When you love someone (6)

Feelstrip
Please Subscribe to read the full chapter

---


"Oh, anak nako bilisan mo magpalit ka na ng damit at baka magkasakit ka. Buti may dala kang jacket at payong."

 

Nako ma, di sakin to sa future daughter in law mo to (hihi) 

 

Hanggang makauwi ako sa bahay sobrang lakas parin ng ulan. 
Thank you talaga sa payong at jacket mong kaamoy mo pa. 
Kung di lang ako medyo nabasa di ko pa to huhubarin eh, sayang. 
Wag ko na kaya to isauli sayo to? 


Di ko talaga inexpect na babalik ka para sakin. 
Nag-alala ka ba? or naawa ka lang kasi alam mong wala akong payong? 

Sana yung una pero the fact na naisip mo ko, sobrang saya ko na. pang isang linggong saya na to. (charot) 

Feeling ko magiging favorite ko na ang rainy days. 
Basta ba ganito lagi.
Kaso sana next time tayong dalawa na sabay sa payong tapos kahit wala ng jacket hold me nalang. (charot pt 2)

 

"Nako si Seulgi nakita ko kanina pagbili ko sa tindahan, umuwi ngang nakabike wala namang payong, basang basa! Pinagsabihan ko ngang magpalit rin at maligo agad mamaya magkasakit nakakaawa naman wala pa namang kasama sa kanila."


Kahit sobrang kinilig ako sa ginawa mo di ko parin mapigilang maguilty at malungkot at the same time.

Pwede naman kasing sabay nalang tayo bakit kailangan pang iwan mo sakin yung payong at jacket mo para mauna ka? 
Ganun mo talaga ako kaayaw makasama? 

Ang weird mo naman parang nagdate lang tayo kahapon eh. (chos lang) pero di mo ba matiis presence ko this time kaya mas pinili mo nalang magpaulan?

Eh nginitian mo naman ako kanina ah? May pa-pat-pat ka pa nga ng ulo ko eh. 

Mas gusto mo pang maligo sa ulan eh ang lamig lamig nga kahit suot ko jacket mo.

Sipunin ka pa naman mamaya magkasakit ka. 


"Joohyun maligo ka na wag kang tumayo lang dyan sa tapat ng pinto ng cr!"

"Ay opo eto na po."

--

 

Pagkatapos kong maligo umakyat na ko sa kwarto.

Naisip ko, ibabalik ko na sana tong payong mo ngayon sayo para may reason akong makita ka kaso sabi ni mama bukas nalang kasi malakas parin yung ulan tapos medyo late na rin. 

Nasermonan pa nga akong konti kasi kasalanan ko pala daw ba't ka umuwi ng naligo sa ulan. 

Sasabihin ko sana ganun talaga ma kasi mahal ako ni Seulgi kaso baka tamaan ako ng kidlat bigla. 

 

Yung jacket mong kakatapos ko lang patuyuin sa electric fan pinagiisipan ko pa kung ibabalik ko pa sayo ang bango kasi eh kaamoy mo. huhu. 

Feeling ko tuloy habang suot ko to, nakayakap ako sayo. (sorry na kung tunog manyak)

Hay. ano kayang feeling nang mayakap mo? 


"Joohyun!"

 

Ba't kaya yung boses ng mga nanay kahit gano ka kalayo maririnig mo? 

Parang nakamegaphone. 


Kaya kaagad naman akong bumaba para tingnan kung bakit ako tinawag ni mama. 


"Po?"

"May naghahanap sayo."

 

Huh? anong oras na kaya tapos umuulan pa.


"Po? sino po?"


Sabay turo ni mama sa may pinto na slighty nakabukas kaya naglakad ako papunta dun. 


"Ayaw pumasok eh sasaglit lang daw siya."


"Seulgi?!"


Malamang shook ako pinagpapantasyahan ko yung jacket mo kanina lang sa taas tapos pagbaba ko nandito ka na. 


"Gulat na gulat ah?"

"A-ah eh ano.. hehe. gabi na ah? tapos ang lakas pa ng ulan ba't ka nagpunta dito?"


Nahiya akong konti kaya pinilit ko ibahin yung usapan. 


"Anong oras ka na nakauwi?"

"Huh? ano.. mga bago mag 8"

"Ah."

"......."

 

"Payong ko pala kukunin ko na."


Tiningnan ko yung pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Chaewonx
#missingbaejoohyun

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 34: Ang cute nila dito!!
yoonhyunseo
#2
Chapter 52: Bakit ngayon ko lang to binasa! Kiligssss ~♥~
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 50: <333
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 14: kakilig yung chap na ito hahahaha><
broke_asf
#5
Chapter 52: Ang cute sana all po
vanillacookiescream
#6
Chapter 43: Forgot this is one of the best since ang frequent ng joohyun pov. I feel bad T.T
Wintojiman
#7
Chapter 52: Ganan din kami dati, awts gege ahahahahah
future_mrs_liu #8
Chapter 52: Napaka cute naman nito. Pero galing makapagpasmile.
Gab_17
#9
Chapter 52: Ang soft nila, kakiliggg
kmtyn309
#10
Chapter 52: fluffy 😭