yan?"

 

 

"Nakita ko po sa cell phone ni Gisele."

 

 

"Hay nako. Yan na nga ba sinasabi ko. Wag kasi dapat ipahiram masyado yung mga cell phone dito sa bata."

 

 

"Bubu baka pwede natin siyang bilan ng ipad pero yung mga naka set na videos dun pang bata lang. Tapos gawan din natin siya ng account na puro pang baby lang."

 

 

"Ayaw ko nga na manood siya ng mga kung ano ano bibilan mo pa ng ipad?!"

 

 

"Bubu, wag mo na masyadong problemahin yan. Lucila makinig ka sa amin, kantahin mo nalang yung kanta na yun pero wag na wag mo na ulit gagayahin yung sayaw ni ano, sino nga ba yung sinasayaw mo?"

 

 

"Kyla, Water."

 

 

"Kyla? si Tyla yung ginagaya niya. Nakita ko kanina."

 

 

"O yun. Hindi kasi nababagay sa bata yun. Yun ang gustong sabihin ni Minjeongie sayo. Pasensya ka na kung tumaas ang boses niya at medyo nasigawan ka niya kanina."

 

 

"Nagulat kasi ako Lucila, I'm sorry."

 

 

"Sinasabi niyo palagi na magaling akong kumanta at sumayaw pero ayaw mo naman akong pasayawin Minjeon."

 

 

"Hindi naman sa ganun. May mga sayaw kasi na hindi pangbata katulad nung ginawa mo kanina. Wag na yun kasi hindi tama, napaka inappropriate." yumakap na ulit siya sa leeg ko sabay higa ng ulo sa balikat ko. "I'm sorry. Pero wag mo sanang iisipin na hindi kita mahal dahil lang napagalitan kita, minsan kailangan mo talaga yun. Tsaka hindi kita mahal, pwede ba yun eh ikaw yung baby ko na kiti-kiti na ubod ng likot." sinilip ko yung muka niya. Pilit siyang pumipikit at nagtatago pero nakita ko na natatawa na. "Tahan na."

 

 

"Sorry po Minjeon."

 

 

"Wag mo nalang uulitin okay? mag ingat ka sa mga napapanood at nagagaya mo."

 

 

"Opo."

 

 

"I love you Lucila. Sorry kung tumaas ang boses ko." kniss ko itong baby kiti-kiti namin sa noo bago ko niyakap ng mahigpit.

 

 

"Wag mo din kasing palakihin yung mga ganyan ang oa mo din eh." napatingin ulit ako kay Catalina dahil parang may sinabi ata siya pero hindi ko masyado narinig. "Ba, may sinasabi ka?" tanong ko.

 

 

"Ako? Wala Bubu." nag smile siya sakin, ang cute ni Catalina kaya hinaplos ko yung pisngi niya at nag lean ako papunta sakanya sabay hinalikan ko sa labi. "Okay ka na ha. Sorry na."

 

 

"Opo."

 

 

"Dalin ko muna siya sa kwarto." paalam ko at binuhat ko na itong bata."Okay, mamaya nalang tayo magbasa."

 

 

"Sige."nagteleport ako at pinaupo ko si Lucila sa loob ng ataul. "Anong gusto mong gawin ngayon, gusto mo ba maglaro or mag paint?" tumayo siya sabay yakap sakin. "Buhat." mahinang sabi niya.

 

 

"Ah gusto mo buhat? okay. Saan mo gusto dito, o balik tayo sa labas?"

 

 

"Sa labas." kinarga ko na ulit siya at nagteleport kami pabalik sa balkonahe kung saan nakatambay si Catalina. "Okay dito ka lang sakin pwede ka din matulog kung gusto mo." patuloy lang ako sa paghaplos sa likod niya kahit pa tumahan na siya.

 

 

"Bubu."

 

 

"O?"

 

 

"May naisip ako." 

 

 

"Ano nanaman?" nakita ko na tinuturo niya yung mga papel na naka binder clip. "Game na ulit?" Kailangan na namin matapos basahin itong kwento na napulot ko bago pa makabalik si Cheche dito sa San Jorge. Laspag laspag na yung mga papel pero sana naman wag niya mahalata na pinakelaman ko.

 

 

"Naisip ko lang, kasi nasa kalahati naman na tayo. Minjeongie magpustahan kaya tayo?"

 

 

"Haha sige tungkol saan naman?"

 

 

"Dito nga. Ano pusta mo, magkakatuluyan ba si Wynona tsaka si Cassandra or mahihiwalay na sila ng tuluyan?"

 

 

"Teka magandang idea yan ah. Ikaw ba ano pusta mo tsaka ano muna yung premyo ng mananalo sa pustahan?" parang ginanahan ako dito sa sinasabi ni Catalina kaya napaayos ako ng upo.

 

 

"Ganito, kapag ako ang nanalo lahat ng sasabihin ko pati mga gusto ko, ibibigay at gagawin mo Minjeong."

 

 

"Ay wow naman. Hindi pa ba ganyan yung relasyon natin? spoiled na spoiled ka kaya sakin, gusto na nga kita ihagis minsan dyan sa dagat eh."

 

 

"Hahahaha"

 

 

"Oo nga napaka spoiled mo sakin Baba. Promise ihahagis kita minsan pag tulog ka. Tignan mo magigising ka nalang isang umaga nasa ilalim ka na ng tubig o kaya nasa lalamunan ka na ng balyena. Hindi mo mamamalayan nalunok ka na."

 

 

"Hahahahaha grabe ka naman sa akin Minjeongie. Hindi mo na ba ako mahal?"

 

 

"Hahahaha siyempre biro lang." nagteleport kami ni Lucila, tumayo ako sa likod ng upuan para lang makiss ko yung noo ni Catalina. "Siyempre love na love kita kahit minsan nakakabwisit ka kasi ang tigas ng ulo mo tsaka napaka pikunin mo."

 

 

"Hahaha I love you too Minjeongie."

 

 

"O tignan mo napaka sweet pa. Sige na nga, ano ba premyo?"

 

 

"Kapag ako ang nanalo, lahat dapat ng gusto ko ay ibibigay mo."

 

 

"Okay. Yan naman normal natin so madali lang yan. Yan lang ba? ano ba pusta mo?"

 

 

"Ito pusta ko, tingin ko magkakahiwalay na talaga si Wynona tsaka si Cassandra."

 

 

"Parang gago eh ano pa ipupusta ko niyan naunahan mo na ako."

 

 

"Bubu wag ka naman magmura andyan sayo si Lucila."

 

 

"Ay sorry." tinignan ko itong baby kiti-kiti namin na nakapikit at nakatulog na kakaiyak dahil sa pagalit ko sakanya kanina. Naabutan ko kasi siyang kumikembot sa railing ng balkonahe kaya nagulat ako at hindi ko nagustuhan yung sayaw na ginagaya niya. Mukang napagod na sa kakaiyak kaya ito, tulog na tulog na ngayon habang buhat ko.

 

 

"Okay game na. Ito pusta ko since naunahan mo na ako. Magkakatuluyan sila kasi parehas marupok tsaka parehas na tanga."

 

 

"Huh sila pa din?"

 

 

"Oo. Magkakabalikan pa din yung dalawa kahit nakakaurat yung ugali nung isa. Napaka selfish nung girlfriend."

 

 

"Si Cassandra?"

 

 

"Oo. Kaya kung ako dun sa isa wag na niyang balikan kasi nakakapagod yung ugali talaga. Humanap nalang siya ng iba. Dun nalang siya sa isang teacher."

 

 

"Sino yan tinutukoy mo?"

 

 

"Yung teacher naka-date at naka-chat niya pa nga, tapos gnhost niya."

 

 

"Yung Hyewon na character?"

 

 

"Oo yun. Tingin ko dapat dun nalang siya eh. Baba alam mo naiimagine ko yung character na yun feeling ko ang ganda. Pero feeling ko lang naman yun." umangat yung ulo ni Lucila kaya naupo na ako dito sa tabi ni Catalina pero patuloy ako sa pag rub ng likod niya. 

 

 

"Ganun ba."

 

 

"Oo. Tingin ko din mas bagay sila."

 

 

"Ahh. Okay."

 

 

"Basta yun na pusta ko para may challenge. Tuloy na natin?"

 

 

"Anong oras na ba, parang tinatamad na ako magbasa. Bukas nalang ulit. O iwan ko na to dito Minjeong. Bahala ka kung gusto mo magbasa mag isa mo."

 

 

"Ha?" tumatayo na siya at iniwan dito sa harap ko yung mga papel. "Saan ka punta?"

 

 

"Pasok na 'ko."

 

 

"Catalina teka nga." hinatak ko yung hem ng sweater niya at pinilit kong umupo dito sa tabi ko. "Huy!"

 

 

"Magbasa ka nalang mag isa mo Minjeong. Wala akong gana."

 

 

"Ba para kang tanga. Wag ka nga mag ganyan. Hahaha"

 

 

"Bakit ba? Inaantok na ako."

 

 

"Catalina tumigil ka, kakagising mo lang kanina anong inaantok. Wag mo sabihin nagseselos ka dahil sa isang character dito?" dinampot ko yung mga papel at binalik ko sa lap niya. "Sinabi ko lang na interesting character niya, tsaka tingin ko maganda siya kaya parang bagay sila."

 

 

"Oo na. Inaantok na ako." pumikit siya bigla kaya pinitik ko yung ilong niya. "Hahahahaha umayos ka sabi." Nakita ko na natawa siya pero biglang sumimangot sakin. Hinawakan ko na yung kamay niya at yumakap siya bigla sakin kahit pa buhat ko si Lucila. "Para ka nanaman malaking baby niyan. Wag ka na sumimangot. Kakatapos lang umiyak nitong isa tapos mukang ikaw naman yung sunod na magtotopak."

 

 

"Dalian mo na nga."

 

 

"Hindi pa ako nakakapusta eh. Okay ito sakin Baba makinig ka. Pusta ko magiging sila ulit."

 

 

"Ang panget naman nun."

 

 

"Oo feeling ko ganun mangyayari kasi mahal pa nila yung isa't-isa eh tsaka tignan mo nga oh. Hindi niya natiis lalo nung umalis na siya sa bahay isang linggo palang pero.."

 

 

"Bubu ano yan sinasabi mo?"

 

 

"Ha? hahahaha wala joke lang. Baba nakakatawa yung muka mo nanlaki pa yung mata mo."

 

 

"Minjeong ang epal mo binasa mo ba to nang wala ako?"

 

 

"Hindi ano ka ba. May usapan tayo."

 

 

"Siguraduhin mo. Final na ba yan pusta mo?"

 

 

"Oo."

 

 

"Anong premyo gusto mo pag ikaw yung nanalo?"

 

 

"Ganito. Kapag ako ang nanalo, Catalina hindi mo pwedeng sipsipin ang dugo ko sa loob ng isang taon."

 

 

"Huh?!" 

 

 

"Alam ko na narinig mo. Hahahaha" tawang tawa ako nung nakita ko yung pagkagulat na may halong pagsisisi sa muka niya. "I'm sorry Baba pero yan yung prize na gusto ko."

 

 

"Pero Bubu."

 

 

"O bakit? pag ikaw naman nanalo ibibigay ko sayo lahat. Kahit anong gusto mo."

 

 

"Hala Bubu ang daya."

 

 

"Jusko naman Baba para dugo lang. Tsaka kahit naman hindi mo inumin yung dugo ko nagagawa pa din naman natin yun. Ikaw sobra ka ha, ang libo-" tinakpan niya bigla yung bibig ko nung nagets niya yung sasabihin ko. "Hahahahaha. Nagagawa naman natin tapos gusto mo pa na may ganun?"

 

 

"Hahahaha oo na. Ang tagal naman kasi ng isang taon."

 

 

"Ano ba yan. Abstinence, mukang kailangan na kailangan mo yun."

 

 

"Hahahaha nakakainis ka talaga. O sige na nga. Isang taon lang ha. Pero palagay ko naman ako ang mananalo, wala nang pag-asa yan." 

 

 

"Pano mo naman nasabi?"

 

 

"Malakas kutob ko, may mga mammeet na silang ibang tao." napansin ko na halatang natatawa siya at pinipigilan niya yung ngiti niya. "Ba halika dito, lapit ka sakin." hinakawan ko yung pisngi niya at tinitigan ko yung mga mata. "Dinaya mo ba ako Catalina? bakit parang nakakaramdam ako ng iba mula sayo. Binasa mo yung dulo nito noh?"

 

 

"Huh?! hindi noh."

 

 

"Nagsisinungaling ka."

 

 

"Hindi Bubu ano ka ba, wag mo akong pagbintangan ha! bakit ko babasahin eh ang usapan sabay tayo. Wag mo akong pagbintangan ng ganyan, tigilan mo ako. Tinititigan mo pa ako. Wala akong ginagawa Minjeong."

 

 

"Kita mo na nabubulol bulol ka pa kakasinungaling mo."

 

 

"Hahahaha hindi nga!!!! ay sorry."

 

 

"Sssshh wag ka maingay natutulog tong baby natin."

 

 

"Sorry. Ayos ka na, basahin na ulit natin itong kwento. O gusto mo ba dun nalang tayo sa kabaong para makatulog si Lucila ng maayos?"

 

 

"Hatid nalang muna natin siya sa clubhouse para dun na siya sa kama niya."

 

 

"Tapos dito ulit tayo magbabasa sa labas?"

 

 

"Oo ang sarap ng hangin ngayon dito eh."

 

 

"Okay." kinuha ko niya yung mga gamit ni Lucila, tumayo na din ako at inalalayan kami ni Catalina. Magteteleport kami sa clubhouse para makapag basa na kami hanggang mamaya.

 

 

 

 

 

 

7:30am San Pablo, Laguna

 

Umahon at naupo muna ako dito sa ledge. Pinapanood ko si Cassie na nakakailan balik na at patuloy na lumalangoy. Ginising niya ako kanina dahil ito yung usapan namin, magsswimming kami bago umuwi. Alas dose ng tanghali pa yung check out kaya may oras pa kami na mag breakfast at mag ayos ng mga gamit. Hindi naman kami nagmamadali and we are taking our time since weekends naman ngayon.

 

 

Tinitignan ko si Cass, binabantayan ko siya habang pabalik balik sa paglangoy. Sabado na, ibig sabihin bilang na talaga ang oras na magkasama kami. Aalis na ako sa apartment bukas, hindi ko alam kung ano ang kakaharapin namin. Sa totoo lang, lungkot na lungkot na ako, sa loob ko parang namamatay na ako dahil ayaw ko naman talaga na matapos kung ano ang meron kami. Tinitiis ko nalang at hindi ko pinapahalata sakanya dahil ayaw ko na mahirapan siya. Pinapakita ko kay Cass na okay ako nang sa ganun madali niyang matanggap yung pag alis ko. Wala na talagang bawian to kahit pa sobrang sakit tsaka malungkot, alam ko na uulit at uulit lang kami hanggang hindi pa naaayos ang mga sarili namin.

 

 

"Mamo." huminto siya sa paglangoy at dumantay dito sa kandungan ko. Inalis niya yung goggles na suot niya kaya hinawi ko yung buhok na napupunta sa muka niya. 

 

 

"Ayaw mo na magswimming?" tanong niya habang nakapatong yung baba at nakahawak siya sa tuhod ko. "Nagpapahinga lang ako. Mag swimming ka pa, babantayan kita dito lang ako, maaga pa naman." sagot ko."Parang pagod ka. Ang late na kasi natin nakatulog." komento niya habang pinagiintertwine niya yung mga daliri namin.

 

 

"Okay lang naman ako." ramdam ko na niyakap niya yung legs ko habang nasa tubig siya. Tinignan ko muna kung may tao bago ko hinawakan yung magkabilang pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi. "Ang ganda mo talaga." banggit ko.

 

 

"Okay don't say it. I believe na challenge lang to." pagputol niya sakin kaya natawa ako. Magsasalita palang ako pero pinutol na niya kagad. "Hahaha alam mo na yung sunod na sasabihin ko?"

 

 

"Oo sasabihin mo sayang. Hindi sayang Wyn kasi sayo ko lang naman gusto. Ikaw lang nagmamay ari sakin. I think tayong dalawa pa din sa huli."

 

 

"Bakit ba parang sure na sure ka na magkakabalikan pa din tayo eh wala na tayo tapos aalis na ako. Bakit parang iba yung pagka optimistic mo?"

 

 

"Kasi nga yun ang naffeel ko. Malakas yung hunch ko that the two of us, we will still end

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!
Poll

Who do you want to win the bet for Take Me Wynona?

Results

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass