Legohouse (5)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sorry na medyo na-late ako ng update ;_;

 

 

 

--

 

 

 

Wish ko ngayong birthday ko?
Ang maging bag.
Sana naging bag nalang ako.
Edi sana ako yung niyagkap mo. (Huhu)

Nakaupo tayo sa may shed habang hinihintay dumating yung service mo.
Galing rin mag-timing nung driver nyo talagang ngayon pa siya nalate. (at syempre di ako nagrereklamo)

“Ang tanda mo na.” banat mo sakin.
Ouch.
“Hoy one year lang naman natin ah.”


Inakbayan kita tapos kunwari sasakalin kita pero ang totoo gusto lang kita mahawaakan. (landi talaga ni Seulgi.)

 

“Joke lang. Haha. Hapy birthday.”
“Akala ko di mo na ako babatiin eh.”
“Pwede ba naman yun? Plano ko kasi dapat ako unang babati sayo sa facebook kaso nauna na si Ate Moonbyul eh. Kaya ayun ayoko na.”

 

Tapos nagpout ka pa.

Respeto naman sa puso ko Irene di ko naman gusto mamatay ngayong birthday ko.
Kung meron mang mamamatay eh si Byul yun. Kasalanan niya pala kaya late ka nang bumati.

"Sorry na Ate Seulgi."

Tapos kumapit ka sa kamay ko habang nakapout parin.
Peste nanghihina naman ako. Sa lahat ng to sa tingin mo ba hindi pa kita mapapatawad?
In the first place naman hindi ko ata kayang magalit sayo eh.
Pero syempre mag iinarte muna ako ng konti.


"Regalo ko muna."
"Pakain ka muna diba birthday mo?"
Iba ka talaga eh no.
"Eh akin na muna regalo ko."

Joke lang naman talaga yun gusto lang kita asarin.
Kaya nung nakita kitang may kinukuha sa bag mo, gulat na gulat ako.

 

"M-meron talaga?"


Tinawanan mo yung itsura ko kasi sabi mo mukha akong batang excited mabigyan ng candy.

 

"Oo. Pero di ko sigurado kung magugustuhan mo eh."


Kung alam mo lang, kahit ano ibigay mo sakin magugustuhan ko.
Tatanggapin ko.
Lalo na kung puso mo. (harot talaga)
Sana nga puso mo nalang talaga eh.


"Ano ka ba." Tapos pinoke ko yung pisngi mo. (weh galawan)
"Kahit ano pa yan basta galing sayo."
"Talaga?"
"Oo naman crush kaya kita."

Nakita ko namang lumiwanag yung mukha mo at nagsmile ka.
Sabay inabot mo sakin ang isang USB.
Medyo kumunot noo ko tapos tiningnan kita.
Meron naman akong USB sa bahay eh.

 

Lowkey nag expect pa naman ako sa gift mo.
Pero okay lang kasi basta nga diba galing sayo.

Siguro nabasa mo yung iniisip ko kaya hinampas mo ako sa braso.
Aray masakit ha! Bayolente ka talaga pero gusto parin kita.

"May laman yan sa loob."
Tinakpan ko yung bibig ko at tiningnan kita na para bang nagulat ako.
 

"Hala Irene hindi ako nanonood ng ganyan."

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭