Connected (2)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

--

Di ko alam na posible palang makakalimot ka lang ng portion ng memory mo or rather pwedeng magreset yung memory ng isang tao pagkalipas ng isang linggo. 

Para lang kasing yung napapanood mo sa drama. Feeling mo imposibleng mangyari tapos eventually marrealize mo nalang posible pala kasi ayan na, nasa harap mo. nangyayari na. 

Nung tinawag ko si Joohyun that Monday at tiningnan nya ko na para bang unang beses niya palang akong nakita sa buong buhay niya, lalo akong nawalan ng pag-asang mapalapit sa kanya.

Pero sa tuwing nakikita ko siyang mag-isa at naiisip kong di ko pa siya nakikitang magsmile uli pagkatapos nung unang beses naming magkita pinapaalala ko sa sarili ko na I should’nt give up. 

Alam nyo yun? Yung may bagay kang gustong gusto mong gawin pero di mo maipaliwanag kung bakit. Gusto kong mapalapit sa kanya kahit alam kong mahihirapan ako knowing na she blocks people off and she doesn’t want to be friends with anyone dahil nga sa condition nya. 

The only explanation I know is it’s because she made me feel things. 

Vague parin, oo pero all I know is kahit alam ko na yung mga bagay na yun tungkol sa kanya, di na magbabago yung isip ko.


Another class ended at bilang favorite student ni Ms. Taeyeon si Joohyun ulit yung inutusan nyang magbitbit ng notebook sa faculty room. 

“Hi Joohyun! Tulungan na kitang magdala nyan?” 

Ang galing. 

Parang de ja vu. 

Pero di parang kasi alam kong nangyari na talaga tong scene na to before. Kaso nga lang, ako lang nakakaalala.

“Ah, hindi ayos lang kaya ko na to mag-isa.”

Pwede ko bang sabihin na di mo kailangang masanay ng mag-isa kasi nandito ako?

“Joohyun pasabi naman kay Ms. Taeyeon na bukas nalang ako magpapasa ng notebook oh? Naiwan ko kasi sa bahay eh.”

“Ah.. s-sorry. Ikaw nalang magsabi kay Ms. Kim.” 

“Sabi sayo tayo nalang magpunta sa faculty eh. Masungit talaga yang si Joohyun wala ka dyang mapapala.” 

Medyo gusto kong bigwasan yung nagsabi nun kay Minkyung dahil nakita kong nasaktan si Joohyun base sa expression nya.

Most probably di niya naalala si Minkyung kaya nya sinabi yun. 

Syempre magiging weird pag sinabi nyang “ah sige pero teka ano bang pangalan mo?” lalo na class president namin si Minkyung kaya nakakapagtaka.

Gusto kong iexplain sa kanilang lahat yung condition ni Joohyun para magbago yung tingin nila sa kanya pero wala naman ako sa tamang posisyon para gawin yun. 

Kaya katulad ng ginawa ko dati, binitbit ko nalang yung kalahati ng mga notebooks namin sa algebra at dinala yun sa faculty kasama nya.


-- 

Tinabihan ko si Seungwan na nakaupo sa may bench habang breaktime namin.

Masyado kasing maraming tao sa canteen lalo na sabay sabay yung break kaya dito muna kami naghihintay. 

Si Joohyun kaya kumain na? Sigurado nandun nanaman sa rooftop yun. 

“Wanie may tanong ako.” 

“Pano pag mabilis ka makalimot pero gusto mong maalala yung mga ginagawa mo nung mga nakaraang araw?” 

“Ba’t mo tinatanong?”

"Huh? Ah. Wala lang, gusto ko lang.”

"Ang weird mo.”

“Dali na parang di naman to bespren o.”

“Edi. mag diary ka. Tapos bago matapos yung araw isulat mo dun yung mga ginawa mo.”

Nakakaiyak. 
Minsan talaga nagtataka ako pano ako nagkaroon ng genius na bespren. 

“Thanks sa idea Wanie! Labyu!” 


-- 


Sumasakit yung ulo ko kapag inaalala ko kung ano yung mga pinagsusulat ko sa exchange diary na ibibigay ko kay Joohyun.

Feeling ko uninteresting at random ng laman pero kasi ayun lang talaga yung nangyari sa week ko. Hays. 

Naisip ko, ano ba tong ginagawa ko?

Pero kahit di parin ako sigurado sabi ko nga, there’s no turning back kaya humugot ako ng lakas ng loob para maglakad paakyat sa rooftop kung saan siya naglalagi pag lunch time bitbit yung diary na ibibigay ko sa kanya. 

“H-hi Joohyun! Ano.. pwede ba kitang maging kaibigan?”

Napafacepalm nalang ako sa utak ko.

Maliban sa nagulat ko siya, ba’t ba ko nagtanong kung mas malamang pa sa malamang na marreject ako.

Kaya bago pa siya makapagsalita, nauna na ako. 

“You probably can’t, right?” 

Sa sobrang kaba ko napaenglish pa ko. 

“Ganito nalang, g-gusto mo bang makipag exchange diaries sakin?

Tapos trade tayo after a week? 

Ayos lang kung di ka pa makapagdecide ngayon pero please take your time to think about it. Please?” 

Dahan dahan kong nilapag yung notebook at pen sa bench na inuupuan nya at di ko na hinintay na sumagot siya dahil tumakbo na ako kaagad.


--
 
(Diary entry) 

Hi Joohyun! Sorry kung nagulat kita sa exchange diary na to ah?

I just really, really want to be friends with you kaya kung binabasa mo na to at this moment, thank you! :) 

Ako nga pala si Kang Seulgi. 

Ganito, lumingon ka lang sa kanan mo, tapos sa tabi ng katabi mo, pag may nakita kang mukhang oso, ako na yun! Hehe.

So ayun, Monday nung maisipan kong gawin to. Bago ako umuwi, binili ko tong cute na notebook at cute na ballpen at pagkauwing pagkauwi ko, nagsulat kaag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭