Legohouse Extras

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

--

(3) Merry Christmas and Happy New Year

--

Malapit nanaman mag New Year.

Nandito lang ako sa kwarto habang iniisip yung mga school works na dapat tinapos ko na nung mga nakaraang araw pero inisip ko lang talaga siya at di ginawa kaya wala parin akong natapos hanggang ngayon. (galing)

Naglaro nalang ako ng forever favorite kong laruin tuwing pasko at new year ewan ko kung bakit pero tetris yun.

Naglaro lang ako hanggang sa maubos yung energy at di na ko makalaro ulit habang naghihintay ng text from a certain someone. (hihi)

Natapos na ko at wala paring reply sa text kong haha kaya nagscroll muna ako sa newsfeed ko sa facebook.

For sure mamaya, maglilipana nanaman yung mga posts/pictures na may caption na: page 1 of 365. (diba diba?)

At yung mga long messages na thanks for making my year something something.

Sa labas naman rinig na rinig ko yung mga batang nagtotorotot at kaliwa't kanang mga nagvvideoke na kapitbahay.

Napansin ko na lahat pero wala paring reply--

One message received!

Hyunnie ko: ang hirap naman replyan ng haha :((

Seul: Ay ganun ba? sorry na hyunnie koo

Hyunnie ko: haha okay lang :P ano na papag-usapan natin? tanong ka!

Seul: hmm kahit ano?

Hyunnie ko: yep!

Seul: hmm Hyunnieee tatalon ka mamaya?

Hyunnie ko: >:(( akala mo matangkad ka ah! haha

Seul: mas matangkad naman sayo! :--P


Lumipas ang ilang minuto at di ka nagreply.
Hala nagalit ka ba?


Seul: Hyunnie?

Seul: Hyunnie! :--(

Seul: Hyunnie joke lang yun sorry na :--(

Seul: sorry na plss. tatalon din ako mamaya sabay tayo :--(

Hyunnie ko: uyy di ako galit may ginawa lang haha. pupuntahan mo ko? 

Seul: kung pwede lang eh :--(

Hyunnie ko: miss na kita :((

Seul: mas miss kita! :--(((


Hays.

Ang tagal na rin nung huli tayong nagkita.
kelan pa ba yun?

Ah, nung Christmas Party pa. (tang- ang oa)

Mga 2 weeks narin.

Pupuntahan sana kita sainyo nung Pasko kaso wala naman kayo sa bahay nyo kasi nagcelebrate kayo ng Christmas kasama relatives nyo.

Tapos after nun umuwi na kayo para dito mag New Year pero di na ko makahanap ng timing na makaalis ng bahay uli kasi wala akong maidahilan.
Ang hirap ng strict yung parents.

Kaya ayun.

Chat tapos text lang.
Most of the time text kasi di ka mahilig magfacebook.

Kagaya ngayon.

I wish i could see you kaso hanggang text lang tayo. (sorry na kung madrama si seulgi yaan nyo nalang lol)


One message received!

Hyunnie ko: pinakamiss kita!

 
Natawa nalang ako kasi tingnan mo ang competitive mo talaga.
sige na nga mas miss mo na ko hihi. (..)


Seul: sige na nga. :--P

Hyunnie ko: good :P. hm may tanong ako.

Naks good parang bata lang eh no.
Naaalala ko tuloy yung mga taong ginagamit panlandi yung ate or kuya. Tapos pinakamalala yung gumagamit ng po. Hay grabe yung mga ganung tao. Pang galang yung po hindi panlandi!


Seul: sige po. ano po yun? (a-wow)

Hyunnie ko: ba't yung mga emoticon mo instead na ganito lang :) ganito :--) or instead na :( ganito :---( ba't palaging may ganito? -- ?

Seul: aahh. para po makahinga sila.

Hyunnie ko: makahinga?

Seul: ilong kasi yan. -- tingnan mo :) <-- pano to makakahinga pag ganyan lang siya? kaya dapat ganito :--)

Hyunnie ko: pfft. hahahahaha


"Tita si Seulgi ang lawak ng ngiti habang nagccellphone siguro may boyfriend na talaga yan"

Anak ng.

Ang cute talaga ng mga pinsan kong to.

"Ano Yujin ano?"

"Tita si Seulgi hahampasin daw po ako ng torotot tita o!"


Kaya di kami pumupunta sa relatives namin tuwing pasko or New Year kasi sila yung pumupunta dito sa bahay.

Ang gulo tuloy.

Pero joke lang medyo masaya naman.

Pero magulo parin. lol.


"Tumigil nga kayo dyan at tumulong kayo dito sa kusina"

"Opo."


Hyunnie ko: ddeulgi?

Hyunnie ko: uy uy uy :--(( (nilagyan ko na din ng ilong para makahinga reply ka na pls)

Seul: hyunnie ko! brb. ang kulit kasi ng pinsan ko napatulong tuloy ako sa kusina mamaya nalang ulit ah? i love you! :---*

Hyunnie ko: haha sige sige take your time! tutulong din ako may mama eh. i love you too! :---*

Seul: i love youuu! text nalang kita mamaya ah?


"Tita may nabasa akong I love you--"


Mahal ko talaga tong pinsan kong si Yujin pero feeling ko mamaya may masasaktan talaga eh.


--

One message received!
--

BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*

~~

If you don't pass this message to 50 other people within 5 minutes, next year will be unlucky!

pass this if you don't want to be unlucky :( and for better 201*!

Advance Happy New year!! 

--

@solar: baby miss na kita!
@seulgi: punta ako sa inyo mamaya!
@joy: bawal daw chicken sa new year maghihirap daw

-gm
#byullovessolar
#wagmagpaputoksaloobngbahaydunlangtayosalabas
#happynewyearguys


--


Nagmadali pa naman akong kunin yung phone ko kasi akala ko ikaw yung nagtext yun pala si Byul.

"pass this if you don't want to be unlucky and for better 201*"

Ano ba yan madami na nga akong iniisip dagdag pa to si Byul eh!

Ano kayang mangyayari pag di ko to pinasa mamalasin kaya talaga ako?

Siguro hindi naman kasi di naman totoo yung chain messages diba?

Babalik na ko uli ng kusina--

Pero sige na nga send ko na nga lang.

Mamaya malasin talaga ako next year pag di ko pinasa to sa 50 other people sa contacts ko eh.

Naka unli naman ako kaya wala naman sigurong mawawala.


--

BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*
BETTER 201*

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭