Legohouse (end)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

--

 

Kahit walang ganap sa second day ng intrams ko eh wala na kong mahihiling pa kasi I spent it with you. 

Magkasama tayong nanonood nung mga laro tapos nag-iikot ikot lang tayo sa mga booths. 

 

"Hi Ate Seulgi!"

"Hi Irene!"

 

Naramdaman kong humigpit yung hawak mo sa kamay ko nung nakasalubong natin si Jisoo habang papunta tayo sa canteen. 

 

"Hi Jisoo! san punta mo?"

"Ah, babalik na ko sa booth ng math club, punta kayo dun mamaya ah?"

"Sige sige bibili lang kami."

"Okay, bye!"

"Bye!"

 

Paalis na sana tayo nung biglang bumalik si Jisoo para usisain yung kamay nating magkahawak.

 

"Hala sobrang kapit akala ko nakahandcuff."


Tiningnan kita tapos natawa nalang ako kasi parehas tayong nagba-blush. 

Then tinawanan din tayo ni Jisoo. 

 

"Grabe kayo simula kahapon ayaw nyong maghiwalay ah?"

"Bumalik ka na nga dun sa booth nyo!"

"Haha. Oo na!"


--


3rd day ng intrams. 

D-day. 

Ang araw na pinakahihintay ko. (akala mo lang Seulgi ikaw lang naghihintay?!) 

Bago yung GA mamayang hapon, syempre last day ng intrams so marami paring activities. 

Though hanggang 1 lang kasi malamang kailangan ring magprepare ng mga estudyante at umuwi sa kanya kanya nilang mga bahay. 

Para hindi naman masyadong uneventful yung intrams ko eh napagdesisyunan namin nila Joy na sumali sa obstacle race na last game for this day.

 

"Hyunnie sasali akong obstacle race."

Inalis mo yung tingin mo sa phone mo para tingnan ako. 

 

"Mag-ingat ka dun ah?! Ang clumsy mo pa naman."

Aw. Para ka talagang nanay minsan. 

 

"Opo ma."

Expected ko na yung hampas mo sa balikat ko.

 

"Ano bang pinagkaka abalahan mo dyan?"

Sinilip ko yung ginagawa mo kasi kanina ka pa pasmile smile habang hawak yung phone mo. 

 

"Bakit selos ka?"

Aba. 

Pano mo nalaman? 

"Oh. Ayan tingnan mo."

 

Bigla naman akong inubo kasi nung tiningnan ko yung phone mo eh ini-istalk mo pala facebook ko! 

 

"Stalker ka talaga!"

"Bakit ba nag-iipon ako ng pictures mo eh."

Ang galing kasi sinabi mo yun sakin ng parang wala lang. 

Pero yung puso ko nagwawala na. 

 

"Tingnan mo ang ganda ng wallpaper ko."

Nashook naman ako kasi yung wallpaper mo, picture ko habang natutulog! 

"Hala san mo nakuha yan burahin mo nakakahiya huhu."

"Kay Ate Byul pinapasa ko."

 

Nilayo mo lang sakin yung phone mo at pinagtawanan ako. 

"Wait lang."

Akala mo ikaw lang may picture sa phone ah. 

 

"Ang cute mo dito."

Tapos pinakita ko sayo yung baby picture mo na nakita ko sa display sa bulletin board nyo. 

Wallpaper ko rin.

"Seulgi burahin mo yan!"

Ang cute mo kaya dito kahit mukhang bonakid preschool ka sa putik mo sa mukha.

"Ayaw ko nga!"

 

Bago yung obstacle race, nakapaglaro pa ko ng isang laro. 

 

Agawan ng phone. 


--


"Aray Hyunnie dahan dahan lang naman."

 

Di ko mapigilang magflinch kasi grabe ka naman makapaglagay ng band-aid sa sugat ko akala ko ba you like me?!

Okay kasi naman nasagi ng kamay ko yung edge nung sirang upuan na kasama dun sa obstacle race so,  nasugat ako. 
Di naman ganun kalaki pero habang naglalakad tayo pauwi at nilalagyan mo ng band-aid yung sugat ko, todo sermon naman yung inabot ko sayo. 

 

"Ang kulit mo kasi eh! Sabi ko na sayo mag-ingat ka diba?"

Hays. Pag naging tayo na talaga mamaya magkakaroon na ko ng second nanay. (wow) 

 

"Hindi ko naman napansin na matulis pala yung side nung upuan-- ouch!"

"Hyunnie naman eh."

Nakakainis galit ka na nga ang cute mo parin. 

 

Nakakaiyak ang liit lang naman ng sugat ko pero grabe ka makapag-alala pere ne telege keteng gerlpren. 

 

"Sorry. Kasi naman sa susunod wag ka naman masyadong clumsy please? Lagi ka nalang may sugat."

Nakakatawa kasi medyo ang OA mo magreact pero kasi kinikilig ako. 

"Opo. sorry rin. Thank you sa pag gamot ng sugat ko."

Itatago ko talaga tong band-aid na galing sayo. (oo na dugyot pero bakit ba senti ako eh) 

"Thank you rin sa paghatid. Ingat sa pag uwi ah? Date pa kita mamaya."


Di mo nalang ako basta date lang mamaya Hyunnie basta sagutin mo lang ako. (hihi) 

 

--


Pagdating namin nina Byul, Joy at Seungwan sa school, magsi-6 pm na.

Wow naman sa 4:30.

Tapos na rin pala yung awarding nung sa Mr. and Ms. Intrams. 

At as expected, nanalo ka. 

I'm really really happy and proud of you kaso sayang lang, nakakalungkot kasi di kita napanood. 

Nung nalaman ko yun, hinanap kita kaagad para i-congratulate ka. 

Saka sabi mo ako date mo diba? 
Kaya dapat talaga tayo magkasama. 

Winiwish ko lang na sana di ka nagalit sa pagiging late ko. 

Kaso ganyan talaga ang life parang buhay kaya nung makita mo ako tiningnan mo lang ako ng masama. 

Alam kong dapat pinoproblema ko ngayon kung pano ako hihingi ng sorry sayo pero kasi sobrang ganda mo kahit sobrang simple lang nung purple dress mo. 

Wait lang nalaglag yata yung puso ko. 

 

Inayos ko muna yung sarili ko, konting pagpag ganun (kala mo naman may nagawa talaga yung pagpag) para kahit nakasimpleng blue shirt at jeans lang ako eh okay lang ako tingnan sa tabi mo. 

Then, hingang malalim tapos naglakad na ko palapit sayo.

Kaso dahil parang nabadtrip ka talaga sakin, nung nakita mong palapit ako, umalis ka naman dun sa circle nyo ng mga friends mo.

 

3rd game of the day, habulan. 

 


My legs are longer than yours pero bakit ambilis mong maglakad? 

Nakaabot na pala tayo sa garden. 

 

"Hyunnie, sorry na."

Hinawakan kita sa braso para mapahinto ka. 

"Wag ka na magalit please?"

I heard you sigh then sa wakas, humarap ka na rin sakin. 

"I'm really sorry."

"Sorry na kung late yung date mo."

Tapos hinawakan ko yung kamay mo. 

"Ba't ka nalate?"

Ano bang idadahilan ko? 

"U-uhm.. ano.. s-something just came up sa bahay.."

"Bakit parang di ako naniniwala?"

Eh kasi di ko naman pwedeng sabihin sayo. 

"Nagsa-stutter ka pa. nakakainis."

Then hinila mo yung kamay mo sa hold ko para umalis uli. 

Di pa ko makapag-explain ngayon pero di pwedeng papaalis nalang kita basta ng ganito. 

 

So, I hugged you. (ayun oh nice one seulgi!)

Ako yung nakabackhug sayo pero ako yung kinikilig. 

Kasi naman first time ko to ginawa. 
Ewan out of reflex?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭