Chapter 3

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

San Felipe, Zambales

 

Nakaupo ako dito sa tapat ng cottage nila ate Seulgi habang sinasamahan ko yung apat. Halos kakarating lang namin kanina pero nag swimming na kagad sila sa dagat. Hapon na kami dumating dahil medyo na-traffic kami sa Nlex at nag lunch na din kami dahil medyo matagal yung biyahe.

 

 

"Ate Seul, parang ang saya ng ganyan noh. Yung wala masyado iniintindi bukod sa school." komento ko habang nakaharap kami sa dagat at pinapanood namin yung apat na nag eenjoy mag swimming.

 

 

"Totoo. Pero ganun talaga yun, kapag nadadagdagan yung age mo, nadadagdagan din yung bigat ng responsibility sa buhay. Mas nagiging seryoso na yung mga bagay na pproblemahin mo. Sa family, sa work, personal life mo, mga ganun. You cannot escape and you cannot control it. Nasa sayo nalang kung paano mo ihhandle."

 

 

"I agree with you."

 

 

"So kamusta Wyn, kamusta ka?"

 

 

"Okay lang."

 

 

"How's Cass?"

 

 

"Okay naman siya."

 

 

"Ano ba ang nangyari sainyo at paano? tsaka bakit naman ang bilis eh okay na okay pa kayo nung Christmas."

 

 

"I have the same questions in mind na hindi ko sure kailan masasagot. Paano? paano kami naghiwalay?"

 

 

"Yes, if you don't mind me asking."

 

 

"Sige. Shortcut nalang ate ha ayaw ko na kasing balikan lahat eh."

 

 

"If you don't feel like talking about it, ayos lang naman."

 

 

"Okay lang I have to let this out. Sa totoo lang wala pa talaga akong napagsasabihan tungkol sa nangyari samin. I feel like I need to do this kasi alam mo yung pakiramdam na para kang nalulunod tapos yung tao na ineexpect mo na magssave sayo bigla ka niyang iniwan at pinabayaan. Andun ako sa point na yun."

 

 

"Wyn I am here, I will listen to you."

 

 

"Yeah, kaya salamat talaga. So yun nga sobrang masaya kami at okay pa yung relasyon namin last year which is 2022 lalo nung New Year's eve kasi sinalubong namin yung birthday ko kasama yung family niya. Okay lahat kasi sobrang saya tapos nag eenjoy kami na magkasama pero nung dumating na yung gabi ng January 1, the day na inaya ko siya mag dinner in a roof deck of a hotel somewhere in Manila, ayun. Tangina sa isang iglap nagbago ang lahat."

 

 

"What happened?"

 

 

"Gets mo naman na siguro yung main reason kung bakit ako nag renta ng roof deck ng hotel?"

 

 

"I have a hunch but go on. I'm listening."

 

 

"Yung gabi ng January one, tinaon ko talaga na Birthday ko para sana tuloy tuloy yung saya from the holidays tapos I thought na yung araw na yun will be the start of another stage of our life together. Kaya yun, I asked Cassie to marry me. I popped the question right there and then, sobrang excited pa ako pero putangina yun pa pala ang magiging dahilan para maging ibang tao siya at bumaliktad yung relasyon namin."

 

 

"She rejected you?" tumango ako sakanya at napainom dito sa Coke in can na hawak ko. "Oh wow, ."

 

 

"I know, talaga."

 

 

" pano nangyari, ano sinabi niya?"

 

 

"Ate ito seryoso. Sa buong buhay ko dun lang ako napahiya ng ganun katindi, as in. Nanliit talaga ako tsaka para akong napunta sa masamang panaginip. When I asked her para siyang nabingi, I didn't get a response from Cassie. Tapos tumakbo siya when I had to repeat the question kasi nga ang tagal niya lang nakatingin sakin, natulala siya and she was so stunned. Her life flashed before her eyes ganun na ganun yung reaction niya. I had to pat her back pa kasi para na siyang na-stuck hanggang sa tumakbo siya at iniwan ako dun sa roof deck mag isa. Dun mas naging grabe pa yung kahihiyan na na-feel ko kasi nakita ko yung mga muka ng mga hotel staff na tumulong sakin. They look worried and sorry for me kasi alam nila na hindi maganda yung kinalabasan."

 

 

"Wyn, I'm really sorry. I'm sure na sobrang sakit nito para sayo."

 

 

"Okay na yung rejection sa marriage proposal eh matatanggap ko pa kasi baka nabigla siya at hindi pa siya handa. Kaso yung mga sumunod na nangyari tangina hindi ako makapaniwala sobra."

 

 

"Did you go after her?"

 

 

"I did, ang tagal tagal ko siyang hinahanap dun sa buong hotel. Tinatawagan ko siya pero nakapatay yung phone niya. Nung parang magdadalawang oras na siyang nawawala. Bumalik na ako dun sa roof deck, siyempre binayaran ko yung balance dun sa hotel. Kinuha ko yung gamit namin, pati yung wine na pinagkagastusan ko pa, yung cake para sana celebration sa engagement tapos yung box ng singsing. Unfortunately hindi ko siya nahanap sa hotel, naiwan niya yung susi ng kotse kaya nagdrive nalang ako pauwi nung madaling araw. Pag dating ko sa bahay, ayun naabutan ko si Cass na nakaupo sa sala at hinihintay niya ako. Naalala ko pa yung itsura niya, she looks upset tsaka tensyonado."

 

 

"Sorry, tanong lang. Anong naffeel mo nung oras na yun?"

 

 

"Confused. Sobrang surreal nung nangyari kaya para akong lutang lalo nung nag ddrive ako. Kinalimutan ko nalang yung fact na napahiya ako dun sa taas. Yung nangyari dun honestly kaya ko pang palampasin at kalimutan yun."

 

 

"Oh god akala ko sa movie lang nangyayari yung ganyan."

 

 

"Akala ko din eh. Well malas nga lang that it happened to us, firsthand experience. Sa dinami-rami ng tao sa mundo talagang sa amin pa ni Cass nangyari yung ganito."

 

 

"Anong sabi niya nung nagkita kayo, nag explain ba?"

 

 

"Hindi niya sinabi yung main reason kung bakit siya hindi pumayag sa marriage proposal ko. She actually didn't say anything about that because the first thing she did nung nagkita kami, guess what?"

 

 

"Seryoso ka ba?"

 

 

"Yeah. She broke up with me."

 

 

"Gago? anong sabi?"

 

 

"Nag sorry siya and then she said na matagal na daw niyang pinagiisipan yun because she felt contained sa relationship namin, she said that we have already grown apart. I've got some unrealistic expectations daw as a partner and sa lahat ng sinabi niya dito ako pinaka hindi convinced at naniwala. She said that she is falling out of love, so parang ako, ha anong mga sinasabi mo?"

 

 

"Yan yung mga dahilan niya kaya nakipag break?!"

 

 

"Oo kaya nagulat ako kasi saan nanggaling yung mga yun. Hindi sa pag aano ate Seulgi pero sa tinagal tagal namin parang wala naman akong naramdaman na ganun sakanya. Contained dahil sakin? Tangina, ako?"

 

 

"Gago. Eh parang mas uptight and strict pa nga yung relationship namin ni Iris kaysa sa inyo eh. Gagi hindi sa binibigyan kita ng false hope ha tsaka hindi ko sinasabi to dahil lang pinsan kita. Wyn ito seryoso. Pero parang ang saya tsaka ang healthy nga ng relationship niyo. I'm sure hindi mo lang sakin narinig to."

 

 

"Yun nga ate pati friends niya tsaka yung ka-work ko, ganyan yung naccomment sa amin dati, a happy couple pa nga bansag samin ng barkada niya. That's also the reason why her friends and family like me for her. Pati mismo si Cass madalas niyang sinasabi sakin yan nung okay pa kami. She is happy because our relationship is like the perfect fit and she doesn't need anything else, kumpleto na daw lahat and she found her soulmate. Ganyan lagi yung lines niya. Kaya nagtataka ako tsaka hindi ko matanggap kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon."

 

 

"Hindi kaya it's because of the proposal?"

 

 

"I think so. Pero nung tinanong ko siya ang sabi niya hindi pa siya ready. Yun naiintindihan ko yun kaya I told her na okay lang sakin kahit ni-reject niya, I can wait naman hanggang sa maging handa siya. Sinabi ko nga din na kung ayaw niya ng union or kasal, hindi ko naman siya pipilitin sa ayaw niya. Yun ang ginawa ko, binawi ko yung proposal and I assured her na okay lang sakin kung ano yung decision niya. Hindi namin kailangan magmadali."

 

 

"Anong sabi niya?"

 

 

"Ayun, ayaw na daw niya at kailangan na namin tapusin yung almost five years relationship."

 

 

"Gago bakit ang weird?"

 

 

"Hindi ko din alam. Akala ko yung engagement yung pinaka problema, kaya naisip ko na bawiin nalang para hindi niya ako tuluyan hiwalayan. Kaso hindi, she was heavy on the breaking up part at nakapag decide kagad siya. Kaya yun na-3 in 1 ako nung araw na yun. Birthday, engagement tsaka break up all in one day."

 

 

"Puta. Wyn, are you sure okay ka lang? tangina ang hirap ng position mo."

 

 

"Oo. I'm okay, hindi ko nalang masyado iniisip pero kaya ko yan."

 

 

"So ngayon paano kayo eh nakatira ka pa din sa apartment niya."

 

 

"Edi ayun, sobrang messy nung mga sumunod na buwan, January to Feb sobrang lungkot at ang hirap. Puro away puro arguments. Tapos ngayon, iba na yung pagtrato niya sakin. I can tell that she resents me."

 

 

"Bakit nagtitiyaga ka sa ganyan?"

 

 

"Kasi hindi ko siya ma-let go, hindi ko kaya na wala siya. Ang bilis kasi ng pangyayari kaya hindi ako makapaniwala. Okay pa kami nung December, even during the months and years before that. Alam mo naman kung pano yung relationship namin dba ate, Cass is like my best friend, she gets me at ganun din ako sakanya. Kapag nag aaway kami nahahanapan namin ng solusyon tsaka hindi nga tumatagal ng days. We understand and support each other. Kapag may mga achievements kami sa kanya kanyang career, sobra yung tuwa yung naffeel namin para sa isa't-isa. None of us felt inferior sa tinagal tagal namin na nagsasama tsaka malaki ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass