Chapter 28

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

3:00pm sa Kim's Rest House

 

"Kapit mabuti, dito, Yan ganyan ka lang." Pinaupo ko si Lucila sa balikat ko at pinahawak ko siya sa ulo ko. Andito kami sa kalsada tapat ng rest house, walang tao dito dahil property pa din namin to, kasama sa mga hektarya ng farm na pagmamay ari namin nila ate. Walang makakakita samin dito kaya pwede kaming mag skateboard.

 

 

"Humawak ka mabuti ha, baka maiwan ka sa ere."

 

 

"Opo."sinilip ko itong bata na nasa balikat ko, natuwa ako kasi ang cute niya. Parehas pa kaming nakasuot ng helmet at may mga elbow pads din siya.

 

 

Inayos ko na yung skateboard at tumapak na ako sa deck. Yung skateboard ginagawa kong rocket sa bilis dahil ginagamitan ko ng vampire powers ko. Para kaming nagssuper speed dito sa kalye na napapaligiran ng mga damo.

 

 

"Okay Lucila, bibilang ako ng tatlo pumikit ka nalang kasi hindi normal na skateboard ride ang ma-eexperience mo."

 

 

"Opo Minjeon!"sigaw niya.

 

 

"Ready ka na ba?"

 

 

"Opo Minjeon!!!"ulit na sigaw niya.

 

 

Pag nakita kami ni Catalina lagot nanaman ako nito kaya bibilisan ko na. "Kapit ka mabuti."hinawakan ko yung kamay niya at chneck ko kung nakahawak nga ba sa helmet ko."Ito na."

 

 

"Isa, dalawa, tatlo.... Pikit!!!"    "Bubu!!!" sa isang pitik nakaabot kami sa pinaka dulo ng kalye kaso may nangyaring hindi inaasahan.

 

 

"Sinabi ko na nga sayo Minjeong ilan beses na hindi kayo pwedeng magganyan sa labas dahil baka makita kayo ng mga mortal."

 

 

"Sorry Baba, nagskateboard lang namin kami dun sa labas bakit ka ba nagagalit?"

 

 

"Wag ka nang magsinungaling dahil kitang-kita kita, idinamay mo pa tong bata."kinuha niya mula sa balikat ko si Lucila at binuhat niya.

 

 

Sa isang iglap andito na kami sa loob ng rest house. Pagkasuper speed ko sa dulo ng kalye nagulat nalang ako dahil nahuli na pala ako ni Catalina at bigla niya kaming tineleport pabalik dito sa bahay.

 

 

"Hindi ka pwedeng magpakita ng mga ganun klaseng kapangyarihan, ang liwanag pa naman ngayon. Pano kung may nakakita sayo? mapapahamak tayong lahat."

 

 

"Wala naman tao dyan eh, tayo lang nakatira dito."

 

 

"Kahit na Bubu, wag mo nang hintayin na may mangyaring hindi maganda. Mahihirapan yung lahi natin."

 

 

"I'm sorry. I'm sorry Baba."nilapitan ko siya at kniss ko sa cheek bago ko tanggalin yung sapatos ko. Nag outfit pa naman ako para sa skateboard pero isang andar lang andito na ulit kami sa loob.

 

 

"Kung maggaganyan ka kumilos ka ng normal. Wag mo bigyan ng idea itong bata."

 

 

"Ang dami naman sinabi."

 

 

"Pagsamahin mo yung medyas ilagay mo sa madumihan natin at yung sapatos mo dun sa shoe cabinet."utos niya sakin nung umuupo na ako dito sa sofa.

 

 

"Ano ba yan pagod na pagod na nga ako utos ka naman ng utos sakin Catalina."

 

 

"Anong pagod na pagod wala ka naman ginawa ngayon araw nakatambay ka lang sa pool."

 

 

"Pagod nga ako, ikaw na magtabi malinis naman yan, hindi ko masyado nagamit."

 

 

"Ilalagay mo lang sa madumihan natin, dahil maglalaba ako bukas ng maduming damit at baka maiwan pa yan."

 

 

"Ikaw pala yung maglalaba eh bakit hindi ikaw maglagay?"

 

 

"Ah talaga ba Minjeong, ganyan mo na ako itrato?"

 

 

"Ano ba yan ito nanaman tayo eh."

 

 

"Bubu ilalagay mo lang naman, isshoot mo lang naman dun sa laundry basket."

 

 

"Alam mo kung ganyan ka, ayaw ko na talaga. Lahat nalang eh, kailangan ba Catalina ako pa?"

 

 

"Ano ba inaano mo dyan ishshoot mo lang naman dun sa madumihan."

 

 

"Catalina kung ganito nalang tayo palagi, maghiwalay nalang tayo. Kung pati medyas,pati yung labahan pinagaawayan natin, maghiwalay na talaga tayo."

 

 

"Anong sinabi mo?!"

 

 

"Narinig mo naman dba, ayaw ko na! Hindi ko na matiis yang ugali mo, lahat nalang inuutos mo sakin, wala ka manlang pake kung napapagod na ako!"

 

 

"Seryoso ka ba, ano ba yan mga pinagsasabi mo eh pinapalagay ko lang naman yung medyas dun sa labahan?!"

 

 

"O ayan nakita mo na? Dapat ba ako pa?"

 

 

"Eh sino,satin dalawa ikaw naman ang gumamit. Bakit ganyan mga sinasabi mo sakin?"

 

 

"Ayan ganyan ka kasi. Hindi mo ako masisisi kung sawang sawa na ako sayo, ayaw ko na. Iiwanan na kita!"

 

 

"Seryoso ka ba talaga dyan sa mga sinasabi mo sakin?"

 

 

"Oo dahil pagod na pagod na ako sa relasyon na to. Pati yung medyas kong madumi iaasa mo pa sa akin, kailangan palaging ako yung kikilos dito?"

 

 

"Ako nga yung tga laba sa atin dalawa, tapos ikaw pa-skateboard skateboard ka lang kahit tanghaling tapat, pero ayos lang sakin yun, hindi naman ako nagrereklamo. Pangatawanan mo yan sinasabi mo Minjeong."

 

 

"Oo talaga! Ikaw na nga maglalaba bukas tapos inuutos mo pa na damputin ko, bakit hindi ikaw ang gumawa?! Dapat ikaw na yung gumawa niyan, wala ka bang kamay? anong klase kang asawa?! Nakakasawa na talaga, tapusin na natin to Catalina."

 

 

"Ganun ba? O sige."biglang nawala yung kausap ko at tanging si Lucila nalang yung naiwan na naglalaro ng skateboard. "Hala asan yun?"hinahanap ko si Catalina, tangina naguusap lang kami pero nawala bigla.

 

 

"Lucila, asan si mama?"tanong ko dito sa bata na nakasakay sa skateboard."Hindi ko po alam. Di ba magkausap kayo?Ay!"     "Huy teka!"naguusap pa kami pero bigla din naglaho itong batang kausap ko. "Lucila saan ka nagpunta?" naiwan akong magisa dito sa sala at nawala na silang dalawa. Nagpunta ako sa kwarto pero wala naman dun sila Catalina.

 

 

"Asan ba yun, ahh-awww aray ko! Hahahaha Baba tangina wag! Baba aray!!" biglang may yumakap at pumasan sa likod ko sabay kinikiliti ng malakas yung tagiliran ko. "Nagddrama drama ka pa dyan kung pinulot mo nalang yung medyas mo edi sana tapos na!"

 

 

"Hahahaha Baba biro lang, nag aacting lang ako!"grabe yung pagkiliti niya sakin at hindi ko siya nakikita kahit pa nakasabit siya ngayon sa likod ko. "Asan ka na? awat na Baba joke lang yun!"

 

 

"Dahil sa medyas mong madumi na ikaw din naman ang gumamit hihiwalayan mo ako? Sige sabi mo eh, hiwalay pala ha, magtiis ka ngayon." sinasalag at inaawat ko yung kamay niya pero ang lakas niya. "Baba ayaw ko na hahahahaha joke lang, bibiniro lang kita hindi na ako makahinga Catalina naman awat na!"tinodo niya pa yung pagkiliti sakin at ang higpit ng kapit ng legs pati braso niya.

 

 

"Baba awat na promise aayusin ko na yung gamit ko! ilalagay ko na sa madumi yung medyas ko ngayon din."

 

 

"Hahahahaha makulit ka ha. Susunod ka din pala nag inarte ka pa, may nalalaman ka pang tapusin."

 

 

"Hahaha natakot ka ba na iiwan kita?"

 

 

"Hahaha asa naman na kaya mong gawin sakin yun."

 

 

"Dito ka na nga." yumakap siya sakin habang magkaharap kami, pinalibot niya sa batok ko yung mga braso niya at binuhat ko siya."Uy ano to, ano to ano tong nararamdaman ko bakit ang lambot?"

 

 

"Tigilan mo yan, baka lumitaw bigla yung baby natin." sinubsob ko sa dibdib niya yung muka ko pero pinalo niya ako at medyo lumayo siya.

 

 

"O ano Minjeongie iiwan mo ako?"

 

 

"Asa naman na kaya kong mawala ka." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinahalikan ako sa labi. Hinalikan ko din siya ng paulit ulit sa lips."I love you. I love you so much."bulong ko habang tuloy lang ako sa ginagawa ko.

 

 

"Napaka lambing mo talaga sakin. I love you too. Nakakatawa yung itsura mo nandito ka sa bahay pero nakahelmet ka pa din."naupo ako sa sofa at nag straddle siya sakin."Hahaha hindi ko pa kasi natatanggal, grabe ka, ang hilig mo mangiliti. Ang sakit tuloy ng tiyan ko."

 

 

"Ang kulit mo kasi eh. Mag skateboard kayo ng normal, hindi yung lumilipad ka pa habang naggaganun. Delikado kapag may nakakita, malaking problema yun. Gagayahin ka pa ni Lucila."

 

 

"Oo, hindi ko na uulitin. Sorry."

 

 

"Anong gusto mong gawin ngayon? Magbasa tayo?"

 

 

"Hmm pwede din, dun ulit tayo sa tapat ng pool. Papayagan ko na mag swimming si Lucila."

 

 

"Bubu alam mo nagiging iba talaga yung kutob ko sa story na binabasa natin."

 

 

"Hindi yan. Nagkita lang sila ng isang beses na-paranoid ka na. Wag mong dibdibin."napayuko ako at tinignan ko yung dibdib niya sabay ngiti. "Wag kang mag ganyan baka biglang lumabas yung bulilit. Bawal yan."

 

 

"Haha sorry. Wag mong problemahin, isang taon mo lang naman hindi maiinom yung dugo ko. Maliit na bagay."umangat siya sa pagkakahiga at nakita ko na ang sama ng tingin niya."Hahaha biro lang."

 

 

"Tignan nalang natin pero may kutob talaga ako."

 

 

"Abstinence Baba okay?"nagsmile siya bago sumiksik sa leeg ko at nagtago na. Hinalikan ko siya sa gilid ng noo at niyakap ko lalo. "I love you. Buti nalang kahit kailan hindi mangyayari satin yung mga ganun noh?parang hindi ko kakayanin."

 

 

"Yung hiwalayan? Oo naman! sasaksakin at susunugin nalang kita Minjeong kesa mawala ka saki-"   "Hmm ang ingay mo!" 

 

 

"Hahahaha aray ko naman, nakakainis ka."pinitik ko yung noo niya nung sumigaw pa talaga siya. "Hahahaha sorry na." nilapat ko yung palad ko sa noo niya ng paulit ulit. "Masakit ba?"

 

 

"Hindi naman ako tinatablan. Kung ano ano kasi sinasabi mo. Tandaan mo, iba kung ano ang meron tayo, walang hiwalayan to sa ayaw at sa gusto mo. Sa akin ka lang at hindi ka pwedeng mapunta sa iba Minjeong, ako lang ang nagmamayari sa buong pagkatao mo. Lahat lahat simula ulo hanggang paa mo, ako ang nangmamay ari niyan."

 

 

"Totoo? so lahat ng bagay na may koneksyon sakin pagmamayari mo din ganun ba?"

 

 

"Oo ganun na nga."

 

 

"Okay. Edi pulutin mo na yung medyas ko ikaw pala nagmamay ari eh."

 

 

"Hahahaha ang epal mo talaga."

 

 

 

 

 

Wynona's POV

 

Thursday 7:00pm Quezon City

 

Binaba ko muna yung mga groceries sa kitchen, galing ako sa work pero naisipan ko na mag grocery kanina because I ran out of supplies. Also, binili ko na din yung mga kailangan ko for Saturday. I am planning to make something that day dahil may dadating akong bisita dito sa apartment.

 

 

Pagkatapos ko sa kitchen tumakbo na ulit ako sa sala at nag dive sa sofa para kunin yung phone ko. Iniwan ko kasi saglit at nag excuse lang ako sa kausap ko. Lowbatt na din yung airpods na gamit ko kaya tiis muna ako sa ganito.

 

 

Habang hawak ko yung phone, bumaba ako from the sofa at naupo ako dito sa carpet.

 

Wyn: hello? hey, sorry ang tagal ko ba?

 

Amy: hindi naman, it's fine

 

Wyn: anyway ano na nga yung pinaguusapan natin?

 

Amy: about sa nangyari sa meeting namin this afternoon

 

Wyn: yeah, so ano ginawa mo nung biglang dumating yung mom mo?

 

Amy: yun nga medyo nagulat lang ako kasi hindi basta basta yung client namin and I am the one who is handling the company trip. When I was proposing the draft of intinerary, I was so nervous Wynona it was crazy tapos hindi pa nakatulong nung dumating si mommy parang double pressure

 

Wyn: hahaha I can imagine, but you did well tsaka kayang kaya mo naman yun, it is not new to you. Tsaka pinaghandaan mo dba?

 

Amy: oo pero hindi pa din talaga maiwasan lalo kapag one big company yung hnhandle namin tapos vip client pa

 

Wyn: but how did it go? successful naman?

 

Amy: yeah, they approved the itinerary so tuloy na tuloy na

 

Wyn: that's good congrats pala kung ganun

 

Amy: thank you

 

Wyn: ang cute mo siguro nung bigla mo nakita yung mommy mo noh? muka ka nanaman bang naliligaw na puppy nung ninerbyos ka?

 

Amy: hahaha oh wow Wyn, look who's talking. I'm the puppy? between the two of us ako pa talaga?

 

Wyn: hahaha yeah, because sometimes you look like one ang cute mo nga eh

 

Amy: ikaw kaya dyan yung palagi kong sinasabi na mukhang puppy. You look like a white maltese

 

Wyn: wow ang specific may breed pa talaga. If I'm a maltese, eh ikaw ano ka?

 

Amy: I'm just me, a human being

 

Wyn: hala ang daya

 

Amy: but you, you're a maltese, you are my maltese

 

 

 

Napahiga ako sa sahig at niyakap ko yung throw pillow nung marinig ko yung sinabi niya. Putangina, sobrang kinikilig ako ngayon. Yung level ng kilig ko hindi ko na ma-contain kaya parang gusto kong manakit ng kung sino.

 

 

 

Wyn: I didn't hear it right ano yung last na sinabi mo?

 

Amy: you didn't hear it, are you sure?

 

Wyn: yeah I didn't, choppy yung line eh mahina internet ko, nagloloko hindi ko tuloy narinig

 

Amy: hmmm I doubt it, I don't believe you

 

Wyn: hahaha joke lang

 

Amy: you are my maltese Wynona

 

 

 

Nagtakip ako ng unan habang nakahiga ako dito sa baba ng sofa. Putangina kinikilig talaga ako, pati ata sa mga ugat at laman loob ko tumagos na yung kilig.

 

 

"Hoy, anong ginagawa mo dyan?!" napabangon ako ng di oras nung makita ko si Gela na nakatayo dito sa sala. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya dito sa unit ko. "Teka lang."nilayo ko saglit yung phone at nag senyas ako sakanya."Wait tapusin ko lang to."pinakita ko yung phone ko para malaman niya na may kausap ako.

 

 

"Who's that ba? bakit dyan ka nakahiga I thought you were passed out."

 

 

"Wag ka na maingay, teka lang."

 

 

"Let's go na, andun na sa taas, nakuha ko na yung delivery nakaready na yung food."aya niya sakin. "Oo sige five minutes."

 

 

"Nakaready na dun let's go na." ang kulit talaga minsan nito ni Gela. "Oo nga wait lang, tapusin ko lang."Tumango ako sakanya at nakita ko na umupo na siya sa couch habang nakatingin sakin."Five minutes."

 

 

 

Wyn: hello Amy?

 

Wyn: sorry

 

Amy: hello? what happened to you, bigla kang nawala

 

Wyn: hindi sorry, nagpass out kasi ako saglit dahil sa sinabi mo

 

Amy: hahahaha ewan ko sayo

 

Wyn: did you just claim me? I am gonna take that as you, claiming me

 

Amy: hahaha and what if i did, ayaw mo ba?

 

Wyn: what? haha siyempre gusto, gusto ko

 

Wyn: so did you?

 

Amy: yeah I think I just did

 

 

 

"Wynona ano ba yan I'm starving."

 

 

"Sandali lang nga sabi ito na nagbbye na nga eh."

 

 

 

Wyn: hello Amy sorry ulit

 

Amy: I thought binaba mo na

 

Wyn: what? hindi ah bakit naman kita bababaan? I'm not rude like that, lalo pag sayo, hindi ako ganun

 

Amy: haha I know you're one of the nicest people I know

 

Wyn: weh oa, hindi mo naman ako masyadong kilala

 

Amy: yeah but I already know some important things about you, madadagdagan pa yun

 

Wyn: I agree and I like that

 

 

 

"Wyn ano ba, andun na sabi."

 

 

"Wait lang naman, ito na nga eh. Wala pang five minutes."

 

 

Amy: okay ka lang ba Wyn? do you need to go?

 

Wyn: ah hindi kasi andito na si Gela, sinusundo niya ako kasi dumating na pala yung pinadeliver namin 

 

Amy: oh sige mag dinner ka na anong oras na din baka malipasan ka. past 7pm na

 

Wyn: no i'm good hindi naman ako masyadong gutom, okay lang ako

 

Amy: sige na it's okay Wyn baka naghihintay na din sayo yung friend mo wag mo na siyang paghintayin

 

Wyn: eh ikaw?

 

Amy: I'll have dinner na din, dumating na ata sila dad.

 

Wyn: oh okay at least may kasabay ka, sige kumain ka ha

 

Amy: yeah, ikaw din you go and eat na. let's talk again later

 

Wyn: okay sige, hintayin ko nalang yung messge mo

 

Amy: okay, bye Wynona.

 

Wyn: bye Amy, kain ka na ha.

 

Amy: yeah, bye.

 

 

 

"What the hell, ano ba pinaggagawa mo, why are you lying on the floor? kanina pa ako nagddoorbell, pagpasok ko dito akala ko nahimatay ka na dyan."

 

 

"Ha? nag sstretching ako kanina."tumayo na ako sa pagkakaupo. I turned off the lights in the living room at sumunod ako kay Gela. Nagpadeliver kami ng food at dun kami magddinner sa apartment niya.

 

 

"Let's go."Sinuot ko na yung slippers ko at lumabas kami sa hallway."Stairs tayo?" pupunta na dapat ako sa fire exit. "Elevator."pinindot ko na yung button."How's Amy? kung ano ano siguro pinaguusapan niyo." banggit ni Gela while we wait here in the hallway.

 

 

"She's doing okay, naguusap lang kami kanina about her work. Bigla daw kasi ng dumating yung mommy niya sa office."

 

 

"Mukhang going on another level na kayo."

 

 

"Hindi pa naman, grabe. But I can say that we're getting there."

 

 

"I can see it in your face that you are happy."

 

 

"Yeah sobra because we're doing good, a lot has changed nung lumalabas na kami these past few weeks. Sabi sayo effective yung Cursing Parrots video na snend ko sakanya eh. Pinagtawanan mo pa ako."

 

 

"Hahaha you're so strange for sending it. Nakakahiya kaya."

 

 

"Pero effective naman tignan mo nga oh. Halos araw araw na kami magkausap."

 

 

"Grabe araw araw na? what a huge progress. Kaya pala grabe glow up mo, oh my God Wyn I'm like a proud mom right now. I'm proud of you."

 

 

"Hahaha shut up. Basta, I can say that we are close. Like super close."

 

 

"Tara na nga." lumabas na kami sa elevator at pinauna ko siya."Nag eenjoy ka ba, are you loving it?"she asked. 

 

 

"Hindi pa ba halata?"

 

 

"Halatang halata because your vibe is different. Come in." Nakarating na kami sa unit niya at pinauna niya akong pumasok sa pinto. Dumiretso na kami sa dining hanggang sa nakita ko na yung mga paper bags ng delivery. Tinignan ko isa isa, we got salads and sandwiches for dinner. Nagpadeliver nalang kami dahil nakakatamad magluto, nasa grocery ako kanina pero hindi pa din ako bumili ng d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass