When you love someone (7)
Feelstrip
--
"Luh. may pagbitbit ng gamit. close sila ni Tzuyu?"
Yung mga tanong na nasa isip ko vinoice out lang rin ni Joy.
Di naman ako makasagot kasi di ko naman alam anong meron sa inyo saka naiiyak ako kasi naiinis ako sayo.
Oo wala naman akong karapatang mainis pero naaasar parin ako kasi ang daya mo.
Ba't ganun ka kay Tzuyu? May gusto ka ba sa kanya?
Kelan pa kayo naging close?
Pano na ko?
"Hyun.. okay ka lang?"
Tinapik ako ni Seungwan with a concerned look on her face.
Okay lang ba ako?
Syempre hindi pero malamang sasabihin ko oo.
"Huh? ah. okay lang. Tara uwi narin tayo."
"Maya na tayo uwi. Daan muna tayo kina Ate Waffle libre ko kayo."
Dumaan kami sa tindahan ni Ate Waffle na located sa bandang dulo ng subdivision. Umupo muna kami dun sa mga provided na upuan habang hinihintay yung inorder naming tatlong taro shake at mga cheese sticks.
Kung normal na araw to, sobrang saya ko kasi syempre libre to diba.
Kaso broken hearted ako. kaya hindi ako masaya.
"Alam mo Hyun, bigyan mo kaya ng chance si Sehun."
"Huh? Bakit? anong chance?"
Tiningnan ni Joy si Seungwan bago niya ibinalik yung tingin sakin at itinaas yung kilay niya.
"Diba pumoporma yun sayo?"
"Eh? baliw. Hindi no."
"Joohyun. Ano sa tingin mo, bet ka lang ni Sehun ka-uwian buddy? Ayos ka lang? May gusto yun sayo teh!"
"Oh?"
Si Sehun? Bakit? Pano?
"Hala siya. Hindi ka naman basta basta aayain ni Oh Sehun dahil trip nya lang."
"Huh eh bakit ako?"
"Jusko Joohyun nakita mo na ba yung mukha mo sa salamin? Masyado ka kasing preoccupied dyan kay Seulgi eh ang haba haba ng listahan ng mga gustong manligaw sayo."
Kung iisipin, hindi naman ako sobrang unaware dun. I've received a few (a lot) confessions galing sa kung sinu-sino na tinurn down ko lang lahat.
Hindi naman kasi ako interesado.
Kasi anong magagawa ko, ikaw yung gusto ko.
Lately pakiramdam ko nagiging less colder ka na sakin pero the next day parang tinutulak mo ko palayo.
Tapos ngayon naman nakita kita kasama si Tzuyu.
Hindi ko na alam gagawin ko.
Ako gumagawa ng listahan to how to make you like me back pero parang ikaw gumagawa ng how to push Joohyun away.
"Mukhang mabait naman si Sehun ah?"
"Oo mabait naman. Pero malay mo gusto lang talaga nung tao makisabay."
Ngumiwi si Joy habang inuumpisahan nya nang kainin yung mga cheese sticks niya.
"Bakit ikaw sasabay ka ba sa kung kani-kanino lang?"
"..."
"Hindi."
"Yun pala eh."
"Oo nga Hyun, try mo lang. Bigyan mo lang ng chance si Sehun. Wala namang mawawala eh. Yaan mo na yun si Seulgi nakakaasar yun."
Napalingon ako nang marinig ko yun kay Seungwan na sobrang supportive sa feelings ko para sayo.
"Binebenta nyo na ba ako sa iba?"
Natawa naman silang dalawa sa seryoso kong tanong.
Lumapit si Seungwan sakin para i-pat ako sa likod bago siya nagsalita.
"Hindi sa ganun. Gusto lang namin na makahanap ka ng taong kayang suklian yung feelings mo. Ayaw ka naming masaktan kasi kaibigan ka namin."
Ang sakit naman.
Hindi mo ba talaga kayang suklian yung feelings ko?
O kahit hayaan mo man lang akong mapalapit sayo?
"To be honest kasi, ilang taon ka nang loyal pero hanggang ngayon wala akong nakikitang progress sa oso mong masungit."
Siguro sila wala pero iba kasi yung nararamdaman ko eh.
Anong ibig sabihin nung pagpunta mo sa bahay para icheck kung nakauwi na ko?
Yung pagbibigay mo sakin ng jacket at payong?
Yung pagtatanggol mo sakin?
Alam ko baka nag-aassume lang ako pero kasi pag ginawa sayo ng taong gusto mo yung mga bagay na ganito, hindi mo maiwasang umasa eh.
"Kung ayaw mo naman magbigay ng chance sa mga manliligaw mo.. pigilan mo muna kaya yung sarili mong tumingin, lumapit, kausapin or gumawa ng kahit anong bagay na related kay Seulgi?"
"Oo nga. malay mo, diba nasanay yun nang naghahabol ka sa kanya? Malay mo mawindang yun."
That made me think.
Kasi hindi ko alam kung kaya kong gawin yun dahil araw araw halos ikaw lang yung laman ng isip ko.
Saka hindi ko naman alam kung may mapapala ako kasi parang wala ka namang paki sakin.
Kaso as i've said baka nga wala kang paki sakin... mas lalo na ngayon kasi mukha
Comments