Legohouse Extras

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

onting note (lol):
extra uli para sa mga namiss yung legohouse seulrene saka para to sa isa sa mga "pinakakyut" kong tropa assejIM7 yieeeee. pigilan mo kiligin boi parehas tayong bakla. hahaha. 
lol so eto na nga hehe sorry na agad enjoy reading saka thank you ulit kasi binabasa nyo to kahit corny ako TT haha :D

--

Ang muntik nang pagkabunyag ng lihim ni Seulgi

--

Kasalukuyan akong nasa ilalim ng kumot dahil alas dos na ng madaling araw na at gising pa ko. 

Bakit? syempre may pinagpupuyatan (hihi) 

Nag iingat akong di mawalk-inan habang naccellphone ng ganitong oras dahil yari ako pag nagkataon. 

Lately mainit sa mata ni mama ang phone ko dahil madalas nya daw akong napapansin na nagccellphone lang. 

Okay lang sana kung nagccellphone lang pero nagccellphone while smiling widely ang kaitsurahan ko kaya naiisip nya na may /inubo; boyfriend na ako. 

Dahil senyales daw ng may jowa and nakangiti habang nagpphone. Di ko maintindihan. Di ba pwedeng nakabasa ka lang ng nakakatawa o nanonood ka lang ng seulrene vids o di kaya nagbabasa ng fics? (charot) 

Nang finally nag goodnight na ang Hyunnie ko, nilagay ko yung phone ko sa bulsa ng shorts ko at lumabas ako ng kwarto para mag cr dahil matutulog na ko. 

Tinakbo ko yung switch ng ilaw kasi madilim nakakatakot at pagtapos nun pumasok na ko sa cr.

Sa di inaasahang pangyayari, paglabas ko ng cr kakalabas lang ni mama ng kwarto niya at sa gulat ko, tumalon yung phone kong nasa bulsa ko.
Pano kasi mababaw lang yung bulsa ng shorts ko. 

Nagising ang diwa ko ng malala lalo na nung lumapit si mama para damputin ang kawawa kong phone na nakahandusay sa sahig. 

"Pupunta ka lang ng cr may dala ka pang cellphone?"

Di siya tunog galit. Pero minsan kapag mas mahinahon mas nakakatakot. Kaya medyo nangangatog ako at the moment. 

Akala ko kabado na ko pero wala nang mas nakakakaba pa nung oras na marinig ko ang mga salitang

"Anong password nitong cellphone mo?"

Ako yung tipo ng taong sentimental at hindi nagbubura ng messages sa phone lalo na pag galing sa minamahal ko. 

Sabi ni Hyunnie ko ganun din daw siya kaya cute.

Pero nowhere near cute ang pag iipon ko ng malalandi at mga sweet messages sa panahon na to dahil isang shaky na

"P-po?" lamang ang nasagot ko. 

Di ko pa napag iisipan yung sasabihin ko pag dumating ang araw ng pag amin ko sa mama ko kaya di ko ineexpect na mangyayari ang ganitong insidente ngayon gabi. 

Wala na kong maisip kundi silent prayer habang sinasadya kong bagalan ang pagtrace ng S sa security pattern ko dahil baka magbago ang isip ni mama pero sa tingin na binibigay nya sakin alam kong yari na talaga ako. 

Pinaupo niya ako sa tapat nya habang nakaupo sya sa sofa at malamang sa malamang ay binabasa ang mga messages ko. 

Iniisip ko nang kila Byul ako makikitulog pag pinalayas ako o di kaya sa tabi nalang ako ng kalsada. 

Wala. 
RIP Seulgi. 
Buti nalang mahal ka ni Joohyun. 

"Sinasabi ko na nga ba."

Pagkalipas ng mabilis lang na mga wala pang 3 minutes pero feeling ko isang oras, umiiling iling si mama at parang masusuka na ko ng legit sa kaba dahil umiikot yung sikmura ko nang ipakita nya sakin ang text message mong

"Goodnight Ddeulgi ko. Tulog ka na ah? sweatdreams. Iloveyouuu. (with sampung heart emoji)"

Tapos pinindot nya pa yung picture mong nandun sa contact photo. 

"Sinasabi ko na nga ba."

Nablangko na yung isip ko sa takot kaya nanahimik nalang ako tapos tumingin sa baba. 

"Marunong ka nang gumani ganito pinalitan mo pa yung picture at pangalan ng boypren mo ng babae para di ka mahalata. Akala mo di ko malalaman?"

"Ma sorry po--"

Wait lang ano daw teka? 

Pinalitan ng picture at pangalan? 

Parang nadrain bigla yung kaba ko.

Ma.. actually babae po talaga yan walang pinalitan dyan. nasa isip ko yun pero di ko syempre sinabi. 

Minsan talaga, kahit nasa harap na natin ang katotohanan hindi parin natin nakikita. 

Kagaya ng case ng mama ko, na nakita na nya ang lahat pero napalayo parin ang conclusion nya. 

Pagkatapos nun, sinabi ko kay mama na ka MU ko lang yun kunwari at hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭