Legohouse (3)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

 

--

 

"Pag nakawala ako dito papatayin ko kayo."                                 

“Atleast mamamatay kaming naka amin ka na. Hindi patay na kami bago ka maka amin.”

Bago ko pa mamura uli si Moonbyul nagsisigaw na si Joy.

                                                                                                                  

"AYAN NAGREPLY NA SI IRENE!!"

At kahit syempre naiinis ako eh highkey nag-aabang ako sa reply mo.

 

Kayo kaya mapaamin nang wala sa  oras.

 

"Seryoso?"

"Oo. Haha."

 

Nanggigil talaga ako kay Joy pamura ulit pta! May Haha pa baka isipin mo ginagago lang kita.

 

Pero aba sa reply mo parang ikaw yung nanggagago.

“Talaga? Yiee. Sabi na ang ganda ko talaga eh.”

 

Tawang tawa naman yung mga walang hiya nung hinablot ko yung phone ko kay Joy nung makawala ako sa kanila.

Di ko alam kung malulungkot ba ako o matatawa sa reply mo.

Pero siguro okay na rin yun. Atleast maayos yung reaction mo sa sapilitang confession ko diba?

Kaysa naman sa iba dyan na gusto din daw ako tapos bigla akong iniwasan.

Pasalamat talaga yung mga kaibigan ko at hindi ka natakot nung napa-confess ako dahil kung nagkataon pinatay ko na sila at pinagmukha kong mass suicide.

Sumakay nalang rin ako at nireplyan kita ng “Oo ang ganda mo kasi eh. Haha.”

Pero maganda ka naman kasi talaga.

Mas maganda nga lang sana kung nireciprocate mo yung feelings ko.

After naman nun nagtuloy lang rin yung pagtetext natin ng parang walang nangyari, parang yung usual na usapan lang.

Siguro di ko nalang ibi-bring up yung topic uli. Kasi baka maging uncomfortable ka.

Kasi baka low-key rejection na yun diba? Ayaw mo lang siguro ako masaktan.

Baka pag kinulit kita isipin mo pa di ako makatake ng hint.

Okay na siguro yung ganito muna ang mahalaga hinahayaan mo akong malapit sayo.

Pero di ako magsisinungaling na medyo nasaktan ako kasi na-“Talaga? Yiee. Sabi na ang ganda ko talaga eh.”-zoned ako.

Kaya dapat talaga wag umasa.

 

--

 

(3rd year na si Seulgi at Grade 8 si Irene)

 

Ang hirap magkagusto sa kasing ganda mo.

Nung nagkaroon ng competition sa taekwondo na ginanap sa school natin syempre halos walang klase dahil support sa mga players.

Andami mong fans nakakainis. Pagbibigwasan ko tong mga lalaki na to eh.

Pano ba naman ang ganda ganda mo sa uniform nyo. Ang cool mo tingnan.

Akalain mo ang liit mo pero black belter ka. Hehe joke lang pero maliit ka na man talaga pero syempre ang cute mo.

Todo cheer kami sa inyo. Kahit naman malandi ako di ko nakakalimutang suportahan si Byul no.

Pero syempre mas inaabangan ko match mo.

Medyo kinabahan ako kasi ang laki ng kalaban mo pero as expected gold medal nakuha mo. (galing ng baby ko hehe. Joke lang)

Masaya ako kasi wala kang injury na nakuha.           

Nga pala gold medal din nakuha ni Byul.

Pagkatapos ko siya icongratulate nilapitan kita.

Kaso parang pipila pa ata ako sa dami ng gusto mag-congratulate sayo.

Etong Bogum nga may pa-flowers nanaman. Kuyugin ka sana ng mga bubuyog. (Bad Seulgi)

Ako wala akong maibibigay sayo maliban sa sarili ko. (charot)

Umupo nalang ako sa gilid at hinintay na maubos sila.

 

Kaya grabe yung kilig ko nung nakita mo ako at iniwan mo lahat ng fans mo para lumapit sakin at umupo ka sa tabi ko.

Ha! Ano ka ngayon Bogum!

 

Tinaas mo yung medal mo at pinakita sakin habang naka-smirk “Gold oh. Galing ko diba?”

Napaka-humble mo talaga.

“Oo. Napanood ko kanina. Congrats.”

“Thank you.”

“Balik ka na dun inaantay ka na ng fans mo. Si Bogum oh.”

Syempre kahit naman gusto ko masolo kita ayaw ko maging selfish kasi wala namang tayo ni di mo nga ako gusto eh.

Nagshrug ka lang sabay sabing “Yaan mo siya. Yaan mo sila.”

“Baliw.”

 

Natawa ka lang nun tapos para lang tayong tanga na nag titinginan lang at nag ngignitian.

Alam nyo yung comfortable silence? Ganun.

 

Until binasag mo yung silence between satin.

“U-uhm. Ate Seulgi.. di ako sasabay sa service mamaya. Sabay tayo uwi?”

“Di ka ba papagalitan ng mommy mo?”

Syempre pabebe ako saka co

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭