Connected (1)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

 

--

Mga around last week ng 2nd year? nasa library ako nun kasama si Seungwan. 

As usual kahit patapos na yung klase acads is life parin siya. Nag aadvance reading para sa magiging subjects sa third year.
Senpai talaga. 
Meanwhile ako going through shelves, naghahanap ng libro. 

Nakakita ako ng isang makapal na book tungkol sa psych.
Ito na yung hinahanap ko. 
Maliliit yung mga sulat kaya marami pang spaces sa gilid saka sa baba. 

Babasahin ko ba? 
Syempre hindi. Ddrawingan. hehe. 
Kaya nga maganda kasi maraming space. 

Oo na alam kong illegal yung pangvvandalize ng libro pero siguro di naman to mahahalata. hehe pt. 2

Saka wala naman sigurong magkakainteres masyado magbasa nito kasi parang masyadong complicated. 

May pambili naman akong sketch pad pero gusto ko lang mag iwan ng memory sa isa sa mga libro sa library ng school. hehe pt. 3

Nung i-flip ko yung mga pages, may nahulog na library card. 
Akalain mo nga naman may nakahiram na pala nito.
 
Bae Joohyun.

"Wannie feeling ko ang ganda niya."

Napailing nalang si Seungwan nung pinakita ko sa kanya yung library card na hawak ko. 

"Grabe to, malay mo maganda siya. Kasi ang ganda ng name tapos.. ang bango pa ng library card nya."

I know i sound like a creep pero di ko naman sinasadyang maamoy yung library card nya. 
Pero di nga seryoso mabango talaga. 

Amoy lavender. 

Biglang bumukas yung pintuan ng library at pumasok ang isang babaeng maganda. 
Maganda sana kung di nya ko tinitingnan na para bang ako na yung pinakaweird na taong nakita niya sa buong buhay niya. 
At mas okay rin sana kung hindi nya ko naabutang sinisinghot yung library card na hinahanap nya. 

--

"Wanie tingin mo sa school natin yun nag-aaral?"
"Huh? malamang diba nakasuot ng uniform natin?"
"Nagtatanong lang eh. Hays ang bigat ng bag ko."
"Ba't kasi ang kapal nyang book na hiniram mo?"
"Secret."
"Tsk. Sige na umuwi ka na baka maiwan ka na ng train."
"Uh-hm. Sige bye Wanie! Ingat ka!"

Kaunti lang yung mga tao sa train nung mga oras na yun kaya nakaupo ako. 
Little did I know maliban sa pag upo makakaidlip rin pala ako. 

Kaya saktong pagdilat ng mga mata ko narinig kong inannounce na nandito na pala yung train sa station na bababaan ko. 

At dahil disoriented si ako, nagmamadali agad akong lumabas. 
Ang saya ko pa kasi sa isip ko nakaabot ako.
Kaso nung nakalabas na ko, narealize kong parang may kulang. 

Napamura nalang ako sa isip ko nung marealize kong naiwan ko sa inuupuan ko kanina yung librong hawak ko. 

Nakalabas na halos lahat ng passengers kaya halos gumuho yung mundo ko nung parang nagslow motion sa paningin ko yung pagsasara nung pinto. 
Pero bago pa tuluyang mangyari yun, nakita ko yung magandang babaeng nakita ko kanina sa library mirroring the same expression ng pagkataranta na na nasa mukha ko. 

In slow motion ko ring nakita na lumilipad yung librong hiniram ko sa cracks nung pasara nang pinto kaya nagmamadali akong sinalo yun. 

Sobrang lakas parin ng kabog ng dibdib ko pero kahit ganun, di ko napigilan yung sarili ko sa pag ngiti. 

And my smile grew wider nung nakita kong nakangiti rin siya sakin. 

Mas okay lang sana kung hindi pa umandar yung train eh. 
Kaya wala akong nagawa kundi pahabol na sumigaw ng thank you kahit alam kong di nya na ko maririnig.
Pero sa tingin ko naintindihan naman nya ko kasi she waved back nung kumaway ako sa kanya. 

Feeling ko na-love at second sight ako. 

--


First day ng third year. 

Ang saya ko nung makita ko sa master list ng section kung nasan ako si Seungwan kasi magkaklase nanaman kami. 
Pero nadoble yung sayang naramdaman ko nung may makita akong unexpected name sa listahan ng mga magiging kaklase ko this year. 

Bae Joohyun.

Ang lawak ng ngiti ko nung makita ko siyang nakaupo sa dulong upuan sa last row sa tabi ng bintana. 

Gustong gusto ko na siyang lapitan nun kung hindi lang dumating si Ms. Kim. Kaya naisip ko, mamayang uwian nalang siguro. 

Buong araw na yun wala akong ibang hinintay kundi mag uwian. 

Kaya nung lumabas yung adviser namin after ng homeroom tumayo ako agad para lumapit sa kanya. 

Yung kabog ng dibdib ko kasing lakas nung kabog nung naiwan ko yung book nun sa train.
Sobrang ganda niya talaga. 

Inipon ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako nung mga oras na yun para kausapin siya. 

"B-bae gusto ko palang mag thank you dun sa pagaabot mo sakin nung book nung muntik ko na maiwan yun dun sa may upuan sa train."

Tiningnan niya lang ako na para bang inaalala nya kung nakita nya na ba ako kahit minsan sa buhay niya. 

"Ah.. siguro di mo na yun naaalala pero basta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭