Legohouse (9)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

 

--

 

Aw. 

Tinabihan ko si Jisoo at dahil natouch ako niyakap ko siya.

Saglit lang naman kasi baka makasuhan ako ng ual harassment (dejoke lang harassment agad?!) Kasi naramdaman ko yung pag stiffen nya.

 

Nginitian ko siya then ginulo ko yung buhok nya.

“Thank you Jisoo.”

“H-huh? Bakit?”

 

Nag-shrug lang ako tapos kinamot ko yung batok ko kasi di ko rin alam bakit ako nag-thank you.

Siguro dahil unang una sa lahat sa ice cream. (hehe)

Pero siguro dahil talaga yun sa nandito siya ngayon sa tabi ko habang feeling broken ako.

Kasi sinusubukan nyang kong i-cheer up.

Tapos sa simpleng gestures nya nararamdaman kong concern siya sakin.

Or basta kasi lately lagi siyang nasa tabi ko at sa simpleng presence nya lang gumagaan pakiramdam ko.

 

“Ang weird mo. Thank you saan sa ice-cream? Nag-thank you ka na kanina ah? Masyado ka bang nag-enjoy sa libre ko kaya di sapat yung isang thank you lang?”

“Hm. Isa na rin yun.. Pero basta thank you. Thank you sa concern. Na-touch ako.”

“Ang drama mo.”

“Saka anong thank you? Ako naman dapat ilibre mo sa susunod no.”

Tapos  pinisil nya yung ilong ko.

 

Bakit ba ang hilig nitong mamisil?!

 

“Aray Jisoo di ako makahinga ang sakit na nga ng puso ko tapos ginaganito mo pa ko, gusto mo ba ko mamatay? Huhu.”

“Oo mas mabuti pa ako nalang pumatay sayo kaysa mamatay ka sa stress kay Irene. Tsk pano ba naman kasi ako nga Advanced Algebra lang pinoproblema ko tapos ikaw..hay kabataan talaga ngayon.”

Nung tinanggal nya yung pagkakapisil nya sa ilong ko may pag-iling iling pa si Jisoo.

 

“Grabe talaga mga highschool ngayon no? Ang bata bata pa ang lalandi na. Kaya ikaw Jisoo nako mag-aral ka munang mabuti”

“Wow sayo talaga nanggaling ah?”

“Oo bakit matino naman ako ah? Wag ka mag-alala ako naman manlilibre sayo… pag nagkatrabaho na ko.”

“Ang daya mo!”

 

Nagtawanan nalang kami ni Jisoo after nun. Ang gaan talaga sa pakiramdam kasama ng taong to.

Panigurado magiging more than friends kami kasi magiging mag bestfriends kami. (jiseul is cancelled)

 

“Pero kidding aside, basta Ate Seulgi pag bugbog sarado na yung puso mo kay Irene punta ka lang sakin nandito lang ako. Ako bahala sayo igaganti kita.”

 

Tapos tinaas niya yung fist nya at finlex ang imaginary biceps nya.

Ang cute talaga ni Jisoo nakakainis kaya crush ko to dati eh.

 

--

 

Kakatapos lang mag-lunch break at as usual naman sa overly active sa programs naming school ay may ganap nanaman.

Ah naalala ko na.

Ito nga pala yung film showing kung saan pinagawa ng sarili sariling movie yung bawat year at bawat section.

As usual behind the scene nanaman yung papel ko sa section namin kasi lagi naman akong sa props eh. (sinong nakakarelate?)

Taga drawing, pero sanay naman na ako atleast may dulot diba?!

 

Konti lang naman yung bawat section sa school namin, mga 5-6 sections lang kada year.

Pero di naman ibig sabihin na porket konti lang kami eh yung buong movie ng bawat section yung ipapalabas.

Baka sa school na kami matulog pag ganun no.

Kaya yung mga movie trailer lang.

 

Bago ako magpuntang auditorium eh umakyat muna ako sa room para hanapin yung mga kaibigan kong lately eh laging missing in action kasi busy sa mga lovelife nila.

Nakakatampo nga eh.

Lagi naman kaming nagkikita sa school malamang magkakaklase kami kaso di kasi kami magkakalapit ng upuan.

Kasalanan kasi ng alphabetically arranged diba?

Kang, Park, Son.

O pano kami magiging magkakatabi?

 

Tapos pag free time naman lagi silang nasa alam nyo na kung saan.

Ako, nasa journ room madalas.

Pag uwian lagi nilang hinahatid mga girlfriend nila.

Minsan nalang kami magkakasabay umuwi.

Pero mahal ko parin naman sila.

Meron naman kaming group chat tapos nagkakatext naman kami. Nagkakausap usap parin naman kami sa school kahit pano.

Though di tulad dati di ko na sinasabi lahat ng tungkol satin sa kanila kasi ang alam nila malapit na daw maging tayo. (kung alam lang nila)

Saka ewan ko, minsan talaga may mga bagay na gusto natin satin lang diba?

Di naman nila kasalanan na unlike ng sa kanila, lowkey tragic yung lovelife ko.

 

At parang alam nila na medyo nagtatampo ako, pagdating ko sa room dinumog ako ng mga loko.

“Miss ka na namin”

“Sus layuan nyo nga ko dun na kayo pinagpalit nyo na ko kinalimutan nyo na ko mga taksil kayo.”

 

Kunwari galit ako tapos di ko sila pinansin.

 

“Seulgi sorry na babawi kami sayo”

“Seulgi please wag namang ganito, wag ka makipagbreak”

“Layuan nyo si Seulgi akin lang si Seulgi!”

“Wag ka na magtampo ikaw nga para ka nang nakatira sa journ room eh.”

“Oo nga tapos pag-akyat mo dito sasabihin mo nalang bigla tapos na tayo?!”

“Ano Seulgi sinong pinalit mo sakin si Joohyun ba huh? Si Joo---“

 

At bago pa isigaw ulit ni Joy yung pangalan mo ay tinakpan ko na yung bibig nya.

Adik talaga tong mga kaibigan ko kaya siguro pati ako adik rin (adik sayo. weh).

Kaya pano ako magtatampo diba?

Kahit naman anong gawin ko, bestfriends for life ko sila. (cheesy ni Seulgi)

 

“Bahala kayo. Ako nga yung pinagpalit nyo eh.”

“Sorry na lika na dali libre ka namin bago tayo umakyat sa audi”

“Madali lang naman ako kausap eh. Tara na guys labyu.” (basta libre siyempre diba?!)

 

--

 

Pag-akyat namin sa taas, marami nang tao.

Nakakainis ang hirap mo tuloy hanapin.

Oo na medyo nagtatampo ako kanina pero syempre lumilipas din yun.

Naisip ko, ano naman kung crush mo lang ako tapos mahal kita?

Hindi naman ibig sabihin na pag hindi ka mahal ng mahal mo eh mawawala nalang bigla yung feelings mo sa kanya.

Saka ginusto ko naman to eh.

Kaya okay lang.

 

Di talaga kita makita.

Pano ang dami talagang tao dito sa audi ngayon pano kasi buong school ba naman nandito diba?

Kasya naman lahat ng estudyante kaso mahirap magkahanapan. Saka naiayos narin ng CAT yung seating arrangements kaya siguro mamaya nalang kita hahanapin.

Mags-sorry uli ako sayo about dun sa kanina.

Tapos yayayain narin kita na sabay tayo umuwi.

 

--

 

Syempre sabi nila 12:30 magsisimula pero alam nyo naman Pilipino, diba kaya 1:00 na nag-umpisa.

Di katulad nung last na program na halos hindi ako nakinig, ngayon excited ako kasi masaya to.

Makikita mo yung mga schoolmates mo na umaacting, mas maganda pag kakilala mo pa.

Tatlo lang naman yung pwede mo maramdaman dun eh.

Kung magaling tapos maganda yung acting at pagkagawa edi maaamaze ka.

Then kung hindi tapos parang feeling mo gusto mo na kainin ka ng lupa dahil sa secondhand embarrassment para sa kanila edi magki-cringe ka.

Tapos syempre ang paborito ng karamihan, yung parang gago lang pero atleast nakakatawa.

 

Random yung pagkakaplay nung mga trailer kaya nakakagulat kasi unang pinalabas yung sa section namin.

Di naman ako kinakabahan kasi syempre wala naman akong mukha dun.

Proud lang ako na napapa-woah yung mga estudyante pag nakikita yung ilan sa mga props na ginawa namin at mostly dinrawing ko para sa medyo fantasy naming movie.

Aba syempre pinaghiran naming gawin yun no. Nag overnight pa kami. (overnight na highkey movie marathon)

Ang di ko kinaya eh nandun pala si Moonbyul sa movie namin.

Kaya pala nagtatago siya sa likod ni Joy.

Kasi siya yung gumanap na evil witch.

Tapos syempre nakakatawa.

Pero magaling yung pagkakaportray nya.

 

Enjoy na enjoy kaming pagtripan lalo na yung mga lower years na kakilala namin na halatang napilitan lang at sobrang cringey ng acting.

Kung ano ano pang kalokohan ang pinag-uusapan namin about dun sa kakatapos lang na trailer nung biglang narinig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭