-Day Three-
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Pasalamat ko kasi sinaway sila ng direktor. Pero akala ko lang pala. At nakisali pa. Eto ang sabi, "hoy. Tigilan nyo nga yang si Riyu. Hindi yan Aeta. Igorot yan. Igorot. Ahaha." oh, kita mo. Sarap salpakan ng isang buong inihaw na tulingan ang bunganga. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho, naku naku. At kung hindi lang ako jackpot sa amo ko, nasapak ko na yung mga kasama ko. Ang gaganda kasi eh. Eh kaganda ko naman sa kanila. Hmp. Next na scene na kinunan ay sa bunganga ng bulkan. At susko, diary, susko. Anung ganda ng view. Parang gusto ko tuloy tumalon. Pero syempre, di ko ginawa. Ayoko pa mamatay nuh, pa kasi ako. Next na kinunan ay ang scene kung saan kukunan ng family picture ni Karyn yung mga pamilya. Alam mo, diary, medyo sumikip ang dibdib ko nun. Naalala ko kasi ang pamilya ko na naiwan sa Mindoro. Hindi dahil sa kamukha nila yung mga Aeta hah. Ganyan kasi kami kasaya dati. Dati, bago ko sila awayin. Bago ko sila iwan at lokohin. Isang taon na rin pala. Isang taon na.
Comments