-Day Two-
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Oy, Diary. Hindi ako nalate kanina. Ang galing nuh? Pero alam mo ba kung bakit? Syempre, hindi mo alam. Ginising lang naman ako ng bwisit kong landlady. Naniningil na naman ng upa sa bahay. Susko, diary. Kung hindi lang talaga isa't kalahating swapang iyang si Aling Ising. Akalain mo yun, alas tres nang madaling araw, mambubulabog ng tulog. Bwisit talaga. Kung hindi ko lang kailangan ng goodvibes ngayong araw, naku naku! Ipapapapak ko siya sa mga ipis sa paupahan nya. Kainis! Pero syempre, hindi ko na masyadong inisip yun. Inisip ko na lang na blessing in disguise yung si Aling Ising kasi nagising ako ng maaga. Pagkatapos ko magbayad ng upa sa bahay at maghanda ng sarili ko ay dumiretso na ako sa lugar na nakalagay sa notepad ko na kulay pink. Oh di ba, diary. Parehas kaya ng kulay ng notepad ko. Cute cute nuh? hihi. Pagdating ko sa lugar, namangha ako sa laki ng bahay. Ang laki, as in. Hindi man sya kasing laki ng bahay ni Winnie Revillame, lubha namang napakalaki nito kaysa sa tinitirhan ko ngayon.
Comments