Chapter 17

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Six Months Later...

 

Wynona's POV

 

Thursday

 

Anim na buwan na nung makauwi ako galing Singapore, ibig sabihin anim na buwan na din nung huling beses na may narinig ako mula kay Cassie. Tinotoo nga niya lahat ng mga sinabi niya, matindi ang galit niya sakin kaya hindi na talaga niya ako kinausap at pinansin pa. From the day na dumating ako nung September, hindi ako tumigil. I was trying to reach out to her, ang dami ko nang ginawa para lang makita ko siya at nilapitan ko na lahat ng pwedeng makatulong sakin para lang makausap ko siya, pero wala. Matigas ang puso niya and she didn't give me a chance to explain my side.

 

 

Sobrang hiyang hiya din ako sa friends namin lalo kay Reese and Yvonne, dahil pati sila nadamay nung makarating kay Cass na sinabi sakin ni Reese yung tungkol sa video na nakita niya. Hindi pa nga exact details yung nalaman ko dahil yun daw ang bilin ni Cass pero nagalit siya. Hindi ko daw kailangan pang alamin dahil wala nang point. Sinabi sakin ni Reese na kailangan ko daw makausap si Cassandra dahil siya mismo hindi kumbinsido dun sa video na napanood nila. Video ko daw na may kasamang iba na inuwi ko pa mismo sa bahay niya. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita. Alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko ginawa yun. Tanging si ate Seulgi at mga kaibigan ko lang yung mga tao na nakakapunta sa apartment namin at aware siya dun.

 

 

Madami akong gustong itanong kay Cass kaya nag eeffort talaga ako para lang makausap ko siya. Karapatan kong malaman kung ano ba yung mga binibintang niya. Gusto ko na malinis yung pangalan ko at para matahimik na yung isip ko. Halos kalahating taon na akong walang naririnig mula sakanya, sa totoo lang pwede ko nang palampasin to kaso may natira nga lang na isang problema. Hanggang ngayon hindi ko alam kung willing ba siya na pirmahan yung sa insurance ko. Nagsabi sakin si Reese na gagawan daw niya ng paraan. Ang dami ko nang ginawa at ang dami ko na din naabala para lang makausap ko siya pero wala talaga dahil nagmamatigas siya. I am down to my last option at sila Reese din ang nakaisip nito. Aattend ako sa birthday party ni Yvonne sa susunod na linggo. Wala nga lang assurance kung magpapakita si Cassie, sabi nila umayaw daw kagad siya nung nalaman niya na pupunta ako.

 

 

 

9:30pm Ayala Heights Quezon City

 

"Wynona can you come here for a second?" tumayo kagad ako nang marinig ko yung mga nakaupo sa dining. "Okay, Zuha pause mo muna tawag ako ng ate mo." pakiusap ko dito sa mga katabi ko sa sofa. Nanonood kami ng movie after namin mag dinner. Dito ako matutulog sa bahay nila ate Seulgi hanggang Tuesday dahil wala naman akong gagawin sa apartment. Andito din yung mga bubwit, naisipan nilang mag overnight nung nalaman nila na magsstay ako dito ng ilan araw.

 

 

"Yes ate Iris, ano po yun?"

 

 

"Have a seat." mukang seryoso yung paguusapan namin dahil pansin ko na naka pormal silang dalawa. "Ano yun ate?" ulit ko.

 

 

"Wyn, nasabi ko na kasi kay Seul yung napagusapan natin."

 

 

"Oh, ah yun ba."

 

 

"Sabihin mo na sakanya, maybe she can help you. Pati na din yung sa visa mo."

 

 

"What happened to your insurance, bakit hindi mo kagad sinabi sakin yan?" 

 

 

"Sorry ate Seul. Uhm maaayos ko din naman that's why I didn't mention it to you."

 

 

"What's the problem with your policy? nagpapatulong ka daw kay Iris."

 

 

"Uhm hindi kasi ano, nagkamali ako dun sa pagpili ng ano. Nailagay ko kasi si Cassie as my beneficiary."

 

 

"Sinabihan na kita about dyan dba Wyn? nung first year palang na nagtatrabaho ka, I told you na kumuha ka for yourself and your parents. It's too early para magdecide ka na ilagay mo yung girlfriend mo sa mga ganyan bagay. Hindi tama."

 

 

"Ah opo ate, alam ko naman yun. Nagkamali lang talaga ako kasi, hindi ko naisip na. Gets mo na."

 

 

"It's okay hayaan mo na, andyan na yan. But Iris told me na hindi mo na daw macontact si Cassie, totoo ba?"

 

 

"Uhm oo ate, ah kasi dba umalis na ako sa aparment niya May of last year pa. I am trying to meet up with her, eh mukang sobrang busy. Baka preoccupied din siya ngayon, wala pang time na asikasuhin yung mga ganyan kaya hindi pa ako nirreplyan. Siya din for sure ipapasign niya yung kanya para maalis ako sa mga beneficiary niya."

 

 

"That's a big no no when it comes to this matter, wag mo nang gagawin ulit yan. Ngayon alam mo na. Hindi ba kayo in good terms, akala ko okay kayo? nakita ko pa na nagpost siya ng picture na magkasama kayong dalawa."

 

 

"Matagal na yung post na yun, bago pa ako magpunta sa Singapore. We were good nung time na nag move out ako, even the months after that. Ngayon baka busy lang yun kaya walang oras makipag kita."

 

 

"I see. Ilan months na nga ba kayong hiwalay?"

 

 

"Ah matagal na, pero okay naman kami. I mean maganda yung break up namin."

 

 

"Gano katagal nga?"

 

 

"Mag one year and two months na kaming hiwalay ni Cass."

 

 

"Grabe ang bilis ng oras more than a year na pala. Well at least you are doing great. Ito lang mapapayo ko sayo Wyn, pag magkaka problem ka dyan sa insurance mo, like hindi mo na talaga siya makausap or mahagilap. Sabihan mo kagad ako, we can ask the lawyers kung ano magandang gawin."

 

 

"Lawyers? what? hahaha bakit lawyer pa, maaayos ko din to. Magkikita nga kami next Saturday."

 

 

"Where will you be next Saturday?"

 

 

"Aattend ako sa party ni Yvonne, yung friend ko. Kilala mo naman sila dba, ininvite ako, nag organize si Reese ng party for her girlfriend."

 

 

"Teka yan ba yung na-engage na friends mo?"

 

 

"What? no. Nabanggit palang na parang nagpplano na isa sakanila."

 

 

"Who?"

 

 

"Reese, she will be doing it soon."

 

 

"Wow. That's nice."

 

 

"Ate wyn!!!" napalingon kami nung may sumigaw sa sala. "Ang tagal mo naman mauubos na yung chips ko!" sigaw nila Eunchae."Wait lang nag uusap kami!! sige lang play niyo na yan habol nalang ako!"

 

 

"No! We will wait for you, maganda tong movie eh."

 

 

"Okay mabilis nalang to! Sorry ano nga ba yung sinasabi ko. Uhh yun nga yung friends ko, mukang okay at kayang kaya naman na nila. They are ready to take their relationship up a notch."

 

 

"Ikaw? are you not in a relationship wala ka bang dndate ngayon?"

 

 

"Ako? wala ate. Wala akong time sa mga ganyan."

 

 

"Sino yung palagi mong kasama? yung isa na maganda din."

 

 

"Anong palagi kasama,"

 

 

"Yung palangiti na kasama mo minsan sa pictures, mahaba hair na half Japanese sabi mo."

 

 

"Ah wala friend ko yun si Gela. Kapitbahay tsaka kawork ko kasi siya kaya minsan umaalis kami, nakakasabay ko din pumasok. Well hindi na nga masyado kasi napipilitan daw siya gumising ng maaga kapag sumasabay sakin."

 

 

"Bakit hindi mo siya pinapakilala sa amin Wyn? invite her."

 

 

"Do I have to, eh friend ko lang naman. Pero sige, next time isasama ko siya dito pag wala siyang magawa dun sa apartment niya."

 

 

"Oo nga pala before ko makalimutan. Ano na yung sa visa mo ano pa bang kailangan daw?"

 

 

"Edi yun. Expired."

 

 

"Nakausap mo ba yung sa agency? ano daw ba status nung sa petition?"

 

 

"Hindi ko pa alam ate ichcheck ko palang ulit dapat yun, buti pinaalala mo."

 

 

"Ayusin mo na yan Wyn, kasi pag hindi ka macontact nila tita ako madalas yung kinukulit nila tungkol dyan. Sundin mo na yung gusto nila ngayon lang naman. Nakapag desisyon ka na ba?"

 

 

"Wait, so.." napatingin ako kay ate Iris nung magsalita siya. "Yeah?" tanong ko.

 

 

"You are leaving?"

 

 

"Oo, kinukulit kasi ako nila Mama tsaka ni Papa, ang tagal na. Kaya susundin ko nalang, pero next year pa ate. Hindi pa naman sure talaga yun, depende pa sa work ko."

 

 

"Kailan ka nila pinapapunta dun? lagi nila sinasabi yan puro ka tanggi."

 

 

"Winter of next year. Wala naman talaga sa plano ko to pero, ayaw ko din tanggihan yung sinasabi nila Mama sayang naman kasi."

 

 

"That's right tsaka para maiba lang din yung environment mo. So more than one year pa pala bago ka pumunta dun, akala ko naman ngayon taon na." umiling ako. "Matagal pa, sinusulit ko pa yung new place ko. Nagustuhan ko na talaga kung saan ako nakatira and I found a new hobby."

 

 

"Anong hobby naman yan?"

 

 

"Bike. Dba sabi ko nga sainyo nagbbike na ako papasok kasi ang lapit lang sa work tsaka nakakatipid ako sa gas."

 

 

"Oh my god Wynona sinasabi ko na sayo mag iingat ka dyan please lang. Walang bike lane sa Pilipinas, magsuot ka ng helmet palagi. Madami pa naman gago na drivers dyan mga galit sa motor and bikes."

 

 

"Gamay ko na ate tsaka mas gusto ko yun, maaga naman ako umaalis kaya wala masyado sasakyan. Tsaka sa interior streets naman ako dumadaan."

 

 

"Wag mong araw arawin yan pagbbike."

 

 

"Oo sige."

 

 

"What city are you going to ba?" tanong ni ate Iris.

 

 

"Maine. Dun kasi si Papa nagwwork, bata palang ako dun na sila nakatira. Pero ang boring dun grabe kaya ayaw ko nga pumunta dun."

 

 

"Hahaha kaya nga susubukan mo lang naman."

 

 

"Ano pa nga ba, wala naman akong choice ilan tanggi na ginawa ko."

 

 

"Hindi mo kasi maiwan dati yung girlfriend mo."

 

 

"Isa pa yun. Gusto ko kasama siya. Pero wala na, malabo na."

 

 

"Ate Wyn!!!" natigilan ako nung may sumigaw nanaman. "You forgot about us na ba?!"

 

 

"Hahaha. Sorry! Oo na!! Teka lang!!"

 

 

"O sige na bumalik ka na dun, kanina pa nagwwhine yan mga yan. Puntahan mo na, basta sabihan mo ako if you need help with the insurance and your visa ha. Baka kasi iquestion ka sa embassy."

 

 

"Masisilip ba yun?"

 

 

"Theres

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass