Chapter 21

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

 Sabado 1:30pm sa Mansión de los Condenar

 

Nakatambay nanaman kaming tatlo dito sa tuktok ng torre ng tangke ng tubig. Kakagaling lang namin sa resthouse kanina para maghanda dun sa mag rerenta sa susunod na linggo. Pagkatapos namin mag lunch nagkaayaan kami na tumambay sa labas. Excited kasi si Catalina sa mga gamit na pinagbibili niya sa Lazada. After one month nagdatingan na yung inorder niya na beach chair na magkapares, hammock with stand, gamit pang linis sa garden, yung duyan ni Lucila na pang bata pati na din yung ibang laruan niya. Atat na atat siya na gamitin kaya dito nalang kami nag stay sa labas. Nagtitiis tuloy kami ngayon kahit pa tirik na tirik yung araw kaya nakasuot kami ng sunglasses. Nagtaka pa sila Imperia at Nana Carmilla nung makita nila kami kanina. Nagtanong sila kung ano daw yung trip namin tatlo. Pati yung anak namin na bulilit naka shades kaya feel na feel niya at nagpapasuklay pa talaga sakin ngayon.

 

 

"Hindi ba gumagalaw yung pinaka bakal, hindi kaya siya mahuhulog dyan?" tinitignan ko yung duyan ni Lucila na inassemble ko. Sinubukan ko pang umupo kanina pero mukang matibay naman at hindi bibigay.

 

 

"Pantay naman yung paa eh, tsaka matibay yung pagkakabit nung duyan. Tsaka hindi siya mahuhulog dyan alam mo kung bakit?" sinilip ko yung muka ni Lucila. Nakakandong siya sakin ngayon dahil nagpapasuklay. "Hindi mahuhulog to kasi mabilis siyang lumipad tsaka maglaho sa hangin. Forte niya yun. Dba noh?" sinilip ko ulit yung muka nitong baby kiti-kiti namin. Sakto naman na lumingon din siya sakin, hindi siya nagsalita pero ang tuso ng smile niya.

 

 

"Hahahaha Bubu, talagang type na type niya yang shades niya na yan."

 

 

"Hahaha oo nga eh." 

 

 

"Minjeon ano pa ang hinihintay mo? Suklayin mo na ako."

 

 

"Ay sorry naman. Sorry po Ma'am. Tingin ka." pinaayos ko siya ng upo, ihinarap ko siya sakin dahil gusto daw niya na ayusin ko yung bangs niya. "Tingin ka, akin na muna to." inalis ko yung shades niya at sinabit ko sa kwelyo ng tshirt ko. Napansin ko na pumipikit siya dahil nasisilaw ata. "Sige lang close your eyes. Baba, bakit nasisilaw itong baby natin eh multo naman siya?"

 

 

"Hahaha wala na talaga silang pakiramdam. Pero nagagaya kasi ni Lucila kung paano tayo pati ang mga tao, kaya ayan psychological effect nasisilaw na din siya."

 

 

"Awww, kawawa naman. Ay nasilaw!" dinilat ko ng sapilitan yung mga mata niya kaya tumatawa siya habang pailag-ilag. "Hahahahaha aray ang mata ko!"

 

 

"Hala Bubu mukhang nabulag na."     

 

 

"Hahahaha oo nga eh, bulag na tong baby, pano yung mga new toys niya? Ipamigay nalang natin Catalina hindi na niya magagamit bulag na eh."

 

 

"Anong sabi mo?" bigla siyang dumilat at ang sama ng tingin sakin. "Hahaha joke lang. Sige na ayos na." pinikit ko na ulit yung mata niya at nagpatuloy ako sa pagsuklay.

 

 

 

Wala kaming gagawin ngayon hapon. Bukas pa kami aalis para pumunta sa bahay namin at dalawin si ate.Si Catalina busy siya na ayusin yung kwento na binabasa namin. Naalis ko kasi yung binder kanina nung nagteleport ako kaya biglang sumabog yung mga papel. Naghalo halo tuloy yung mga pages at nawala sa pagkakasunod sunod.

 

 

 

"O ayan tapos na. Ito yung sinabi mo na gusto mong ayos. Ba tignan mo!" tapos na akong ayusin yung buhok niya kaya pinakita ko siya kay Catalina. "Wow. Grabe. Grabe Lucila napaka cute mo talaga!! Ang ganda at bagay sayo."

 

 

"Thank you Mama."sinuot ko na sakanya yung shades. Naka side bangs siya ngayon at naka tuck yung buhok sa magkabilang tenga. "Saan na tayo?"binuhat ko siya dahil ippwesto ko na sa bago niyang duyan. Inabot ko din sakanya yung book na binabasa niya. "Okay, behave ka dito ha, o kung gusto mo matulog ka." nakita ko na nag cross legs pa. "Wag ka nang mag ganyan higa ka nalang dahil hindi ka makakaupo ng maayos. Duyan yan eh, higa ka lang." Inabot ko na ulit yung book niya na pang baby. "I love you Lucila, behave."    "I love-Minjeon ang buhok ko. Nagulo."

 

 

"Ay sorry." kniss ko siya sa noo kaya natamaan ko yung bangs niya. Inayos ko nalang ulit at iniwan ko na siya. Bumalik na din ako sa tabi ni Catalina dahil magbabasa kami. "Tignan mo yung baby natin, parang teenager na." banggit ko.

 

 

"Hahaha ang cute, napaka ganda at talinong bata talaga ni Lucila."

 

 

"Thank you po Mama."sagot niya.

 

 

"At parang kiti-kiti na may bangs at paa." nagtawanan kami nung tumingin siya sakin ng seryoso pero hindi nagsalita. "Hahaha wag mo siyang asarin, feel na feel niya yung ayos niya ngayon."

 

 

"Hahaha ang cute nga eh."niyakap ko si Catalina sa leeg at hinatak ko papunta sakin. "Game na magbasa na tayo aray!!" kinurot niya ako bigla kaya napaimpit ako."Hahaha grabe ang sakit ha."

 

 

"Ang ingay ingay mo Minjeongie. Nasa ataul si Nana at nagpapahinga, maririnig niya tayo mgagalit nanaman yun. Wag ka masyadong maingay."

 

 

"Hahaha sorry. Game na kasi." Nilagay na niya sa gitna namin yung papel. Nung mapansin ko. "Nasa more than half na pala tayo. Siguro naman may new copy na nito si Cheche, kasi laspag laspag na to eh."

 

 

"Sana wag magalit yung kakambal mo. Nakialam ka nanaman."

 

 

"Wow ako lang ba? eh nakakalat kasi dun sa veranda. Kaya ayan."

 

 

"Sigurado na daw ba na sakanya itong movie na to?"

 

 

"Special series ata to. Oo, siya bida pero pinipili pa kung sino yung babae na makakapartner niya. First ever gay role ni Cheche."

 

 

"Ay oo nga. Sana maging successful yung palabas niya na to. Pero magaling naman talaga si Cheche kaya sigurado yan."

 

 

"Grabe sino kaya partner niya noh. Excited na ako, first time siyang gaganap na lesbian. May naisip ako."

 

 

"Ano?"

 

 

"Basta, sabihin ko sayo next time kapag sure na. O dali start na tayo." inusog ko yung upuan ko palapit sakanya. "Mukang ako na talaga ang panalo sa pustahan natin."

 

 

"Hahaha ano pa nga ba. Asa na magiging sila pa ulit, malabo na yan."

 

 

"Bubu, bago tayo magsimula may gusto akong itanong sayo pero dapat honest ka sa sagot mo."

 

 

"Okay. Sige ano?"

 

 

"Kung kunyari kaugali ko si Cassandra, mamahalin mo pa ba ako Minjeongie? magttiyaga ka ba o iiwan mo ako?"

 

 

"Ang seryoso naman ng tanong. Pero sige, ah so ang tinatanong mo. Ito mismong relasyon natin tapos kaugali mo siya?"

 

 

"Oo."

 

 

"Ah so vampire ka na nga tapos ganun pa yung ugali mo parang kay Cassandra?"

 

 

"Oo." sabay smile sakin ng napaka sweet. Tangina yung tanong niya, magkamali lang ako ng sagot dito alam ko na mapipikon sakin itong Baba ko.

 

 

"Yung totoong sagot. Hindi naman ako magagalit kaya wag kang mag alala."

 

 

"Okay. Kunyari yung ugali mo napaka selfish, matigas ang ulo, unfair, hindi marunong makinig tapos vampira ka pa na may malakas na kakayahan at kapangyarihan?"

 

 

"Oo ganun nga."

 

 

"Pero dba tayo yung itinakda kaya walang hiwalayan at magttyaga ako sa ganun klaseng ugali ng ilan libong taon? Hindi tayo pwede maghiwalay kaya wala akong choice?"

 

 

"Oo nga."

 

 

"Hindi kita iiwan. Hindi kita iiwan kasi ganun kita kamahal Catalina."

 

 

"Awww Minjeongie. Parang maiiyak naman ako dyan sa sagot mo. Totoo?"

 

 

"Hindi pa ako tapos pero nag react ka kagad. Hindi kita iiwan pero, may iba akong gagawin."

 

 

"Hahaha sorry. Okay sige ano?"

 

 

"Kakain ako ng madaming bawang para mamatay na ako. Kakain ako ng boy bawang, sibuyas, bawang shake, maliligo ako ng tubig na may sili para mapabilis ang buhay ko. O kaya naman pag napuno at sumuko na ako sayo hahanap ako ng kahoy na matulis para gagawin kong kebab yang puso mo habang natutulog ka sa ataul! Parang ganito!"umakto ako na sumasaksak at pinapakita ko pa sakanya yung pagsaksak na gagawin ko sa dibdib niya.

 

 

"Tapos gaganituhin kita sa leeg. Tapos saksak ulit! Dito sa tagiliran. Ughhh! Hindi ako titigil hangga't hindi ka nalalagutan ng hininga!" Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sakin ng masama at seryoso yung muka niya."Joke! Hahahahaha."nanlamig ako nung makita ko na iba na pala yung kulay ng mata niya at ramdam ko na tumusok yung mga kuko niya sa braso ko. "I love you, joke lang Baba. Ikaw naman hindi ka na mabiro."tumayo ako at niyakap ko si Catalina, kniss ko din siya ng paulit ulit sa lips.

 

 

"Seryoso ka sa sinabi mo?"

 

 

"Hindi. Joke nga lang."

 

 

"Ikaw Minjeongie akala mo nakakatuwa, ganyan ba talaga ang gagawin mo sa akin? Kaya mo akong saktan ng ganun?" 

 

 

"Siyempre hindi noh, mamamatay ako kapag wala ka. Mas masakit pa sa bawang at sili yung idea na wala ka sa tabi ko."naglaho na yung mahahabag kuko niya. Napansin ko din na napapangiti siya at mukang kinikilig dahil sa sinabi ko.

 

 

"Umupo ka na nga magbasa na tayo. Kung ano ano nanaman sinasabi mo."

 

 

"Eh bakit parang kinikilig ka, kinikilig ka nagpipigil ng smile, ayan o halata sayo."

 

 

"Hahaha ano ba. Isa. Umupo ka na dito."

 

 

"Hahaha ito na seryoso na. Ganun mo dito sa gitna kasi hindi ko mabasa nakakasilaw." nasa gitna na namin dalawa yung mga papel at siya ang may hawak.

 

 

"May point ka naman, masama kasi talaga yung ugali niya at hindi niya din nirerespeto si Wynona. Naiintindihan ko kung bakit ganun yung sagot mo sa tanong ko."

 

 

"O dba, ang lala na nga ng ugali tapos vampire ka pa. Tangina Baba demonyo to the max ka na nun aayawan kita kahit pa napaka ganda mo."

 

 

"Hahahahaha tama na nga. Salbahe ba ako sayo? baka ganun pala ako sayo tapos hindi mo lang sinasabi sakin at nagtitiis ka."

 

 

"Hindi noh. Ang bait bait mo sakin, kaya nga napaka swerte ko. Sobrang maalaga ka pa, tinatanong mo ako kung ano nararamdaman ko tsaka pag magdedesisyon nagtutulungan tayo. Grabe pa yung suporta mo sakin. Tsaka as if naman makakapagtago ako sayo Catalina jusko. Yung ate at lola mo huminga lang ata ako ng isang beses nalalaman na nila lahat ng nasa isip ko."

 

 

"Hahahaha sabagay. Tapos may taga bantay pa ako na bulilit."

 

 

"O isa pa yun. Tsaka alam na alam mo naman yung naffeel ko para sayo."

 

 

"Nakakatuwa ka talaga, napaka sincere mo kapag naguusap tayo ng ganito."

 

 

"Ganun talaga. Pero para tayong gago noh, pansin mo masyado na tayong nagpapaapekto sa kwento na yan pati sa mga characters?"

 

 

"Hahahaha oo eh kasi nakakainis kasi yung ugali ni Cassandra tapos nakakaawa si Wynona. Mabait naman siya na karelasyon kaya deserve niya na maging masaya. Kung sa totoong buhay, kung totoo yan Cassandra na yan ginilitan ko na ng leeg yan at naubos ko na lahat ng dugo niya. Pati yung puso niya ngunguyain ko at wala akong ititira." pagkatapos niyang sabihin yun, nagkatinginan kami ni Catalina at nginitian niya ako."Ang ganda mo pero kadiri ka talaga minsan."

 

 

 

 

Five Months Later...

 

Wynona's POV

 

August

 

I woke up to a call from my mom asking me na icheck ko na daw yung email ko. When I opened it, it's a list of companies na pwede kong pag applyan ng work kapag na grant na yung petition ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ma-feel, a part of me is excited kasi masusubukan ko yung bagong environment at makakapag ipon ako but a part of me also feels sad kasi hindi ko alam kung ready na ba akong lumabas sa comfort zone ko. Matagal nang on-going yung petition na yun and according to them sa susunod na taon yung pinaka last. Kahit pa nung nasa relationship ako. It's part of the plan na lilipat ako dun kahit one to two years lang pero hindi ko inaasahan na ganito pala, magbabago ang lahat at mukang magiging permanent yung pagtira ko dun.

 

 

These past months have been quiet yet exciting. I am moving on and I am trying to forget all the embarrassing and bad experiences I've had. This moving on or more like adaptation process. It's actually easier than I thought, akala ko talaga matagal before I can recover kasi malaking adjustments at bago sakin to, pero hindi pala. With the help of my cousin and the people around me masasabi ko that I am enjoying it. Ang sarap pala sa pakiramdam ng walang stress at tanging sarili lang ang iniisip. Tama nga yung sabi nila, the no contact rule after a breakup is the ultimate key to accept things and move on. At least I can say that I am on the right track and everything is going so well.

 

 

Dun sa five months madami dami din ang nagbago, literally. New phone, new lock code, new bike, new hobbies, new interests at higit sa lahat new perception. Hindi ko alam kung bakit, but after all that happened parang mas pinapangahalagahan ko na yung sarili ko. I am kind of selfish but in a good way. It is normal and that's probably my own way of coping pero yun kasi ang napansin ko. Inuuna ko na palagi yung sarili ko and clearly it is working for me. I also stopped holding grudges against others, hindi na ako nagddwell sa mga nangyari at kinakalimutan ko nalang.

 

 

Nung mga nakaraan, madaming times ko nakasama sila Reese and Yvonne. Nakikipag meet ako sakanila, sometimes we go out to dinner or hangout at Reese's place. It's not right if I will just cut ties with them, lalo na ka-close ko din naman sila. A month after nung nangyaring gulo sa condo, ilan beses din akong sinubukan kausapin ni Cassie, she tried reaching out to me. Iba't-iba yung paraan na ginagawa niya but I chose to ignore her. I mean what's the point. Tapos na at wala na kaming dapat pag usapan. Mas okay na yung ganito dahil tahimik at ayaw ko na ng gulo. Although there was an instance na para akong na-corner kaya wala akong choice. She asked her sister Haerin na kausapin ako at may pinabigay siyang letter. Nung binasa ko, it's a letter of apology. May time din na cnontact niya si ate Seulgi, nagsorry siya about the break up at sa mga nangyari samin. Tinanong din niya kung may paraan ba para makausap niya ako. I told ate Seulgi na iparating kay Cassie na tigilan na niya kakasisi sa sarili niya, kalimutan na niya ang lahat at pabayaan na niya ako. Kahit naman anong usap ang gawin namin hindi na mababago yun. Buti nalang nagets na niya at tumigil na din siya. Yung insurance nalang ang hindi pa naaayos, pero balak ko na iaccomplish nalang yung once na sigurado na yung sa pag migrate ko.

 

 

 

 

7:30am Quezon City

 

Nakapag prepare na ako and I am just cooking breakfast for myself pero dinamay ko na din si Gela. Iiwan ko nalang to sa pinto ng apartment niya mamaya bago ako bumaba. I need to leave early because it is my first day of pottery class. It will start at nine in the morning pero dito lang din naman yun sa QC kaya may oras pa ako.

 

 

"Alright this has cooled off." I started eating breakfast at inayos ko na din yung food na ibibigay ko kay Gela. I don't know what came into my mind at bigla akong nag enroll ng pottery class. I just thought of joining nung nakatambay kami ni Gela dito sa living room. She showed me an instagram page who is offering a eight session pottery workshop. Nung una inignore ko lang because I find it boring, but I got interested nung nakita ko yung mga finished products nila. It's not the typical design because they are also painting it. They make bowls, pots, plates, trays pati na din ash tray. I told Gela na mag aaral ako nun para gagawan ko siya ng pots sa mga halaman niya. I inquired hanggang sa nag enroll na ako. Now here I am. Excited sa first class ko.

 

 

 

 

After ko linisin ng mabilisan yung kitchen nagtungo na ako dito sa apartment unit ni Gela.  Our apartment building has six floors at three doors lang sa isang palapag kaya sakto lang yung laki ng isang unit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass