Chapter 31

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Song for this chapter: Closer by Tegan and Sara https://open.spotify.com/track/4dTVgHZFPlaq9nPbLVVLSG?si=af24dc482397486c

 

 

 

Wynona's POV

 

6:15pm Friday

 

Gabi na nung makarating kami mula sa swimming, nagpunta kami sa ilog na parang 45 mins yung biyahe mula dito sa town na to. Yung sasakyan nila Yvonne ang ginamit namin at meron din nagdrive para sa amin. Mga ilan oras din kaming nagswimming kanina kaso hindi kami nakapagbanlaw pagkatapos dahil bihisan at water pump lang ang meron dun sa tabi ng ilog. Nagbuhos lang kami ng tubig mula sa timba at si Cassie pa yung naging in-charge sa pag pump ng poso kaya tawang tawa kami sakanya. Ang clueless niya pa nung una at hindi niya alam kung pano paganahin. Siya ang nagpresenta dahil gusto daw niyang masubukan kaya ngayon ito siya, nagrereklamo sakin na sumasakit daw yung right arm niya.

 

 

Nakaupo kami ngayon dito sa garden at hinihintay namin matapos sila Nina. Dalawa ang bathroom kaso nga lang kailangan mo pang lumabas dito sa likod na garden kapag kailangan mong gumamit. Ganito ata talaga yung design ng mga bahay dati, nakahiwalay yung banyo. Okay lang naman kapag may liwanag pa, pero kapag gabi parang medyo nakakailang. Hindi ko tuloy alam kung pano ako magccr mamaya. Puro puno at halaman pa naman dito sa likod at kailangan mo pang bumaba from the kitchen.

 

 

"Masakit ba?" napansin ko na kanina pa nagsstretch 'tong kasama ko kaya hindi ko na mapigilan panoorin siya. Magkaharap kami ngayon dito sa garden at parehas pa kaming may hawak na towel and toiletries."Nangangalay ka ba?"ngayon naman lumilingon siya at parang iniistretch yung leeg niya.

 

 

"Dapat pala bumili tayo dun sa nadaanan natin kanina na grocery, you should get a liniment cream or something. "Like vicks?"tanong niya. "Vicks? pang muscle strain ba yung vicks? sa colds yun eh. Yung mga liniment oil basta something minty."

 

 

"Alam ko na Wyn. Ano yung parang cool fever na nilalagay for muscle pain?"

 

 

"Cool fever? sa noo yun eh."

 

 

"Yeah I know pero yung isa na parang ganun, tas maanghang." I was trying to think kung ano yung sinasabi niya, parang cool fever daw at nilalagay for pain pero hindi ko makuha kung ano."Baka naman plaster?"

 

 

"No, parang cool fever din yung way ng paglagay, you'll stick it to your skin. Ano nga ba yun. I forgot na."

 

 

"I don't know what you're talking about."binugaw ko yung mga lamok na lumipad sa tapat namin. "Bili kaya tayo ng katol?"

 

 

"Naaalala ko na!"nagulat ako nung tumaas boses niya. "Ano yun? nakakagulat ka naman."

 

 

"Yung sinasabi ko na pang muscle pain. You even used that before nung nagtravel tayo tapos puro lakad kaya naglagay ka nun nung pauwi na, nung nasa plane tayo. Salonpatch!"

 

 

"Huh?"

 

 

"Yung salonpatch remember? sana may nabibili malapit dito."

 

 

"Ano? hahahahaha. Cass anong salonpatch? salonpas kasi." hindi ko mapigilan matawa dahil sa sinabi niya, yun pala yung tinutukoy niya, yung salonpas na dinidikit sa balat kaya kinukumpara niya sa cool fever.

 

 

"Tangina salonpatch hahahahahaha."

 

 

"Epal why are you laughing at me?"

 

 

"Ang sakit sa tiyan, hahahahaha salonpatch, ibang brand ba yun ng salonpas?"

 

 

"That's what I said, salonpas."

 

 

"Huh? hindi ah, narinig ko sabi mo salonpatch."

 

 

"No. I said salonpas kaya, mali ka nanaman siguro ng rinig."

 

 

"Hindi ah, ang lakas pa nga ng pagkakasabi mo with distinction pa, sabi mo salonpatch inulit mo pa. Hahahahahaha"

 

 

"Hahahaha hindi naman kasi!" 

 

 

"Ouch oh my God ang sakit ng arm ko parang kailangan ko ng salonpatch!"

 

 

"Ano ba. hahahahahaha ang epal mo pinagttripan mo nanaman ako!"

 

 

"Hahahahahahaha ahh tangina ang sakit sa tiyan. Pinagsama mo yung salonpas tsaka relief patch. Hahahahahahaha"

 

 

"Nakakainis Wynona. Tawang tawa ka naman!"

 

 

"O hindi na hindi na. Sorry na."

 

 

"You're making fun of me."

 

 

"Hindi ah. Cass."

 

 

"Yeah?"

 

 

"Yung braso mo."

 

 

"What about it?"

 

 

"Lagyan mo na ng salonpatch para hindi sumakit."

 

 

"Hahahahahaha epal. Nangaasar ka nanaman. But seriously, kailangan ko nun. Meron kaya drugstore na malapit dito."

 

 

"Gusto mo tignan natin mamaya sa store kung may tinda, hiramin nalang natin yung sasakyan ni Reese. May nadaanan tayo na parang ilan kanto lang dito, sana bukas pa."

 

 

"Yung mga kanto dito parang three blocks yung layo sa isang kanto."

 

 

"Hahahaha oo napansin ko din. Ang lalayo ng mga bahay."

 

 

"Or let's ride the tricycle kaya Wyn tapos punta tayo sa nadaanan natin kanina, may mga tricycle dun sa plaza nakita ko, what do you think?"

 

 

"Ah sige sige pwede, pero after nalang maligo kasi baka magsara na yun."

 

 

"Hey I am done! sino na next?" lumabas na si Reese from the bathroom. "Ikaw na mauna."pinauna ko na si Cassie dahil nagrereklamo siya kanina pa na nangangati na daw siya.

 

 

"Siya na mauna, I'll just wait for Nina."

 

 

"Okay. I can hear you habang naliligo ako, bakit parang ang saya saya niyong dalawa dito sa labas?"

 

 

"Hahahaha ito kasi nangiinis."tinuro niya ako. Hindi ko nanaman mapigilan nung naalala ko yung sinabi niya.

 

 

"Hahahaha ikaw dyan eh, Reese pupunta pala kami mamaya sa store, maghahanap daw siya ng salonpas. Sumakit na yung arm niya dahil sa poso."

 

 

"Oh my gosh baka naman napilay ka pa Cassie ah? may tatlong araw pa tayo dito."

 

 

"No I'm okay. Kailangan ko lang nung relief patch and I'll be fine." napatingin siya sakin habang nakikipagusap kay Reese, napansin ko na pinanlakihan niya ako ng mata. "Wala akong sinasabi ha o bakit natatawa ka?"

 

 

"Hahaha stop it. I can see it in your face na mangiinis ka nanaman."

 

 

"Dalian mo na nga maligo ka na. Maghahanap pa tayo ng salonpat-"     "Sige. Ayan ka nanaman Wynona."

 

 

"Hahahahaha hindi na." napatingin kami nung bumukas yung isang pinto ng banyo. Natapos na din si Nina. "Wyn ayusin mo nalang yung heater I adjusted the temperature."

 

 

"Oo sige ako na bahala."

 

 

 

 

8:00pm

 

Nakapagpaalam na kami sa Lola at Tita ni Yvonne na aalis kami saglit ngayon gabi, nagsabi pa sila na magpahatid nalang pero tumanggi kami dahil bukod sa nakakahiya, gusto din namin maglakad sa plaza. May tinuro sila na 24 hrs pharmacy, pero sa kasunod na town pa kaya kailangan namin sumakay ng tricycle. Pinapahiram din ni Reese yung kotse niya pero mas prefer namin na magtricycle para maiba naman. Kaming dalawa lang ni Cass ang aalis dahil pagod na si Nina at ngayon kakausapin ni Reese yung Lola ni Yvonne pati yung tita, kaya nagpaiwan siya. Magdamag naman daw bukas yung pharmacy kaya maaabutan pa namin yun. Baka magpapahintay nalang kami dun sa tricycle hanggang paguwi.

 

 

"Okay ka na Wyn?"Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si Cassie na nagaabang sakin. "Kanina ka pa? Sorry." dumiretso ako kung saan siya nakaupo. "Sorry kanina ka pa?"

 

 

"Okay lang."

 

 

Medyo natagalan ako sa pagbaba because I was in the bedroom talking to Amy, it's the usual. Siyempre nagpaalam ako and updated siya sa kung ano ang ginagawa ko, saan ako pupunta at kung sino yung kasama ko. Nagsabi ako sakanya na pupunta kami sa pharmacy dahil bibili ako ng mosquito repellent at sasamahan ko din si Cassie. Pumayag siya, medyo natawa pa si Amy at sinabihan niya ako na hindi ko naman daw kailangan ireport in details lahat ng ginagawa ko. Gusto ko lang kasing maging honest kay Amy at ayaw ko na magisip siya ng hindi maganda.

 

 

 

 

Pagkalabas ng gate, kumanan kami at naglalakad na sa kalsada. Napansin ko na wala masyadong dumadaan dito at yung kalye kahit pa may mga poste ng ilaw, medyo madilim pa din.

 

 

"Wyn, I brought an umbrella." pinakita niya sakin yung payong na ang laki. "Pinahiram ni Tita kasi daw baka umulan."tumingala ako para tignan yung langit, ang daming stars tapos bilog pa yung buwan."I don't think it will rain, pero sige dalin mo na, para sure. Wait, akin na pala, ako na maghahawak niyan." kinuha ko sakanya yung payong, pagkaabot niya, I noticed that she brought a bag. I didn't hesitate kasi ayaw ko magdala ng bag kaya hawak ko lang yung valuables ko."Cass pwede ba ako makilagay?" pinakita ko sakanya yung wallet and phone ko."Of course, akin na."pinatago ko muna sakanya dahil baka mahulog kapag binulsa ko.

 

 

Naglalakad lang kami dito sa kalye, yung mga nadadaanan namin may mga bahay naman pero madaming bakanteng lote na puro malalagong puno at madilim kaya medyo nakakatakot. Kami lang din ang tao dito ngayon.

 

 

"That's the plaza."tinitignan ko yung tinuturo niya, natatanaw na kung nasaan kami yung parang municipal hall at medyo maliwanag na din dito sa main road.

 

 

"Akala mo malapit pero ang layo pa din." comment ni Cass. Halos magkatabi kaming naglalakad."Wyn baka may dumaan tapos matamaan mo."pagbawal niya sakin kaya napatigil ako sa pagpapaikot dito sa payong.

 

 

"Tawag na kaya tayo ng tricycle dito, kapag may dumaan?"

 

 

"No okay lang, gusto ko din makita yung plaza. You feel tired walking?"

 

 

"Of course not. It's okay, gusto ko din makita."

 

 

 

 

Nung halos isang kanto nalang ang layo namin, napansin ko na madami pa din palang tao at mga nagtitinda ng pagkain kahit past 8pm na.

 

 

"May mga ihaw. Gusto mo Cass?" tinuro ko yung mga nagiihaw sa tabi. "We just had dinner, I'm still full." nagtuloy kami ng lakad hanggang makaabot kami sa plaza. "Ang liwanag pala dito Wyn, ang ganda."

 

 

"Oo nga eh, tsaka may mga tao naman pala dito, dun lang sa kalye nung bahay yung walang dumadaan."habang naguusap kami napansin ko na parang pinagpawisan siya at pinapagpag niya yung likod ng shirt niya. "Okay ka lang?" tanong ko kay Cass. She just nodded and smiled at me.

 

 

"Tara dun tayo." Nakaabot na kami dito sa tapat ng grotto at naupo ako sa semento kung nasaan yung mga halaman."Wyn wag ka dyan, baka madumi or baka may insects."

 

 

"Wala yan." inilapag ko muna yung payong at umayos ako ng upo. Napansin ko na pinapagpag nanaman niya yung shirt niya."Naiinitan ka ba, gusto mo ba ng water? bili tayo dun."tinuro ko sakanya yung bakery.

 

 

"I'm okay Wyn, thanks."

 

 

"Sure? ang humid kasi ngayon, ang layo pa ng nilakad natin kaya ang init lalo."

 

 

"Oo nga. Pero hindi naman ako nauuhaw, wait, but I think I want that."hinahanap ko kung ano yung tinuturo niya, yun palang manong na nakaupo across us at may binabantayan na basket.

 

 

"Balot?"

 

 

"Yeah parang gusto ko, pero wag na, I cannot eat pag may sisiw."

 

 

"Haha wala naman balot na walang sisiw. Mag penoy ka nalang."

 

 

Bigla akong may naalala, kapag kumakain kami dati ng balot sa labas ng gate ng apartment. Hindi niya kayang tignan yung sisiw at lalo na hindi niya kayang hawakan. Kapag sinasabi ko na penoy nalang yung kanya, ayaw din naman niya dahil iba daw yung lasa.

 

 

"Gusto mo ba Cass?"

 

 

"No, wag na Wyn. Hind ko maaalis, I can't."

 

 

"Sige lang ako na bahala."

 

 

"Anong gagawin mo?"

 

 

"Edi dating gawi. Ilan ba gusto mo? dito ka nalang ako na bibili." tumayo na ako para pupuntahan ko yung nagtitinda sa tapat namin."Cass yung wallet ko pala."

 

 

"Ito na Wyn, kunin mo na to." binibigyan niya ako ng cash pero nag insist ako."Dito ka lang hintayin mo nalang ako."

 

 

"Okay thank you." kumuha ako ng pera sa wallet at umalis ako sandali para bumili.

 

 

"Cass anong gusto mo, suka or asin?!"sigaw ko sakanya. "Uhh suka!" humingi ako ng suka at nilagay ko sa plastic. Pagkaabot sakin ng sukli, binalikan ko na siya at dala ko na din yung dalawang balot na binili ko. Tinali ko muna mabuti yung suka para wag matapon. 

 

 

"Do you have an alcohol or sanitizer?"

 

 

"Yeah ito."naglagay muna ako dahil naghawak ako ng pera. "Ito na oh, thanks." kinatok ko yung balot sa semento at inalis ko yung shell sa tuktok. "O, higupin mo muna yung sabaw bago ko alisin yung sisiw."nakita ko na parang natigilan siya at halatang nagtaka."Bakit?"tanong ko."You will do it for me?"

 

 

"Malamang kaya ko nga inalis yung shell. O dali na, higupin mo na hindi naman kita yung sisiw." pinapanood ko siya na parang ginawang shot glass yung balot. "Okay na?"pagbalik niya sakin tinuloy ko na yung pag alis ng shell dahil may kailangan akong gawin. Hinawakan ko na yung loob para mahanap ko yung sisiw. Sakto naman na nakaangat na kaya nakuha ko din kagad. "Excuse lang." Naghanap ako ng trash can para itapon yung sisiw na inalis ko.

 

 

"Cassie."

 

 

"Yes Wyn?"

 

 

"I don't know how to tell you this."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Ngayon na magkasama tayo bakit ganun, I feel like nagkakasala ako."

 

 

"Oh, what do you mean? Uhm magagalit ba siya sayo kapag nalaman niya na magkasama tayo ngayon? Hindi mo ba sinabi?"

 

 

"No, I'm not talking about that."

 

 

"Oh, ano ba?"

 

 

"Kasi ito, we're infront of a grotto na may santo tapos ganito yung ginagawa ko sa sisiw. It's like there's an ongoing feticide."

 

 

"Huh? What the ? Hahaha Wyn ikaw ang gago talaga ng mga sinasabi mo minsan." 

 

 

"Accessory to the crime lang ako pero ikaw yung mastermind."

 

 

"Hahahaha you're so weird. Stop it nga, parang naguilty tuloy ako."

 

 

"Hahahaha I'm just kidding. Okay, so what do you want to eat first, the yellow part or yung bato?"

 

 

"both."

 

 

"Haha both? okay."tinapon ko muna lahat ng shell na inalis ko sa trash can bago ko kagatin yung tip ng plastic."and here's your favorite combo." nilagyan ko ng madaming suka yung balot. "Dig in." inabot ko sakanya. Pwede na niyang kainin dahil malinis na at wala nang bahid ng sisiw.

 

 

"Gusto mo ba ng water?"nagsimula na akong buksan yung isa pang balot at inaalis ko yung sisiw. "O higupin mo muna to Cass."

 

 

"But I'm still eating."

 

 

"Tweety Bird says hi!" pinakita ko sakanya yung sisiw na maliit.

 

 

"What the, oh my god Wynona ano ba!"

 

 

"Hahahaha todo kain ka nga, dyan din naman to galing."

 

 

"Kadiri pinakita mo pa."

 

 

"Hahahahaha dali na, higupin mo na yung sabaw. Isipin mo chaser.Oh hahahaha." natawa ako nung nasamid siya habang tumatawa. Wala pa naman kaming tubig.

 

 

"Wag ka kasi magpatawa! Hahaha"

 

 

"Hahaha dali na, higupin mo na. it."

 

 

"Hahaha ano ba kasi!" pinalo niya ako pero nakailag ako kagad."Come on."

 

 

"Okay. Wyn pwede pahingi pa ng suka?"

 

 

"Sure sige, itapat mo para bubuhusan ko." nilagyan ko ng suka yung kinakain niya. "Okay eat up." Tinapon ko na din yung shell nung isa pa na binalatan ko at nilagyan ko din ng suka.

 

 

"Okay ito na yung next, you'll like this one kasi parang mas malaki yung yellow part."dinamihan ko yung suka at ngayon kinakain na niya and I'm just watching her.

 

 

"Masarap?"

 

 

"Yeah. Grabe ang sarap, thank you Mamo."natigilan ako nung marining ko yung term na binanggit niya."Wyn I'm sorry."

 

 

Nung narinig ko yung dating tawagan namin, parang may mga memories na biglang nag flash sa isip ko. Biglang napaalala sakin yung pain na naramdaman ko nung dnump niya ako dahil lang nagpropose ako, bigla ko din naalala yung hirap na pinagdaanan ko pagkauwi galing Singapore.

 

 

"I'm sorry Wyn, hindi ko sadya. Nasanay kasi ako na yun yung tawag sayo pag magkasama tayo. I'm so sorry."

 

 

"Ayos lang. Ubusin mo na yan, pupunta pa tayo sa pharmacy."

 

 

"Wag ka sana magalit."

 

 

"Hindi ako galit. Matagal ka pa ba?"

 

 

"It was just a slip of the tongue hindi ko sadya yun Wyn. I'm sorry."

 

 

"Hindi naman ako galit, dalian mo na."

 

 

"Okay ito na, I'm almost done."

 

 

"Tara na."tumayo na ako at kinuha ko yung payong. Nauna na akong maglakad papunta sa pila ng mga tricycle.

 

 

"Wyn, okay ka lang ba?"

 

 

"Oo. Sakay na tayo dyan." nagtawag ako ng tricycle at sinabi ko na sa manong kung saan kami magpapahatid.

 

 

"Magkano po hanggang dun sa pharmacy tsaka kapag balikan?"tanong ko sa manong dahil balak ko magpapahintay nalang kami.

 

 

"Cass, three hundred daw balikan,okay na yun noh?"

 

 

"Yeah kasi malayo ata." 

 

 

"Sige. Pasok ka na."napansin ko na iba pala yung tricycle dito tangina parang ang liit at ang sikip sa loob."Pang isahan ba to?"sinilip namin yung loob. Nakita ko na pang dalawahan pero grabe mukang ang sikip talaga.

 

 

"Dyan ka na sa loob, dun nalang ako sa likod nung driver."I asked her to go inside, siya nalang sa loob kasi masikip.

 

 

"What, saan ka?"

 

 

"Dito." pumwesto na ako sa upuan sa likod ng driver.

 

 

"Huh?no Wyn! Dito ka."

 

 

"Masikip masyado pag dyan ako sa loob dito na ako, magbback ride ako. Hawakan mo to."inabot ko sakanya yung payong.

 

 

"No! Wynona hindi, ang layo ng pupuntahan natin, may madadaanan tayo na mga rice fields ang dilim dilim dun. Dito ka sa loob umupo, wag dyan."napatingin ako sa driver, hindi ko namalayan na nakikinig pala samin at pinapanood kami. Yung tingin niya mukang nagtatanong na siya sa isip niya kung bakit hindi pa kami sumasakay.

 

 

"Okay sige. Pasok ka na, ikaw nalang mauna."hindi na ako nakipagtalo at pinauna ko na siya. Nung makita ko na nakapwesto na siya, sumunod naman ako at hinawakan ko yung payong. Ang liit na nga ng tricycle tapos may pinto pa, pero buti mababa lang kaya parang open pa din.

 

 

"Are you okay, nahihirapan ka ba?"she asked while I felt her touching my back.

 

 

"No. Okay lang ako."

 

 

Kahit pa umaandar na yung tricycle, hindi ako sumasandal dahil magkakapalit kami ng muka sa sikip dito sa loob. Ang problema nga lang tumatama yung tuhod ko dito sa pinto dahil medyo nakaharap ako sa labas at may hawak pa ako na malaking payong.

 

 

"Here. Para makaayos ka ng upo."nag move pa si Cass sa kaliwa at pinasandal niya ako."Baka naman nahihirapan ka na dyan."sagot ko.

 

 

"No it's okay. Sandal ka."

 

 

"Hindi okay na ako Cass. Nakakaupo naman ako ng maayos." I just crossed my arms at humarap na ulit sa labas. Ang dilim pa naman ng mga dinadaanan namin na palayan at ang lakas ng hangin pero titiisin ko nalang, ang sikip dito and awkward dahil magkadikit kami.

 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass