Chapter 16

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Reese's POV

 

"Wait ito na, give me a sec." I heard Nina opening the gate for us. After work sinundo ko kagad si Yvonne and we went straight to Cassie's apartment. Our friend is going through something and she is not in a good condition. Friday naman ngayon so my girlfriend and I have decided na mag overnight nalang dito sa place niya.

 

 

"Thank god you are here." Nina greeted us at pinauna niya kami sa loob. "How is she?"

 

 

"Not good. Kausapin niyo nga guys, sobra yung effect sakanya nung mga nalaman niya."

 

 

"Yeah that's why we're here. Kakausapin namin siya."

 

 

"She's there in her bedroom, let's go upstairs."

 

 

We went up to her bedroom and we are just following Nina. Sobrang dim ng mga ilaw dito sa apartment nila at napaka tahimik. Hindi ganito yung vibe dito tuwing nagpupunta kami dati.

 

 

She knocked and called Cassie before we went inside the room. "Yvonne and Reese are here." we saw her, she's currently lying by her side at nakaharap towards the window.

 

 

"Hey Cass." nauna si Yvonne na lapitan siya and I was just standing right behind her. Sinalubong kagad siya ng yakap ni Cassie and she started crying. I feel so bad seeing her this way, bihira namin makita na ganito yung kaibigan namin dahil kilala namin siya. Sa amin lahat she has the strongest personality and we rarely see her become this vulnerable.

 

 

"It will be okay, we are here for you. Ano ba nangyari?"

 

 

"I gave everything, I loved her so much pero ito lang pala yung mapapala ko. I feel like nagsayang lang ako ng oras."

 

 

"Don't say that." while Yvonne was comforting her tinawag ako ni Nina ng pasimple and she gestured na ayain ko si Cass na bumaba.

 

 

"What?" I whispered. "She doesn't want to eat mag ttwo days na siyang ganito."

 

 

"Okay."

 

 

"Reese please lang, convince her if you can."

 

 

"Uhm Cass I think it's better if kumain ka muna before you tell us what really happened."

 

 

"Wala akong gana."

 

 

"But you have to eat hindi ka na daw kumain ng maayos na meal nung lunch. Do not be too hard on yourself."

 

 

"That's true, wag mo pabayaan yung sarili mo."

 

 

"We are here, paguusapan natin hindi naman kami uuwi. We have all night, you can talk to us. Basta ngayon kumain ka na muna Cass let's go downstairs. Kumain ka kahit konti lang kung wala kang gana."

 

 

"Let's go." inalalayan siya ni Yvonne at sumunod lang kami kay Nina.

 

 

 

 

 

 

9:00pm

 

"Hindi ka ba natutulog?" I can't help but feel worried kasi halata sa muka niya na pagod siya, she got dark circles around her eyes at mukang kulang talaga siya sa tulog.

 

 

"Sabihan niyo nga siya guys, nag leave na nga siya sa school today because obviously, how can she go to work in this state?"

 

 

"Wait a minute. Alam namin that you broke up because of the marriage proposal, pero dba ikaw na mismo nagsabi naging okay naman kayo after nun?"

 

 

"Yes that's what I thought. I asked for time so I could figure things out on my own and Wynona gave it to me naman. Naging maayos after that and I realized na nagkamali lang ako that's why hindi ko na pinatagal. I tried to get back with her, kasi hindi ko kaya na wala siya. I wanted to discontinue the break up pero siya na mismo yung umayaw."

 

 

"Based on your stories parang wala naman na kayong problema it just happened na gusto niya na ayusin niyo yung sarili niyo."

 

 

"Yun din ang akala ko but it turns out mali, palabas niya lang yun because she is into someone na. She decided to leave and not give me a chance kasi meron na siyang ibang gusto."

 

 

"Cass isn't it early to tell kasi hindi mo pa naman naririnig yung side ni Wyn. Baka kasi mali ka din ng inaassume hindi kaya?"

 

 

"How can I be wrong, grabe yung proof na hawak ko tsaka yung mga nalaman ko about them."

 

 

"And the proof being the video? anong video ba kasi yun. Tsaka pano mo nalaman na totoo nga yung hinala mo?"

 

 

"Nabackground check ko na kung sino yung girl. Here see for yourself."she played a video from her ipad's camera roll. Lumapit din si Nina at tumayo sa likod namin ni Yvonne. "Is this the video that you were talking about?"

 

 

"Yes. It's taken from the cctv, I didn't know na gumagana at nakakapg record pa pala yung cctv namin sa sala, the one at the garage yung sira. That's why yan, there's a proof ng mga pinaggagawa niya dito sa apartment when I was away for training."

 

 

Inulit ko from the start yung video it's an almost three hour clip kaya nagtaka ako. "What are we looking at here Cass, ang haba naman ata nitong video?"

 

 

"Wait, let me just." 

 

 

"Is that Wyn?" we saw Wynona in the video, palakad lakad siya sa sala at lumalabas ng paulit ulit sa garahe.

 

 

"Yes that's her. The one wearing white. Buti nalang colored itong cctv kaya sobrang malinaw."

 

 

"What is she doing?" I asked kasi napansin ko na pabalik balik siya, labas pasok sa front door.

 

 

"Nakabihis siya, because she is going out. Nakita ko pa dyan she was ironing her clothes, may lakad pala siya. I remember sinabi niya that she was staying home that night pero umalis pala. She lied again."

 

 

"Cass wala bang audio to? parang may kausap siya sa phone eh."

 

 

"Who knows kung sino yung kausap niya. We were also talking that night because I was calling her at sabay pa kaming nag dinner, but for sure kausap niya din yun, kung sino man yung kikitain niya. Wala, sira na kasi itong cctv namin matagal na, I didn't even know na nakakapag record pa pala."

 

 

"Bihis na bihis nga siya tsaka ang late na. Hold on." I stopped the video so I can check the time on the cctv. Past ten in the evening, nakabihis si Wyn at palakad lakad sa sala na parang hindi mapakali.

 

 

"Cassie, can we transfer in the living room para mas comfortable?"nag request na si Yvonne kasi ang hirap panoorin lalo kung sa ipad lang tapos apat kami na nanonood.

 

 

"Yes, of course. Mamaya ko nalang aayusin to just leave it there. We can transfer to the living room para airplay ko nalang."

 

 

"Alright."

 

 

"You go ahead guys." kami na ni Nina ang nag ayos nung mga pinagkainan at pinauna na namin sila sa sala ni Yvonne. Icconnect daw niya sa tv para mas makita namin ng malinaw yung video.

 

 

 

 

 

"I'm gonna start here eleven-fifteen this is when she left the house. Kayo na mag judge sa mga next na makikita niyo. It's infuriating, hindi talaga ako makapaniwala na kayang gawin ni Wynona to."

 

 

I got the throw pillow and I sat beside Yvonne, she held my hand before ako sumandal sakanya. We went back to watch Wynona na ngayon naman parang may kausap ulit sa phone habang kakababa lang sa hagdan.

 

 

"Ano ginagawa mo ng time na yan Cass?" tanong ni Nina.

 

 

"I was in the room, as I recall it nag away kami kasi sinigawan niya ako dahil tawag daw ako ng tawag."

 

 

"Sinisigawan ka ni Wynona? what? parang ngayon ko lang narinig yan."

 

 

"Well nagsisigawan na kami when I broke up with her. The tension was always too high especially the following months after we broke up."

 

 

"Oh there, she's leaving." tinuro ko yung tv screen. Nakita namin na lumabas na si Wyn from the front door."Yan na ba yung video na proof mo Cass?"

 

 

"What? No. Tignan niyo to. Now tell me na nagkamali ako." she fast forward the video hanggang sa makaabot kami sa one o' clock timestamp."There is no room for denial. Sabihin niyo sakin na mali ako ng hinala tignan niyo kung gano siya kagago." napaayos ako ng upo when she played the video.

 

 

"Oh god who is that?"

 

 

"Hey Cass. It's okay, it will be okay." she started crying again kaya inalalayan siya ni Yvonne. Now I understand kung bakit ganito katindi yung galit at lungkot ni Cassie. Kitang kita nga sa cctv, around 1:30am, pumasok si Wyn sa bahay nila na may kasamang ibang babae. Nakaakbay siya dun sa girl na inaakay at niyayakap siya dahil muka siyang lasing.

 

 

"Lasing ata siya dito." I commented. Nag focus ako sa video na pinapanood namin because parang ang weird ng mga nangyayari.

 

 

"Do you see this? Putangina ang kapal ng muka nila, talagang dito pa mismo sa bahay ko!"

 

 

"Hey awat na!"pinigilan siya nila Nina when she was about to throw the glass sa tv. She was being hysterical. Habang kinakalma nila si Cass I continued watching the video. Nakasandal si Wynona sa couch at hinahawakan ng girl yung muka niya, I don't know pero something is really odd. Nakita ko pa na parang nagmamadali yung kilos nung babae at natataranta siya.

 

 

"What the.." nagulat ako sa nakikita ko. "Cassandra what the is happening here?" natigilan silang tatlo at tinuro ko sakanila yung screen. Sobrang nagtataka ako dahil parang iba yung nangyayari sa video. Nakita ko na nakasandal si Wyn sa couch at ginigising siya nung girl hanggang sa binuhusan siya ng isang pitsel ng tubig. "Are you sure nothing happened, bakit parang she passed out?" tanong ko.

 

 

"Oo malamang sa sobrang kalasingan niya wala na siyang malay, to the point na hindi na siya makatayo. Napaka gago talaga. Nagsinungaling pa talaga siya sakin hindi nalang siya naging honest."

 

 

"Kung bakit kasi walang audio to. This seems so off." so I mentioned to myself bago ako tumutok ulit sa video. Basa na yung damit niya, binuhusan siya ng tubig kaya gising na siya and now they are talking. She looks groggy pero mukang may malay na unlike kanina. Parang ngayon ko lang nakita malasing ng ganito si Wyn tsaka sa pagkakakilala ko kay Wynona parang hindi naman malakas uminom. 

 

 

"I never felt so cheated. Anong proof pa yung kailangan, ayan na mismo, nasa harap ko na. I ing hate you so much Wynona."

 

 

"She is crying."

 

 

"What's that hon?" nilingon ko si Yvonne. "There, Wynona is crying tapos cncomfort siya nung girl kung sino man to." hindi ko inaalis yung tingin ko sa video, ang higpit ng yakap nung girl kay Wyn and it's too obvious that she's crying kaya siya cncomfort nung girl na kasama niya. Pinipilit pa siyang tumayo at hinahatak siya palabas pero parang tumatanggi siya. Hindi ito yung video na ineexpect ko na makikita ko. 

 

 

"What are they talking about kaya? bakit parang masyado naman malalim. Sino ba tong girl na to, kilala niyo ba guys?"

 

 

"Actually she's not familiar. Dyan ko lang nakita sa video na yan."

 

 

Tinignan ko mabuti at lumapit pa ako sa screen. Hindi ko masabi kung ito ba yung girl na kasama niya sa Tagaytay pero parang hindi. Kasi iba yung built nung kasama niya at medyo matangkad.

 

 

Ang weird lang din ng ginagawa nila sa video, hindi ko alam kung nagaargue sila pero parang seryoso yung pinaguusapan at hindi pa din tumitigil si Wyn sa pag iyak. Nakapatong yung mga siko niya sa tuhod at nakatakip yung muka habang tuloy lang sa salita yung babae. Nakatayo siya sa harap ni Wyn at kinakausap niya.

 

 

Akala ko naman nahuli niya na nagkiss o may ginawang kababalaghan. Naguusap lang naman pala sa sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass