Chapter 29

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Biyernes 2:00pm sa Kim's Rest House

 

Walang magawa ngayon hapon kaya nakatambay nanaman kaming tatlo dito sa lanai katapat ng pool. Maagang natapos yung trabaho ko sa farm kaya dumiretso ako dito. Nitong mga nakaraan, dito kami madalas umuuwi sa rest house. Mas gusto ni Catalina dito dahil nakakapag swimming sila ni Lucila tuwing maiisipan nila.

 

 

Ang dami kong ginawa kanina sa opisina kaya ngayon nagpapahinga lang ako kasama ng baby kiti-kiti ko. Tahimik dito kahit kanina pa may nangungulit sakin na hindi ko pinapansin. Nagtotopak ng matindi yung Baba ko kaya hindi ko siya sinasabayan. Nagkakaganito siya dahil masyado na siyang naaapektuhan dun sa Take me kemme na binabasa namin. Kalabit ng kalabit, tawag ng tawag kaya nakulitan na ako sakanya.

 

 

Sasalang ako sa nails session courtesy of my baby kiti-kiti kaya hindi ko muna iniintindi si Catalina, hindi ko siya kinikibo pero pasimple ko pa din pinagmamasdan kung ano ang ginagawa niya. Andito siya ngayon, nakahiga sa kabilang sofa at nagpphone. Nainis siya dahil hindi ako pumayag sa kagustuhan niyang alisin yung premyo sa pustahan. Non-stop apela siya kanina kaya narindi ako. Ang dami niyang explanation. Yung pag inom na nga lang daw ng dugo ko ang kaisa-isang bisyo niya tapos ipagkakait ko pa daw yun sakanya. Hahayaan ko nalang muna siya dahil baka tuluyan pa kaming magkapikunan.

 

 

"Nabubura ba to gamit tubig?"tinitignan ko yung laman ng box ni Lucila. Umaayos siya ngayon ng upo at naglagay pa talaga ng towel dito sa play table niya. Pinaupo niya din ako dito sa stool na pangbata."Lucila hug muna."bigla siyang sumulpot sa tabi ko at nakayakap na sakin."Ang cute mo talaga grabe."

 

 

"Ayos ng upo Minjeon."

 

 

"Ay sorry naman. Sino pala nagturo sayo na gumamit nito?

 

 

"Si Gisele at si Sorin."

 

 

"Ikaw ba ang naglagay dyan sa kamay mo?"

 

 

"Ako dito sa kabila, at si Mama naman sa kabila."

 

 

"Ang galing mo, ang bilis mo matuto at mag adjust sa lahat ng bagay."

 

 

"Bubu."

 

 

"Tsaka matalino ka kasi Lucila kaya din ang bilis mong makaintindi."

 

 

"Salamat po."

 

 

"Bubu."tawag sakin nung isang nagmamaktol na nakaupo sa sofa. Nagpatuloy lang ako at hindi ko siya pinansin.

 

 

"Minjeon what color?"tanong nitong bata na nasa harap ko."Ikaw ang bahala baby, kung ano tingin mong maganda." kniss ko sa noo si Lucila pagkatapos kong ayusin ang buhok niya. Hawak niya ang kaliwang kamay ko dahil lalagyan na niya ako ng nail polish. Gusto daw niya subukan kaya ito kami ngayon, ako ang first client niya. Ngayon niya palang gagamitin yung isang set ng nail polish for kids na binigay sakanya ni Gisele.

 

 

"Iba-ibang kulay ang ilalagay ko sa iyo."

 

 

"Okay."pinapanood ko siya na nagbukas na ng nail polish, yung kulay green ang napili niya. "Wag malikot Minjeon baka lumagpas sa kuto mo. Papangit."

 

 

"Sa kuto ko? wala naman akong kuto."

 

 

"Kuko ang sinabi ko." dinuro niya pa ako. Nagulat at natawa ako na ang sungit niya. "Okay sorry, sige steady lang ako."

 

 

"Bubu." may tumawag nanaman sakin pero hindi ko nilingon at diretso lang ako ng tingin.

 

 

"Bubu."hindi ko siya tinignan at tinuon ko lang ang atensyon ko sa ginagawa ni Lucila. Nakakatawa yung inaarte ni Catalina, tuwing mapapatingin ako sa gawi niya, parang may big baby na nakabusangot at nanonood samin. Halata din sa boses niya na malapit na siyang mairita.

 

 

"Bubu, Minjeong."sinasadya ko na wag siyang pansinin at nagkukunwari ako na walang naririnig."Tingin ka, may sasabihin ako sayo."hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa panonood."May sasabihin ako tungkol kay ate Taeyeon."hindi ko siya lalo pinansin dahil alam ko na nagsisinungaling lang siya.

 

 

"Ganyan mo ba talaga itrato ang asawa mo Minjeong?" at ito na nga, ang pang gguilt trip ng asawa kong vampira. Napakamot ulo lang ako pero hindi ko pa din siya nilingon.

 

 

"Nagsasalita na ako mag isa dito ni hindi mo manlang ako tignan."Hindi ko pa din siya pinansin at nagkunwari ako na binabasa yung nakasulat sa bote ng nail polish.

 

 

"Dahil ba mag asawa na tayo kaya ganyan mo na ako itrato? Nung kasal natin, napaka dami mong pinangako sa akin Minjeong. Sabi mo hindi ka magsasawa tapos ngayon ganyan ka, hindi mo na ako pinapansin? Para nalang ba akong hangin?"

 

 

"Ang ganda nito Lucila noh, ang ganda ng pagka red, ito kaya ang isunod mo?" tanong ko dito sa bata. Pasimple kong tinignan yung nakaupo sa kabila, mas tumindi pa yung pagsimangot niya, napansin ko din na nakapout na at ang sama na ng tingin sakin.

 

 

"Ito lang pala ang buhay na ibinigay sa akin ng tadhana. Kung alam ko lang. Ang dami ko pang sakripisyo at paghihirap na pinagdaanan pero ganito lang pala."pinilit kong wag ngumiti nung marinig ko yung sinasabi niya. Lumalalim na yung pinaghuhugutan ni Catalina at seryoso na ang mga sinasabi niya.

 

 

"Hindi pa tumatagal ng isang taon ang kasal natin Minjeong pero yung mga ginagawa mo nitong nakaraan palagi mo nalang akong iniini-"     "Ano ba yun, can't you see that I'm busy? Mind your own business, wag mo akong guluhin."iritang sagot ko sakanya. Halata sa reaksyon na nagulat siya sa sinabi ko pero pinagttripan ko lang naman siya.

 

 

"Ah ganyan mo na talaga ako kausapin? Seryoso ka ba? Nagbabago na ba talaga ang pakikitungo mo sa akin?"hindi ko mapigilan matawa nung parang nagchoke siya at nagiba yung boses ni Catalina."Sandali lang Lucila ha."paalam ko.

 

 

"Dito ka lang."Napansin ko na magteteleport na siya kaya pinigilan ko.

 

 

"Knkwestyon mo na ang buhay mo?"seryosong tanong ko sakanya.

 

 

"Oo dahil ganyan ka sakin."

 

 

 

"Wala kang magagawa, ito talaga ang buhay na nakatakda para sayo. Sa akin ka lang sa ayaw at sa gusto mo Catalina."hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at kniss ko siya ng isang beses sa lips."Napaka matampuhin naman ng Baba ko. Halika na nga."isinama ko siya nung nag teleport ako pabalik kay Lucila. "Dito ka lang sa tabi ko, hindi pa kami tapos eh."hinaplos ko yung pisngi ni Catalina at kniss ko ulit sa noo."Wag ka na sumimangot dyan, binibiro lang naman kita. Asa naman na magbabago ang pakikitungo ko sayo eh mahal na mahal kita. Kung magbabago ako,para sa mas mabuti."

 

 

"Iniinis mo nanaman ako hindi mo pa ako pinapansin."

 

 

"Sinasadya ko yun pero biro lang."hinawakan ko siya sa bewang at hinatak ko palapit sakin."Sorry na."

 

 

"Pwede mo na ituloy Lucila." nilahad ko na ulit yung kaliwang kamay ko at nagpatuloy na siya sa paglalagay ng nail polish.

 

 

"Ano yung sasabihin mo?"magkaholding hands na kami ni Catalina at hindi na siya galit. "Makikinig ako."tinitignan ko siya habang nakaupo dito sa tabi ko, ang lungkot ng itsura at ang cute niya. "Ba, ayos ka lang?"hinahaplos ko yung pisngi niya ng dahan dahan."Yung pustahan ba? wag na natin ituloy yun okay lang naman sakin." nakatingin lang siya at nakapormal. Hindi ko maseryoso dahil ang cute niya talaga.

 

 

"Pansin mo yung mga pinagtatalunan natin napaka babaw tsa-"    "Hahahahaha" nagulat kami nung biglang tumawa si Lucila. "Hahaha bakit?" nakalabas yung mga ngipin niyang maliliit at tumatawa pa din habang nakatingin kay Catalina. "Ano yun?"hindi siya tumitigil at ang lakas ng tawa niya.

 

 

"Hahaha ang cute mo. Tawang tawa yung baby. Bakit?"humahagikgik pa din siya at tinitignan si Catalina."Huy, ahhh gets ko na, hahaha. Tinatawanan mo ba si Mama?" nagpout si Catalina kaya natawa si Lucila.

 

 

"Hahahaha Bubu, pinagtawanan ako? Lucila bakit mo ako tinatawanan?"tanong niya kay Lucila na tutok na ulit sa pagnnail polish pero natatawa pa din."Para kang matangkad at malaki na baby Mama."natawa kami ni Catalina sa sagot niya.

 

 

"Hahahaha ayan nagmamaktol ka kasi, pinagtawanan ka tuloy."

 

 

"Hahaha ayaw mo kasi akong pansinin kanina pa."

 

 

"Ano ba kasi yun? alam mo Baba yung mga trip mo talaga. Yung asta mo ngayon akala mo naman hindi kita binibigyan ng atensyon, eh yung atensyon ko halos lahat sayo lang naman napupunta. Parang seventy-thirty nga eh."

 

 

"Kanino yung iba?"

 

 

"Siyempre dito sa paborito kong baby, sa anak kong biik na napaka ganda tapos dun sa farm."

 

 

"Bakit sinusukat mo?"

 

 

"Hindi naman sa ganun pero sinasabi ko lang. Tsaka ikaw, magtry ka nalang ng iba alam mo naman na ultimate rule ng lahi natin yan pag inom ng dugo ng kapwa vampira eh. Yan pa talaga yung hilig mo. Kapag nalaman yan ni Nana, mapaparusahan tayo."

 

 

"Pinaliwanag ko na sayo, yung dugo mo hindi yan basta basta. Iba ang epekto sakin, parang lumalakas ang buong katawan ko at sobrang gaan sa pakiramdam. Kailangan natin yan Minjeong."

 

 

"O biglang natin, nadamay pa ako."

 

 

"Dahil iisa tayo."

 

 

"Catalina, kilalang kilala kita. Kahit pa nasa magkabilang dulo tayo ng mundo huminga ka lang alam ko na ang naiisip at nararamdaman mo. Gusto mo lang yung pakiramdam na high ka at nahahaluan pa ng matinding L."

 

 

"Wag ka magsabi ng ganyan Minjeongie naman."pasimple niyang tinuro yung bata.

 

 

"Ganito nalang, may naisip ako. Tutal iisa tayo bakit hindi nalang ako ang gagawa para sayo?"

 

 

"Huh?"

 

 

"Ipapaliwanag ko sayo mamaya wag ngayon."

 

 

"Pagusapan na natin ngayon."pasimple kong tinuro yung baby sa harap namin."Hindi mo pa naman alam ano ending ng storya eh, tapusin natin. Tsaka atat ka? my nails are not done Baba."pinakita ko sakanya yung kamay ko na pinapatuyo namin ni Lucila.

 

 

"Sige na nga. Bubu bagay pala sayo ang naka nail polish ang ganda mo lalo. Napaka galing ni Lucila." puri niya sa bata na sobrang naka focus at ngayon yung kabilang kamay ko na ang ginagawa."Lucila anong sasabihin mo?"

 

 

"Thank you po Mama."sagot niya kay Catalina.

 

 

"Ang galing niya, wala masyadong lagpas."hinawakan ni Catalina yung kaliwang kamay ko at kinikilatis niya. "Lucila sunod naman si Mama, lagyan mo din siya."

 

 

"Opo."

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng trenta minutos...

 

Nung una si Lucila ang abala na naglalagay sa amin, pero ngayon iniwan na niya kaming mag asawa at nagswimmy na ulit siya. Masyado kaming natuwa dito sa mga nail polish kaya pati yung mga kuko sa paa ni Catalina nilalagyan ko na.

 

 

"Iganun mo lang wag ka malikot lalagpas nanaman ako." pinatong na ulit niya yung paa niya dito sa kandungan ko."Wag ka nalang huminga dahil ang likot ng paa mo eh."napansin ko na nagtakip siya ng bibig at hindi nanaman niya mapigilan."Hahahaha Baba!"

 

 

"Nakikiliti kasi ako dalian mo na."hinawakan ko ulit yung talampakan niya kaya tumawa nanaman siya. "Parang tanga. Pano tayo matatapos?"

 

 

"Hahaha yung kamay mo kasi wag mo nang hawakan yung paa ko."

 

 

"Pano ko malalagyan kung hindi ko hahawakan? Ito na malapit na."hinawakan ko ulit yung kanang paa kaya tumawa nanaman."Ano ba hahahaha."

 

 

"Hahahaha nakikiliti nga ako! Wag na kasi dyan Bubu hindi ko talaga kaya."

 

 

"Hahaha anong wag na dyan, eh saan? saan ko ipapahid, sa ngipin mo?"

 

 

"Nanghihina at nakikiliti ako. Hindi ko kaya."

 

 

"Hahaha pag sa mga gulpihan tsaka patayan Catalina ang galing galing mo tapos sa nail polish tiklop ka?"

 

 

"Hindi ko nga kaya, nakikiliti ako sa kamay mo."

 

 

"Hahahaha ano ba yan, o sige wag na nga. O ayan, yung hinlalaki mo lang sa paa yung meron, muka kang bumoto kulay blue pa naman."

 

 

 

 

Wynona's POV

 

Tuesday 

 

Malapit na mag alas singko ng hapon, hinihintay ko lang na dumating si Amy dahil magkikita kami ngayon. Dadaan siya dito sa office para sabay kaming pupunta sa Manila. We're driving there this afternoon to watch the match of Kazuha. Personally invited nila ako lalo ni Eunchae, gusto nila na manood ako dahil sobrang big deal ng match na to para sakanila. Jiujitsu championship na iba-ibang schools ang maglalaban. Nag promise ako na pupunta ako at ininvite ko na din si Amy.

 

 

Wala pa si Yuna and Beomgyu, tapos na yung inspection ko kaya wala na akong ginagawa at nagaabang nalang ng oras. Sakto naman na nag message bigla si Cassie kaya nagpphone lang ako ngayon. Magkachat kami at naguusap tungkol dun sa bagay na kinukulit niya sakin the other night pa. She is asking me to help her decide on something.

 

Wyn: ano ba yan, wag na

 

Cass: Wyn ito last na

 

Cass: *attached photo*

 

Wyn: No

 

Cass: this one?

 

Cass: *attached photo*

 

Wyn: wag na sabi Cass

 

Cass: *attached photo*

 

Wyn: hindi pa din

 

Cass: *attached photo*

 

Cass: how about this one, the brown?

 

Wyn: hindi pa din

 

Cass: what? 

 

Wyn: enough na wag kang makulit

 

Cass: why not? I like it so much sobrang cute kaya and it's too small hindi na to lalaki a few inches nalang sabi nung owner

 

Wyn: wag ka nang mag ganyan kalimutan mo na yang idea na yan. you DON'T need it

 

Cass: but I know myself, I need one and I'm sure of it

 

Wyn: no you don't and no you are not sure. impulse buying ka nanaman tigilan mo na yan kawawa lang yan pag tagal

 

Cass: bakit naman kawawa grabe ka naman, kung magreact ka as if i'm gonna torture it, ang epal mo

 

Wyn: hahahaha eh kasi you won't be able to take care of it palagi ka naman nasa school. wag ka nang bumili niyan, mapapabayaan mo lang. 

 

Cass: but I want to

 

Wyn: hindi! out of impulse lang yan. Unang una, pag papasok ka maiiwan siya mag isa walang mag aalaga ang liit liit niyan kawawa lang pag nagkasakit tapos namatay

 

Wyn: pangalawa saan mo ilalagay yung kulungan?

 

Cass: in the garage

 

Wyn: hindi kasya yung kulungan dun, madadagdagan pa yung trabaho mo. isipin mo maglilinis ka pa ng kulungan hindi naman pwedeng isang beses lang yun thrice a week dapat kasi babaho

 

Cass: okay fine hindi na

 

Wyn: yeah. forget it

 

Cass: Wyn

 

Wyn: what?

 

Cass: *attached photo*

 

Wyn: hay nako

 

Cass: hahahaha i'm kidding

 

Wyn: ang kulit mo talaga you keep sending and asking me the most random stuff tapos hindi ka naman nakikinig. basta wag kang bibili niyan Cassie sinasabi ko sayo irereport kita sa PETA

 

Cass: hahaha epal

 

Wyn: sige na nga, kailangan ko nang umalis nanggugulo ka lang e

 

Cass: quarter to 5 na uuwi ka na ba?

 

Wyn: oo maya maya

 

Cass: okay. ingat ka Wyn, nagbike ka ba today?

 

Wyn: hindi

 

Cass: wag ka na palagi mag bike use your car para mas safe

 

Wyn: hindi naman ako naka bike ngayon

 

Cass: pero most of the time nagbbike ka pa din pag pumapasok, mag car ka nalang. mag ingat ka palagi

 

Wyn: oo na

 

Cass: okay see you around, mag dinner ka when you get home

 

Wyn: yeah, ikaw din

 

 

 

5:15pm

 

Nakaabang na ako dito sa parking lot dahil andito na sa gate ng site si Amy, ihahatid siya ng driver niya at sa kotse ko na siya sasakay papunta sa Manila. Medyo na-late siya ng dating dahil natraffic.

 

 

Andito kami ngayon nila Yuna, Gela and Beomgyu sa parking lot at hinihintay namin siya. Talagang nagpa-late pa sila ng uwi dahil gusto daw nilang mameet si Amy.

 

 

"Ayan na ba Wyn?" tanong ni Beomgyu habang pinapanood namin yung black SUV na tumitigil sa tapat namin."Yeah siya na yan."nilapitan ko yung sasakyan at hinintay ko na bumukas yung pinto.

 

 

Nung nakita ko na bumababa na siya, sinalubong ko na kagad."You are here."

 

 

"Wyn, I'm so sorry I'm late."bungad niya sakin. I held the door for her bago ko isara. "Aalis na ba si kuya?"

 

 

"Yeah, diretso na siya sa house." Nagpaalam kami sa driver niya at nagbilin si Amy na hindi na siya magpapasundo mamaya.

 

 

"Aabot pa ba tayo?"

 

 

"Yeah, before 8pm pa naman yun. Tara dun tayo."  Naglakad kami papunta sa sasakyan ko. Nung makaabot kami, pinakilala ko kagad siya kila Yuna."Guys, si Amy pala. Ayan si Gela. Si Yuna and si Beomgyu." 

 

 

"Hi nice to meet you Amy."si Yuna ang naunang bumati. "It's nice to meet you guys."

 

 

"Welcome to our turf." bati sakanya ni Gela."So this is your site pala."

 

 

"Oo, dito kami nagppark. Ayun yung office namin, tapos yan yung project na hnhandle namin." tinuro ko sakanya yung tatlong building sa likod."Amy sila yung knkwento ko sayo, mga ka-work ko na engineers, friends ko din sila."

 

 

"Hindi kaya." sabat ni Beomgyu. "Haha ah talaga ba?"

 

 

"Trabaho lang to Wyn walang personalan." natawa kami dahil napaka epal talaga nito ni Beomgyu, ito nanaman siya sa mga hirit niya na nakakagago.

 

 

"Amy. Si Yuna, she's one of my closest friends. Matagal ko na siyang kasama dito since day one, sabay kasi kami na nagstart mag work dito. Makulit yan, muka lang tahimik ngayon."

 

 

"Don't believe her, tahamik ako lagi. Finally nakilala ka na din namin."sagot ni Yuna. "We hear a lot of good things about you."dagdag nung isa kaya sinamaan ko siya ng tingin."Nakkwento kita sakanila. Madalas."

 

 

"Haha good to know, i guess?"

 

 

"Mostly positive naman kaya wag ka mag alala. Anyway, tara na baka ma-traffic tayo. Guys una na kami." paalam ko sakanila."Baka wala na kaming maabutan dun sa championship."

 

 

"Oo nga pala may lakad kayo, sige have fun you two."

 

 

"Thanks. Gela ikaw, diretso uwi ka na?"

 

 

"Yeah, I don't need to be somewhere naman. I'm going home."

 

 

"Okay you drive safe."

 

 

"Yeah, alright Wyn. Bye Amy, it's nice to see you again. Hey, join us next time ah."

 

 

"I would love to. I will next time, when she invites me."tumingin siya sakin kaya napasmile ako."Oo isasama ko siya pag uminom tayo."

 

 

"Ingat guys, bukas ulit."paalam samin ni Beomgyu, siya yung unang umalis dahil naka bike siya. Naghiwalay na kami nila Yuna at pumasok na sa kanya-kanyang sasakyan.

 

 

"6:30 yung start so I think we'll make it, sa Roxas Boulevard tayo dadaan." Chneck ko sa waze yung travel time, isa't kalahating oras yung biyahe pero dahil weekday ngayon pwede pang madagdagan ng isang oras.

 

 

"Amy are you hungry? maybe we can have-" napatingin ako sa nakaupo sa kanan ko. Hindi ko namalayan na nakatingin pala siya sakin at mukang naghihintay kaya natigilan ako."Hi." mahinang sabi niya sabay ngumiti nanaman.

 

 

"I'm sorry."

 

 

"Hahaha why are you saying sorry?"

 

 

"Wala lang. I haven't greeted you properly tapos nagmamadali ako."

 

 

"It's fine. It's nice to see you

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass