When you love someone (2)
Feelstrip
--
Ito yung isa sa mga maswerteng araw na nasasabayan kita pauwi.
Kaya eto ako, nakabuntot nanaman sayo.
Buti nalang di mo dala yung bike mo ngayon.
Kasi kawawa naman ako kung nagba-bike ka tapos nakasunod ako sayo nang naglalakad lang diba?
Pero oo ginagawa ko yun minsan. hehe.
Papabili na nga ako ng bike para di na ko mahirapan sa mga time na yun tapos mas may rason ako masabayan ka.
Gusto ko sanang tumabi sayo kaso nahihiya ako kaya dito nalang ako sa likod mo.
Medyo dumistansya na rin ako ng konti.
Para di ka mainis sakin.
Napansin ko medyo bumagal yung paglalakad mo tapos bigla kang lumingon.
Kahit sobrang charming ng monolid eyes mo di ko parin maiwasang manghina pag tinitingnan mo ko ng ganyan. huhu.
"Bakit?"
"A-anong bakit?"
"Ba't ka nandyan?"
Huminto ka na sa paglalakad habang nakatingin parin sakin.
Hinihintay yung sagot ko.
"Aren't you going to answer me?"
"A-ano.."
"Parehas lang naman tayo ng daanan pauwi d-diba?"
"Ah okay."
Tapos nagpatuloy ka na sa paglalakad but this time you're walking faster.
Ang haba na nga ng binti mo nagmamadali ka pa maglakad jusko naman!
"Wait lang Seulgi!"
Sabay takbo ko para makahabol sayo.
Luckily naisipan mong huminto at lumingon uli.
"What?"
"G-gusto lang naman kita kasabay pauwi eh."
Yumuko nalang ako tapos yung pagkasagot ko sa sobrang hina feeling ko di mo narinig.
"Eh bakit ka nga nandyan?"
"H--huh?"
"Pano naman tayo magiging magkasabay kung nandyan ka sa likod ko?"
Wait lang nagpprocess pa utak ko.
"A-ano?"
"Dito ka kaya sa tabi ko, pabo."
"Para halata namang magkasabay tayo. Hindi yung mukha kang stalker sa likod ko."
Maganda ba ngayong araw mood mo?
Kasi ako, kahit muntik nang marinig ng buong class yung love letter ko para sayo, plus napalabas tayo ng room nang may bitbit na armchair oo.
Sobrang oo.
--
"Joohyun bilisan mo dali may naghahanap sayo!!"
"Huh? Ako?"
"Oo bilisan mo dali sa labas dali!"
Bakit ba nakakailang dali na to si Joy eh eto na nga lalabas na ko eh.
"Joohyun dalian mo na!"
Ano pa bang dali gusto nito?
Nauna pa nga siya lumabas ng room kasabay yung ilang classmates naming babae na hindi ko alam kung anong dahilan ba't nagkukumpol kumpol sa labas eh.
"Bakit ba Joy ano bang minamadali m---"
Pagkalabas ko ng room may lalaking matangkad na nakatayo sa labas at pinapalibutan ng mga kaklase ko.
Sino naman to?
Di ko alam anong sasabihin ko so, tinitigan ko lang muna siya ng ilang segundo.
Siniko naman ako ni Joy sabay bulong ng,
"Ano ka ba Joohyun si Oh Sehun yan! Oh Sehun!"
Oh Sehun?
Ah Oh Sehun. Yung captain ng basketball team.
Eto pal
Comments